14

Theron's POV

N

andito ako ngayon sa hagdanan kung saan malapit lang sa room nila Samantha at hinihintay siya. Napatingin na ako sa orasan ko at medyo late na pala. Bakit ang tagal naman ata nila lumabas? Naghintay pa ako ng ilan pang minuto at napansin kong unti unti ng nagsisilabasan ang mga estudyante.

Maaga kami pinauwi ng prof namin kasi may emergency siya kaya eto ako ngayon, hinihintay yung girlfriend ko para maramdaman naman niya kung papaano yung pag-ingat ko sa kanya.

"Oy pre." napatayo ako at tinapik ang baba ni Kean nang makita ko 'to.

"Aba gago ka ah, pinahintulutan ko ba na tapikin mo baba ko? Medyo nabastos ako pare."

"Gago, ganyan lang kita kamahal. Nga pala, hindi ikaw sadya ko." natatawa kong sambit na ikinatawa niya din.

"Alam ko. Kilala kitang ugok ka, betlogan kita dyan eh." siraulo talaga, walang pinagbago. "Nga pala, yung sadya mo andoon pa sa room."

"Bakit? May tinatapos pa ba?"

"Mukhang naguusap ata sila ng masinsinan ni Tyler." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sino yun?

"Tyler?"

"Seatmate slash bestfriend ata ni Samantha dati nung elementary sila. Bagong lipat eh." natahimik na lang ako sa sinabi ni Kean at tumango.

"Sige pre, salamat. Ingat ka sa byahe."

"Isang hawak naman sa pwet dyan pre. Panglucky charm lang." atsaka tumawa ng tumawa yung loko. Umalis na siya at kasabay naman nun ang pagdating ni Samantha kasama yung kaibigan niya. Nakangiti silang dalawa at ito namang lalaki na 'to, buhat buhat pa yung gamit ng girlfriend ko.

"Sam." malamig kong pagtawag sa kanya. Napalingon siya sa akin at tila gulat dahil hindi niya ata inaakala na susunduin ko siya. Pwes ako rin. Hindi ko rin ineexpect 'to.

"T-Theron?" lumapit ako sa kanilang dalawa at tinignan lang sila. "Ah eh, mister ko si Tyler nga pala. Tyler, si Theron nga pala." pagpapakilala niya sa amin. Hindi ako interesado na malaman kung anong pangalan niya.

Kinuha ko yung gamit ni Samantha doon sa asungot niya na kaibigan at hindi ko inalis ang mainit na tingin dito.

"Halika na, umuwi na tayo."

Nagsimula na akong lumakad at napansin ko namang ganun din siya. Narinig ko pa ang paalam niya bago siya sumunod sa akin.

"Uy mister ko, wait lang!"

"Uy, ano ba?"

"Ih naman eh."

"Teka nga lang, pwede ba?"

Hindi ko siya pinansin at tinuloy lang ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa motor ko. Binigay ko ang helmet niya at umupo na sa pwesto ko. Naiinis pa rin ako.

"Sumakay ka na." seryoso kong utos. Hindi na siya umimik pa at sinunod ako. Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at inilagay ito sa tyan ko. Sinindi ko na yung motor ko at pinatakbo na 'to.

Walang kumikibo tila hindi magkakilala. Bakit ba kasi kailangan niya pang makipagkaibigan sa lalaki? Tss.

"Mister ko.. galit ka ba?" hindi ko siya iniimik. "Bestfriend nga lang po eh." hindi ko ulit siya inimik. Narinig ko na lang na napabuntong hininga siya at naramdaman ang mga kamay niya na mas humigpit ang pagkakayakap sa tyan ko.

Tahimik lang buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Bumaba na siya at tinanggal ang helmet. Inabot ko ang mga gamit niya at tinignan lang siya.

Malungkot ang mukha niya habang binubuksan ang gate ng bahay nila ng bigla ko siyang tawagin.

"Pst."

"Po?" Eto na naman siya sa mukha niyang anghel. Dinaan na naman niya ako sa pout niya. Hay nako, girlfriend ko.

Bumaba ako sa motor ko at itinuro yung cheeks ko. Napangiti na lang siya bigla na dahilan din kung bakit ako napangiti. Tumakbo siya papalapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi sabay yakap ng mahigpit sa akin.

Ipinatong ko ang baba ko sa ulo niya at hinalikan ito. Hindi ko talaga siya matiis, hays.

"Hindi ka na galit?" tanong niya. Umiling ako at nginitian siya.

"Magkaaway man tayo, may pake pa rin ako sayo. Sige na, pumasok ka na sa loob. Magchachat na lang ako sayo kapag nakauwi na po ako. Bye, misis ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top