Chapter 10 Partners in Crime

Halos maningkit na ang mga mata ko sa kati-titig sa lalaki sa harapan ko. Naisipan ko na ring magbawi dahil hindi ako makatagal, ang pangit niya kasi. He looks like an innocent creature, but "looks can be deceiving" 'ika nga nila. And when most men I know have a tall height, ang isang ito ay hindi yata nabiyayaan. I am taller for a few inches with the height of five feet four inches.

"Ex- senator Felipe's case... Perez murder case. Bakit sinasabi mo ang mga iyan sa akin? Your mission should be highly confidential." Deretsahan kong tugon sa mga pinagsasabi niya kanina. Nasa pinakarooftop kami ng condominium kung saan siguradong walang ibang taong maaaring makinig.

"Dahil I need your statement."

"Ha... so ganoon lang kadali ang lahat?" Ano 'to lokohan?

"Yeah." He answered very quickly.

"Pwes, bahala ka sa buhay mo! Una sa lahat, wala akong alam tungkol sa mga patayan at issues na 'yan." I said. Parati ko na lang naririnig ang pangalang Merian Felipe. Haiist! Nakakasawa na. Tinalikuran ko siya at lalayasan na sana nang makaramdam ako ng bagay sa ere.

Dali-dali akong humarap at inilagan ang suntok nito. Nahulog ko tuloy ang hawak kong bag. Muntik na 'yon.

"WHAT ARE YOU DOING!" Buset na 'to. Alam kong may kakaiba sa taong 'to eh.

Ngumisi siya. "Sabi na eh. You're not just an ordinary woman. Wala akong makitang butas sa pagkatao mo kapag papers ang pinag-uusapan. Pero tiyak may tinatago ka."

"Damn you!" I shouted. I clenched my fist. Naka-bandage pa ang mga kamay ko pero siguradong kaya ko na itong gamitin.

"You look like Merian Felipe. Posible kayang ikaw at si Merian ay iisa? Magkapatid? Magkakambal? O di kaya'y-"

"Kalokohan! Tigilan niyo nga ako sa mga kalokohan ninyo. I am REYA CLEMENTE and not someone else." Giit ko. Paulit-ulit na lang, nakakasawa na. It all started when I met Lorenzo Andrews. Kasalanan niyang lahat ng ito.

Mabilis ko siyang sinugod pero inilagan niya lang ito. I tried to punch him again. Umiwas lang siya ng umiwas. Nang makakuha ako ng tiyempo, ginamit ko ang kanang paa ko para patirin siya.

Halos ma-out of balance siya at agad ko itong sinamantala. Sinuntok ko siya sa mukha, not just once but thrice.

"Uh! Sa-sandali." Awat niya sa akin. Itinaas niya ang kanyang mga kamay. I just smirk while looking at his injured face. Anyway, siya ang nauna.Akala ba niya hindi ko siya papatulan? Napameywang ako sa harap niya.

"Tama na. Okay? Suko na 'ko." Hawak-hawak na nito ang kanyang pisngi.

"Umalis ka na at huwag na huwag nang magpapakita sa akin. Naintindihan mo?" Hindi
siya umimik. Naglakad lang siya palayo. Napahinga ako ng malalim. "Ano 'yon? Parang baliw. Nakakainis." Bubulung-bulong kong sabi habang kinukuha ang aking bag.

"I'll be watching you Miss Reya Clemente." Makabuluhang sabi ni Alvin. Napataas-kilay ako sa narinig.

"Hoy!" Lumingon ako sa kaniya pero nakalabas na siya ng pinto. Tssk. Bwisit! Ang kapal ng pagmumukhang magbanta!

***
Everyone's looking at me... yeah, as if nakakita sila ng diwatang itinapon sa lupa.

"Good morning Ma'am. Ano pong hinahanap nila?" One of the saleslady curteously asked.

"Duh! What are you saying?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ma'am, kung ano po ang hinahanap niyo. Mobile phone? Laptop?" Lumapit pa ako sa saleslady at tintigan ang mga mata niyang may pagkasingkit. Ngumiti lang siya ng pilit as if seeing a weird creature in front of her.

Tinanggal ko ang itim na salaming nasa aking mata. But her expression still the same.

So effective nga ang ginagawa ko.

Nilagpasan ko ang saleslady at nagderetso ako sa loob. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"I want to go to my office. Oh, sasama ka?" I asked her with high tone.

"Po?"

"Hello? Hindi man lang ba kayo babati? Kailangan ko pa bang ipakilala ang sarili ko everytime papasok ako sa shop ko?" Ilang segundo... yes umabot ng ilang segundo bago mag-function ang kapiranggot na utak ng mga empleyado ko.

Binuksan ko na't lahat ang pinto ng aking opisina ay wala pa rin akong narinig na response.

I am about to enter the room nang marinig ko sila.

"Good morning Ma'am Reya."

"Si Ma'am Clemente ba 'yon?"

"Hala. Si Ma'am nga."

Duh! Ngayon lang nila na-realize? Mga slow.

Pagpasok ko sa loob ay nanlulumo akong naupo sa upuan. Ngayon pinagsisisihan ko na kung bakit wala akong kagamit-gamit sa loob ng opisinang ito. Wala man lang salamin na nakasabit sa pader.
Paano ko makikita ang sarili ko?

Basta ang alam ko ay naka-braid ang buhok ko. Nakasuot ako ng striped shirt at denim short na tama lang ang haba. Yeah tama lang ang haba dahil nahahabaan pa nga ako. Its about five to six inches above the knees. At rubber shoes naman sa ibaba. Isinuot kong muli ang black shade na tinanggal ko kanina. Hindi na ako kumportable ng walang make-up pero hindi ako naglagay ngayon. Ngayon pa lang nami-miss ko na ang mapulang lipstick ko... eyeshadow, eyeliner at... basta make-up.

Mapagkakamalan akong bakasyonista ng Boracay nito. Panira nga lang ang mga benda ko sa kamay.

Tinulak ko ang lamesa gamit ang kanang paa ko nang hindi pinapansin ang mangilang papel na nasa naturang lamesa, maging ang aking laptop. Basta ko na lamang pinatong rito ang aking mga paa.

Nasa ganoong ayos ako nang may biglang kumatok.

"Pasok!" Para akong galit sa aking pagsigaw na tiyak dinig sa labas. Inayos ko ang aking upo.

Iniluwa ng pinto si John na may mga dalang papel. Napangiwi ako dahil dito. I'm getting allergic to papers... to work.

"Good morning po Ma'am nasa labas po ako nang dumating daw po kayo. Gusto ko lang pong..." Bigla siyang nag-lie-low sa pagsasalita nang mapalingon siya sa akin. I rolled my eyes. Naku ha, hindi na 'ko natutuwa.

"... na may mga mag-i-end of contract na sa mga staff ng shop." Mahina niyang dugtong.

"Haist, kaya mo na 'yan. Maghire ka naman ng pasok sa standards ko." I said. I look at his, uhm well, haggard face, may gusto siyang sabihin pero halatang hindi maituloy. I could sense what will he tell me. Napahawak na lang ako sa aking noo. Knowing him, siguradong makikiusap na naman siya ng kung-anu-ano. Kesyo maganda naman ang performance ni ganito, kailangan namin ulit si ganyan... Duh! Ni wala nga akong kilala sa mga empleyadong iyan.

"Do what you want. I-hire mo ulit kapag maganda naman ang standing dito." Naghikab ako. Seriously, I'm getting bored talking with him.

"Okay po Ma'am. Ako na po ang bahala." Medyo may kasiglahan nang tugon niya.

"Iyon lang po Ma'am. Salamat sa oras." He is about to leave nang tawagin ko siya. Nakatingin na siya ngayon sa akin, naghihintay ng aking sasabihin.

"How do I look today?" Wala sa loob na tanong ko. "Naah. Never mind." Mabilis kong bawi.

I'm just curious because its so uncomfortable being like this. Takot naman siya sa akin kaya't siya ang gusto kong pagtanungan.

"Hindi ko po kayo nakilala." Safe niyang sagot.

Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy na siya sa paglabas.

Lumipas ang mga oras at ang tanging ginawa ko lang ay kumain at natulog. Ang hirap kayang matulog ng nakaupo. Dapat bedroom ang pinagawa ko rito. Haist, kailangan ko na talagang magpabili ng mga gamit para sa maliit na kwartong ito.

Hapon na ako dumating dito sa opisina. Sumilip ako sa cellphone ko para tignan ang oras. Its around nine in the evening. 9:30 nagsasara ang mall.

Lumabas ako ng shop na ganoon pa rin ang ayos. Hindi ko na pinansin ang mga empleyado kong nag-aayos na lang at naghahanda para umuwi.

Anong gagawin ko ngayon? I can't use my car. Hindi pwede. Masusundan ako kapag iyon ang ginamit ko.

Kanina ko pa ramdam na may sumusunod sa akin, na may mga matang namamatyag ng mga kilos ko. This is the reason why I changed outfit. Parang artista lang na nagtatago sa fans niya. Ang kaibahan nga lang mas magaling akong mag-disguise.

Magko-commute na lang ba ako? Napailing na lang ako. Naku! I don't like my own idea.

Naglakad-lakad lang ako pero wala pa akong balak bumaba sa ground floor. Halos pasara na lahat ng mga tindahan. Ang alam ko, may balkonahe rito, masilip nga.

"Ma'am, sarado na po diyan." Pigil sa akin ng isang gwardiya nang makarating ako sa sliding door na papunta sa balkonaheng tinutukoy ko. Sinamaan ko ng tingin ang gwardiya. Saka sinubukan kong i-slide ang pinto.
"Oh, bukas pa ha." Mataray kong sabi

"Pero Ma'am - "

"Shut-up!" Mahina pero mariin kong sabi. Tuloy-tuloy akong pumasok at walang nagawa ang gwardiya. I remember him. Siya iyong pulpol na hindi pumansin sa amin nang ma-kidnap kuno ako. Maghintay ka lang, kapag naging co-owner ako ng mall na ito, ipapatanggal talaga kita. Tatanga-tanga masyado.

"Yes, I will go back to the underground battle now. Ihanda mo lahat ng kakailanganin ko." A familiar voice suddenly stopped me from keep going. Napasandal ako sa maaari kong sandalan para magtago.

"Keep updating me for any developments ng pinapagawa ko sa iyo." Utos niya sa kausap. Sumilip ako sa balkonahe at nakita ang likod ng lalaki. As always, he's wearing a business attire. Nakatapat sa tainga niya ang hawak na phone.

"Okay -"

Before their conversation ends, lumabas na ako ng balkonahe. I already have an idea. Mahina akong natawa ng mag-isa.

***
Third Person's POV

Matapos magpalit ng damit ay pumunta si Renzo sa kanyang sasakyan. Nilampasan niya ang nakaparadang kotse at sa isang motorsiklo huminto. Nais niyang bumalik sa underground battle at mangalap ng impormasyon. Ayaw niyang maghintay lang sa isang tabi. Nais nitong sa lalong madaling panahon ay mabigyan ng linaw ang lahat. Naniniwala siyang may koneksyon sa organisasyon ang mga nangyari noon.

Sumampa siya sa kanyang motor at bago pa man mapaandar ay isang babae ang mabilis na sumakay sa likod.

"What the!" Sigaw niya dahil sa pagkagulat.

"Pwedeng makisakay?" Wika ng babae na tila nang-iinis pa.

"Who are you?" Asked Renzo. Lumingon siya sa babae. A woman with braided hair, a black shade on her eyes and wearing a black lipstick. Nakasuot din ng striped shirt na pinatungan ng leather jacket.

He doesn't know if its just a co-incidence pero pareho sila ng jacket, male version nga lang ang sa kanya.

"Ngayon ako naman ang kinakalimutan mo na? Nakakalungkot naman." Mahinang sabi ng babae, sa boses na parang nanlalambing.

"I don't know what you're talking about. Baba." Napahawak sa sentido niya si Renzo. Sa isip nito'y mukhang alam na niya kung sino ang kasama. Bumaling siya sa kamay ng babae na nakahawak sa kaliwang balikat niya. Nakabalot ang palad niya ng itim na tela na kung pagmamasdan ay pandagdag lang ng porma. But he is now sure kung sino ang babae. "Ano na naman kaya ang pumasok sa utak ng babaing ito?" Tanong niya sa sarili.

"Sasama ako sa'yo." Biglang wika ni Reya na tila sinagot ang katanungan niya.

"Alam mo ba kung saan ako pupunta? Pwede ba bumaba ka na. Miss Reya Clemente." Hinintay ni Renzo na kusang bumaba ang babae ngunit hindi kumilos ang inuutusan. Napakunot-noo siya.

"Ang galing, nakilala mo kaagad ako. Sabihin mo munang... please." Sinadya ni Reya na habaan ang huling salita na waring isang batang humihingi ng pabor sa kanyang magulang. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Renzo. Parang kaunti na lang at mauubos na ang pasensya niya.

"Ay, kahit huwag na pala. Hindi naman ako bababa nuh. Sasama nga ako di'ba?"

"Hindi-" Renzo is about to protest again and ready to drag Reya away but she immediately cut him off.

"Alam kong sa underground battle ka pupunta. I know that place. Kaya kitang dalhin doon nang walang kahit anong aberya." Ngayon ay seryoso na'ng sabi ni Reya.

It caught Renzo's attention. "Paano mo nalaman? At bakit alam mo ang tungkol sa lugar na iyon?"

"Aksidente ko lang nalaman na pupunta ka roon okay? And one more thing, pwede ba sabihan mo ang imbestigador mo na lubayan ako? Wala siyang mapapala sa akin." Mataas ang boses niyang utos.

"Huwag mong idi-deny! Ikaw lang naman ang kilala kong may motibo sa pagpapa-imbestiga ng mga nangyari noon sa mga taong ni hindi ko nga kakilala o kaanu-ano." Banta ni Reya.

"Bumaba ka na." Mahina ngunit mariing turan ng lalaki.

"No. Sasama ako sabi, ang kulit. I also want to watch the fight this night. Sinasabi ko sa'yo... kailangan mo ako." Napatagilid siya ng ulo para abutin ng paningin ang mukha ni Renzo na natatakpan ng sumbrero. She could only see his pinkish lips.

Gumalaw ang labi ng lalaki na siyang dahilan para mailayo niya ang sarili at mapatuwid ng upo. "May alam ka ba tungkol sa organisasyon?"

"Mamaya na kita sasagutin. We have to go now." "

"Haist! Daming tanong" mahinang reklamo ni Reya sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top