53

Phoenix's POV

"Go mister ko, wooo!!!" natatawa akong pinapanood si Samantha na nagchicheer kay Theron at eto namang si fa, ganadong ganado.

Nakaupo ako ngayon sa gilid at nagpapahinga muna. Medyo masakit pa ang katawan ko kasi kakatapos ko lang magpractice ng sayaw kanina bago pumunta sa gym.

"Huy, pst." Nilingon ko yung nagtatawag sa akin at si Venus pala.

"Oh?"

"Bakit hindi ka naglalaro?" tanong niya at tumabi sa akin.

"Masakit pa yung katawan ko—"

"Oh my! Oh my! Don't tell me nakikipagganon ka na?!" natawa ako ng malakas dahil sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Bastos na babae.

"Bastos ka. Hindi kasi ganon, tsk."

"Hmp, k. Maglaro ka na dali, para naman may macheer ako. Duh, kainggit kaya si Sam."

"Never been in a relationship?" seryoso kong tanong.

"Hmm, yeah. Ang seryoso ng usapan natin ah. Sige na kasi, don't worry ichicheer nga kita." pagpupush niya sa akin.

"Nandyan naman si Kean fa, oh. Siya na lang icheer mo, dali."

"Eh? Ayoko nga! Mamaya isipin pa niyan na gusto ko siya eh. Feeling pa naman yung bads na yun." irita niyang sabi. Napatingin ako kay fa at tinignan niya pala kaming dalawa bago ishoot yung bola. Nagseselos ba 'to?

"Hindi yan. Icheer mo na dali. Bahala ka, last time na may nagcheer sa kanya, nilibre niya." pambubuladas ko. Sige lang Phoenix, ipush mo pa. Alam ko namang yan lang ang kahinaan ni Venus eh, pagkain.

"Go Keaaaaaan! Kahit bading ka pa.. hmm.. wala lang! Bading ka pa rin, hahahaha! Woooo!" napahinto silang lahat dahil sa biglang pagsigaw ni Venus at nakatayo pa. Si coach, nakanganga. Si Sam, nakatingin na gulat sa kanya at ganon din sila fa. Yung mga barkada naman nung Tyler, nakatingin din. Yung nakanumber 13 naman na jersey, nakatitig lang kay Kean na para bang may problema. Si Kean fa? Ayun, nagulat yung loko sa una pero nakangiti na ngayon. Abot tenga yung ngiti nung gago. Confirmed.

"Go Venus." bulong ko sa kanya. Napatingin siya sa lahat ng tao sa gym at doon niya lang ata narealized yung ginawa niya. Umupo na siya ulit at nagtaklob ng mukha gamit yung bag niya. Tumakbo naman si Samantha dito sa pwesto namin at tumawa ng tumawa.

"Ayiee, ano yung scene na yun ha, Ven?" tanong agad ni Sam at kiniliti kiliti pa ito.

"Hoy wala yun ah! Hindi ko naman gagawin yun kung hindi dahil sa pagkain."

"Hayaan mo, mamaya papakainin ka naman niyang si Kean eh. Sure ako hindi mo pa natitikman yun pero masasarapan ka." seryoso kong sabi. Nanlaki yung mata nilang dalawa at sabay akong pinalo sa balikat.

"Ang manyak moooo!" sigaw nilang sabay.

"Huh? Anong manyak sa sinabi ko?"

"Eh kasi sabi mo masarap tapos hindi ko pa natitikman.." nakayuko niyang sabi. Don't tell me ayun ang unang pumasok sa isip niya? Pft.

"Haha, eh ikaw pala ang manyak eh."

"Hoy hindi ako manyak ah!"


hala, huwag sana kayo maumay sa narration. ako kasi nauumay na tapos ang sweet nila sam liek? alaws poreber okay? #TWENTITRI

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top