Chapter 14 -
"Acck!" Hindi ko na talaga kinaya. Sinuka ko na lahat ng kinain ko. Gabutil na ng monggo ang pawis ko at umiikot ang paningin ko. Am I poisoned?
"Are you alright?" Nakakapanting sa taingang tanong ng lalaking akala ko ay nag-dissolve na kanina pa.
"Bakit nandito ka pa rin? Aren't you busy Mr. Lorenzo?" Tanong ko sa kanya sa tinig na nagtataboy. I don't want him to see me in this condition. Halos sumalampak na ako sa sahig, sa tabi ng basurahang itim. Nakaramdam na naman ako ng sakit sa tiyan dahilan para hawakan ko ito ng dalawa kong kamay. Malas naman uh.
"Bakit hindi ka na lang sumagot ng maayos? Kakaiba ka talaga, masama na ang pakiramdam at lahat, napakatigas pa rin ng loob. Alam mo ba ang katagang walang sinuman ang nabubuhay sa sarili lamang" Awtomatikong gumalaw ang mga mata ko pairap sa lalaking nasa likod ko lang.
"Wala sa bokabularyo ko ang mga salitang iyan Mr. Lorenzo." I answered fiercely while trying to endure the pain that starting again inside this abdomen. Hayan na naman at nasusuka na ako. I immediately covered my mouth using my right hand to prevent myself from vomiting. Bakit kasi tinulungan ko pa ang lalaking ito kanina eh.
Muntik na akong matumba nang biglang may humawak sa braso ko. Napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa pagtangka kong lumayo. Subalit hindi bumitiw si Renzo. "Pero hindi ibig sabihin na kapag hindi ka naniniwala, hindi na ito totoo Miss Reya." He murmured.
Tumayo ako habang pigil ang hiningang tinatago ang nararamdaman. I stood as if nothing's wrong... subalit ayaw niyang bitawan ang braso ko.
"You look so pale. Kailangan mo ng magpunta ng hospital. Baka dahil iyan sa kinain mo kanina."
"Shut up okay? Look, ayokong mag-umpisa ng away dito. Please iwanan mo na lang ako. I don't need to go to the hospital. Simpleng sakit ng tiyan lang ito. Maaari mo na akong iwanan dito." Pagtataboy ko sa kanya. Wala na 'kong lakas para awayin siya. And the heck I'll go back to the hospital. "Please?" Halos mabilaukan ako sa sarili kong salita. Oh my, kailangan ko pa talagang sabihin ang salitang iyan? But instead of leaving, hinila niya ako. I rolled my eyes while trying to get rid from his grip.
"Okay wait, huwag mo na kong hilahin. Sa bahay ko. Ihatid mo na lang ako sa bahay ko." I weakly said. Oh my, bakit ba parang palagi akong talo pagdating sa lalaking ito?
Binitawan niya ang braso ko pero hindi man lang siya nagsalita. Inayos ko ang sarili, mula sa hibla ng buhok na tumatakip na sa mukha ko hanggang sa pagtuwid ng tayo na para bang walang nangyari. I act like nothing's wrong with me.
Napatingin ako kay Renzo na walang imik at nakatingin lang sa akin. He has this blank expression. Hindi ko alam ang nasa isip niya. Ngunit ang mga titig niya, bakit hindi ko kayang sabayan? I just looked away.
***
"Hindi ka pa ba tapos?" I heard the sound of his annoying voice coming from outside. "No!" Pasigaw kong sagot saka hinipo ang aking noo. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nandito sa loob. Nanlalamig ang mga kamay at paa ko at panay ang pagsuka. Mabuti na lang at malinis ang banyo ng Lorenzo na ito kundi ay mas lalo siguro akong masusuka. Wala pa naman na akong mailabas dahil naisuka ko na yata lahat ng laman ng tiyan ko.
I gave him my address pero sa lintik na bahay niya ako dinala. "Buksan mo itong pinto kundi sisirain ko 'to." He sounds calm, tinig na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. Na para bang dapat mo siyang sundin.
"Tssk. Sandali!" Sigaw ko. Dahan-dahan akong tumayo para pagbuksan ang feeling hari.
Inayos ko ang aking postura at pati ang ekspresyon sa aking mukha. "I'm okay now, kaya ko nang umuwi. Salamat sa pag-aabala." I said without looking at him. I stared at his shoes.
"Hindi ka makatingin dahil alam mong halata sa iyong mukha na hindi ka pa magaling. Why can't you just accept my help? Alam mo bang marami akong ki-nancel na appointments para lang dito?"
"Aba, sorry ha? Sinabi ko pala na "please dalhin mo ko sa bahay mo at i-cancel mo lahat ng mga lakad mo dahil may sakit ako'. Mr. Lorenzo, mag-uumpisa na naman ba tayo? Ang sinabi ko lang ay ihatid mo ako sa bahay ko. And besides bakit ba ako napalayo? 'Di ba dahil sa'yo? Dahil tinulungan kita kanina. Ayan oh may pasa pa nga ako? Ayoko nang makipag-away pero ikaw nagsimula eh. Ayan oh okay na ako. Pwede na akong umalis?" Hindi ko na mapigilang hindi sumagot. Haist, being with this man's always a world war.
Nagbuga siya ng hangin. "Let's not fight. Hahaba lang ng hahaba ito. Lumabas ka na diyan. I just want to help you and I can't leave you alone. May konsensya ako Reya at malaki ang posibilidad na hindi ka magpagamot kapag hinatid kita sa inyo. Follow me." I rolled my eyes. Hindi na siya nagsalita pa. Tinalikuran niya ko at naglakad papunta kung nasaan ang higaan. Labag man sa loob ay sinundan ko siya. Napatingin ako sa tabi ng pintuan at doon ko lang na-realize na hindi lang pala kami ang tao sa loob ng guest room. Sa laki ba naman ng kwarto at sa kondisyon ko ngayon ay aabalahin ko pa ang sariling igala ang paningin?
Isang lalaking maputi at nasa edad trenta na marahil, ang tahimik na nakatingin lang sa akin. He's wearing a white polo shirt but he's carrying some stuffs that made me confirm who he was. "At tumawag pa talaga ng doctor huh". Bulong ko sa sarili habang mabagal ang mga hakbang na lumapit kay Lorenzo.
"Hindi ko na kailangang magpatingin. Simpleng sakit lang ng tiyan ito." Sabi ko sa kanya without sounding mad. Mahirap na baka mag-away pa kami. Hindi sa natatakot ako, nakakasawa lang.
"Tatanggi ka na naman ba? Nandito na si Doctor Rosales kaya magpatingin ka na rin. Kanina ka pa sumusuka. Baka iba na 'yan. Ayaw mo sa hospital? Hayan at wala ka na sa hospital. Don't tell me, takot ka rin sa doctor?"
"No, hindi ako natatakot sa kanila pero galit ako sa mga ito." My brain shouted.
Ginulo ko ang aking buhok at naupo sa kama. Pinukulan ko ng matatalim na tingin ang doktor. Sa halip na matakot ay ngumiti pa ng nakakaloko ang gago. Damn these people.
****
"Miss Clemente, base sa mga sintomas na sinabi mo ay maaaring nakakain ka ng pagkain na kontaminado ng isang napaka-rare na bacteria. Iilan pa lang ang naitatalang ganitong kaso sa buong Pilipinas. Unfortunately, unti-unting kinakain ng bacteria ang iyong stomach at intestines. Wala pang gamot na maaaring makapatay sa mga bacteria na ito. Kailangan mong magpa-confine para maobserbahan at mapabagal ang pagsira ng mga bacteria sa loob ng katawan mo." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ng doktor na nakatayo sa harapan ko. Sinubukan niyang tumabi sa kamang kinauupuan ko kanina pero tinulak ko siya palayo. Subukan lang niya ulit lumapit baka matadyakan ko siya. May pagka-presko ang lalaking ito.
Bago pa man ako makapagsalita'y naramdaman ko na naman na para bang ginagalugad ang aking sikmura at nais ilabas ang lahat ng laman nito. Dali-dali kong tinakbo ang CR.
"Accckkk! Punyeta!" Naisigaw ko out of frustration. Wala na akong mailabas pa kundi likidong ang pangit ng lasa.
"I'll call the ambulance. Kailangan mo nang madala sa hospital sa lalong madaling panahon," said a voice from behind. Sinubukan niyang hawakan ang likod ko pero mabilis ko itong tinabig. "No need! Hindi ako naniniwala sa'yo. Napaka-lame naman ng findings mo. Doktor ka bang talaga?" Hinarap ko siya at mas lalo akong nanggalaiti sa pagmumukha niya. Seryoso ang mukha nito subalit hindi ako naniniwala rito.
"Totoo ang mga sinabi ko Miss Clemente. Unti-unti nang sinisira ang loob ng tiyan mo. Kung hindi tayo kikilos, baka mahuli na ang lahat."
"Stop!" I shouted at his face. Napakaseryoso ng mukha niya. Tssk. "Una sa lahat, wala ka namang ginawa. Paano mo malalaman ang sakit ko?"
"We don't have enough time left, imbis na mag-usap, kailangan na nating magpunta ng ospital." I crossed arms while looking directly at his eyes. Ang galing namang magsinungaling ng taong ito. Wala akong makitang bakas ng hesitation. Maniniwala ba ako?
"I'm a licensed doctor and currently the family doctor of Andrews'." Seryoso niyang sabi habang hindi tinatanggal ang titig sa mukha ko. Humakbang pa siya palapit sa kinatatayuan ko. His look seems like telling me to trust him. It made me feel confused. Trust? Wala rin sa bokabularyo ko ang salitang iyan, matagal ko nang binura.
"Aren't you done yet?" Sabay pa kaming napalingon sa nagsalita. Boses pa lang alam ko na kung sino ito.
"Kailangan mong ihanda kaagad ang sasakyan mo Mr. Andrews. We need to rush her in the hospital." Natataranta niyang sabi kay Renzo. "Aba! Sinong kailangang magpa- ...ospital?" Shit bakit garalgal ang boses ko?
Imbis na kumilos ay nag-cross-arms lang si Renzo. Gumalaw ang ulo nito patagilid na para bang sinisita ang doctor. Hindi ko maipaliwanag ngunit para bang ang ekspresyon sa mukha nito'y isa siyang hari na hindi dapat banggain. "Anong mga sinabi mo Daven? Stop playing around." Utos niya.
"Huuuh?" I screamed! "Sabi na eh! pinagloloko mo ko!"
"Oops relax lang Miss Clemente. Ang puso." Nakakaloko pang sabi ng lalaking tinawag ni Renzo na Daven. Hinarap niya ko while wearing those smirk. At dahil naiinis ako, tinaas ko ang aking kanang kamay at naghanda para sampalin siya. Ngunit bago pa man dumapo ito sa pagmumukha niya'y, inilayo niya ang mukha niya at idagdag pa na hinawakan ni Renzo ang kamay ko. At tinulungan pa niya talaga ang lalaking ito?
"Hoy! Bitawan mo 'ko. Alam mo ba kung anu-ano pinagsasabi niyan? Gugulpihin ko talaga 'yan!"
"Stop it." Awat niya pa.
"Hoy! Sinungaling ka! Kung anu-anong pinagsasabi mo! Sasapakin kita!" Humarang kaagad si Renzo sa harap ko kaya hindi ko naabot ang peste. Kung hindi lang ako nanghihina ngayon, pati si Renzo sasapakin ko sa pag-awat sa akin. "Hoy! Humarap kang damuho ka! Sinungaling! Ako talaga pinagtripan mo ha!" I am shouting while trying to reach him.
"Kalma lang Miss Clemente-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng damuho.
"Shut-up!" I shouted. "Kalma kalma ka diyan." I wan't to shout those sentences but I felt weak. Punyemas na buhay 'to oh.
"Mamaya na 'yan, kailangan mo ng kumain. At para makainom ka na ng gamot. Daven, magreseta ka na ng kailangan niyang inumin."
"Huh? Renzo, baka bigyan ako ng lason niyan. Mas pipiliin kong mamatay dahil sa bacteria kaysa lasunin niyan." Pag-apela ko. Ito namang si Daven ay pilit na ngumiti. Damn. Napakamot pa ng ulo si Daven at mukhang nahiya na rin sa ginawa niya.
"I have my reason kaya ako nagsinungaling. Please accept my apology. And hindi kita reresetahan ng lason kung iyan ang iniisip mo." Itinaas pa niya ang dalawang kamay niya.
"Let's go." Singit ni Renzo. Hinila niya ang braso ko bago pa man ako makapagsalita. Nagpatianod ako sa kanyang paghila ngunit bago pa namin malampasan si Daven ay mabilis kong ginalaw ang isa kong paa at sinipa si Daven sa binti. "Arrraayyy" Impit na sigaw niya habang nagtatalon at hawak-hawak ang sinipa ko. "In your face!" Mataray kong sagot. Nahagip pa ng aking mga mata ang paghawak ni Renzo sa noo nito.
***
Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo nang marinig ko ang boses ng lalaking peste.
Sinilip ko ang aking katabi na kanina pa tahimik at humihigop ng kape. Wala kaming imikan simula kanina nang ihain ang mga pagkain sa hapag. Parang may piyesta sa dami ng hinain. Naisip ko pa nga na lalasunin ako ng mga ito kaya naghanda ng marami. Pero, sa tingin ko mas maniniwala ako kay Renzo higit kanino man. Kailangan kong magtiwala sa instinct ko. If I want to succeed, susugal ako.
"Oops. Walang lason doon, peksman." Depensa kaagad ni Daven matapos ko siyang pukulan ng matatalim na titig. "Hindi mo man lang sinabi na amasona pala ang dinala mo sa mansion mo Renzo." naupo siya sa silyang kaharap ng kinauupuan namin ni Renzo. Ang haba-haba ng lamesa, sa harap pa talaga namin pumwesto.
"You did not ask." Balewalang sagot ni Renzo.
"Ahaha. Oo nga naman."
"Hoy! Pwede ba huwag kayong mag-usap ng ganyan sa harap ko? Nakakairita" singit ko sa dalawa.
"Wow, nakakabilib ka naman Miss Clemente, nagkaroon ka na nga ng decongestion, ang taas pa rin ng energy mo at nagagawa pang magtaray mula pa kanina. I guess hindi ka rin kumakain sa oras. You need to change your lifestyle because it can cause serious damage to your health."
Nairap ako sa sinabi niya ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang habang naglalagay ng mga pagkain sa kanyang plato. Pasalamat kang peste ka at effective ang binigay mong gamot kundi titirisin talaga kita. Decongestion lang ginawa pang exaggerated. May tama yata sa utak.
"Aba, first time magpahanda ni Renzo ng maraming pagkain ha. Iba ka talaga Miss Clemente.", dagdag pa niya.
"Will you stop uttering nonsense statements? Ayoko lang pasakitin ang ulo ko sakaling hindi kumain ang babaeng ito kaya nagpahanda ako ng iba't ibang putahe."
"Sinabi mo eh." Mahinang sagot ni Daven kay Renzo.
"Hello. Nandito ako." Pabulong kong sabi habang pinapaikot ang hibla ng pasta sa aking tinidor. Hindi ako mahilig sa carbonara pero ito na lang ang pinili kong kainin.
"Hi" teased Daven. Pinamulatan ko siya ng mata. "Alam mo bang kaya kong manusok ng mata gamit ang tinidor nang walang alinlangan? Lalo na kapag bwisit na bwisit ako at kaharap ko 'yung taong manloloko?" Aba may kasalanan pa sa'kin ang mokong na 'to eh.
"Huwag naman, masakit 'yun eh. Sayang kagwapuhan ko kung mabubulag lang ako. Saka nakabawi ka na di ba? Ang lakas nga ng sipa mo kanina."
"Hoy! Kulang pa 'yan sa ginawa mo! Gusto mo tusukin talaga kita dyan eh-"
Isang malakas na palo mula sa lamesa ang aking narinig dahilan para mapatigil ako sa pagbubunganga.
"Stop arguing in front of foods." Renzo said calmly. I shut my mouth and silently killing Daven in my mind while he just continued eating. Suddenly, my phone which is on my pocket rang. Mabilis ko itong kinuha pero tumigil na ito sa pagtunog. Binasa ko kaagad ang kaisa-isang mensahe sa inbox. The message from a familiar number was delivered an hour ago. Hindi ko man lang napansin na tumunog ito kanina. Ito rin ang numerong tumatawag ngayon-ngayon lang. Mukhang may hula na ako sa owner ng numero.
Let's meet.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top