77

Venus' POV

"Mine!" sigaw ko at inagaw ang bola para mapasa sa kalaban.

"Woo, go Venus and Sam!" napatingin ako sa mga sumigaw at sila Calix pala na kakarating lang. Nagtinginan kami ni Samantha at nagngitian dalawa. Nawala na sa amin yung attention ng mga ibang nanonood dahil sa pagpasok nilang anim. Oo, anim lang sila kasi wala ata si Theron.

Pinagpatuloy na namin ang laro at napagdesisyonan muna naming magpahinga. Lumapit kaming dalawa ni Sam sa kanila at may dala pa talaga silang pagkain. Hays, ang kukulit. Nakajersey na din sila at may dala ring mga gamit para ata sa gagamitin nila sa pageensayo.

"Nice game kanina ah?" bungad ni Phoenix.

"Aba, syempre haha."

"Tombs, hindi ka naman marunong maglaro eh."

"Ang feeling mo ha!"

"Tss, ang pangit mo maglaro tapos hindi mo pa bagay yang ganyang suot mo."

"Aba—"

"Oh, tama na." awat naman ni Ethan.

"Sasapakin ko na yan eh, ang feeling feeling." Binelatan niya lang ako.

"Kamusta naman kayong dalawa?" tanong naman ni Zander sa amin ni Samantha.

"Eto, ayos naman." sagot ni Sam.

"Weh? Baka naman magiging ayos palang?" tanong ni Caleb.

"Haha, okay lang ako."

"Teka, asan pala si Ron?" tanong ko.

"Nambabae." agad na sagot ni Sam.

"Teka, bakit alam mo?" tanong ni Phoenix na ikinakibit balikat niya lang.

"Hindi siya nambabae. Nagkaroon kasi ng maliit na away sina fa at yung mama niya." pagsingit ni Calix sa usapan.

"May problema?" tanong ko.

"Bingi lang, tombs?"

"Yeah, balak kasi nila tito na isama na si Theron sa ibang bansa para doon na lang magtrabaho."

"Aalis siya?" bilang tanong ni Samantha.

"Hindi namin alam eh pero baka pumayag na rin siya." sagot naman ni Caleb.

"Dapat talaga matagal na siyang kasama nina tito kaso nga lang, ayaw pa noon ni Ron dahil ayaw ka niyang iwan. Kaso baka ngayon hiwalay na kayo eh baka sumama na siya." dagdag pa ni Ethan.

"Ayos lang sa inyo na umalis siya?" nakikinig lang ako sa usapan nilang lahat.

"Oo naman Sam. Matagal na naming gustong umalis yung ulok na yun para naman sumaya saya sa tropa, haha." tawang tawang paliwanag ni Kean, binatukan ko nga.

Hindi na umimik si Sam at umupo na lang sa bench. Lumapit ako kay Kean at bumulong sa kanya.

"Gago ka ba? Alam mo bang malulungkot lalo yang si Sam kapag nalaman niyang aalis na si Ron? Bakit hindi niyo pigilan?"

"Bakit namin pipigilan? Isa pa, si Ron naman magdedesisyon nun at hindi kami eh. Kasalanan ba naming nakipaghiwalay siya kay Ron tapos ngayong aalis yung kaibigan namin eh malulungkot siya? Ang gulo niyo talagang mga babae, hay nako."

"Taena m—" napalingon kami sandali sa pumasok sa loob ng gym at nakitang si Theron pala.

"Fa!" sigaw nilang magt-tropa. Ngumiti si Theron at kumaway sa amin. Sinilip ko si Sam at napansin kong nilingon niya naman ito.

"Oh, kamusta kanina?" bungad niya sa amin ng nakangiti. What a great pretender talaga 'tong bestfriend ko.

"Ayun, mukhang stick na nagseserve ng bola si tombs kanina, hahahahahaha— aray ko naman!"

"Bagay lang sayo yan!" sabi ko at binelatan nga siya.

"Pasensya na, nahuli ako. Hindi kita tuloy napanood kanina."

"Sus, ayos lang yun."

"Siya ba talaga yung papanoodin mo o may iba pa?" nakakalokong tanong ni Zander.

Lumingon siya kay Samantha na nakaupo at umiinom ng tubig bago sumagot. "Syempre wala na." sabi nito at ngumiti. "Sige Ven, una na kami ng tropa kasi magpapractice na rin kami niyan."

"Manonood ako!" sigaw ko. Sinundot naman ni Kean yung tagiliran ko. Tangina, sabi na bading 'to eh.

"Yie, gusto niya ako mapanood."

"Mapiling ka! Sige na, susunod na lang kami ni Sam." sabi ko at nagbabye na sa kanila. Lumingon ulit si Theron sa side ni Samantha at hinintay itong lumingon sa kanya.

"Hmm, Gail, una na kami." cold na paalam niya at tumalikod na. Bakit ba ako ang nasasaktan sa lovestory nilang dalawa?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top