96
Tyler's POV
"Tyler, kamusta ka na?" Hindi ko pinansin ang tropa at tumagilid na lang ng pwesto sa kama.
Hanggang ngayon naalala ko pa rin yung mga nangyari kahapon.
*flashback*
Pupukpukin ko sana ulit ng isang beses sa likod si Theron ng bigla na lang akong nakarinig ng isang sigaw mula kay Phoenix.
"Huwag mo sasaktan ang kapatid mo, Tyler!" sigaw nito na ikinagulat ko. Napatingin ako kay Theron na nakahandusay sa sahig at puno ng pasa sa mukha.
"Anong kagaguhan ba ang sinasabi mo?!"
"Hoy kupal, kapatid mo si Theron!" sigaw naman ni Kean.
"Sinabi sa amin ni Theron lahat, Tyler." seryosong sabi ni Ethan. Ano na naman bang pang-uuto 'to?
"Anak ka sa labas diba? Ang ama mo ay ang ama rin ni Theron. Nagkaroon ka din ng ibang ama pero naghiwalay sila't pinagpalit ka ng mama mo dito, tama ba? Natatandaan mo yung araw na nahuli si Theron sa panonood kila Samantha sa volleyball. Nagkaroon sila ng confrontation sa family nila dahil nga nalaman nilang nakabuntis ng ibang babae dati ang papa niya at nalaman niyang ikaw pala yun. Galit na galit si tita nun at gusto na nilang maghiwalay sila at kunin na sila Theron para pumuntang ibang bansa. Kaya pala itong gagong 'to-"
"Teka lang pre, to be continued na lang. Baka mamatay na 'tong si fa kung uunahin natin ang drama. Nanghihina na yung katawan niya." singit naman ni Caleb at binuhat si Theron papunta sa kotse nila. Naiwan naman si Calix at tinignan ako ulit.
"Kaya pala si fa, eh naisipan na lang na tantanan na si Sam at hinayaan kayong maging masaya. Ayaw niya daw kasi na mag-away kayo ni fa dahil lang sa isang babae. Kaya ngayon, nagmomove-on na siya. Dumating lang naman yan dahil ayaw niyang may masaktan pa sa inyong dalawa eh. Baka kasi saktan mo si Sam o 'di kaya'y saktan ka ni Sam para makatakas. Ge, mauna na ako." at iniwan na niya akong nakatulala habang tumutulo ang luha.
*end of flashback*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top