86

Theron's POV

"Haha, ayoko ng ganun!" Natatawang tanggi ni Venus. Habang nagtatawanan kaming dalawa ay bigla na lamang nagring ang cellphone ko at nagulat ng tumawag ang mama ni Sam.

Napatingin si Venus at tumango naman. Nagpaalam muna ako na sasagutin ko yung tawag kaya pumunta muna ako sa sulok at iniwan saglit si Venus na nag-iihaw.

"Hello po, tita?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Theron, kasama mo ba si Gail?"

"Opo tita, bakit po?"

"Magkatabi ba kayo ngayon? Nasaan siya?"

"Ah tita.. wala na po kami ni Gail kaya medyo malabo pong makatabi siya ngayon. Bakit po?"

"Alam ko naman yun, sus. Pero pabilin naman si Gail aneh? Sayo ko na siya ibibilin dahil hindi ako nagtitiwala dun sa Ty--Ty-- Tyler ba 'yun?"

"Opo, haha. Bakit naman po tita? Hindi ba mabait sa inyo?"

"Ewan ko ba dyan kay Gail at binitawan ka pa. Aba, biruin mo ba naman Theron.. kapag pumupunta sa bahay eh nakikikain pa! Hindi man lang magpakagalante, jusko. Hindi tulad mo na ikaw pa nagdadala ng pagkain para sa amin. Isa pa ah, ang pangit tignan ng may tattoo sa kamay kahit pa maliit lang, hay jusko. I don't know what's happening to this Earth." Natawa na lang ako sa pinagsasabi ni tita. Makulit pa rin pala siya hanggang ngayon.

"Pero tita hindi po ba kayo nagagalit kasi nasaktan ko si Gail?"

"Alam mo kasi ijo, unang pakilala palang ni Gail sayo eh alam kong mabait ka. Hindi ba't ayaw pa ako ni Gail ipakilala sayo dahil daw strikto ako sa mga manliligaw niya kaso natuwa ako ng malaman kong ikaw pala ang nagpumilit magpakilala sa akin. Sa henerasyon ngayon, hindi ko maisip na meron pa palang nageexist na ganyan sa mundong 'to. Alam ko noon na hindi mo sasaktan ang anak ko kaya ngayon, kung nasaktan mo man siya.. alam kong hindi mo sinasadya. Mahal mo pa ba?" Hindi ako nakaimik at pinunasan ang mga luha na pinipigilan kong pumatak. Tangina, nakakabakla! "Silence means yes so paano ba yan, ijo? Yung bilin ko ha? Maa-upper cut ko si jr sige. Ciao!" At pinatay niya na yung tawag.

"Oh, ano sabi ni tita?" Tanong agad sa akin ni Venus.

"Gwapo ko daw."

"Hala, masyado ng matanda si tita. Malabo na siguro yung mata." Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinatawa niya lang.

"Hi, Venus.." napalingon kami pareho sa nagsalita at si Kiro pala. Isa sa my kateammates namin na barkada ni Tyler.

"Bye." Sabi agad ni Venus at umirap ito. Kung hindi ako nagkakamali ay isa 'to sa mga may gusto kay Ven, hays.

"Ang sungit mo pa rin hanggang ngayon, haha. Bakit ba ang bitter bitter mo sa akin?"

"Mukha ka kasing ampalaya. Shoo, doon ka na nga. Yung laway mo tumatalsik sa kakainin namin mamaya oh." Inis na sabi niya na ikinatawa ko naman.

"Masarap naman laway ko eh."

"Sige nga, lasahan mo. Kapag yan hindi mo nadescribe ah." Lupet ni sis.

"Putangina, bakit ba napakapakipot mo?" Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Venus kaya bago pa man niya mahila ito ay sinapak ko na siya agad.

"Bakit mo siya sinapak?! Inano ka ba niya?!" Tanong naman ni Tyler. Puta, ang ineexpect kong scene eh sasapakin niya ako at pagtutulungan nila akong dalawa kaso eto pala ang bagsak. Hindi kayang ipagtanggol ang sariling kaibigan. Syota pa kaya?

"Magpasalamat kayo kasi hindi ako mahilig manapak. Bihira lang dumampi ang gwapo kong kamay sa mukha ng iba. Pakelaman niyo na lahat ng babae dyan pero huwag lang ang mga tropa ko. Atsaka Kiro, itigil mo na ang panliligaw dito kay Venus. May syota na 'to." Natigilan naman silang lahat.

"Sino? Ikaw?" Natatawang tanong niya at tumayo.

"Oo, may angal?" Tumalikod na 'to at inis na pumunta sa kubo nila. Napatingin naman ako kay Samantha at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hinawakan ko ang kamay ni Venus at ngumiti dito. Maski ang mukha niya ay Hindi maipinta dahil siguro sa sinabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top