79
Theron's POV
"Samantha?" napalingon kaming lahat ng tropa sa nagsalita at napagtantong si Tyler pala. Tangina, bakit ba kasi sinama pa 'tong asungot na 'to?
"Uy Tyler, kamusta?" bati naman ni Sam. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko at napansin ko namang nakatingin sa akin sina Kean kaya ngumiti na lang ako.
"Okay naman, ikaw? Ang ganda mo ngayon ah?" Tch, tangina niya. Alam kong masama ang makinig sa usapan nila pero kasalanan ba ng tenga ko?
"Ay, hehe."
"Hoy Tyler, wala ka bang mga tropa? Doon ka na nga sa mga kasama mo, tss." inis na sabi ni Venus.
"Gusto ko lang kausapin si Samantha. It's been a week na rin kasi simula ng mag-usap kami." sabi naman nito at tumabi kay Sam.
"Teka lang mga fa ah, jijingle muna ako." paalam ko saglit at dinala yung bag ko.
"Sama na ako." sabi naman ni Kean at Venus.
"Seryoso, Ven? Sasama ka?" tanong ko ng nakakunot noo.
"Yas, sa labas lang ako ng cr. Sakto rin kasi hahanapin ko si Wayne."
"Wayne? Sino naman yun?" singit ni Kean.
"Bakit ba nageexplain ako? Mamaya ko na lang ik-kwento dahil sasabog na ata ang pantog ni Ron. Hoy ikaw Tyler, iwasan mong harutin 'yang kaibigan ko ah at ikaw Sam, yung pinag-usapan natin. Kayo namang lima, bantayan niyo 'yang si Sam, mamaya na kayo maghanap ng chicks."
"Kung makautos ka sa amin akala mo naman pinapasweldo mo kami ah?" reklamo ni Caleb.
"Peace, hehe." sabi nito at hinila na kaming dalawa ni Kean.
"Sus, para-paraan ba yan tombs?" tanong ng nakangiti ni Kean kay Ven at itinuro yung kamay nilang magkahawak. Binitawan naman ito agad ni Venus.
"Taena mo, ang feeling feeling mo talaga."
"Aminin mo na kasing kaya ka sumama sa amin kasi gusto mo akong masolo, neh?"
"Kung ikaw lang din, mabuti pang nagpaiwan na lang ako sa gym. Hmp!"
"Kingina, naiirita na ako sa bangayan niyo ah? Kapag ako nainis itatali ko kayo sa puno with matching ductape pa."
"Shh, ikaw kasi eh." paninisi pa ni Ven kay Kean. Buti naman at tumahimik na sila, tss.
---
"Go Tyler, woooo!!!" napalingon kaming lahat sa sumigaw at si Samantha pala. Hawak ko ngayon yung bola ay shinoot na ito, pasok naman. Nginisian ko naman si Tyler.
"Fa, iba rin 'yang ex mo ah." bulong ni Ethan sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Ayos lang yan fa, galingan mo lang." dagdag naman ni Zander.
"Go tropang putchaaaaa!!!" sigaw ni Venus na naging dahilan bakit kami nagtawanang lahat na magbabarkada maliban kay Samantha. Tumango ako at nagsimula ng magdribble.
Habang tumatagal ang laro ay lagi na lang gumagawa ng foul actions 'tong mga barkada ni Tyler. Kami lagi ang pinagdidiskitahan ni Kean. Hindi na lang namin pinapansin at mas lalong pinagbuti yung laro.
"Prrrt!" Kasabay ng pagpito ni coach ang pagbagsak ko sa sahig dahil sa pagtama ni Tyler sa mga binti ko.
"Ron! Okay ka lang?!" rinig kong tanong pa ni Venus at dali daling pumunta sa pwesto ko.
"Ayos lang 'to, nadislocate ata yung mga buto ko sa binti." Itinayo nila ako at inupo muna sa bench. Tinignan ko si Sam at napansin ko namang nakatingin din siya sa akin. Nag-aalala ba siya? Hay, ano ba pake ko sa nararamdaman niya?
"Tangina nung gago na yun ah—" inawat agad ni Calix si Caleb na balak ng suntukin si Tyler.
"Tama na yan fa, ayos lang 'to." sabi ko at hinimas himas yung paa ko na feeling ko ay napilay.
"Ayos? Sa amin, hindi ayos yun." gatong pa Phoenix.
"Hihintayin mo pa bang pilayin niya lahat ng buto mo bago siya matatauhan?" tanong naman ni Venus. "Sabi ko na nga ba't mukha palang niya'y gagawa na siya ng masama."
"Paano kung ganyan ang gawin niya sa mismong araw ng laban natin?"
"Sa tingin niyo ba gagawin niya yun? Calix fa, alam ko namang nagpapasikat lang yang si Tyler kay Samantha kaya siya naggaganyan eh. Hindi niya naman siguro hahayaan na uuwi tayo ng talunan niyan nang siya ang dahilan." paliwanag ko.
"Pero pwede niyang baligtarin ang ibang bagay para magmukha siyang inosente sa ibang tao." pangangatwiran ni Kean.
"Tsk, hayaan niyo na lang siya. Hindi pa ito ang tamang oras para makipagsapakan tayo." sabi ko at tumayo na nang medyo naramdaman kong bumalik na sa normal ang pakiramdam ng paa ko.
"Coach, tuloy na natin yung laro." sabay sabay naming sabi at nagsingisian sa mga kasama pa naming iba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top