Chapter 18
Third Person's POV
"Kanina pa siya diyan. Buong araw na siyang nagkukulong at nag-eensayo mag-isa." Pambungad kaagad ni Derek sa kanyang among kadarating lamang.
Hindi siya pinansin nito at sa saradong pinto siya nakatingin. Napahawak tuloy siya sa kanyang ulo.
"Boss, hindi sa nangingialam, pero kailangan pa ba talaga natin siya sa grupo natin?" Alangang tanong niya.
Napaharap si Arthur sa kanya at bumunot ng baril. Walang alinlangang itinutok nito ang baril sa kanyang may peklat na mukha.
"Sa tingin mo, kailangan din ba kita?" Nanlilisik ang mga matang tanong niya. Mga matang hindi mag-aalinlangang pumatay ng kahit sino na siyang nagdulot ng kaba sa kausap.
Napataas na lamang ng mga kamay si Derek bilang tanda ng pagsuko. Naupo siya sa silya samantalang binaba ni Arthur ang baril niya.
Isa ang lugar sa mga hideouts ng grupo. Napadakong muli si Arthur sa saradong pinto.
"May operation tayo mamaya sa Norte. Sabihan mo ang lahat na maghanda. Dating lugar." Utos niya.
Makalipas ng ilang oras, naroon pa rin sa loob si Reya. The whole place is similar to a gym which is equipped with different materials for work out.
Ang tunog ng kanyang cellphone ay nakikipagsabayan sa bawat pagsipa niya.
Napahinto siya sa pagsipa sa punching bag. Mabibilis ang paghinga at tagaktak na siya ng pawis. Maging ang suot na itim na sando ay basa na rin.
Nag-aalab ang mga mata nito at waring uhaw na uhaw sa paghihiganti.
Tuluyan na siyang huminto sa ilang oras na pagpapalakas ng katawan.
Naupo siya sa sahig at isinandal ang pagal na katawan sa pader. Di niya alintana ang namamagang braso na binalot lamang niya ng puting tela.
Nagsimulang tumunog muli ang kanyang cellphone subalit wala siyang balak na lapitan ang maliit na lamesa kung saan nakapatong ito kasama ng kanyang bag.
Nang matapos ang pagtunog ay isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa buong lugar.
Nagpasya siyang lapitan ang bag at damputin ang cellphone na nasa tabi lamang nito. She had 27 missed calls and several text messages.
Inuna niyang buksan ang nasa inbox at tahimik na binasa ang mga mensahe. Ngunit isa lang sa mga texts na ito ang nakakuha ng kanyang atensyon.
Nagsimula siyang pumindot sa keypad ng kanyang makalumang cellphone.
Daven's POV
Pambihira, sa dinami-dami ng lugar, sa malayo pa nakuhang makipagkita.
Gabi na nang sa wakas ay maka-receive ako ng text mula sa kaniya. Mukhang may mali sa mga nangyayari. I have this feeling that I involved myself in a very critical situation.
Hindi ko mapigilang mapangiti na tiyak na mas lalong nagpadagdag sa kapogihang taglay ko.
Nagpalinga-linga ako sa labas ng bintana ng aking sasakyan para hanapin ang mismong building na pupuntahan ko.
"Bingo" mahinang sabi ko matapos matanaw ito.
... I just wanna lay on my bed
Don't feel like picking up my phone...
Pakanta-kanta akong pumasok sa loob ng restaurant, sinasabayan ang pinakikinggang awit sa aking headset.
Kakaonti lang ang tao sa loob. Iginala ko ang paningin sa lugar upang hanapin siya.
Malawak ang loob kaya't naglakad-lakad pa ako, until a waiter approached me.
"Excuse me Sir, may hinahanap po ba kayo?"
Tinanggal ko ang headset na nakasalpak sa aking tainga.
"Ah hindi, namamasyal lang ako." Pabiro kong sabi saka sinundan ng malakas na tawa. Napakamot naman ng ulo ang aking kausap.
Mahina akong napaubo. "Seriously speaking, I'm looking for someone. Magkikita raw kami rito."
"Ano po ang pangalan nila Sir?"
"Daven Chavex."
"This way Sir, may nag-aantay nga po sa inyo kanina pa."
Sumunod na lang ako sa waiter.
Nakita ko siyang nakaupo sa pinakasulok na parte ng restaurant. Pandalawahan lang ang table. Napakunot-noo ako sa nakita. Paano ko naman siya makikilala kung ganyan ang kanyang ayos?
She's wearing a black shade and a gray hoody.
Agad ko siyang nilapitan.
"Yow. Mukhang naiinip na ang ka-date ko." Biro ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. "Talking to my hands" bubulong-bulong akong naupo sa harap niya. Hindi siya nagpatinag sa pagkakaupo.
"Tapos ka na palang kumain, hindi mo man lang ako hinintay" Biro kong muli habang nakatingin sa may bawas nang pagkain sa aming harapan. Hindi niya ako pinansin bagkus inutusan niya ang waiter na kasama ko para alisin ang mga pinagkainan niya.
"And what's with the outfit?" Tanong ko ulit.
"Ang dami mong tanong." She coldly answered.
Inalis niya ang shade na tumatakip sa kanyang mukha. I stared at her eyes. May nagbago sa kanya. She's more dangerous than before.
"Ikaw naman. Anong gagawin ko? Uupo na lang?"
"I need your service." She has this fierce look. Bigla akong sumeryoso saka tinakpan ng kamay ang aking katawan.
"Hindi ako ready. Pero kung mapilit ka-" Ang malamig niyang titig ay napalitan ng paniningkit ng mata at tila nag-iiwan ng nakakakilabot na banta.
She's not the Reya that I've met before. Dapat sa mga sandaling ito ay tinatapunan na niya ako ng maanghang na mga salita at pambabara.
"Okay, but you need to tell first what happened to you."
"What do you mean?"
"Nanakawan ka raw? How are you?" Panimulang tanong ko.
"Paano mo nalaman?" Ang mga mata niya'y napalitan ng pagdududa.
"I went to your place this afternoon. Hindi nga lang kita naabutan pero may nakausap akong ginang na nagsabing may nangyari raw na nakawan kahapon doon at na ikaw ang involve."
"Iyon ba ang sinabi sa'yo?" Mukha naman siyang hindi makapaniwala ngayon at nagpipigil ng galit. Inabot niya ang baso ng tubig na iniwan ng waiter kanina. Ininom niya ito saka pabagsak na ibinalik sa mesa.
Napamulagat ako sa nasaksihan. Kahit di lumingon ay alam kong may mga napatingin sa gawi namin.
"Anong problema? Ang sabi ng nakausap ko, pinaghigpit na raw ang seguridad sa inyong lugar at iniimbestigahan na ng kinauukulan ang nangyari. Ano bang nanakaw sa iyo? Are you okay?" May kutob akong hindi maganda ang nangyari sa kanya para magkaganyan siya.
"You! Bakit mo ako hinahanap? Tumawag ka pa ng ilang beses." Hindi na naman niya sinagot ang tanong ko.
"O, relax lang. Masama bang bumisita? I got your address through Renzo at saka mukhang hindi pa natin napag-uusapan ang tungkol sa pagiging private friend este doctor ko sa'yo, tanda mo? Dahil doon, nalaman kong nasangkot ka sa isang nakawan kaya naman tinawagan kita. Kung sumagot ka sana kaagad, hindi na ako paulit-ulit ng pagtawag." Hindi ko dineretsang nag-alala rin ako. Sa ugali ba naman niya, tiyak na hindi niya iyon ikatutuwa.
Hindi siya nag-abalang sumagot sa mga sinabi ko at mukhang hindi niya rin pinagtuunan ng pansin ito.
"Start your duty today" wika niya. Gamit ang kanang kamay nito ay inangat niya ang mahabang sleeve ng suot na jacket sa kaliwa. Tumambad sa akin ang braso niyang nakabalot ng tela.
Dito na ako tuluyang sumeryoso. Ibig bang sabihin, may iniinda siya mula pa kanina? O maaaring mula pa kahapon? Dito ko na lamang napansin ang makapal nitong make-up at ang mapulang labi niya. Kung pagmamasdang maigi ay mahahalata ang pasa at putok na labi niya.
"Let's go." Gusto ko siyang hatakin patayo upang makaalis kaagad.
"We just have to wait for the result." Walang nagsalita mula pa kanina. Kahit pa marami akong gustong sabihin at itanong, mukhang wala namang balak sumagot si Reya.
Naupo ako sa silyang nasa gilid ng kanyang higaan.
Kung ano man ang nangyari sa kanya, it might be traumatic. Ni ang pagtangging magpunta rito sa hospital ay hindi niya ginawa. Its a private hospital owned by a friend of mine.
"For how many damn hours?!"
Ang hirap talaga niyang spelling-in.
"You take a rest first. Ang mabuti pa, matulog ka na lang muna." Hindi niya ako pinansin. Akala ko ay mag-uumpisa na siyang magwala at magtalak pero nanatili lamang siyang naupo sa gilid ng kama.
Napatingin ako sa kaliwang braso niyang maayos nang nagamot. Nakabenda lang ito dahil ayaw niya ng pagalaw matapos mabalot ito kanina. Ni ang pagpapalit ng damit ng hospital dress ay inayawan niya.
"Hindi pa ako mamamatay para magsuot niyan." Naalala ko kung paano kaming nagtinginan ng nurse na narito kanina dahil sa katigasan ng ulo niya. Kinindatan ko na lang ang babaeng nurse. Mukhang naga-gwapuhan sa akin.
Her arm was badly injured. Natatakot akong baka malala ito. We did some tests and x-ray para malaman kung nabali ito.
Ipinaubaya ko na ang lahat sa doctor na kakilala ko dahil hindi ito ang forte ko. I am a surgeon at tinatawag lang ako sa iba't ibang ospital kapag may naka-schedule sa akin. But I am also knowledgable in any medical fields. Kahit saan pwede ako.
"Don't stare" babala niya. Napadako ako sa mukha niyang pareho pa rin ang ekspresyon mula pa kanina.
I deserve to know everything Reya. Nais ko sana iyang sabihin.
"What's with the face? Huwag mo akong tignan na parang nakakaawang nilalang." She said with a cold look in her face. Naihawak ko na lang ang aking kanang kamay sa bulsa ng aking pantalon.
"Hindi sa kinaaawaan, iniisip ko lang kung bakit ka nagka-ganyan. Kailangang ipahanap ang mga taong gumawa nito sa iyo." Napahigpit ang kapit ko sa aking bulsa.
"Huwag ka ring maging concern. Kinuha kita bilang doktor ko. Iyon lang 'yon."
"Iyon nga 'yon! I am a doctor and I can't stand seeing a person getting hurt."
"Hay! Pambihira ka talaga." Tumayo ako para magpahangin sana nang bumukas ang pinto at pumasok si Doc. Sanchez dala ang isang papel na tiyak naglalaman ng resulta.
"Malaki ang damage ng pagkakapalo sa iyo Miss Clemente, dapat ay hindi mo na hinintay pang mamaga ng ganyan iyan."
Napapailing ako habang nakikinig. Iyan din ang iniisip ko.
"Mabuti naman at walang damage sa iyong buto. But you need enough rest and take some medicines." Pagpapatuloy ni Doc. Sanchez.
"Iyon naman pala e" masungit niyang sagot. Nahalata ko ang pagkagulat sa aking kakilalang doktor.
"Ah. Pagpasensyahan mo na Doc ang kaibigan ko" singit ko. Wala talagang pinipili itong si Reya.
"May dalaw kasi" pabiro kong bulong kay Doc. Sinilip ko ang hawak niyang papel.
"Ako na lang bahala rito, salamat sa oras."
"Ikaw talaga. Sige aalis na ako. Nandito na lahat ng kailangan ni Miss Clemente." Inabot niya sa akin ang papel saka tinapik ang aing balikat. Nagpaalam siya kay Reya kahit hindi siya pinansin nito.
"You!" Matalim ang mga matang nakatitig sa akin si Reya.
"Ako?" Itinuro ko pa ang sarili ko.
"Sabi ko, ikaw ang kukunin kong doktor. Bakit mo pinapasa ang trabaho mo?"
"Ah." Napaupo ako ulit habang binabasa ang papel.
"Wala kang bali pero tiyak na seryoso ang nangyari sa iyo. Upon seeing your condition, wala akong choice kundi dalhin ka sa pinakamalapit na hospital na alam ko." Napahinga ako ng malalim.
"Huwag mong masyadong pwersahin ang braso mo. It takes weeks before it will be fully healed."
"Lame excuse" aniya.
"Napansin mo?" Medyo nangingiti kong sagot kahit totoo naman naman ang mga sinabi ko. Sinakyan ko na lang siya.
"Seryoso, ipa-imbestigahan mo 'yang nangyari. Pwede tayong lumapit kay Renzo kung-"
"Don't tell him about this!" Mabilis niyang tanggi.
"And anybody else." Mariin niyang dugtong.
Paano ko sasabihing huli na? Na nasabi ko nang may nangyari sa kanya kahapon? Iniisip ko nga ring tawagan siya ngayon para siya ang mag-babysit kay Reya.
I believe they have strong connections. Baka si Reya na ang maging daan para magkaroon naman ng makulay na buhay si Renzo.
Mabuti na lang at tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali akong nagpaalam na lumabas. Hindi ko na hinintay pang magsalita si Reya.
"Honey? Nami-miss mo na ba ako?" Bati ko.
"Don't call me honey. Hindi ba nag-usap na tayo na huwag mo na akong padadalhan ng pera? Tapos na tayo."
"You need it. Sa ayaw at ayaw mo, sa iyo na iyan." Kaagad kong pinatay ang tawag. Tahimik akong bumalik sa loob ng kwarto para magpaalam sana.
Subalit wala ng laman ang kwarto. Pinuntahan ko ang nakasarang pinto ng CR.
"Nandyan ka ba sa loob? Yow! Tao po?" Sinubukan kong mang-asar pero walang sumagot.
"Bubuksan ko 'to" I teased.
Wala talaga. May pakiramdam akong wala siya sa loob. Sinubukan kong pihitin ang knob at hindi nga ito naka-lock.
She left. Inunahan pa akong umalis. Kailangang manatili pa siya rito pero mukhang umalis na nga.
Tumunog ang hawak kong cellphone. I received a message from her.
Peste, ibigay mo na lang ang account number mo. Babayaran ko ang nagastos mo dyan sa hospital.
Pambihira talaga. Peste? Mahina akong natawa, akala ko nakalimutan na niyang tawagin ako ng ganyan.
I immediately dialed Renzo's number, kasingbilis ng pagsagot niya. Bago 'yon ha.
"Ano na naman ba ito Daven?" Pambungad na tanong niya.
"Na-locate ko na kung nasaan si Reya." Natahimik siya sa sinabi ko. Pakiramdam ko'y nag-aantay din siya ng balita about this girl.
"That's good-"
"Pre, puntahan mo siya. She needs someone to fetch her. Hindi ako pwede ngayon. May kailangan kaming pag-usapan ng asawa ko. I'll message the details." Kaagad ko siyang pinatayan.Baka kasi kumontra pa siya.
Asawa? Iba ang pakiramdam kapag nababanggit ko iyan.
I can't leave Reya alone. Malalim na ang gabi. Dapat mahanap siya ni Renzo. Isa talaga siyang puzzle, kung ano man ang tinatago niya, alam kong si Renzo ang mas makaka-handle sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top