Chapter 4
One week na si Lori Jane sa Masbate Island at totoong nag-e-enjoy siyang mag-stay sa Isla. Sa loob ng isang linggo ay madami na siyang mga beaches na napuntahan.
Hindi siya nabagot at pansamantalang nakalimutan ang pamimighati niya sa pagkamatay ng kanyang ina. May malaking Villa na pagmamay-ari ang Mommy niya rito sa Masbate .
Habang namamasyal siya sa dalampasigan ay natanaw niya ang ilang mga kalalakihan na naglalaro ng beach volleyball. Ang iba ay mga turistang foreigner, ang iba naman ay hindi. Araw-araw niya itong ginagawa kapag dapit-hapon na, lagi siyang naglalakad sa dalampasigan.
"Hey! Watch out!" Narinig ni Lori ang sigaw na iyon ng makatalikod siya. Hindi pa siya nakakahakbang ng bigla niyang maramdaman ang bola sa ulo niya, sa sobrang lakas ng impact ay napasubsob siya sa buhanginan.
Oh shit!
Mura ni Kent sa sarili nang makita niyang napasubsob ang babae sa buhanginan dahil sa malakas na paghataw niya sa bola ay lumagpas ito sa linya at dumeretso sa deriksyon ng babae.
Agad niyang tinakbo ang babaeng hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa buhanginan. Napaluhod si Kent sa gilid nito para tulungan itong makatayo.
Nakatakip ang dalawang kamay ni Lori sa mukha. Napakunot naman ang noo ni Kent dahil hindi gumagalaw ang babae. Mas lalo siyang kinabahan baka hinimatay na ito.
"Miss, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kent.
"Yes." Sagot ni Lori sa nahihiyang boses. Ang lampa niya talaga kahit kailangan, sa isip niya.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin ni Kent.
"I was–"
May sasabihin pa sana si Kent pero biglang umurong ang dila niya ng alisin ng babae ang dalawang kamay na nakatakip sa mukha nito. He was mesmerized by her beauty. Her hazel eyes met his dark ones.
"No worries, i'm fine. Hindi lang ako makapaniwala na ang hina ko pala dahil sumubsob agad ako sa buhanginan. Gosh! Ang lampa ko talaga." Mahinang sabi ng babae na bahagya pang tumawa pero nakatitig lang siya rito. Hindi alam kung ano ang sasabihin.
Napakunot naman ang noo ni Lori nang mapansin na nakatitig lang ang lalaki sa kanya. Nagkaroon tuloy siya ng oras na pagmasdan ang guwapo nitong mukha habang nakatunghay sa kanya.
He has a powerful commanding jawline that makes you intimidated–kung hindi ito nakangiti. His nose is perfect, his eyes is so intense when he look at you, his eyebrow is perfect, his lips is looks so kissable. My God! He is beyond perfect! Napasinghap siya sa paghangang nararamdaman niya sa lalaki.
Agad niya itong naitulak at mabilis siyang tumayo sa buhanginan. Madami siyang mga nakasalamuhang mga lalaki, foreigner man o hindi pero ni minsan ay hindi siya nag-admire ng lalaki. Hindi pumipintig ng ganito ang puso niya.
Mabilis niyang inihakbang ang mga paa palayo sa lalaki, hindi na niya ito nilingon o binigyang pansin.
"Miss, sandali!" Narinig niyang sigaw ng lalaki, hinahabol siya kaya mas lalo niyang binilisan ang lakad at mas lalo ring bumilis ang pintig ng puso niya lalo na nang papalapit na ito.
Nakita niya ang pag galaw ng mga muscles nito sa katawan, nakasuot lang ito ng beach short at nakahubad sa pang-itaas. His body is gorgeous, an epitome of male perfection. Mababaliw na yata siya sa kaka-admire sa lalaki.
Mas lalo niya pang binilisan ang paglalakad hanggang sa madapa siya sa buhanginan, una ang mukha niya. May naapakan yata siyang kung ano o talagang lampa lang siya. Gusto na niyang maiyak sa kahihiyan lalo na ng maramdamang nakalapit na ang lalaki sa kanya. Halos hindi siya gumagalaw, pinagdadasal na umalis na ang lalaki.
"Miss, are you okay?" Ani sa baritonong boses ng lalaki. Halata rin sa boses nito ang pag-aalala. Hindi siya gumagalaw kahit pa nakalubog na ang mukha niya sa buhanginan.
"Let me help you." Ani ni Kent at akmang itatayo ang babae pero agad itong nakabangon at pinagpagan ang mukha at ang damit na puno ng buhangin.
"No, thanks." Sagot ni Lori kay Kent. Walang emosyon ang mukha niya na hinarap ang lalaki.
"I'm sorry." Tipid na saad ni Kent sa babaeng kaharap, hindi niya talaga mapigilan na hindi humanga sa aking ganda nito. Makinis ang maputing balat nito at hugis puso ang maliit nitong mukha. Katamtaman ang tangos ng ilong at mapilantik ang mga pilik mata. At ang pouty lips nito na para bang kay sarap halikan. Napapailing si Kent s naiisip.
"Apology accepted, hindi mo naman sinasadya." Sagot ni Lori sa lalaki, pinamulahan pa siya ng mukha ng mapansin niyang sinusuri siya nito. Hindi pa naman siya nakaayos, naka-pambahay lang siya at magulo ang mahaba at makapal niyang buhok.
"Taga-rito ka ba?" Tanong ni Kent, gusto niya lang makilala ang babae.
Marahang tumango si Lori saka tinalikuran na si Kent, naglakad na siya palayo rito. Naiilang siya lalo na at hindi ito nakasuot ng tshirt. Sanay naman siyang nakakakita ng mga lalaking nakahubad ang tshirt dahil beach naman ito normal na lang iyon, ang iba nga ay nakasuot pa ng swimming trunks. Pero iba ang lalaking nakausap niya kanina, nag-iinit ang buong katawan niya.
"Ako pala si Kent."
Napapitlag siya ng marinig ang baritonong boses ng lalaki, hindi niya namalayan na nakasunod ito sa kanya, huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. Halos mahigit niya ang hininga ng makitang nakangiti ito, Nakakaakit ang ngiti nito.
"Lori," tipid niyang pakilala rito. Inilahad ni Kent ang palad niya para makipag-shake hand. Hindi niya napaghandaan ang kakaibang sensasyong mararamdaman nang tanggapin ni Lori ang palad niya.
As if there's a spark of an electricity all over his body. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa palad nito. Napansin iyon ni Lori kaya agad na binawi ang kamay.
"Namamasyal ka ba?" Tanong ni Kent, napakamot pa siya sa batok. Para siyang teenager ngayon.
"Uuwi na ako baka hinahanap na ako." Ani ni Lori saka kumaripas ng takbo.
Damn it!
Lihim na mura ni Kent sa sarili. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa isang babae. Susundan niya pa sana ito pero pinigilan niya ang sarili baka matakot niya ito.
"Hoy! Anong ginagawa mo riyan?"
Muntikan ng mapatalon si Kent dahil sa gulat, nilingon niya si Geo. Para siyang tanga na nakadungaw sa terrace niya, tinatanaw si Lori sa di kalayuan. Hindi siya maka-get over sa pagkikita nila kahapon. Buong gabi siyang hindi makatulog dahil sa kakaisip kung paano siya makakalapit sa dalaga.
"Sino bang tinitingnan mo?" Ani ulit ni Geo saka lumapit sa kanya. "Si Lori?"
"Kilala mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
"Oo, noong nakaraang araw nakilala ko siya at naging kaibigan." Kibit-balikat na sagot ni Geo.
"Kung ganoon puwede mo siyang imbitahin sa birthday mo, right?" Kumikislap ang mga matang saad niya.
"Depende, kung papayag siya. Masyadong mailap si Lori."
"Bukas na ang birthday party mo kaya simulan mo na ngayong imbitahan siya, now go!" Sabi niya kay Geo, napatawa ito.
"Hey, bakit ba nagkakaganyan ka?"
"Gusto ko lang siyang makilala." Sagot niya kay Geo saka umiwas ng tingin, muling ibinalik ang mga mata kay Lori na namumulot ng mga shells sa dalampasigan.
"Masyado kang obvious pare, type mo siya ano?" Tukso ni Geo sa kanya, nagkibit-balikat lang siya. Siguro nga type niya ito o kaya mas higit pa sa type, napangiti siya.
"Bakit, type mo ba?" Seryoso niyang tanong kay Geo. Itinaas nito ang dalawang kamay sa ire.
"Of course not! Iba ang mga type ko. Anyways, pupuntahan ko na siya para imbitahan sa birthday party ko bukas."
"Okay, dito lang ako para nakikita ko kayo. Huwag na huwag mo siyang hahawakan." Mariing sabi niya. Napatawa ng malakas si Geo.
"Possessive much? Hindi pa nga kayo."
"Magiging kami rin." Mariin at seryosong sagot niya sa kaibigan.
"Well, good luck." Ani ni Geo sabay kindat sa kanya.
Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot niya sa kaibigan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top