26
Theron's POV
"Oy ron, tama na yan."
"Tangina mga pre, huwag niyo ko pigilan pwede? Hindi ko ikamamatay 'to tsaka konti palang iniinom ko." pangangtawiran ko sa limang ugok kong kasama. Anim palang kami kasi wala pa si Caleb, late na naman yung loko.
"Konti? eh halos nakatatlong bote ka na ng beer eh." sabi ni Calix habang nakikipagsayawan sa babaeng hindi niya kilala.
"Okay lang ako fa, huwag niyo ako alalahanin. Party lang tayo, woo!" sabi ko at itinaas ang bote na hawak ko.
Tinawanan nila ako atsaka ako iniwan sa table para makipagsayawan sa mga taong nag-iingay na. Hindi naman talaga magsaya ang pinunta ko dito eh, gusto ko lang maglasing ng maglasing hanggang sa makalimutan ko muna yung sakit kahit ilang oras lang.
"Hi?" napalingon ako sa babaeng humawak sa balikat ko at napansin kong kinindatan niya ako. Ganito ba talaga ako kagwapo para kindatan na ng babae mismo? Tsk.
"Hi." walang gana kong bati at uminom ulit. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa gilid ko kaya tinignan ko ulit siya. Nakadress ng above the knee, may hugis naman ang katawan, maganda rin pero mukhang hindi na birhen. Mas maganda pa rin yung girlfriend ko.
"Let's dance?" yaya niya. Turn-off mode ako dito, hays.
"Hindi ako sumasayaw, miss. Kailangan ko lang uminom, okay?"
"Why? Alam mo, kailangan mo ring magsaya para makalimot ng problema."
"Masaya naman ako sa ginagawa ko ngayon ah, haha. Kung gusto mong sumayaw, ayun oh." tinuro ko yung lalaking mataba na kumakain ng pizza at nakaupo lang. "Siya na lang ang isayaw mo, baka sakaling hindi ka tanggihan."
"Seriously? Ikaw lang ang natatanging lalaki na inayawan ako!"
"Kasalanan ko ba yun kung hindi ako interesado sayo? Look miss.. oo, umiinom ako pero nasa katinuan pa ako para gumawa ng desisyon na alam kong makabubuti." inirapan niya ako.
"Masama bang isayaw mo ko?!"
"Ang kulit mo rin noh? Miss, may girlfriend ako at alam kong masasaktan ko siya kapag pumayag akong isayaw ka. Babae ka at alam kong alam mo ang mararamdaman ng girlfriend ko kapag ikaw ang nasa sitwasyon niya. Kaya pwede? Iwanan mo akong mag-isa dito dahil baka ikaw ang mapagbuntungan ko ng inis?" inis siyang tumayo at umalis sa pwesto na kinauupuan niya kanina. Napailing na lang ako at uminom ulit.
Wala pa ring chat sa akin si Sam, puta. Naloloko na ako. Hindi ko alam kung pabor ba sa kanya yung pagcool off namin o ano eh. Akala ko naman magsosorry siya, tss.
"Fafs, bakit yung babae kanina? Sinungitan mo ata ah?" nagulat ako sa nagsalita at si Caleb pala.
"Nainis ako eh."
"Bakit na naman? Hahaha."
"Gusto niyang isayaw ko siya, psh."
"Haha, sayang fa. Sana sa akin mo na lang binigay, chicks eh."
"Gago, akala mo wala kang girlfriend haha."
"Break na kami, real quick." natatawang sabi ni Caleb at nagpogi sign pa.
"Wala talagang tumatagal na girlfriend sa inyo, nako."
"Kayo ni Irene, fa? Okay na kayo?" napangiti ako ng mapakla at umiling.
"Cool-off."
"Ayusin mo na yan, mamaya habang nag-iisip ka ng desisyon mo.. ayun na yung isa, nagmomove-on na pala. Sige, sayaw muna ako kasama sila Phoenix." sabi niya at tumakbo papunta sa pwesto nila Kean.
"Wooohhh! Ay tangina mo Zander fa, walang hubaran ng pantalon dito. Hindi ako nakabrief kagago mo." rinig kong sigaw ni Phoenix at nagtawanan sila. Mga siraulo talaga, maingay na nga sa bar.. maingay pa sila. Kawawa naman yung mga tao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top