38
Kean's POV
"Ang tagal mo." chat ko kay Venus na sa tingin ko ay nagbibihis pa lang. Bakit ba ang tatagal magbihis o mag-ayos ng mga babae?
Nasa labas na kasi ako ng bahay nila at nakasandal sa motor ko habang hinihintay siya. Napaayos ako ng tayo ng biglang bumukas ang pinto. Akala ko si Venus pero isang mukhang may edad na babae pero maganda ang bumungad sa akin.
"Sino sila?" sabi niya at lumapit sa gate na nakasara.
"Ah magandang umaga po. Hinihintay ko lang po si Venus. Nandyan po ba siya?"
"Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?" nagulat ako ng ngumiti ito bigla at binuksan ang gate. Aangal palang sana ako ng bigla niya akong hinila at pinapasok sa loob ng bahay nila. "Maupo ka muna ijo at tatawagin ko lang saglit ang anak ko."
"Sige po, salamat." Ang awkward pero parang napangiti ako na ewan. Inikot ko ang paningin ko at okay na okay yung bahay nila. Ang ganda at malinis. Napatingin ako sa ilalim ng mesa at may nakita akong photo album. Dahil sa chismosong gwapo ako, kinuha ko 'to at tinignan.
Habang tinitignan ko ang mga litrato nila ay biglang dumating yung mama niya ata at inabutan ako ng juice.
"Magjuice ka muna ijo."
"Salamat po." kinuha ko ito at uminom habang tinitignan ulit yung mga litrato.
"VEEEEEN! YUNG BOYFRIEND MO ANAK NANDITO NAAAA!!" sigaw ng mama niya na naging dahilan bakit naibuga ko yung iniinom ko. Ang ingay ng mama niya haha pero ang cute.
"Ano?! Sinong boyfriend ma ang pinagsasabi m— bads?!" tangina neto, okay na sana kaso bads daw.
"Hindi mo naman nakwento na may boyfriend ka nang gwapo anak."
"Hala siya, hindi ko siya boyfriend ma. Ano ba?" pagtanggi niya sa mama niya. Wait, tama ba nakikita ko na nakapangdamit at jeans na pangbabae si Venus ngayon? Maganda naman pala 'to kapag nag-aayos eh.
"Diba Kean?"
"Ha? Ano ulit?" masyado na ata akong napre-occupied kaya hindi ko narinig yung sinabi niya.
"Sabi ko kay mama hindi mo ako girlfriend, diba?" sabi niya at tinignan ako. Napatawa ako at tumango na lang. Masakit pa rin yung ilong ko sa pagkasamid ko.
"Hay nako, huwag niyo nga akong binubuladas. Sige na, lalayas na ba kayo?" tanong ng mama niya.
"Opo tita, salamat po sa juice kahit konti lang nainom ko— hehe joke lang po." Nagpaalam na si Venus sa mama niya at lumabas na kami.
"Pasensya ka na sa mama ko, maingay yun eh."
"Ayos lang, sayo palang sanay na ako eh." sabi ko at tinawanan siya na dahilan kung bakit niya ako sinuntok sa braso.
"Ang gago mo.."
"Ikaw, ang ganda mo." seryoso kong sabi na hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Natahimik siya at nilihis ang tingin sa akin.
"Crush mo na naman ako."
"Huwag kang feeling. Maganda ka pero dyosa ang mga crush ko." Inirapan niya lang ako. Inabot ko sa kanya yung isang helmet at sumakay na kami sa motor. "Humawak ka na sa bewang ko, huwag ka ng mahiya. Libreng kapa na rin sa abs." Hinampas niya ng malakas yung likod ko kaya medyo masakit. Malalamog ata katawan ko sa babaeng 'to, putsa.
"Wala kang abs, hmp."
Inandar ko na yung motor namin at pumunuta na sa dapat puntahan.
"Tombs, may sasabihin pala ako."
"Ano? Subukan mo lang na kalokohan yan at hindi ako magdadalawang isip na hampasin yang itlog mo." napapreno ako bigla dahil sa sinabi niya kaya tawa siya ng tawa.
"Siraulo ka, tapikin mo na lahat huwag lang si junjun. Nanunuka yan, baka ikaw ang matuka." natahimik siya. Teka, hindi ba parang nakakagago yung usapan namin?
"Kadiri ka. Ano na sasabihin mo?"
"Maganda ka pala kapag nag-aayos."
"Maganda naman talaga ako."
"Kapag nakaayos."
"So ibig sabihin, hindi ako maayos sa paningin mo noon?"
"Hindi, mukha kang narape tuwing nakikita kita."
"A-aray! Huwag mo kong pingutin Ven! Tangina, mababangga tayo!"
Hininto niya ito at nanahimik na lang siya. Kapag dating namin sa computer shop ay wala pa pala ang tropa kaya chinat ko si Zander.
"Oy kingina niyo fa, asan na kayo?"
"Nandito pa kami kila Samantha. Namamanhikan na ata yung loko. Tagal nga fa eh."
"Sabihin niyo tama na yung laplapan nila at baka mainip 'tong kasama ko."
"Sige fa. Kapag nabored siya, dalhin mo muna sa sogo."
"Gago, edi binugbog ako neto"
"Magchachat ka na lang ba dyan? Tsk."
"Na kila Sam pa daw sila."
"Kasama si Phoenix?"
"Bakit ba lagi mong hinahanap si Phoenix? Crush mo?" naiirita kong tanong.
"Hindi noh."
"Hindi ka magugustuhan nun. Ayaw niya sa mga plat eh." Hahampasin niya sana ako ulit ng hinawakan ko yung kamay niya. "Nakakailan ka na sa motor ah? Pagkatapos kong ipahawak sayo yung abs ko, tss. Doon muna tayo sa isang restaurant at nagugutom ako."
Nauna na ako sa paglalakad at ayun siya, sinundan ako habang salita ng salita. Ang ingay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top