82

Theron's POV

"Nasaan na si Tyler? Magsisimula na ang laro. Siya ang kasama sa unang game." sabi ni coach at nagpalakad lakad sa harap namin.

"Tangina, pa-vip masyado yung kupal." irita na sabi ni Caleb.

"Eh coach, edi ipasok niyo na si Theron tutal siya naman ang pinakamagaling na maglaro dito." suhestiyon ni Kean.

"Bakit ba tinuturuan niyo ako? Kayo na kaya ang magcoach?"

"Tsk, ayan na yung hinihintay niyo oh." walang expression na sabi ni Phoenix at ngumuso sa likuran ko. Lumingon kaming lahat at kasama niya pala si Samantha. May dala silang lobong dalawa, at kung hindi ako nagkakamali, banner. Kanina pa tapos yung game nila sa volleyball kaya sa tingin ko nagdate muna sila.

"Hoy, Tyler! Saan mo dinala yung bestfriend ko ha?!" bungad agad ni Venus dito.

"Kiro, patahimikin mo nga 'tong babaeng 'to." sabi naman ni Tyler at tinakpan ang bibig ni Venus nung Kiro gamit ang kamay niya.

"A-aray!"

"Tangina niyong dalawa ha! Bagay lang sayo na makagat 'yang kamay mo! Pwe, ang alat!" at pumunta na ito kay Samantha. That's it, Ven. Tinignan ko si Kean at nakita ko namang binelatan niya si Kiro. Kingina niya talaga, haha.

"Tama nanyang bangayan niyo, nauubos na ang buhok ko sa inyo!"

"Coach, may buhok ka ba?" mapang-insulto na tanong naman ni Zander fa.

"Ikaw Tyler, magsisimula na yung laro at wala ka pa rin. Mag-ayos ka na. Galingan niyo!"

Tumango kaming lahat at nagsiayos na. First game palang at hindi ako kasama dito. Nanonood lang kaming mga naiwan at nagfocus sa mga naglalaro.

Last game na at ako na ang kasama sa maglalaro. Tumayo ako at rinig ko ang sigawan ng ibang babae sa gym lalo na ang tili ng mga gago sa gilid ko.

"Go fafa! Ahhh!"

"Fafa Theron ko yan, mamshie!"

"Ishoot mo na ang ball, fafa Ron!"

"Ahh!"

"Fa, pahawak naman ng balls! Panglucky charm lang, ahhh!"

Rinig na rinig ko ang ipit na boses ng mga barkada ko.

"Tangina niyo, haha." sabi ko at naglaro na. Nangunguna kami sa kalaban at sa kasamaang palad, kasama ko pa sa laro si Tyler. Mukhang delikado na naman.

"Go Tyler, woooo!!!" napalingon ako kay Samantha na sumigaw at napailing na lang. Kinuha ko ang bola kay Tyler at agad shinoot ito sa ring.

"Fa, nice one." bulong ni Kean at nakipaghighfive pa sa akin.

Patuloy lang ang laro at 3 points na lang ang kailangan at panalo na kami. Na kay Tyler na ang bola at ishooshoot niya na sana ito ng biglang maagaw ng kalaban. Tumakbo ako at kinuha ito sabay shoot ulit sa ring.

"WAAHHHHH!!! OMG RON YOU MADE IT! WAAAHHH!! CONGRATULATIONS!" rinig kong tili ni Venus at tumakbo papunta sa pwesto ko. Rinig ko ang mga sigawan ng mga crowd dahil sa pagkapanalo namin. Tumakbo rin ang mga barkada papunta sa akin at nagsigawan. At dahil gago sila, hinubad nila yung jersey nila at ikot ikot ito.

"Woo! Congrats fa!"

"Theron, thank you because you never disappoint me. Keep up the good work." sabi naman ni coach.

Tumingin ako sa gilid ko kung nasaan si Samantha. Nasa gilid lang namin siya na hindi naman kalayuan at pinupunasan ang pawis ni Tyler.

"Okay lang yun by, atleast nanalo kayo diba? Kahit naman hindi ikaw ang nakalast shoot sa ring eh." rinig ko pang pagpapagaan ng loob ni Samantha sa boyfriend niya.

"Landi talaga nila." angal ni Ethan.

"Nasusuka ata ako fa." sabi naman ni Calix.

Inalis ko na lang ang tingin ko dun at ngumiti sa kanila. May mga lumapit na babae sa amin at nagpapakuha ng litrato kasama kaming pito. Tumango kami at nagpakuha na.

Pagkatapos nito ay napatingin kami sa lumapit. Si Tyler na nakaakbay kay Samantha. Nginisian niya ako at inilahad ang kamay niya.

"Nice game, pre. Congrats."

"Salamat." sabi ko lang at hindi tinanggap ang kamay niya.

"Oh, haha. By the way, una na kami ng girlfriend ko. Lilibre niya ako kasi panalo tayo eh. Ang sweet diba? Supportive niya masyado." Nakita ko naman ang pagsiko ni Sam sa tagiliran ni Tyler.

"Tangina, kwento mo sa pagong." inis na sabi ni Kean.

"Pare, hindi naman aa masyadong bastos pero wala talagang may pake sa sinasabi mo. Maaari na kayong umalis dalawa." sabi ko at ngumisi. "Nga pala Gail, congrats din pala. Sa pagkapanalo niyo sa volleyball kanina pati na rin sa inyong dalawa. Magpakatatag kayo." tumalikod na ako at pinasunod na ang mga tropa.

Parang dati lang ako ang gumagawa ng mga bagay na yun. Parang kailan lang sa akin niya ginagawa yung bagay na yun.

“I'm your number 1 fan, misterq!”

What a joke.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top