Chapter 15

"It's almost two weeks from now" tipid kong sagot sa aking kausap matapos kong marinig ang dahilan kung bakit niya ako pinatawag. Ni hindi man lang pinarating sa akin mismo ang bagay na ito.

The sun's just starting to shine. Kitang-kita mula sa kinaroroonan namin ang view ng itaas na parte ng mga gusali. Mahilig din talaga ang taong ito sa matataas na lugar.

"You've changed." Napangisi ako sa sinabi niya. "Talaga? Medyo lang."

I feel like I'm starting to reborn... Gusto ko sanang isatinig ang mga katagang ito subalit si Arthur siya eh. Alam kong magiging komplikado ang lahat. Kahit pa sa huli, malalaman din niya ang mga plano ko, hangga't maaari ayokong makisawsaw siya. I am about to come to life again. Humanda sila dahil ibang Reya na ang makikilala nila. Kung noon ay nasa ibaba at pinakamadilim na bahagi ako, ngayo'y ako naman ang pupunta sa itaas.

"How about you? Saan ka ba nagkakalat ng lagim nitong mga nakaraang araw?" Deretsahan kong tanong. Ganito na kami mag-usap noon pa man. Ilang araw din siyang hindi nagparamdam at ngayon nga ay heto at nakipagkita ako sa kanya. Hindi na ako magtataka kung paano niya nakuha ang numero ko. Si John lang naman ang nakakaalam nito sa ngayon kaya't malamang na sa kaniya niya ito kinuha.

"Middle East. Gusto mong malaman ang mga ginawa ko roon?" nanghahamon niyang tugon.

"Hindi na kailangan. Ikaw pa ba?" Makahulugan kong sagot. Kahit hindi na siya magsalita, alam ko namang nagtrabaho na naman siya para sa organisasyon. At kapag organisasyon ang pinag-uusapan, siguradong karumal-dumal na bagay ito.

"Why do you easily judge me?" Napahawak pa siya sa kanyang baba.

"Kailangan ko pa bang sumagot?" tanong ko sa kanya. I know he already understood what I meant. Kilala ko ang pagkatao niya. Kilalang-kilala. Alam kong tinititigan niya 'ko sa mga sandaling ito, ngunit magkatapat man kami'y sa papasikat na araw nakatanim ang mga mata ko.

"Let's have breakfast together."

"Hindi ako nag-aalmusal Arthur. At saka may pupuntahan ako. I need to go."

I am about to stand up but I saw how his facial expression changed, from normal to a demonic face. Hayan na naman siya. Napakuyom ang mga kamao nito. "Hindi ako nakipagkita sa iyo para lang maging mensahero mo Reya. Lagi ko na lang bang ipapaalala kung sino ka at kung sino ako? Kung ano ka sa akin?."

"Kung gan'un, ano bang gusto mong mangyari?" Pigil ang emosyong tanong ko. I want to talk back but what's the use? Paulit-ulit na arguments. Not now, sa tamang panahon, mananalo rin ako sa'yo.

"You have to prepare. Ang fighter na makakalaban mo ay nasa fifth rank. Hindi ko akalaing babaliwalain mo lang ang mga nalaman mo. Sa palagay mo ba mananalo ka ng ganoon kadali? Ah hindi, sa palagay mo mananalo ka? Napakaliit ng pag-asa mo. You only have two weeks to prepare."

"Wait... Arthur, hindi ko alam kung saan ba papunta ang usapan na ito. Why all of a sudden, naging concern ka yata sa laban ko? Wala ka namang pakialam kung matalo o manalo ako di ba?" Sira talaga ang lalaking ito. Siya ang perfect definition ng mahirap spelling-in.

"Don't get me wrong Reya. Saang grupo ka ba miyembro? Sino ba ang leader mo?" I just remained silent though malinaw na malinaw kung anong gusto niyang iparating. Kapagdako'y napabuga ako ng hangin.

"Ayokong maging kahihiyan ka sa grupo ko. I'm number one in the ranking, above everyone. At ako ang nagpasok sa'yo, you're under me. Kaya't kailangan mong manalo. Niintindihan mo? On the first place, sino ba ang may kagagawan ng lahat? Hinamon mo ang organisasyon. Huwag mo akong ipapahiya."

Nakakairita talaga siya sa pandinig. Relax lang Reya, hindi ako dapat magpaapekto sa mga sinasabi niya. He has lots of ways on saying that I'm his slave.

"Saan bang letseng lugar tayo kakain?" I just said to end this damn conversation. Kaunting-kaunti na lang mapupuno na ko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita at tumayo na lang.

"You really changed, how did you manage to control your temper? It's amusing that you didn't shout the whole time." Rather than a statement, he sounded suspecting. "You also managed to wear respectable clothing huh." He added.

Sumilay ang ngiti sa aking labi pagtapos ay isang mahinang pagtawa ang aking pinakawalan. "Bagay ba? Tara na at mali-late na 'ko sa aking appointment." Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. I turned around, at habang nakatalikod sa kaniya'y umirap ako. Magaling lang akong artista Arthur. Nanghihinala na siya sa akin. Marahil hindi magtatagal ay malalaman din niya ang mga pinaggagawa at gagawin ko. Bahala na, basta hindi ako pwedeng tumigil. Sa ngayon, maglalaro muna kami ng hide and seek.

***

Mangilang beses akong tumingin sa salamin ng aking sasakyan. I don't want to look at my watch that I'm wearing. What's the use? Alam ko namang late na late na ako. Binu-bwiset talaga ako ni Arthur dahil sa kung saang lupalop pa ng Pilipinas ako dinala para lang mag-almusal. Mabuti na lang at may dala na akong sariling sasakyan kung hindi ay ewan ko lang kung anong oras na ako makakarating sa lintik na mall na ito.

Bago umalis ng mansyon ni Renzo kahapon ay nagkasundo kami na magkikita ngayong umaga. Nagpresenta pa ang doktor niyang si Daven na ihatid ako. And duh! I turned down the offer. Baka sakalin ko lang siya. Mabuti na lang at may driver si Renzo kaya hindi ko na kinailangang magcommute pa.

For the last time, tinignan ko ang sariling repleksyon sa salamin. I'm wearing light make-up, my hair's so straight kahit pa mas prefer ko ang curly style. Kinuha ko ang shoulder bag at lumabas na sa sasakyan. I feel so simple, walang kumikinang na alahas, naka-itim na slack at formal na attire.

Ngayon ko mas lalong naiintindihan si Arthur kung bakit ganoon na lang ang pagtataka niya sa inaasta ko. Hindi ko masyadong pinaglaanan ng pansin ang mga bagay na ito kanina. Anong akala ni Arthur? Na hindi ako naba-bother sa mga sinabi niya? Hindi ko na kailangang ipakita pa sa kaniya. I am going to win the fight. Kailangan ko nang mag-training ng maigi.

Taas-noo akong naglakad papasok sa mall.Napaangat ako ng mga labi, trying to put a smile on my face but, alam kong mukha akong tanga so huwag na lang. Tssk, magpa-praktis na lang muna ako kung paano ngumiti.

Nagderetso ako sa floor kung nasaan ang opisina ni Renzo. Pero naglalakad pa lang ako sa corridor ay namataan ko na siya. He is walking towards my direction. I am about to call him when I noticed that he's not alone. Sa likod niya'y nakasunod ang isang di katangkarang babae.

Humarang na lang ako sa dadaanan nila nang makalapit na sila sa akin. "Good morning Mr. Andrews." I greeted him without showing any emotion.

"You're late as always." He answered. Napamulagat ako sa sinabi niya. Wala man lang good morning, too?

"My apology." I started to utter. "You're Highness!", gigil na dugtong ng utak ko. "May kinailangan lang kasi akong asikasuhin kaninang umaga kaya heto at na-late ako sa usapan natin."

"Oh, may hinihintay ka pala ngayon Renzo-" the woman behind him said. May idudugtong pa sana siya kasabay ng paglipat niya sa tabi ni Renzo subalit bigla itong natigilan pagkakita sa akin. Isang mapang-asar na ngiti ang itinugon ko.

"Hi. And yes, may kailangan kaming pag-usapan today. It's all about business." Bumaling ako kay Renzo na tahimik lang or should I say nakikiramdam. What's happening to these people? The atmosphere seems unusual. The look in their eyes and their facial expressions isn't normal. As if seeing a ghost. Pinanlakihan ko ng mga mata si Renzo.

"Yes, may mga dapat kaming pag-usapan pero tanghali na siya nakarating." Gusto kong batukan ang Andrews na ito. Sa dinami-dami ng masasabi, iyan pa talaga?

"Excuse me, as far as I know, afternoon starts at 12 noon. Hoy! wala pa ngang 11:59 ha!" My mind said, pero hindi ko man lang ito maaaring isatinig. I am now a good girl, iyan ang itinatatak ko sa isip ko. But I can't control my brows sa pag-angat ng mga ito. Pinapahiya ako ng lalaking ito eh.

"Ganoon ba? Ku-kung gan'un, aalis na lang muna ako para makapag-usap kayo." Aligagang sabi ng babae. Then she smiled... a very sweet smile. Mukhang nakabawi na siya sa pagkabigla. Bakit? Nakakita ba siya ng multo kanina? Maybe yes. Napahawak ako sa gilid ng aking tainga nang mapagtanto kung bakit ganito na lamang ang inaasal ng babae.

"Hmm, hindi mo pa pala ako naipapakilala sa kaniya Renzo?" the woman added. Hindi na mawala ang mga ngiti sa mga labi ng maputing babae.

"No need 'coz I'm not interested."

"Oo nga naman. I also like to meet this pretty lady." I said the opposite instead on what's on my mind.

"Hey! Kamusta?" said a voice from behind. Maririnig ang mahihinang hakbang ng boses-lalaki.

Mabilis akong pumihit patalikod kung saan nagmula ang boses. Hindi ko man nakita'y alam ko na napatingin din ang dalawa.

Tumigil ang bagong dating na peste sa harapan ko. "Whoah! Alam kong gwapo ako pero grabe naman kayong ma-mesmerize" mahanging sabi niya.

"Excuse me huh, baka tangayin ako ng hangin eh. Ang lakas ng polluted air dito, nakaka-suffocate pa." Hindi na naman mapigilan ng bibig ko ang mambara.

"Aray naman Miss Reya-" Before Davin could finish his words, tinaliman ko na kaagad siya ng tingin. Naintindihan naman niya kaagad ang nais kong iparating dahil nagmuwestra pa siya na zinipper ang bibig gamit ang kaniyang daliri. Lumingon ako sa maputing babaeng kasama ni Renzo. She looks like a white lady. Pagkaputi na nga ay white dress pa ang suot.

"By the way, I am Reya Clemente and you are?" Iginalaw ko ang aking kanang kamay patungo sa harap niya.

"Ah, Celine nga pala. Nice to meet you Reya." She cheerfully accepted my hand.

"Miss Reya, let's talk later. May pupuntahan lang kami sandali." Singit ni Renzo. Why does he always have this poker face? At talagang iiwanan niya ako?

"Oh-kay, mukhang may date pa kayo." They both looked at me. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang biglaang pagguhit ng mga linya sa noo ni Renzo, while Celine have this "hindi makapaniwala look".

"No, it's just a business matter. At magkaibigan lang naman kami ni Renzo. Childhood friends." pagtatanggi ng babae. "Maaari namang sa ibang araw na lang iyon Renzo eh. Siguro kailangan ko ng umalis?"

"No! Ayos lang sa akin. Sige na, marami pa namang araw eh. At saka pasensya na sa mga nasabi ko, wala akong masamang ibig sabihin." Good girl na ako hindi ba? Kaunting push pa, masasanay din ako.

Pilit kong inangt ang aking labi para bumuo ng perpektong matamis na ngiti. Subalit hindi ko na lang sana ginawa dahil isang nakakalokong ngiti ang natanggap ko mula kay Renzo. Ilang segundo lang 'yun pero kitang-kita ng dalawang mata ko. Pinagtatawanan niya ko! Bwiset na 'to!

"Hey, can I talk now? Maaari rin ba akong magpakilala?" singit ng peste sa likuran ko.

"Ay siya nga pala si Davin and he is a doctor" pakilala ko habang tinuturo pa ang peste.

"Hayan, naipakilala na kita. Sige na, umalis na kayo, ayaw pa naman ni Mr. Andrews na nasasayang ang oras niya." Hindi ko na hinayaang makasabat si Davin. Tinulak ko pa siya nang akmang sasabat na naman ito.

"Goodbye" pahabol ko pa. Iginalaw ko ang aking kanang kamay at kumaway.

Alangan ang ngiti ni Celine samantalang nagsimula ng maglakad si Renzo paalis. Di nagtagal ay sumunod na rin siya matapos niyang yumuko at magpaalam.

Pinagmamasdan ko ang dalawa habang papalayo sa amin. Wala man lang siyang sinabi kahit ha o kaya'y ho? Goodbye? Thank you? Tapos pagtatawanan pa ako? Bwiset talaga. Kung hindi lang kita kailangan.

"Alam mo kung nakakatusok lang ang titig, butas-butas na ngayon ang likod ni Renzo." Ang boses na iyon ni Davin ang nagpabalik sa akin sa huwisyo.

"Ah talaga? Gusto mo ikaw ang unahin kong butasin?"

"Huwag naman, maraming iiyak." Napangiwi ako sa sagot niya. Ginulo-gulo ko ang buhok ko. "Bakit ba ako napapaligiran ng mga ganitong tao?"

Naglakad na ako paalis subalit sumusunod siya sa akin. "Alam mo ang ganda ng kasama ni Renzo nuh? May boyfriend na kaya siya? O baka naman nililigawan siya ni Renzo? Ano sa palagay mo?"

"Alam mo rin ba na ang tsismoso mo? Sa pagkakaalam ko, ang mga doctor ay malumanay magsalita at hindi mahangin." Pambabara ko. Binilisan ko pa ang paglalakad pero nakikipagsabayan talaga siya.

"Ang ganda naman pala ng perception mo sa mga doctor, pero bakit galit ka sa kanila? Sa isang tulad ko?"

Napahinto ako sa tanong na ito. He also stopped and waited for my reply. Mas mataas siya sa akin kaya bahagyang nakababa ang ulo niya at nakatagilid sa aking direksyon. Mabilis akong kumilos patungo sa harap niya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Maging sa pananamit ay casual na casual, shirt and maong pants. Hindi niya ka-aura ang ibang mga doktor.

"Ang tsismoso mo talaga ano? Lubayan mo na nga ako! Wala ka bang trabaho ngayon? Pwes, maghanap ka ng ibang mapi-peste!"

"Day-off ko ngayon sa hospital. You didn't answer my question. Bakit nga ba?" He now sounds so serious. Nawala na ang mga pilyong tono nito.

"Because they can't cure ALL sickness. They give false hopes. Kung umasta kayo, akala niyo kung sino kayo, na kayo lang ang tanging pag-asa ng tao pero sa bandang huli, lahat ba napapahaba niyo ang buhay? Lahat ba ng sinasabi niyo tama? At isa pa, sinungaling din kayo!" I tried to hold my anger, pero kusa itong lumalabas sa loob ko.

"Alam mo mas makabubuti ang ganyan na inilalabas mo ang iyong galit kaysa tinatago mo diyan sa iyong dibdib."

"Stop! Wala kang alam kaya huwag kang umasta na naiintindihan mo ako! Kahit anong pagwawala ang gawin ko, kahit magsisigaw man ako, hinding-hindi nito kayang alisin o bawasan man lang ang poot na nasa puso ko." My mind shouted all these. Hindi ko kayang isampal sa mukha niya ito dahil sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Bakit ko ipapakita kung gaano ako ka-mesirable sa taong kailan ko lang nakilala? At sa isang doktor pa?

"Diyan ka nagkakamali." Ito na lamang ang aking naisatinig.

"Well, if that's what you believe, wala na akong magagawa" makahulugan niyang sagot.

"Bakit hindi mo ipagtanggol ang propesyon mo? Ang trabaho o ang mga taong katulad mo?" Hamon ko sa kanya.

"Bakit? Pakikinggan mo ba ako Miss Reya? Mababago ba nito ang pananaw mo?" Iniwan niya ako matapos ang katanungang iyon. "Hindi."

Ngayon ako naman ang humahabol, lokong pesteng lalaking ito oh.

"Wait! I have a question" sigaw ko.

"Ha?" He stopped in front of the elevator.

"Kilala mo ba si Merian Felipe?" I asked. I need to find out something. Ang babaeng iyon, that Celine girl obviously knew Merian. Sa reaksyon pa lang niya pagkakita sa akin, alam ko na kaagad na dahil ito sa ex ni Renzo.

"Renzo's deceased girlfriend? " Nagtatakang tanong ni Daven. "So kilala mo nga siya?" pagkumpirma ko.

"Hindi gaano. Mga ilang taon pa lang kaming magkakilala ni Renzo at kaunti lang ang alam ko tungkol sa kaniya. As you can see, masyadong tahimik at masekreto ang taong iyon. Sa litrato ko lang nakita si Merian. Bakit mo natanong?''

"Lumapit pa ako sa kaniya, trying to read his face. "Sa tingin mo? Kamukha ko ba talaga siya?" Sa tanong kong ito'y tumitig siya lalo sa mukha ko. Habang papalapit ng papalapit ang mukha nito sa akin ay siya namang patuloy ko sa pag-atras hanggang sa lumapat ang likod ko sa pader. Naikuyom ko ang aking kamao at handa ng suntukin siya. Putik! Ang tagal sumagot ng peste.

"Hindi." Ang salitang ito ang nagpahinto sa plano kong gawin sa kaniya.

"Sinungaling." Sabi ko pagkatapos ko siyang itulak. "Tinatanong mo ko tapos hindi ka naman pala maniniwala. I have my own bases to say that you're not alike, Miss Reya. Sa unang tingin, kamukha mo nga siya, medyo matured nga lang ang features mo. Yeah its true na Merian is younger in the picture that I've seen but may mga nagbabago ang hitsura after several years. And to be honest, she looks more innocent than the fierce look of yours."

"Tssk. Liar. Sa mga sinabi mo, parang inamin mo na magkamukha pa rin kami. You're really so weird."

"Just how weird you are" balik niya sa akin. Maloloka na ako ng tuluyan sa taong ito. "At isa pa, sinabi ko lang ang nasa isip ko. Ito rin ang gusto mong marinig hindi ba? Kaysa naman sabihin ko kung gaano kayo magkamukha o kung ikaw at si Merian ay iisa?" Paano niya nagagawang sabihin ang mga iyan. He's so straight to the point. Nakakaramdam ako ng panganib sa lalaking ito.

"Ewan ko sa'yo." Tinalikuran ko na lang siya. But before I could step my foot, napaharap akong muli.

"I think I like you." Nakangiti kong sabi.

"Whoah! Talaga? Ang bilis naman yata? Pero kung mapilit ka-'' Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ako sa beywang ngunit mas mabilis ang paa ko para apakan siya. "A-aray ko!" He screamed.

"Peste, hindi iyan ang ibig kong sabihin." Hinawakan ko pa siya sa batok at hinila upang tumapat ang labi ko sa tainga niya. "I like you to be my private doctor. From now on sa iyo na ako magpapacheck-up o magpapagamot. . And don't you ever tell this to Renzo or anybody else.'' After clearing everything, pinakawalan ko na siya at iniwan.

"Siyanga pala, pakisabi na lang kay Renzo na umalis na ako. Pakikuha na lang ang number ko kay John, nandoon siya sa shop ko sa second floor if ever ipatawag ako ni Renzo, pakibigay na lang ang number ko ha? Itext mo na rin ako."

May escalator sa di kalayuan at mas gusto ko itong gamitin para makababa kaysa sa elevator.

"Haist. Ibang klase!" Umabot pa sa pandinig ko ang mga sinabi niyang ito.

***

Third Person's POV

"Okay lang naman talaga if you have to leave eh. May bukas pa naman. At saka may appointment ka talaga with that girl, hindi tulad ko na wala man lang pasabi." Pagkumbinsi ni Celine kay Renzo. She feels a little guilt about what happened a while ago.

"Its alright. Huwag ka ng mag-alala. I can deal with her in some other time."

Napabuntong-hininga na lamang si Celine. Halos hindi niya namalayan na bumukas na pala ang elevator. Natauhan lamang ang dalaga nang mapansin ang paggalaw ng lalaki palabas. She slowly followed Renzo.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya'y nagsalita siyang muli. "Iniisip mo ba na-?" Halos hindi maituloy ng dalaga ang sasabihin. She doesn't know if it's a right time to talk about this delicate issue. Napahinto naman si Renzo sa paglalakad at tila hinihintay ang susunod na sasabihin ng kasama.

"Na maaaring siya at si Merian ay iisa? Or somehow they're related? Well, kamukhang-kamukha niya si Merian. Hindi ko itatangging nagulat ako kanina upon seeing her. Dahil kahit anong pilit ko pang itanggi, kamukha niya talaga ang kaibigan ko."

Celine paused, trying to wait if Renzo will speak. Few seconds passed but the guy kept his silence.

"But we should erase that thought from our minds." Her voice became fierce and sounded certain.

"What do you mean?" Renzo asked. Natutunugan niyang may nais pang ipaabot ang dalaga.

"Reya Clemente, I've already seen her before." she confessed. Ang bilugang mga mata ni Renzo ay biglang naningkit sa narinig. Napaharap siya sa kasama. Hindi nila alintana ang mga dumaraang tao sa paligid. They're in the mall and everyone's busy around them. Celine decided to continue walking. Kumilos si Renzo at sinabayan sa paglalakad ang dalaga.

"Pareho kami ng pinasukang university noon. Nasa business course siya samantalang pinursue ko ang pagiging vet. Mahabang istorya. Can I see my future clinic first?" hiling niya sa binata. Nais pa sanang maituloy ni Renzo ang pagku-kwento ni Celine ngunit alam niyang hindi akma ang lugar kaya tumango na lamang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top