87

Theron's POV

"

Sarap nito ah." sabi ni Zander fa at kinain yung barbeque na inihaw. Kakain na kami ngayon at nandito na rin ang lahat maliban kay Kean. Nasaan na ba si fa?

"Nasaan si Kean fa?" tanong ko.

"Ewan ko lang." sabi ni Phoenix at kumain.

"Baka nambabae." sagot naman ni Ethan na busy din kumakain. Napalingon ako sa gilid gilid at nakita ko siya sa isang hindi naman gaanong kalayuang store. Bibili siguro 'to ng alak.

"Teka lang mga fa ah, hahanapin ko lang siya saglit." paalam ko kahot na alam ko naman kung nasaan si fa. Baka kasi sumama pa ang tropa.

"Sama ako!" taas bigla ng kamay ni Venus.

"Huwag na Ven. Kumain ka na lang ng marami para naman magkalaman ka." sabi ko ng natatawa at umalis na. Pumunta ako agad sa table kung saan nandoon si fa at tama nga ako, umiinom siya.

"Dami naman atang alak niyan fa? Ayaw mo ba magsama?" natatawa kong tanong at umupo sa tapat niya. Kumuha ako ng isang bote at ininom 'to. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Ano ginagawa mo dito?" inis niyang tanong. Mukhang badtrip siya ah?

"Kumakain na kasi sa cottage. Napansin kong wala ka kaya hinanap kita. Ano problema, fa?"

"Wala."

"Ano nga? Para kang gago, ulok. Tutulungan naman kita." Ibinaba niya ang bote na hawak niya at tinignan ako ng seryoso.

"Paano kung sinabing ikaw yung problema ko, fa?"
"Tangina, ginoo-goodtime mo na naman ako. Tsk, seryoso tayo fa."

"Seryoso ako."

"Ako? Bakit ako?" tanong ko.

"Bakit hindi mo sinabi fa na kayo na ni tombs?" Pft. Seriously? Para talagang bata ang kolokoy na 'to. Naturingang mahangin na lalaki tapos kung magselos parang bata. "Tinatawanan mo ba ako?"

"Umayos ka, gago. Hindi kami ni Venus, okay?" natatawa kong sabi at umiling iling.

"Anong hindi? Eh narinig ko lahat ng sinabi mo. Hinawakan mo pa nga yung kamay niya eh."

"Tsk tsk, oo pero alam mo na ba yung dahilan?" Natigilan naman siya at napailing.

"Yung Kiro na kaibigan nung siraulong boyfriend ni Samantha, balak kaladkarin kanina. Kung hindi ko sinabi yun baka hindi niya tantanan 'yang si Venus."

"Si K-Kiro? Gusto niya si tombs?!"

"Oo, bakit?"

"Wala." sabi niya bigla at yumuko.

"Fa, magkaliwanagan nga tayo. Gusto mo ba si Venus?"

"H-hindi ah."

"Bakit ka ganyan makareact kung hindi?"

"Ewan ko. Basta ang alam ko, ayoko na may nagkakagusto sa tomboy na yun."

"Pft, hindi pa nga kayo tapos nagseselos ka na, haha." sabi ko at tinawanan siya. Binatukan niya naman ako. "Aray ko naman!"

"Huwag mo kasi akong tawanan, fa." sabi niya at sinamaan ako ulit ng tingin.

"Magpakatino ka na kung gusto mo si Venus. Mataas ang standard nun pagdating sa lalaki. Aralin mo na magsibak ng kahoy at mag-igib ng tubig kung liligawa—"

"Teka, sino ba nagsabi na liligawan ko siya? Swerte niya naman." sabi nito at naghawi pa ng buhok. Hindi ko alam bakit ako may tropa na may sapak sa ulo. "Baka nga siya pa ang manligaw sa akin, tsk."

"Haha, mangarap ka lang fa. Iba si Venus sa mga babae mo. Alam mo naman diba? Boyish."

"Tsk, hindi ko siya gusto fa. Tara na nga at bumalik na tayo sa cottage. Nagugutom na ako."

"Bakit namumula ka, fa?" tinakpan niya naman yung mukha niya at tumayo na. Nagsimula na siyang naglakad kaya tumakbo ako't inakbayan siya. "Kinikilig ka ba, fa?" tawang tawa kong tanong.

"Gago, hindi nga! Uminom lang ako kaya medyo mapula yung mukha ko."

Inaasar asar ko siya hanggang sa makadating kami sa kubo. Napatingin sa amin ang lahat at natigilan sa pagkain.

"Oh, bakit namumula yan?" tanong ni Calix. Napatingin si Venus sa mukha ni Kean at napakunot noo.

"Oo nga, bakit namumula ka bads?" Tinignan ko ng nakakaloko sila fa at mukhang nakuha naman nila ang ibig sabihin ng ngiti ko. Nagsitawanan silang lahat at pinagkumpulan si Kean.

"Wooh! Totoy pa rin siyaaa!" sigaw ni Caleb at pinagpapalo ang likod ni Kean.

"A-aray! Uminom nga lang kasi ako kaya ako namumula!"

"Bakit pati tenga? Pft." tawang tawang tanong ni Ethan.

"Ano ba meron? Hindi ko gets." tanong ni Venus kaya napatingin kami sa kaniyang lahat. Tinignan namin si Kean fa at tinignan niya kami ng "huwag-niyo-sabihin-look"

"Ah w-wala y-yun. Huwag ka ngang chismosa. Kumain ka na lang." sabi ni Kean at kumuha na ng pagkain niya.

"Ako'y kinikilig ~ kapag ika'y lumalapit ako'y nanginginig~ " sabay sabay namin kantaat nagtawanan. Isang malutong na mura naman ang nakuha namin sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top