special chapter

Theron's POV

"Kinakabahan ka ba?" tanong ko sa katabi ko na pawis na pawis ang noo habang hawak hawak ang mga bag na puno ng gamit niya.

"Hindi ko alam.."

"Tsk, huwag ka kabahan. Hindi ka na bago sa amin, lalo na sa akin." sabi ko at binuksan na ang pintuan para makapasok na sa bahay. Bumungad sa akin sila mama at papa pati na rin ang dalawa kong kapatid na nanonood sa sala kaya napatigil ako.

"Oh ikaw pala nak, ang aga mo naman ata?" tanong ni mama na ikinatango naman ni papa.

"Ma at Pa, may bisita nga pala kayo." Pinapasok ko na si Tyler na mayroon konting sugat sa mukha at naglakad papunta kila mama. Napatayo bigla si papa at agad na pinuntahan si Tyler sabay yakap dito.

Nakita ko ang tuloy tuloy na pagbagsak ng luha nito habang dinadamdam nito ang mahihigpit na yakap ng tatay niya. Hindi ko akalaing darating pa sa puntong ganito. Napangiti na lamang ako sa nakita ko.

"Pa.. sorry.. sorry kung sumama ako kay mama.."

"Ako ang dapat magsorry sayo, Tyler. Ni hindi ko man lang nakita ang paglaki mo." naiiyak ding sabi ni papa. Lumingon si papa kay mama at nakita ko naman ang mukha ni mama na malungkot. Inakbayan ko siya at hinagod hagod ang likod nito.

"Shh, huwag ka ng maging malungkot ma. Hindi naman aagawin ng mama ni Tyler si papa. Isa pa, ituring mo na rin pong anak si Tyler. Okay?" niyakap ako ni mama ng mahigpit at binalik ko din ito. Tumakbo si mama papunta sa gawi ni Tyler at laking gulat nilang dalawa ni papa ng bigla itong nakiyakap sa kanila.

"Ako na ang kikilalanin mong ina, Tyler ijo. Welcome to Smith family." at ngumiti ito.

Lahat ayos na. Kamusta naman kaya si misisq?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top