Chapter 17
Nais kong mapasigaw ng napakalakas...
Hindi lang dahil sa nararamdaman kong sakit ngunit dahil na rin sa galit. Its enough!
Kahit nahihilo'y kitang-kita ko pa rin ang lalaki sa harapan ko nang itaas nito ang hawak na baril at handa nang ipalong muli sa braso ko.
Kaagad kong kinagat ang isa sa mga may hawak sa akin at nang mapabitiw ito'y buong lakas kong sinuntok ang isa pa gamit ang aking kanang kamao.
Ang sakit na nararamdaman ko'y ginawa kong motibasyon para lumaban. I've been through a lot of pains, ngayon pa ba ako susuko?
"Stop!" sigaw ng lalaki kasunod ng pagkasa ng kanyang baril na ngayon ay nakatutok na sa akin.
"Punyeta! Ikaw ang tumigil!" Malakas kong sigaw bago sipain ang kanyang kamay.
Tumilapon ang baril malapit sa akin kaya hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataon at nakipag-unahan ako sa pagpulot nito.
Napangisi ako ng kaunti nang ako ang makakuha ng bagay na ito na gawa sa bakal. Umaayon pa rin sa akin ang kapalaran.
"Walang gagalaw!" I command. Palipat-lipat ang pagtutok ko ng baril. I counted in my mind. Three.
Tatlo na lang pala silang nakatayo.
Nakita ko ang paggalaw ng isa sa kanila. Ito iyong inagawan ko ng baril. Itinutok ko kaagad ang baril sa kanya.
"Walang gagalaw sabi! Hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka!" Nanlilisik ang mga matang banta ko.
Wala na akong sinayang na oras kaagad akong humakbang papunta ng aking sasakyan at agad pumasok dito. Hindi ko na nilingon ang mga lalaking iyon at pinaandar na lamang ang sasakyan.
Kailangan kong makalayo.
***
"Bwisit!" buong-lakas kong sigaw. Humigpit ang aking hawak sa manibela.
Sandali akong nagpalinga-linga, trying to figure out where the hell am I. I don't know anymore. Saka tinignan ang mga salamin ng sasakyan, wala naman sigurong nakasunod. Ihininto ko ang sasakyan sa gilid ng daan. Mapuno at halos walang dumadaan sa parteng ito.
"Malalaman ko rin kung sinong may pakana ng lahat ng ito." Mahina kong sabi. Hinawakan ko ang aking braso, hindi ko mapigilang mapapikit sa kirot. Tssk. Nabalian pa yata ako. Mas malala pa ito sa huling pinsalang natamo ko noon sa laban ko underground battle. Naigagalaw ko pa naman ang aking braso noon, hindi tulad ngayon na kaunting galaw lang ay masakit na.
Napasandal na lamang ako at isinara ang mga mata. Ang mga hayop na 'yon...
Malalalim ang aking buntong-hininga habang binabalikan sa isip ang mga nangyari. AlpSanay na ako sa sakit. Kaya kong indahin ito. Kaya-
Napadilat ako ng mga mata. Tama, kaya kong magtiis ng sakit. Kung noon, wala akong ginagawa, mag-iiba na ang ihip ng hangin.
***
"Wala po talaga Ma'am, sa tingin ko ay nasira ang CCTV ng parking area kahapon."
"Ah talaga?" sagot ko sa lalaking nasa harapan ng walang kwentang mga computer at monitor.
"Punyeta kayo! Alam kong gumagana 'yan lagi. Sa tingin mo maniniwala ako na nagkataong nasira ito kahapon? Eksaktong araw na nangyari ito sa akin?" Hindi man lang ako nililingon ng kausap ko. Nasa harap siya ng monitor habang nasa likuran ako. Nais kong batuhin ng silya ang monitor ng kanyang computer.
"Tignan mo kung anong nangyari sa akin dito sa mismong loob ng gusali niyo. Kailangan itong imbestigahan or else magdi-demanda ako. Wala man lang akong makausap sa Admin o ang may-ari?"
"Nai-report na po namin ang mga nangyari Ma'am. Ginagawan na po ng aksyon ito. Makakaasa po kayong mahuhuli ang mga nakapasok at nagtangkang pagnakawan kayo. Sa ngayon, ang may-ari na po ang bahala sa anumang damage-"
"Ano?! Ikaw lang talaga ang haharap sa akin gan'on?" Nameywang pa ako habang hindi na maipinta ang aking pagmumukha sa representative ng condo na tinitirhan ko. Kahit na magdadalawang taon na simula ng lumipat ako rito ay hindi ko pa rin kilala ang mga nagpapalakad ng lugar. Wala naman akong pakialam noon e.
"Hindi ako naparito para magpadala sa mga kasinungalingan at pangako ninyo. All I ask is the copy of the video na hindi ninyo maibigay. Nagpaputok ng baril ang isa sa mga lalaking gusto akong patayin, HINDI PAGNAKAWAN. Paano kung namatay ako ng mga sandaling iyon? O sabihin na lang nating paano kung may natamaang iba? Naku! Saan kaya nakarating ang balang pinakawalan ng lalaking iyon? Wala bang nagreklamo? O baka pinagtakpan niyo na?" Tinapunan ko siya ng nanlilisik na tingin na kung maaari lang ay tumagos sa kaloob-looban ng kanyang katawan.
Sa mga sinabi ko'y napalingon sa akin ang lalaki. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya dahil sa pasugod akong nagtungo sa opisina at ito lamang ang humarap sa akin. Nang sabihin kong nais kong makita ang footage ay agad niya akong inayayahan na tignan subalit pinaalis niya ang nagbabantay dito at siya na mismo ang nagkalkal sa computer. Mukhang may sabwatang nangyayari.
Hindi nakawala sa nakamamatay kong titig ang pagkislot ng mga mata niya at paglunok ng kanyang sariling nakakadiring laway.
"Wala po kaming kinalaman sa insidenteng nangyari at ikinalulungkot po namin ito. Miss Clemente, ilang taon na rin kayo rito at isang malaking kahihiyan para sa amin ang nangyari. Bilang manager, ako na po ang humaharap sa inyo at nangangako ng masusing imbestigasyon."
Hindi ako natinag sa mga paliwanag niya. Malinaw na sa akin ang lahat.
"Shit!" hindi ko mapigilang maibulalas. Naihilamos ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha.
"Maupo po muna kayo. Kailangan niyo ng medical attention." Naisabunot ko na ng tuluyan ang aking mga kamay sa sarili kong buhok. Nanginginig na ang aking kalamnan at tila bulkang sasabog ang aking pakiramdam.
"HUWAG MO AKONG BILUGIN! Nakikita mo ba ang ginawa sa akin? Hindi ako stupida-"
"Ma'am-"
"Don't talk! Wala namang kwenta iyan malamang. Kung wala akong mapapala rito, ako na mismo ang maghahanap ng katotohanan. Siguraduhin mo lang na wala talaga kayong kinalaman dito." Sinadya kong diinan ang aking huling pangungusap, sa paraang nagbabanta.
I opened the door using my right hand. Kaasar talaga, ni hindi ko na maigalaw ang kanan kong braso. Namamaga na ito ngayon. Malakas kong hinila ang pinto.
***
Dumeretso ako sa aking unit. Ang salubong kong mga kilay ay bahagyang napataas nang makitang nakabukas nang bahagya ang aking pinto. Someone's inside at talagang iniwan pang bukas ito. Maaaring sinadya talaga niya ito upang malaman ko na may tao.
Napaatras ako ng ilang hakbang, papasok pa ba ako? Hindi sa natatakot ako pero-
"Why don't you enter? Ayaw mo ba akong makita? O tinatakasan mo talaga ako?" sabi ng nasa loob. I know it. Siya lang naman ang nakakaalam ng password ko.
Tuluyan na akong pumasok sa loob. Nakatayo siya sa malapit sa aking couch.
After I shut the door, I looked at my guest. Titig na titig ito sa pagmumukha ko na sinuklian ko naman ng mga titig na katulad ng ginawa ko sa lalaki kanina. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya sa mga oras na ito.
"Why are you here?" Putol ko sa katahimikang nagbabadya ng pakiramdam na hindi ko maintindihan.
"Bakit? Sa tono ng pananalita mo'y mukhang pinagbibintangan mo ako."
Mas lalong tumalim ang tingin ko. Alam na niya kaagad ang nasa isip ko.
"Aba, hindi imposibleng mangyari iyon. Knowing you?" Nagtungo ako sa may mahabang couch at binagsak ang pagod kong katawan dito. Naramdaman ko ang pagdikit ng aking braso sa couch. I tried my best not to create any sound kahit pa masakit ito.
Hindi ko na alam kung anong hitsura ang mayroon ako ngayon. And my body's aching like I'm in hell. Am I really born to be hurt? Oo, kaya kong indahin ito.
Pero kahit anong gawin ko, sa huli, ang masakit ay masakit.
Napapikit na lamang ako. This is my fate. Pain is my world, iyan na marahil ang kapalaran ko.
"Paano kung sabihin ko na alam ko kung sino? Mas malala pa rito ang mangyayari sa'yo kung ako ang trumabaho." Napamulagat ako nang marinig ko siyang magsalita. May unwanted guest pala ako, muntik ko ng makalimutan.
Naramdaman ko ang pagdampi ng mga palad niya sa magkabilang balikat ko. Nasa likuran ko siya. Halos hindi na ako huminga. I am about to move away but his grip becomes stronger.
"What are you doing?! Arthur!"
"Don't move. Tandaan mo, laruan pa rin kita. Isang pasaway na laruan."
Bumaba ang kanang kamay nito, punyemas, gusto niya yatang palalain ang injury ko. Ramdam ko ang sakit na parang kumakalat na sa buo kong katawan. Ayokong ipakita na nasasaktan ako, I just closed my eyes again.
Akala ko ay tutuluyan niyang pigain ang aking braso lalo na ang namamagang kaliwa subalit inalis nito ang kamay niya. Pinaglalaruan niya talaga ako. Kahit anong muhi ko'y wala akong magawa. Hindi ko alam kung bakit nakilala ko pa ang taong ito. Siya ang dahilan ng lahat!
"Dahil sa sinabi mo, napatunayan kong tama ang mga hinala ko. Hindi siya marunong lumaban ng patas! Magbabayad siya."
Tumabi sa akin si Arthur na siyang dahilan para umurong ako palayo sa kanya. Paano ko kaya palalayasin ang lalaking ito? I need to change my clothes. Isang maong short na tama lang ang haba at asul na plain shirt lang ang aking suot. Binili ko pa ang mga ito sa isang palengke, malapit sa tinuluyan kong maliit na hotel kahapon. Ni hindi ko pa nagagamot ang mga pasa at namamaga kong braso. Mukha nga yatang napilay na ito.
"Ano na ang gagawin mo?"
Pinanlisikan ko siya ng mga mata as if saying na "tinatanong pa ba 'yan?".
"Sa palagay mo palalampasin ko ito? Magbabayad ang matandang iyon sa'kin". Mas lalong nag-iinit ang ulo ko sa realisasyong ang matandang hukluban ang may kagagawan ng lahat ng ito.
Gagawin niya ang lahat para matalo ako. I need to talk to him. I was about to stand up but Arthur suddenly holds my left hand. Hinila niya ako paupo.
"A-ano ba?!" Hindi ko napigilang mapahiyaw sa biglaang paghawak niya sa braso ko. Inilipat niya ang kamay niya sa parteng iyon matapos kong mapaupo dahil sa paghatak niya.
"Papatayin mo talaga ako nuh! Bitawan mo nga ako!"
"See? Paano ka susugod at magwawala sa harap niya kung ganyan ang sitwasyon mo? Kayanin mo kaya? Para ka lang kuto na madaling tirisin Reya. Ang kaya mo lang talunin ay ang mga mahihinang klase ng fighter, sinasadya mo pang magpatalo kung minsan. Puro hangin ang ulo mo. Puro init ng ulo ang pinapairal mo." Tinanggal niya ang kamay niya at awtomatikong napahaplos ang kabilang kamay ko sa aking braso.
Marahas kong binaling sa ibang direksyon ang aking paningin. Ayokong makita ang napakaseryoso niyang mukha. Behind his cool and manly face and well, handsome na rin ay isang lalaking maraming sekretong itinatago.
Isa rin siya sa mga assasins ng organisasyon ngunit sa palagay ko ay higit pa doon ang serbisyo niya. Marami rin siyang alam.
"Ang kailangan mong gawin ay mag-ensayo. Gamitin mo ang buo mong lakas at huwag tatamad-tamad. Use your weapon, Reya." He grabbed my foot towards his direction. Halos mapahiga na tuloy ako sa couch. Napahilamos na lang ako ng aking mukha gamit pa rin ang kanang kamay.
I want to shout at him but I clenched my left fist instead, trying to calm myself. Tumayo naman siya at naglakad deretso sa pintuan. Before he could open the door, he speaks again "look at me". Napakunot ako ng noo.
Ibinaling ko ang aking paningin sa kanya with my chin's up. Nagtama ang aming mga mata. Napakaseryoso ng mukha niya at mapanganib.
"Sinasabi ko sa'yo, sa oras na matalo ka, malalagot ka sa akin". Dagli kong inalis ang pagkakatingin sa kanya.
I will. Kahit hindi mo sabihin.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Narinig ko ang tunog ng pagsara ng pinto. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago magdilat. Unang tumambad sa akin ang lamesa. Nanginginig ang mga binti kong sinipa ito.
"AAAHHHH! AKALA MO BA HAHAYAAN KO NA MATALO LANG? GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA MANALO MASKI HINDI MO SABIHIN! ANONG AKALA MO SA AKIN? DAMN YOU ARTHUR! BWISIT KA RIN HENRY! KAHIT ANONG GAWIN MONG PANDARAYA, IPAPAKITA KO SA'YO, MANANALO AKO! IPAPAKITA KO SA INYO!" Pinagsisipa ko ang lamesang nasa harapan ko.
***
Third Person's POV
"Nasa labas ako ng condo unit na tinitirhan niya. Wala siya rito" ani Daven. Nakasandal siya sa pader habang ang isang kamay ay nakapamulsa.
"Tumawag ka lang ba para rito? Hindi ko na problema kung nasaan man siya ngayon" sagot ng kausap niya sa cellphone. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Daven matapos marinig ang sinabi ng kausap.
"Something's not right Renzo. I can feel it."
"Manghuhula ka na ba ngayon? At bakit mo naman sinasabi ang mga ito sa akin?
"Wala naman, baka kasi gusto mong malaman?" Patanong na sagot niya.
"Daven, ano na naman bang kalokohan ito? May sariling buhay ang babaeng iyon. Hindi na natin sakop kung nasaan ba siya o ano ang ginagawa niya."
"Okay, gusto ko lang naman sanang tanungin baka nandiyan siya. 'Lam mo na, tingin ko pasulput-sulpot siya diyan." Nagpakawala ng tipid na ngiti si Daven. Habang napakunot-noo naman ang kausap sa kabilang linya.
"Tigilan mo ako Daven. If you are bored, huwag ako ang pagdiskitahan mo." Or not even Reya. Nais pa sanang idugtong ni Renzo pero hindi na lang niya ginawa. Kilala niya ang lalaki at tiyak na mami-mis-interpret niya ito.
"I am not playing around if that's what you think. I just want to pay a visit to my new friend."
"Okay, I get it. I need to go back to work."
"Ah-" Bago pa man makapagsalitang muli si Daven ay pinatayan na siya ng kausap.
"Work daw. Its Sunday man. You badly need to get a life." Mahina niyang sabi habang nakatingin sa kanyang cellphone.
Isang babaing maiksi ang buhok at nasa mahigit kuwarenta ang edad ang napadaan. Bago pa niya malagpasan si Daven na abala sa pagtatago ng kanyang cellphone sa bulsa ay nagsalita ito.
"Excuse me, hinihintay mo ba ang may-ari? Wala yata siya dyan."
***
Inilapag ni Renzo ang cellphone sa mesa at nagsimulang bumalik sa kanyang ginagawa kanina.
Hindi niya mabitawan mula pa kanina ang kwentas ni Merian. Ang kwentas na ibinalik sa kanya ng mismong babae. Ang simbolo ng kanilang pagmamahalan at pangako na sa kaniya lang ang puso ni Renzo.
Ang litrato ng babae ay nasa lamesa niya. He is in the verge of reminiscing their past when suddenly Daven called him.
Siya lang ang tao sa malawak na library ng kanyang bahay. Despite the fact that it has lots of books, papers in his table and other things, the room seems so empty. As a soul is full of longing and regrets. He lost someone who once completed him as a human. A someone who once changed him. A someone whom he loved and will always love.
"Look at me now. Alam mo bang maipagmamalaki mo na ako ngayon? Kaya ko ng tuparin ang mga pangarap natin." Nakatitig siya sa litrato ng babaeng matamis na nakangiti. Ang mga nagniningning na mata ni Merian sa larawan ay parang sa kanya nakatingin.
"I've gained so many things... but I lost you." Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha mula sa kanang mata.
"Is it really a goodbye?" Napakahirap sa kanyang magdesisyon, desisyong hindi niya alam kung kaya niyang panindigan.
His phone suddenly rings. Hindi niya pinansin ito hanggang sa tumigil ng kusa. Matapos ng ilang segundo ay tumunog ulit ito. But this time, tunog na ng isang text message.
Wala sa sariling kinuha ni Renzo ang cellphone. He started to read the message.
Reya's in trouble yesterday and now she's nowhere to be found.
###
A/N
Thanks for reading :). (Kung meron man po hehe)
And tama po ba spelling and grammars ko? Kahit ilang linggo kong ginawa ang chapter na ito, alam kong marami pa ring mali. Please comment even my mistakes. I will appreciate it a lot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top