37
Theron's POV
"Oh Theron, ano ginagawa mo dyan sa labas? Pumasok ka muna saglit ditong bata ka." napalingon ako sa nagsalita at si tita pala, mama ni Samantha.
"Huwag na po tita, nakakahiya po eh. Mamaya paghandaan niyo pa po ako ng meryenda. Mahiyain po talaga ako."
"Bato ko sayo 'tong hawak kong walis eh. Loko loko ka talagang bata ka. Halika na at naliligo palang si Gail." napangiti ako at tumango. Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at umupo na sa sala kasama si tita.
"Kahit juice na lang po sa akin tita." sabi ko at tumawa. Tumawa naman si tita ng malakas at hinampas ako sa braso ko.
"Bwisit ka talagang bata ka. Hindi ako nagsisisi na pinayagan kitang maging boyfriend ng anak ko."
"Nakakataba naman po ng puso yan tita, haha."
"Saan pala ang gala niyo ng anak ko? May date ba kayo?"
"Ang alam niya po kasi tita eh maglalaro lang kami kasama ng mga barkada ko. Ipapaalam ko po sana siya sa inyo kung pwede ko po ba siyang ihatid na lang ng 10:00 ng gabi. Pinapangako ko po, 10:00 nandito na kami agad sa bahay niyo."
"Saan ba kayo pupunta?"
"Matagal na pong kami pero hindi niya pa nameemeet si mama. Kakauwi lang po kasi nila galing kila lola kaya sa mga pinsan ko pa lang po siya napapakilala although nakita naman na siya ni mama at papa. Gusto lang daw po nilang makabonding si Sam and makasama magdinner mamaya. You can come with us too, tita. Para makilala niyo na rin po yung mga magulang ng gwapong magiging anak niyo niyan, hehe." mahangin na ba ako? haha
"Busy ako mamaya eh. Next time na lang ako sasama niyan sa inyo pero sige ijo, basta mag-iingat kayong dalawa ha. Nagtitiwala naman ako sayong hindi pa kayo gagawa ng bagay na alam kong hindi pa nararapat gawin."
"Opo naman po tita—"
"Ma! Andyan na ba si The— misterq?" napatawa ako ng mahina dahil sa inasta niya.
"Namiss mo ako agad?" sambit ko at ngumiti ng nakakaloko.
"Ih, huwag ka nga dyan!" hinampas ulit ako ni tita sa braso at kinilig. Akala ata siya yung sinabihan ko. Gwapo ko talaga.
"Tara na?"
"Opo, naghihintay na rin yung barkada sa loob ng kotse eh."
"Sige. Ah ma, alis muna kami ni—" hindi natuloy ang sinasabi ni Sam dahil sa biglang may bumusina.
"Hoy Ron! Tara na ugok ka! Naghihintay na sila Kean at Venus doon, mamaya na iyang laplapan diyan!" napatawa kami ng mahina ni Sam dahil sa sinigaw ni Zander. Nakakahiya tuloy kay tita. Nagpaalam na kami at sumakay na sa kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top