88
Kean's POV
"Nasaan si tombs?" tanong ko sa tropa na nakaupo saglit at nagpapahinga. Bigla namang dumating si Venus na ikinalingon ko.
"Narinig ko yung tombs ah. Bakit mo ko hinahanap?" tanong nito sa akin at uminom ng juice.
"Wala lang. Akala ko kasi nalig—"
"Akala niya kasi kasama mo na daw si Kir—"
"Gago ka fa." pagputol ko sa sinabi ni Phoenix. Trip na naman niya ako, putsa.
"Nah. Maliligo na ba kayo nyan?" tanong nito.
"Oo, sasama na kayo?" tanong ni Caleb.
"Oo, teka lang. Magpapalit lang ako." paalam nito at dinala saglit yung bag niya. Kinuha ko naman yun.
"Tulungan na kita magbuhat?" pag-alok ko. Napakunot naman siya ng noo.
"Hipon yung kinain mo kanina diba? Kumain ka nun lagi ah. Maganda ang epekto sayo." sabi niya ng natatawa na ikinasama ko ng tingin sa kaniya. Lagi niya na lang akong binabara.
"Ayaw mo bang tulungan kita?" Napatingin siya saglit sa taas at inabot na sa akin yung bag niya.
"Ayan na, salamat bads." sabi niya't nagtungo na papunta sa cr ng mga babae. Sira kasi yung pinto dito kaya mabuti ng sinamahan ko siya. "Huwag mo akong sisilipan ah." paalala niya.
"Wala namang magtatangkang manilip sayo. Wala ka namang ano.."
"Mamayang pinalamas ko sayo 'to, matuwa ka pa." inis niyang sabi na nakapagpatahimik sa akin. Bakit ko ba kasi sinabi yun?
Tumalikod na ako ng pagpasok niya sa banyo't tumingin tingin na lang sa mga nagswiswimming. Hindi ko alam pero wala pa ata akong nakikitang maganda simula kanina. Bakit ganon?
"Ayan, tapos na. Salamat ah." rinig kong sabi niya at kinuha ang bag na hawak ko. Napatingin ako sa kanya at.. at.. at..
"Wow.." bulong ko sa isip ko.
"Hoy, gago ka. Huwag mo akong pagnasaan ah." sabi niya at nilagay ang balabal sa pambaba niya. Naglakad na siya agad at ganon din ako. Pagkadating na pagkadating namin sa cottage ay napatingin naman ang tropa kay Venus dahil a suot niya.
"Hoy Ven, ikaw ba yan?" tanong ni Ethan.
"Oo naman! Ano bang nagbago sa akin?"
"Bagay mo naman palang mag-ayos babae eh." sabi naman ni Phoenix.
"Wala akong pera."
"Ven, huwag kang umalis sa tabi namin mamaya." seryoso namang sabi ni Theron sa kanya.
"Bakit?"
"Basta. Huwag kang humiwalay kay Kean." sabi nito at nagalis na rin ng t-shirt. Nagyaya na silang magswimming kaya dali dali kaming tumakbo sa beach.
"Hmm, tombs." tawag ko kay Venus.
Liningon niya naman ako habang naglalaro ng mga buhangin. "Hmm?" tanong niya.
"Ah— eh.."
"Ah eh? Kailan ka pa natuto mautal? Pft haha." at tinawanan niya ako.
"Ano kasi.."
"Ano nga? Hihilain ko na dila mo."
"Aish, oo na. Maganda ka na." sabi ko at tuluyan na siyang iniwan mag-isa dun. Pumunta na ako kila fa at nakipaglaro sa tubig. Tinignan ko ulit siya at napansin ko namang nakangiti na siya habang naglalaro ng buhangin. Napangiti naman ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top