99
Theron's POV
"Ang tagal ah?" sabi ko at tumingin sa wristwatch ko. Magdadalawang oras na ako dito sa faculty pero wala pa rin si prinicipal. Tagal ah? Mag-aayos pa ako ng gamit ko para sa alis namin bukas.
"Goodmorni—" Napatayo ako bigla at napatigil ng bigla kong makita kung sino yun. Si Sam— Gail pala.
"Mukhang mali ata yung napasukan kong room, s-sorry." sabi niya at pinihit ulit ang door knob pero hindi na ito mabuksan. "Sh..t"
"Ano nangyari?" tanong ko.
"Nakalock.." lumapit ako dun para buksan sana ulit pero nakalock nga.
"Cellphone mo?" tanong ko sa kanya.
"Wala eh, hindi ko dinala. I-ikaw, baka meron ka."
"Bakit iniiwan mo? Tsk. Wala rin phone ko eh, iniwan ko."
"Eh bakit din kasi iniiwan mo?"
"Malay ko ba atsaka lalaki naman ako, kaya kong depensahan ang sarili ko kapag napahamak ako." sabi ko at umupo na lang ulit sa inupuan ko kanina. "Sino ba hinahanap mo?"
"Si Ms. Siouxsie."
"Siya din hinihintay ko." sabi ko at napailing na lang. Hindi niya ako inimik at umupo na lang din sa gilid ko dahil doon na lang naman may vacant seat. Bakit siya pa ang nakasama ko sa isang kwarto na 'to?
"K-Kamusta na 'yang katawan mo?" pagtatanong niya sa akin.
"Eto, katawan pa rin naman hanggang ngayon."
"Aish, pwede bang sagutin mo naman ng maayos?"
"Okay na ako. Nag-aalala ka ba?" tanong ko at tinignan siya.
"H-hindi. Gusto ko lang itanong para mawala yung awkward atmosphere."
"Hmm, nakapag-usap na ba kayo ni Tyler?" Tama ba yung tinanong ko?
"Nakipagbreak na ako."
"Ah.."
"Theron, sorry.."
"Sorry?"
"Sorry sa lahat.."
"You don't need to be sorry. Wala kang kasalanan." hindi naman siya nagsalita. "Can I ask something?"
"Hmm?"
"If I'll leave, would you ask me to stay?" hindi siya umimik at tinignan ako na para bang gulat. "Aish, bakit ko nga ba tinatanong eh ano bang pake ko sa opinyon mo." sabi ko na lang at lumihis ng tingin.
"Oo nga pala, aalis ka nga pala.. talaga bang aalis ka na?"
"Yeah."
"Bago sana matapos ang istorya nating dalawa.. gusto ko lang sabihin na mahal na mahal pa rin kita Thero—"
"Pinili mong iwan ako diba? Pinili mong magdeact. Hindi lang sa account mo kundi pati sa buhay ko. Alam mo ba bakit ayokong ipadeact yun? Kasi doon tayo nagsimula. Napakahalaga ng account na yun. Nandun lahat ng memories na meron tayo bago maging personal ang lahat. Dineact mo na, pinalitan mo pa ng password. Mas pinili mong paniwalaan ang duda mo kesa sa pasensya ko, Samantha."
"I k-know.. that's why I'm saying sorry to you. Nabasa ko yung post mo dahil sinend sa akin yun ni Calix and I regret everything, Theron. I'm really sorry.." at umiyak na naman siya. Lumapit ako sa kanya at dinukdok ang mukha niya sa dibdib ko.
"Kahit tanga ka mahal pa rin kita. Hindi ba't sinabi ko namang ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak lalo na't ako ang dahilan? Tsk. Mahal na mahal kita Gail— misis ko."
"P-Pero aalis ka na bukas.."
"Oo nga kasi dadalawin ko lang si lola. Dalawang araw lang ako dun dahil may kailangan pa akong gawin dito. Don't tell me mapaparanoid ka na nun?"
"P-Pero s-sabi nila Phoenix doon ka na daw magi-stay sa i-ibang bansa?" Napakunot ang noo ko nung una pero napangiti din ng makuha ko na ang ibig sabihin nun.
"Napagtripan ka na naman nila." sabi ko at umiling iling.
"HULI KAYO BALBON!" napatingin kami sa sumigaw at si Kean pala na sumulpot na nakatago sa kabinet ng faculty. Bigla namang nagsilabasan pa ang iba sa iba't ibang sulok sa lugar na 'to.
"Huhuhu, naiiyak ako sa kalandian niyo." sabi naman ni Ven. Kinuha niya ang damit ni Kean na nakasuot dito at pinampunas ito sa mukha niya.
"Tangina, yuck! Kadiri ka naman tombs eh! Tignan mo, may sipon pa!"
"It was all planned, fa. Alam naman naming mahal mo pa yan eh." sabi naman ni Zander.
"Gawa na kayo baby." sabi naman ni Calix.
"Ang gagago niyo mga fa!" sabi ko at binalibag sa mukha nila yung isa isang bagay na nasa table. Umiwas naman sila.
—
tbh, nakaisip na talaga ako ng scene dito pero nakalimutan ko kaya ayan, ang lame ng kinalabasan. masyadong mabilis na nagkapatawaran sila. d u h :<
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top