Chapter 2 Dead and Alive
Third Person's POV
Naglalakad si Reya papasok sa isang high class mall. She's wearing a corporal attire that is perfectly fits her body. Nakalugay ang lagpas balikat nitong straight na buhok. Napapalingon ang mga nakakakita sa kaniya but nobody dares to approach her, lalo na ang mga nakakakilala sa kanya. Taas-noo siyang humakbang sa escalator. Palagi niyang pinipiling dumaan sa escalator kaysa sa elevator ng naturang mall.
Lingid sa kanyang kaalaman ay isang lalaki ang kanina pa siya pinagmamasdan.
Namataan na niya ang dalaga nang papasok pa lamang ito ng entrance. Halos makalimutan ng lalaki ang pakay niya sa mall nang makita si Reya.
"Miss Jean, gusto kong makita ang profile ng mga empleyado at occupants ng Nisia Mall." Utos nito sa kasama.
"Sige po sir" agad na sagot ng babae.
Sigurado siya na hindi lang basta napadaan lang ang dalaga sa mall na ito dahil hindi pa nagbubukas ang mall. Its just around 8 in the morning kaya mga authorized persons pa lang ang nakakapasok. Maaaring empleyado siya rito.
Samantala, pagkapasok na pagkapasok ni Reya sa isang Mobile and Gadget Shop ay nataranta kaagad ang mga empleyado sa loob.
Hindi nila inexpect na makikita ang dalaga. Bihira lang siya bumisita.
"What?" Taas-kilay nitong tanong sa mga empleyadong natigil sa ginagawa.
"Para kayong nakakita ng multo. Is this how you greet the owner? Tssk. I guess I have to replace all of you."
"Ah. Good morning po Miss Clemente."
"Good morning Ma'am"...
Natatarantang bati ng mga ito.
"Pasalamat kayo, wala ako sa mood tumanggap ng bagong empleyado kung hindi sisanti kayong lahat." Aniya saka dumeretso sa loob ng kanyang private office.
Nakakapanibago sa mga empleyado nito dahil ilang linggo nang naka-lock ang opisina niya.
"Bakit nandito ang bruha?"
"Malamang siya ang owner dito."
"Shocks! Nakakatakot siya. Pwede kayang huwag na lang siyang magpapakita? Wala naman siyang ginagawa rito. Kawawa nga si Sir John, siya lahat ang nag-aasikaso."
"Akala mo naman kung naghihirap mag-hire ng applicants, ni hindi niya nga yata kilala ang mga tao niya eh."
"Huh, maganda lang ang mukha. Ang pangit naman ng ugali. Siguradong walang lovelife 'yan."
Panay ang bulungan ng mga ito tungkol sa kanilang amo.
REYA'S POV
I'm bored. Wala naman akong ginawa buong umaga. I just went here to check this small business of mine. Wala akong planong magtayo ng sariling company or mag-invest sa iba kahit pa may pera naman ako para gawin iyon. This shop is enough. Here, hindi ko na kailangang kumilos. What's the use of employees then? All I have to do is watch out if they're loyalty is on me at di nila ako pinagnanakawan.
Ilang araw na matapos ang huli kong laban. Wala pa 'kong schedule ng susunod. My wounds and bruises are not yet fully healed. Thanks to make-ups, naitatago ko ang mga ito.
Isang tunog ng pagbagsak ng bagay ang umistorbo sa pag-iisip ko kung ano ba ang kakainin ko sa tanghalian.
Inis akong lumabas.
"Sorry po Ma'am. Sorry po. Dumulas po kasi sa kamay ko." Paumanhin ng stupidang babae.
"Paano ko bibilhin ngayon 'yan? Look! Basag na ang screen nito." A customer said.
"Hay naku. Hindi naman yata original ang mga tinda niyo rito. Such a waste of time." Dagdag pa niya. Nagpanting ang tainga ko sa narinig.
"Its all authentic bitch." I interrupted.
Napalingon ang lahat sa akin. Even the other customers. John also came in. Siya ang in-assign kong magpatakbo ng shop ko. Bakit late ang isang 'to?
"Ha? Anong sabi mo? How dare you! Sino ka ba? Ganito ba kayo magtrato ng customer?"
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Jusmiyo! Nagpapatawa ba ang matabang ito?
"Miss Clemente, ako na po ang mag-aasikaso ng lahat." John said almost trembling. Halos hindi ko na marinig ang boses niya sa sobrang hina.
"No need. I will handle this. So back off." Its a command.
"Gawin mo ang trabaho mo" dagdag ko pa. Alam na niya kung anong ibig kong sabihin.Alam niya kung ano ang isa sa pinaka-ayoko sa lahat, mga nakikitsismis na nga, kukuha pa ng picture o video.
Matapos siyang utusan ay bumaling akong muli sa matabang babae.
"Miss or should I say MRS., first of all I am assuring you that all of our products are authentic. I have proofs. Pero ikaw yata ang mahilig sa fakes." Tinignan kong isa-isa ang mga suot niyang alahas. Para siyang Christmas Tree but none of these are authentic. Isang tingin pa lang alam ko nang imitation ang mga ito. Even her Chanel kuno na bag.
Narinig ko pa ang pigil na tawanan ng ibang customers. Siguradong alam nilang kumilatis ng fake sa hindi.
Tila napaurong ang dila ng mataba. I smirked. Hindi uso sa akin ang "customers are always right" na kaartehan.
"As for the phone," referring to the broken phone na pinagdidiskusyunan nila ng saleslady kanina. "Don't worry dahil hindi ko naman ipipilit na bilhin mo ito."
"Bwisit ka! Sa tingin mo bibilhin ko ito? Matapos mo akong pahiyain?" Naiiyak niyang sagot.
"Hindi na ako babalik dito! Ito na ang pinakamalalang tindahan na napuntahan ko. Malugi sana kayo." Sigaw niya bago nagmadaling umalis.
"Like I care. Stupid." Mataray kong sagot maski pa nakalayo na siya. Sa pagkakaalam ko, hindi siya ang nakasira kundi ang empleyado ko. Tanga pala siya e. And I don't need a customer like her. Hindi niya lang alam, mabubuhay ako kahit wala ito. Yeah... mabubuhay... that word doesn't fits me. I don't know its worth to me.
"Oh. Tapos na ang shooting." Sita ko sa mga nasa loob habang ang mga mata ko ay nasa saleslady na may hawak ng sirang cellphone. Gumalaw ang mga empleyado at customers sa mga dapat nilang kalagyan. Ang daming tsismoso sa mundo.
"Ma-Ma'am... pasensya na po kayo." Takot na paumanhin ng babaeng nakabasag ng phone.
"How much is that phone?" I asked.
"Thirty thousand nine hundred fifty po." Naiiyak niyang sagot. Marahil ay alam na niya ang kahihitnan ng aming usapan.
"Okay then. Since ikaw ang nakabasag, kailangan mong bayadan 'yan."
"Ma'am wala po akong gan'on kalaking pera, nagpapaaral po ako ng kapatid ko-" I cut her off.
"Don't tell me na may sakit ang ama or ina mo. Nakasangla ang bahay niyo? O nakakulong ang kuya mo? Wala akong pakialam kung gaano kasaklap ang buhay mo." She's so annoying.
"Wala na po kaming magulang." Really annoying! Hindi ba makaintindi ang babaing ito?
"Miss Reya, pwede po bang sa loob niyo na lang ng office pag-usapan ito?" Singit ni John. Tinignan ko siya ng masama implying na wala siyang karapatang diktahan ako kung ano ang gagawin. I am the boss. I rule this place. Gagawin ko kung ano ang gusto ko.
"Para matapos na ito. All you need to do is to pay the item you broke. Ikakaltas ko sa sahod mo.Ayokong matulog ang pera ko kaya kakaltasan ka ng 80 percent kada sahod mo." Seryoso kong sabi. Of course hindi ko yun itutuloy, kasuhan pa ko ng DOLE. Hindi sa natatakot ako, ayoko lang ng dagdag trabaho.
Nakakabwisit lang kasi. I'm the boss right?
And I won. Natahimik silang lahat. Subukan lang ng kahit sino na kumontra, ingu-ngudngod ko siya sa sahig. Walang sinuman ang pwedeng kumontra sa akin.
Anong oras na ba? Nagugutom na ko. I have to leave now. Sakit sa ulo ang mga tao rito.
"Magkano ulit ang cellphone na 'yan? Thirty thousand plus? I'll buy it." Alam kong ako ang kinakausap ng papansin na lalaking nagsalita. Tssk. Kumukulo na ang sikmura ko. Baka kainin ko ito ng buhay.
"Okay Mr. Knight in Shining Armour, do what you want." Balewala ko sa lalaki. Ni hindi ko siya nilingon. Pakialamero. Nahagip ng mata ko ang hitsura ng saleslady, namumula ito. Blushing huh! Bahala kayo sa buhay niyo. I am about to go back to my office to get my bag nang magsalita ulit ang lalaki.
"Paano naman ang atraso mo sa akin? Mukhang kinalimutan mo na."
Duh! Anong pinagsasabi niya?
***
RENZO'S POV
Nakasimangot siyang lumingon. Kanina pa ako narito sa loob, tahimik na nakikinig at nanonood. Hindi ako makapaniwala sa mga kinilos niya. Is she really serious on her business? The way she acts... so unethical.
"What are you saying? Sino ka ba?" Paharap niyang tanong sa akin. She really looks like Merian. Siguro kung nandito pa siya ngayon, ganyan na ganyan ang magiging hitsura niya. Bakit? God, pinarurusahan Mo ba ako?
"Ang bilis mo naman yatang makalimot, Miss Reya Clemente? Usal ko. I crossed my arms while staring at her back.
"This is nonsense. Pwede ba maghanap ka ng kausap mo." Nakatingin na siya ngayon sa akin. I can't find any hint that she remembers me.
Samantalang ako, hindi niya pinatutulog sa gabi. Bakit kasi kamukha niya si Merian? Kahit masakit, pinilit kong tanggapin na wala na siya. Pero ngayon, I don't know anymore. Kahit napakaliit na chance lang.
"How about my car? Hindi mo ba ito babayaran? I spent money to fix it." Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya.
"Oh, yung lalaking nakadrugs? Really, is that you? Huh, nagmukha ka yatang tao ngayon." What did she say?! I just stand straight and acted like I am not affected by what she said.
"Ah talaga? Paano naman natin ilalarawan ang hitsura mo noong oras na yun Madam?" Balik kong tanong sa kanya. Napahawak pa ako sa aking baba.
Bigla siyang namula sa galit. Akala mo ba kaya mo ako? Ano kayang ginawa nito para takpan ang mga galos niya sa katawan? I'm curious about her now... if she's isn't Merian, siguradong hindi maganda ang buhay ng babaing ito.
"Don't you remember? Gusto mong ipaalala ko sa'yo?" Hamon ko.
"STOP!" She screamed. Nagulat ang lahat sa ginawa niya. Parang sasabog na ito sa galit. Kung mukha siyang reyna kanina na pinapagalitan ang mga servants niya, ngayon ay mukha siyang tigre na mananakmal. Masyado siyang ma-pride.
"Dahil ba ito sa nabangga kong sasakyan mo? Sinabi kong babayaran ko di ba? O baka naman-"
Naantala ang pagsasalita niya dahil sa natatarantang lumapit ang lalaking tinawag niyang John kanina. Hula ko ay nasa trenta anyos na ang lalaki.
"Miss Reya, pasensya na pero kumalma muna kayo" ani John. Lumapit ito kay Reya at bumulong sa babae. Kahit mahina ay dinig pa rin ang bulong na ito.
"Siya po si Lorenzo Andrews."
"Ngayon? Wala akong pakialam sa pangalan niya!" malakas na sambit ni Reya.
Napailing na lang ako.
"Siya po ang bagong may-ari ng mall na ito." - John.
Natigilan si Reya sa narinig. I smirked. Hindi niya talaga kilala kung sino ang binabangga niya. I cross my arms again while watching at her shocked face. Kahit itago pa niya , nababasa ko ito sa mukha niya.
"Bakit? Nasaan si Mr. Wong?" Pag-iiba ng tono niya. Hindi sa paraang maamo. Malumanay pero nagbabanta na parang sinasabing, "lagot ka sa akin, bakit hindi ko alam ito?".
"Iyan po sana ang irereport ko sa inyo nang malaman kong dumating po kayo Ma'am. Tungkol sa pagbabago ng management. Biglaan din po ang ito Ma'am." Paliwanag ni John. He placed his right hand at the back of his head.
Matalim na nakatingin si Reya sa lalaki.
Isang mahinang pag-ubo ang ginawa ko para iparating na narito pa ako sa harap nila.
"Sa tingin ko sa opisina na lang natin pag-usapan ito. Miss Reya, I want to set an appointment with you this afternoon at exactly four o'clock." Utos ko. Masyado na kaming nakakakuha ng atensyon
"And please don't be late." Pahabol ko bago nilisan ang shop.
***
REYA'S POV
Hindi ako sumusunod sa utos. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko! Hindi ako sumulpot sa apppointment na sinabi ni Lorenzo kahapon. Nang umalis siya, agad din akong umalis sa shop at di na bumalik pa.
Come on, ito ang mundo sa labas ng organisasyon. Dito, malaya kong gagawin ang gusto kong gawin. Ako ang magku-control ng sarili kong buhay... gamit ang perang pinaghihirapan ko. Walang sinuman ang pwedeng mang-api sa akin.
MERIAN FELIPE
Tinype ko sa keyboard ng aking laptop. Ex-girlfriend yan ng Lorenzo na yun. Inutusan ko si John na ibigay sa akin ang profile ni Lorenzo Andrews. Siya ang nag-iisang tagapagmana ni Lawrence Andrews, isa sa pinakamayayamang tao sa Pilipinas. Wala akong paki sa mga business nito. The only thing that caught my attention is that he had an ex-girlfriend named Merian.
Maraming lumabas sa search results. Then, a picture caught my attention. It is a photo of a girl who looks like me. I hold the mouse and pointed the arrow to the picture, saka ako nag-click.
I am redirected to an article. A news...
"SUICIDE: ANAK NG DATING SENADOR, NATAGPUANG PATAY" - Iyan ang nasa Headline ng naturang online news portal.
So, nagcommit pala ng suicide ang babae sa pamamagitan ng pagtalon sa isang tulay.
Walang hiyang Lorenzo na 'yan? Pinagkakamalan pa kong ex niyang patay na! According to John's research about the guy, kakabalik pa lang nito galing Canada. Namatay si Merian almost eight years ago, habang iyon din ang length ng inilagi ni Lorenzo sa abroad. It means wala siya nang mangyari ang insidente. At ayon sa article, depression ang dahilan kaya nagpatiwakal ang dalaga. Uh... ang kanyang senador na ama ay nakulong at namatay sa kulungan during that time, too. How tragic.
Pinatay ko ang laptop at isinantabi ang folder na naglalaman ng information tungkol kay Lorenzo. I've got enough infos.
Punyemas! Mag-aala-otso na pala! Bwisit na Lorenzong 'to, pinagod akong mag-isip. Binigyan pa ko ng trabaho.
Inayos ko ang aking sarili at lumabas na ng opisina. Gulat na tumingin ang mga empleyado ko.
John's busy sa kanyang desk, holding tons of papers. Pero nang makita ako'y agad siyang tumayo at nagsalita. "Ingat po Miss Reya" aniya. Hindi ko siya mabasa, unlike the others na alam kong plastic sa akin. Wala akong balak alamin, basta ayusin lang niya trabaho niya sa'kin. Kasingdami ng trabaho niya ang benefits na ibinibigay ko sa kanya. Aayaw pa ba siya?
Deretso akong naglakad papuntang exit habang nagpapaalam ang mga empleyado ko. Wala akong pinansin ni isa.
Two days in a row. Wow ha. Nakapasok ako ng dalawang araw. Kasalanan ito ni Lorenzo Andrews.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top