Chapter 1 Pink is Dark

REYA'S POV

"WHOOOAHH!" malakas na hiyawan ng mga tao pagkapasok ko sa malahawlang ring. Nababalutan ng itim na kasuotan ang aking buong katawan maging ang aking mukha. Tanging mga mata lamang ang makikita. I see to it that no one can read the reflection on my eyes kaya nagsuot din ako ng itim na contact lense. I look like a ninja. Every fighter should wear masks to hide their true identity.

I am Pink. And tonight, I'll be fighting again.

Nauna nang tinawag ang makakalaban ko kanina. Nakapwesto siya sa kabilang side ng ring. He calls himself Drago. Isang matabang lalaki ito na nakasuot ng white sando and pant. He looks like a wrestler.

Nagring ang bell bilang hudyat na umpisa na ng laban. Dito, isang round lang. Ang matitirang nakatayo matapos ang oras o kaya'y mas maraming pinsalang nagawa sa kalaban ang mananalo.

Kaagad akong sinugod ng aking kalaban. I saw it coming pero hindi ko inilagan ang suntok niya sa pisngi ko.

Mahina...

Ni hindi man lang ako natinag sa kinatatayuan ko. In just a few seconds, I know pwede ko siyang mapatumba.

Inatake ulit ako ng kalaban. This time, sinangga ko ang sipa niya.

Yeah, kaya ko siya. Pero pasalamat siya at iba ang plano ko ngayon.

Hinayaan kong tumama sa akin ang mga atake nito. Walang tigil ang hiyawan ng mga tao. Tssk... mga taong halang ang kaluluwa.Mga hayop sa anyo ng tao.

Matapos ang ilang minuto ay bumagsak ako sa sahig. Umakto akong parang hirap na hirap sabayan ang mga sipa at suntok nito. At ngayon, bugbog-sarado ang inabot ko.

Napangisi ako. This is my world. I hate pain... Pero ito parati ang nararamdaman ko.

"Walang kwenta!" Sigaw sa akin ni Drago. Napangisi ako ulit. I know malakas ang ginawa niyang sipa sa binti ko kanina. Kung alam mo lang. Kaya kong doblehin ang ginawa mo sa'kin. Pero gusto kong masaktan eh.

Napatingala ako sa itaas kung nasaan ang mga salaming harang sa ikalawang palapag ng Arena. Sa likod ng mga iyan ay nanonood ang organisasyon, kasama ng mga bigatin nilang kliyente. Mga hayop pa sa hayop! Mga ganid at demonyo.

Bumalik ang atensyon ko kay Drago at sa announcer na nagsasalita. Drago won.

Ganito naman talaga palagi. Habang ako ay hindi na pinansin. Walang kwenta ang lugar na ito. Puro patapon sa lipunan ang mga narito. Hindi ko na pinatapos ang kanilang seremonyas.

Hirap na hirap akong tumayo. Wala na akong pakialam sa mga hiyawan at ingay sa paligid ko. Sanay na ko sa mga ito.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa buo kong katawan. Sa likod ng aking maskara ay isang mapait na pagngiti ang aking ginawa.

I'm living in hell.

Pumasok ako sa pintong patungo sa silid na nakalaan para sa akin. This place is full of secret rooms where slaves are kept. Isa ako sa mga aliping ito. Pagpasok ko sa loob ay siya namang pagharang sa akin ng mga lalaking nakaputi.

"Pink." Sabi sa akin ng isa sa tatlong lalaki. I already know what he means.

"Hindi ko kailangang magpagamot. I'm okay." Matigas kong sabi. Mga medics sila.

Of course, ayaw ng mga nakatataas na may mangyaring masama sa mga alipin nila. They need us for the show. Matapos kang pasabakin sa isang labang maaari mong ikamatay, gagamutin ka ulit. Para saan? Para isabak ka ulit sa isa na namang laban? How ironic.

Nahihirapan silang makakuha ng mga bagong panabong nila kaya hangga't maaari, ayaw nilang mamatayan. Once na maging part ka ng underground fight na ito, hindi ka na makakaalis... Not unless, bitawan ka na nila. Pero hindi ka nakakasigurong buhay ka pa kapag nangyari iyon.

Alam na ng mga ito ang ugali ko kaya hindi na nila ako napilit.

Dederetso na sana ako nang isa na namang grupo ng kalalakihan ang humarang sa akin. This time, they're wearing black suit.

"Ano?" Galit ko silang sinigawan.

"Sumama ka sa amin. May gustong kumausap sa'yo," aniya. Utos sigurado ito ng nakatataas. Damn those monsters!

Naunang maglakad ang mga lalaki. Hirap akong maglakad habang hawak ang kaliwa kong braso sa pinilipit ni Drago kanina. The next time we fight, siya naman ang babalian ko ng mga buto.

Nahinto ang mga lalaki sa harap ng itim na pinto. Lumingon ang isa sa akin at sinenyas na pumasok ako sa loob.

Wala akong maramdaman kundi galit habang papasok sa mala-impyernong pinto. Ito ang isa sa mga kwartong may salamin. Na kung saan makikita mo ang ring na pinanggalingan ko kanina.

Pagkabukas ko ng pinto ay isang malakas na suntok sa mukha ang natamo ko.

Bumagsak ako sa sahig. Ngumisi akong muli. May face is still covered with my black plain mask kaya hindi makikita ang buong mukha ko. Siguradong puro pasa na ito.

Dahil sa hirap na akong kumilos ay hindi na lang ako tumayo. Napaupo ako sa sahig habang matatalim ang mga matang nakatitig sa lalaking galit na galit. Nasa singkwenta anyos na ito at kilalang-kilala sa mundo ng pulitika. Tsk. Isang demonyong nagtatago sa anyong tupa...'Yan ang hindi alam ng mga pumupuri sa kanya.

"Bullshit!" Sigaw niya at lumapit sa akin. Hinawakan ako sa magkabilang balikat. Halos bumaon na ang mga kuko nito sa balat ko. Masakit... I feel so much pain... pero hindi ko pinakita na nasasaktan ako. Tinapatan ko ang makamandag niyang titig.

"Masyado kang matapang ha!" Sinampal niya ako pero hindi ako nagpatinag.

"Ano! BAKIT HINDI IYAN ANG PINAKITA MO KANINA SA LABAN? ALAM MO BA KUNG MAGKANO ANG NATALO SA'KIN DAHIL SA IYO!" Tsk. So pumusta siya sa akin kaya galit na galit ang hayop na ito? Buti nga sa'yo.

Isa na namang sampal ang natamo ko mula sa kanya. Nalasahan ko ang dugo mula sa kanina pang putok na labi ko.

"ANGTAGAL MO NA RITO PERO HINDI KA MAN LANG NAKAKADERETSO NG PANALO! NATALO KA PA NG ISANG BAGUHAN! PWEH. WALANG KWENTA! PAPATAYIN NA LANG KITA!" Galit na galit ito na parang isang bulkang sasabog. Gusto kong pagsusuntukin ang mukhang perang ito. Siguradong malaki ang natalo sa kanya.Pinigilan ko ang aking sarili na gawin ang nasa isip ko. Nakamatyag lang ang mga alalay ng senador. Sila lang ang tao sa loob. Kahit lumaban ako ay tiyak na hindi ko kakayanin ang mga ito lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Shit! Am I going to die?

Akmang pagbubuhatan na naman ako ng kamay ng senador pero biglang bumukas ang pinto.

"Tama na 'yan kumpadre!" Pagpigil ng bagong dating. Si Henry... Another demon from hell.

"Hah! Kumpadre, papatayin ko talaga ang isang 'to! Fifty million! Fifty million ang nawala sa akin nang dahil sa kanya!"

"Kumpadre naman. Alam mo naman kung gaano kahirap makakuha ng fighters ngayon. Hindi gugustuhin ng boss namin na mawalan kami ng isa. Alam nating lahat na hindi consistent ang statistic ni Pink sa laban. Kaya nga hindi tumataas ang rank niya. So hindi ako magugulat kung mananalo ba siya o matatalo."

"Hindi ako naniniwala sa fighter na ito! Sa tingin ko nagpatalo talaga siya. O baka naman, iba ang nasa likod ng maskarang ito? Sabihin mo kumpadre, dinadaya niyo ba ako?" Napakunot ng noo si Henry. Tiyak na nabubwisit na ito. Isinandal ko ang aking katawan sa pader. Iyon na lamang ang kaya kong gawin.

"Si Pink ay si Pink. Sa tagal na ng organisasyon, hindi namin hahayaan na sirain ito dahil lang sa pandaraya. Higit pa sa napakaraming pumupusta sa baba, ang mga importanteng kliyenteng tulad mo ang inaalagaan namin. Kaya't imposible ang sinasabi mo." Nakatingin si Henry sa salamin kung saan kitang-kita ang mga tao sa ibaba. Huh! Talaga lang ha.

"Gusto kong makita ang mukha ng Pink na ito." Tumayo ang senador at lumapit sa akin. Ihinanda nito ang kamay pero mabilis na hinawakan siya ni Henry sa braso.

"Kumpadre..." Warning nito.

"Oras na gawin mo yan, baka makalimutan ng organisasyon na isa kang kliyente." Tuluyan nang pinakita ni Henry ang tunay nitong ugali. He's impatient.

"Malapit nang magsimula ang susunod na laban. Maari ka na bang bumalik sa kabilang kwarto? Hindi na kita pagmumultahin sa paggamit mo sa kwartong ito at sa kapangahasan mo. Pero wag ka na lang magkakamaling umulit dahil baka kalimutan kong magkumpare tayo."

"Damn it! Hindi pa tayo tapos!" Duro sa akin ng senador bago siya lumabas ng kwarto.

Kami na lang ni Henry ang naiwan. Ngumisi ito.

"Good job Pink. Dinagdagan ko ang porsyentong makukuha mo sa gabing ito."

Masaya ito dahil tiyak na malaki ang kinita ng organisasyon sa laban ko. Bwisit!

"Wala ka pa rin bang sagot? Freedom? Fame? Wealth?" Ang tinutukoy nito ay ang bagay na gusto kong hilingin sa organisasyon. Almost every fighter wants their freedom. Nais nilang makawala ng lubusan dito and have their new life. Tssk, as if ibibigay naman ito sa kanila. Gagamitin lang nila ang kahilingan mo para lumaban ka sa ring at mag-aim manalo. Wala ring kwenta.

Hindi ako sumagot. 'Yun lang at iniwan na niya ako. Mahina kong inuntog ang sariling ulo sa sahig.

***

Mabagal akong naglakad palabas ng kwarto. Naabutan ko ang mga tao ng organisasyon na naghatid sa akin kanina sa labas ng pinto. Hindi nila ako pinigilan o sinundan. Hindi kagaya noon. Noong bago pa lang ako rito at tinratong parang alipin na may kadena sa leeg. Nakulong ako noon sa impyernong lugar na ito. Bawat hakbang ay ramdam ko ang pagkirot ng aking binti.

"Sinadya mo na namang magpatalo. Bakit ba masyadong matigas ang ulo mo Pink?" Nakasandal ang lalaki sa pader. Halatang hinihintay niya ang paglabas ko.

"Wala kang pakialam" walang emosyong sagot ko kay Arthur. Ang taong dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar na ito.

"Ah talaga?" sarkastikong sagot niya.

Hindi ko na siya masyadong makita dahil malaulap ng bagay na tumatakip sa aking paningin. Halos hindi ko makita ang mukha niya. Alam kong nakasuot siya ng maskarang may disenyong pangkawal noong sinaunang panahon ng Romano. Shit! Ayokong mawalan ng malay dito.

"Leave me alone." I command.

"Inuutusan mo ba ko Pink? I own you." Babala niya.

Gusto ko siyang sagutin pa pero traydor ang katawan ko.

I am about to fall when an arm wraps on me... Then everything went black.

***

Reya's POV

Nagising ako sa isang kwarto, na kahit madilim ay pamilyar na pamilyar pa rin. My cage...

This room witnessed everything I went through. Lahat ng sakit at hirap na dinanas ko. It is so empty. Tanging higaan lamang at ang pinto.

Marahan akong kumilos at bumango subalit anumang pigil ko'y lumabas ang mahinang ungol mula sa aking bibig. Ramdam ko ang sakit sa braso na napuruhan kanina.

Dahan-dahan akong tumayo. Gusto ko ng makaalis sa lugar na ito.

I'm still wearing the same clothes. Kahit ang takip ko sa mukha ay naroon pa rin. That man... alam na alam niya ang pinakaayaw at gusto ko. Of course he knows. Siya ang dahilan ng lahat, kung bakit ako naririto. But its my own choice to stay. Choice ko na yakapin ang tadhanang pinakilala niya sa akin.

I live to feel pain - that's my motto.

Bumaba ako sa higaan nang may masipa ako. Its a medicine kit, I guess I am wrong. Hindi ako ganun kakilala ni Arthur. Akala ba niya gagamitin ko itong iniwan niya?

Nagderetso ako sa pintuan. Pinihit ko ang seradura at agad binuksan ang pinto. I smirked, tandang-tanda ko pa ang mga panahong nakalock ito. Kahit magmakaawa kang pagbuksan ka ng pinto, walang makikinig sa'yo. It was really torture.

Paika-ika akong naglakad. Nadadaanan ko ang mga saradong pinto na naglalaman ng kwartong kagaya sa akin. These are the secret rooms for the organization's slaves - where they torture and train them. Iisa lang ang daan palabas.

Malaya akong nakadaan dito. Hindi ako pinansin ng mga bantay. Isa na ko sa exceptions, hindi kagaya noon na kinulong din nila ako. Isang taon, isang taon nila akong kinulong sa lugar na ito. But because of Arthur, I got my freedom... kung kalayaan ngang maituturing ito. Hawak pa rin ako sa leeg ng organisasyon. I am their fighter... panabong... laruan... pinagkakwartahan. That's the condition.

I remember what Arthur have said kanina. Yes, hawak din niya ako sa leeg. Gusto kong matawa, ang saya ng buhay ko.

Dumeretso na ko sa aking sasakyan at kaagad pumasok dito. Shit talaga! Ang hirap mag-alis ng damit. Hinubad ko ang saplot sa aking katawan hanggang sa black sando na lang ang matira at black legging. Its enough.

Tssk. Marami pala talaga akong pasa. Napatingin ako sa salamin sa taas, putok na putok ang aking labi. Tumutok ako sa sariling mga mata. At least I don't have blackeye.

Agad kong pinaharurot ang aking sasakyan. Malaya akong nakalabas, walang pumigil sa akin.

Sa shortcut ko piniling dumaan.

Gusto kong mag-focus sa pagdadrive pero ayaw na yatang sumunod ng aking katawan. Nagpageywang ang sasakyan pero wala akong planong bagalan ang pagmananeho. Gusto kong sumigaw!

Kulang pa... kulang pa ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa bigat sa dibdib ko.

Hindi ko namalayan na maabutan ko na pala ang isang kotse sa harapan. Shit! Ang ganda ng sasakyan pero ang kupad magmaneho ng kung sino mang driver. Masikip ang kalsada kaya mahirap mag-overtake.

Agad akong nagpreno pero natamaan ko pa rin ang likod ng sasakyan.

***
Renzo's POV

I gave in a deep sigh before pressing the call button. Nasa nagri-ring na phone ang isip ko habang nagmamaneho. Pinili kong dumaan sa masukal na kalsadang ito dahil hindi ako tiwala sa sariling makakapag-drive ako ng maayos sa highway kung saan nag-uunahan ang mga sasakyan. Marami akong iniisip.

"Hello. Sino 'to?" Answered a woman from the other line. Hindi ako kaagad nakasagot.

"Hello? Alam mo ba kung anong oras na? Sino ka ba? Wala ka bang magawa sa buhay mo?" Bago pa niya maisipang magpatay ng phone, nagsalita na ako.

"Its me. Gusto kitang makausap. Pero I guess its not the right time. Nakakaistorbo ako." Iba ang sinasabi ng utak ko. Gusto ko siyang kausapin agad. Pero madaling-araw pa lang.

"Wait! Wait!... Oh my God. Renzo? Is that you? Wait!" Hindi pa rin siya nagbabago. Madaling mataranta. Bahagya kong inangat ang aking phone na nakadikit sa aking tenga. Same old Celine...

"Yeah."

"Renzo? Totoo nga ang news. You're back! Where are you?"

Yes, after several years, I'm back.

"Nasaan ka?"

I am about to answer nang makarinig ako ng kalabog sa likuran ng aking kotse. May bumangga dito. Napakapit ako ng mahigpit sa manibela at agad na hininto ang kotse.

Wala akong pakialam sa sira sa sasakyan ko pero hindi ko mapapatawad ang bumangga rito.

"Hey! Anong nangyayari?"

"Tatawag na lang ako ulit mamaya." Sagot ko sa kausap saka nagmadaling lumabas ng kotse. Tssk. Pinatay ko ang phone ko at isinuksok sa bulsa ng aking pantalon. Agad akong lumabas at lumapit sa pulang sasakyang bumangga sa akin.

Kinatok ko ng ilang beses ang bintana ng kotse. Darn, ayaw yata akong pagbuksan.

Ang ganda ng pag-welcome sa'kin ng kapalaran.

Hindi ko alam sa sarili ko kung saan ba ako nagagalit, for bumping my car or for disturbing my business with Celine. Time is precious to me. Pagkatapos ng ilang taong nasayang, gusto kong ayusin ang lahat... malaman ang mga nangyari matapos kong talikuran ang lahat. Eight years. Its already been eight years pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. I am just seventeen that time. Pinangunahan ako ng takot.

And here I am... interrupted by a stupid driver.

Sa wakas, naisipang buksan ng babae ang kanyang bintana. The driver is a girl. Magulo ang buhok nito at nakaharap lang siya sa manibela.

"I'll pay for the damage. Magkano ang ibibigay ko?" Tanong niya. Mahangin naman masyado ang isang ito.

"Sa palagay mo ba Miss gan'un na lang ang lahat? Halos madisgrasya mo ako kanina! Mababayaran ba ng pera mo ang buhay ko kung sakaling mas malala pa ang epekto ng reckless driving mo?" Nakakapang-init ng ulo.

"Edi NO, pero masyado ka namang exaggerated Mister. Gasgas lang 'yan oh." Nakatungo niyang sagot. Ayoko ng tabas ng dila ng babaing ito.

Ipinasok ko sa bintana ang aking kamay para abutin ang braso nito. God knows how frustrated I am at this very moment. Maibabaling ko pa yata sa babae ang galit ko.

Pambabastos para sa akin ang hindi pagtingin sa iyo ng kausap. Bahagya akong kumalma nang mapansin ang kanyang braso. Medyo maliwanag na dahil mag-uumaga na. I'm difinitely sure na puro pasa ang babae. Kanina pa ba niya iniinda ang mga galos at pasa nito sa katawan?

"HOY!" Galit niyang bulyaw pero ramdam ko ang panghihina sa boses niya. And the weird thing is I remember someone.

Nope. Hindi siya ganyan magsalita.

Binawi ko ang kamay na nakahawak sa braso nito. I stand straight at napabaling sa ibang direksyon ang tingin. Samantalang ang babae ay nakatungo lang.

I am about to say something, pero hindi natuloy nang bumalik ang tingin ko sa kanya.

Napalingon sa akin ang babae. Una kong napansin ang putok nitong labi. Who did this to her? She looks so battered.

Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang kabuuan ng mukha ng babae.

"Merian..." Usal ko.

"Excuse me? Pwede na ba akong makaalis ngayon?" Baliwala niya sa pagtawag ko ng pangalan na iyon sa kanya.

"Merian. Ikaw nga ba 'yan? Akala ko... Akala ko... Wala." Jesus. If its just a dream, please hayaan mo na kong manatiling tulog.

I want to reach her...

Touch her face. Pero pinigilan niya ko nang akmang hahawakan ko siya.

"Anong pinagsasabi mo? Nakadrugs ka ba? Sinong Merian? I stared at her puzzled face.

Pinigilan ko ang aking sariling lapitan siya ulit kahit gustung-gusto ko pa. Hindi nga ba siya si Merian?

"Damn! Mister kung wala ka ng sasabihin, pwede na ba akong umalis?" Bulyaw niya ulit sa akin. I need to calm down. She's not her. They're different.

"Okay. Pero sagutin mo muna ang tanong ko." Gusto ko siyang palabasin ng sasakyan at kausapin ng maigi. I really want to confirm if she's not Merian. But seeing her condition...

"Kailangan mong magpatingin sa doktor." Bigla kong naisatinig. Darn.

"Ha? Sino ka para utusan ako? Sinasayang lang natin pareho ang oras. Pwede ba tanggalin mo na yang sasakyan mo sa harap. Ang laking harang. Mukhang mayaman ka naman kaya di mo na kailangan ng pampagawa niyang gasgas."

Nag-init ang ulo ko sa narinig. Kilala din ba niya kung sino ang kaharap niya?

"THEN WHO ARE YOU!" Sigaw ko na nakapagpatahimik sa kanya. Her face turned blank.

"Tell me your name." Hamon ko sa kanya. Naguguluhan ako, ano ba ang nais ko? Mukha na akong desperado subalit wala akong pakialam. I want her back. I miss her so much.

"Reya." Nanghahamon niyang sagot. I found no fear right in her eyes. I could only see anger.

"My name is Reya. Satisfied?" Deretso niyang tanong.

Tumango-tango ako bago talikuran ang babae. I immediately return inside my car. I started the engine. Hindi pa man tuluyang nakakalayo ay biglang nag-overtake ang sasakyan ng babae. Makipot ang kalsada kaya halos magdikit na ang sasakyan naming dalawa bago siya makalampas at tuluyang paharurutin ang sasakyan. Haist! She's totally insane. Maaari niyang ikamatay ang ginagawa niya.

That woman... Reya. Bakit?

Bakit kamukhang kamukha siya ni Merian? Is it really just mere coincidence?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top