92
Samantha's POV
"By, you look pale. Is there something wrong?" Inalis ko ang tingin ko sa daan ng magsalita si Tyler na nagdadrive sa gilid ko. I smiled at him and shrugged my head. "Are you sure?"
"Yeah. Maybe I'm just tired. Alam mo naman kung gaano tayo tambak sa requirements this sem diba?"
"Aish, overthinking again, by? Hayaan mo muna 'yang school works na yan. Magkasama tayo ngayon and I want you to have solo." bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya agad ko naman itong tinanggal. Medyo awkward para sa akin ang atmosphere kaya nagpapaypay ako kunwari gamit ang kamay ko.
"Ang init noh?" sabi ko kunwari at parang concious na concious.
"Nakasindi naman ang aircon by ah. Todo pa nga eh."
"Kahit na, mainit pa rin."
"Remove your jacket kung naiinitan ka." sabi niya at tinignan ako. Napatikom ako ng bibig dahil sa sinabi niya at tinakpan ang dibib ko gamit ang jacket at kamay ko.
"Malamig na pala." sabi ko na lang na ikinangisi niya. Inihinto niya na ang kotse sa tapat ng isang bahay na sa tingin ko ay pagmamay-ari nila.
"Sam.. I love you." sabi niya. Inilihis ko ang tingin ko dahil ayokong makipagtitigan sa kanya. Bakit ganun? Hindi ko maramdaman yung ibig sabihin ng salitang yun kaoag binabanggit niya?
"..." nilingon ko siya unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin kaya dali dali akong lumabas sa kotse. "You know what by? Baka naghihintay na si tita. Saglit lang ako dito diba?" sabi ko saktong paglabas niya.
Pumasok na ako agad sa bahay nila dahil sa kahihiyan sa kanya. Narinig ko naman pinagsisipa niya yung kotse at tuluyan na akong sinundan. Inakbayan niya ako't ibinaba ang kamay sa aking bewang. Inalis ko 'to at ngumiti ng pilit. Pagkapunta na pagkapunta namin sa sala ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top