85
Theron's POV
"Doon tayo Ron, dali!" hinila ako ni Ven pagkadating na pagkadating sa beach papunta sa tubig at umupo sa malapit na bato.
"Hoy tombs, bakit si Theron fa lang inaya mo?!" rinig na sigaw naman ni Kean.
"May pag-uusapan kasi kami na hindi dapat marinig ng isang bading na katulad mo!" nakakahiya, putsa. Talagang nagsigawan pa, parang mga bata haha.
"Aba, anong bading—"
"Oh fa, awat na, babae yan."
"Tangina, hindi naman babae yan Ethan fa eh. Huwag mo na ako pigilan, please naman. Pinapahiya ako sa mga chicks oh."
"Tsk, mamaya ka na magpapansin kay Venus. Marami pang oras para landiin mo siya." natatawang sabi naman Phoenix na rinig pa rin hanggang sa side namin. Napansin ko namang namula si Venus. Hays, mga pakipot.
"Gago ka talaga Phoenix fa, lagi mo na lang sinasabi na nagpapapansin ako sa kanya. Babatukan na talaga kita!" iritang sabi ni Kean at lumihis ng tingin kay Ven.
"Sus, huwag nga kayong magpakipot sa isa't isa. Nakakaewan kayo." sabi naman ni Caleb at dumiretso na sila sa cottage. Naiwan naman kami ni Ven na magkasama.
"Wala pa ba sila coach?" tanong ko.
"Nauna na daw sila eh. Feeling ko nasa cottage na."
"Magkahiwalay naman siguro diba?"
"I don't know. Ayoko rin sana eh kasi baka si Sam lang ang kasama nila dun." Napaisip naman ako. Oo nga, kung maghihiwalay kami ng cottage, baka si Sam lang ang mahiwalay. Baka ano pa gawin nung gago niyang boyfriend.
"Oo nga pala."
"Ano ba yan, nakalimutan ko na yung dapat kong itanong sayo dahil sa mapambwisit mong kaibigan. Tara, iwan muna natin 'tong gamit natin sa cottage." Tumango naman ako at pumunta na kami kila fa.
—
"Oy Theron fa, gusto mo ba lumipat ng cottage?" tanong ni Calix.
Napatingin sa akin silang lahat at tila hinihintay ang sagot ko.
"Oh, bakit ganyan kayo makatingin? Bakit hinihingi niyo ang opinyon ko?" tanong ko atsaka umupo sa sulok. Sinundan naman ako ni Zander.
"Kasi fa, nandyan lang sila Samantha sa kabilang kubo kaya tinatanong namin sayo kung ayos lang ba sayo yun o kung gusto mo, lumipat tayo."
"Tangina niyo ba? Ano naman kung nandyan siya? Wala naman akong pakialam sa kanya eh." sabi ko at lumihis ng tingin. Sinungaling ka Theron. Kaya lang naman ayokong lumipat kasi gusto ko siyang bantayan.
"Kingina, oo o hindi lang sagot mo eh!" sabi naman ni Ethan.
"Okay na ako dito. Isa pa, nakakahiya naman kay coach kung iiwan natin sila dito."
"Dapat nga siya yung mahiya eh. Siya na nga lang niyaya tapos nagyaya pa ng iba. Lupit din ni coach." nagtawanan naman kami sa sinabi ni Phoenix.
"Tara na, maligo na tayo! Nangangati na katawan ko!" sigaw naman ni Kean at hinubad ang shirt niya. Napatalikod naman si Ven.
"Hoy fa, isuot mo nga yan. Buti sana kung maganda katawan mo eh ang payat payat mo naman. Andyan si Venus oh, tsk. Mahiya ka naman." usal ni Calix.
"Basagtrip amputa." at inis na sinuot ang damit niya.
"Huwag ka na maghubad please. Nakakasuka." sabi ni Ven at nilagpasan siya. Umupo na siya sa tabi ko at iniwan ang mga gamit niya. Tinawanan naman siya nung lima.
"Tara na, maligo na tayo." yaya naman ni Phoenix.
"Sige na, mauna na kayo. Ako na lang magiihaw ng mga pagkain." sabi ko.
"Ikaw tombs? Sama ka na?" sabi naman Kean.
"Sige mamaya na lang. Sasamahan ko na lang muna si Ron sa pag-iihaw. Susunod ako." sabi nito at nagsimula na silang umalis.
Tumayo na ako at pumunta na sa ihawan. Sinunod naman ni Venus yung mga iba pang iihawin.
"Bakit pala nakapantalon ka pa rin hanggang ngayon? Pati ba naman sa beach Ven? Haha, kaya hindi ka umiitim eh."
"Mamaya na lang ako magpapalit. Mas kumportable kasi yung pakiramdam ko dito eh."
"Sa bagay, mas maganda tignan ang babaeng nakabalot kesa sa babaeng walang saplot." sabi ko at inilagay na ang isaw sa ihawan. Natigilan naman ako sa sinabi ko. "Uh.. s-sorry. Medyo awkward yung sinabi ko." I don't usually open that kind of topic when it comes to girls. Isa pa, bestfriend ko siya at ayokong isipin niya na binabastos ko siya.
"Maliligo ka na ba nyan?" tanong niya na lang.
"Pagkatapos na lang siguro nito. Hindi ko rin kasi hilig 'tong mga ganitong gala pero syempre gusto ko naman itreasure yung mga memories ng barkada."
"Tulungan na kita dyan, by." napalingon kami sa nagsalita at nakita namin sila Sam at Tyler na may dala dala ring iihawin. Nasa harap lang namin sila kaya napatingin din sila sa amin.
Tinignan ko si Sam at nakita ko ang suot niya. Two piece? Seriously? Anong klaseng boyfriend ba meron ang babaeng 'to? Napansin ata ni Sam na tinignan ko ang suot niya kaya tinakpan niya ito ng mahabang pantapal at yumuko. Hindi ko alam kung anong tawag dun. Nilihis ko ang tingin ko at nagpaypay na lang.
"Hoy Sam! Maliligo ka na?" tanong ni Ven. Ingay talaga ng babaeng 'to.
"Hindi pa Ven eh. Ikaw ba?"
"Mamaya pa ako maliligo eh. Teka, bakit nakaganyan ka na?"
"Pinasuot ko na sa kanya. Bagay niya diba, Theron?" singit naman ni Tyler. Itinaas ko ang ulo at tinignan si Sam ng nakapoker face. Yumuko din ako agad.
"Hindi ako nagagandahan sa mga babaeng nagsusuot ng ganyan." sabi ko na lang.
"Bakit pare? Bumaba ata yung taste mo sa babae ah."
"Iba iba tayo ng taste sa babae, alam mo yan." at nginisian ko siya.
"Tama na nga yan." inis naman na sabi ni Venus at tinuloy nalang ang aming ginagawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top