Chapter 4
Flower's POV
Ang kapal talaga ng apog ng lalaking iyon! Kumukulo talaga ang dugo ko sa Shawn De Villa na iyon! At bakit pa kasi sa dinamirami ng makakabangga niya, iyong arrogant bastard pa ang nakabangga niya!
Nandito na ako ngayon sa Hotel room ko, ang mga iba kong kasama ay nasa VIP Villa, mas pinili kong dito na sa Hotel dahil gusto kong mapag isa, minsan kasi kapag kasama ang mga staff at mga kasamahan mo sa taping ay hindi ako nakakapag concentrate.
Saka sariling gastos ko ang pagkuha ng room dito sa Hotel, ako na ang nag bayad kahit nag insist pa ang management ko.
Muli ko na namang naalala ang sinabi ni Shawn De Villa sa akin! Ang kapal ng mukha!
"How much and i'll pay you!" Naiinis kong saad dito. Wala itong emosyong tumingin sa akin.
"Money is not what i want." Seryosong sabi nito na parang sinadya pa yatang inisin ako.
Napanganga ang labi ko at nanlaki ang mga mata. Oh my Goodness! He is a pervert! Gusto niya ba ang katawan ko ang pambayad?!
Magsasalita na sana ako pero naunahan na niya ako.
"I need a maid." Walang emosyong saad nito sa akin kaya napataas ang kilay ko.
"So? Anong kinalaman ko kung wala kang maid?! Gusto mo hanapan kita?!" Mataray kong saad sa kanya.
"I think YOU will do the job." He smirked at me na tila ba nasisiyahan sa reaksyon ko.
Me?! A maid?!
Isang sikat na Actress tapos magiging maid sa isang aroganteng lalaking ito?! No way!
"Are you insane?!" Pinandilatan ko siya ng mga mata. Seryoso naman itong nakatingin sa akin, his grey piercing eyes staring at me.
"I'm dead serious Ms. San Sebastian, you will be my personal maid for a month or else i ruined your name dahil sa pag-bangga mo sa akin tapos iniwan mo lang ako sa gitna ng daan."
Mas lalong nagulantang ang utak ko sa sinabi nito. May sira na yata ito sa utak!
"Damn you! Hindi naman kita na hit and run! My god! You're over reacting Mr.De Villa!" Asik ko rito pero nagkibit balikat lang ito sa akin.
"Kung ayaw mo magpa press conference ako, too bad may bagong movie ka pa naman ngayong ginagawa, sayang if hindi matuloy." Saad nito sa akin, mas lalo ko itong pinandilatan ng mga mata! Oh damn! I hate him!
"Are you blackmailing me?! You can't do that!" Asik ko rito. Pero i know kaya niyang gawin iyon. De Villa Family was known as a very influencial Family in the World.
"Try me." Seryoso nitong saad, bigla akong nakaramdam ng takot the way he stared at me, idagdag pa ang poker face nito. Napaka suplado ng mukha!
"Wait, can we settled it in a different way?" Mahinahon kong saad sa kanya and gave him my sweetest smile, hinawakan ko pa ang braso niya pero iwinaksi niya ang kamay ko na tila ba nandidiri sa akin.
Aba! Ang lalaking ito! Shit talaga! Ayaw magpahawak sa akin wala naman akong sakit na nakakahawa!
" I don't want to talk about it anymore, basta iyon na ang desisyon ko. Take it or leave it." Saad nito sa seryosong anyo. Sadya bang ganito ang mukha nito?! Wala man lang emosyon.
"Wait naman,saan ba ang bahay mo?" Tanong ko sa kanya kasi kung papayag ako sa gusto niya dapat malayo rito baka may makakita pa sa akin! Shit talaga!
"May Penthouse ako sa itaas,why?" Kunot noong saad nito sa akin, i plastered my fake smile.
"Okay,papayag na ako pero magiging personal maid mo lang ako sa loob ng Penthouse mo, bawal mo akong utusan sa labas. Oh my goodness! Baka may makakita pa sa akin nakakahiya! And within a month lang!"
Saad ko rito, gusto ko ng sampalin ang sarili ko, gusto kong isumpa kung bakit binangga ko pa siya kahapon. Na karma tuloy ako.
"5am - 7am and 5pm to 7pm and schedule mo everyday sa Penthouse ko, kapag late ka ma eextend and oras mo." Walang emosyon na sabi nito saka ako iniwan. Bumagsak ang panga ko sa sinabi nito.
Oh my god talaga! Grabe ang bilis makagawa ng schedules ng De Villa na ito! Paano nalang kapag hindi tugma ang oras sa taping ko? Kailangan ayusin ko pala ang schedule ng taping ko.
Kaya wala ako sa mood na bumalik sa room unit ko!
Napukaw ang pag iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, si Mommy.
"Hi Mom."
"Hey,baby. How are you there? Nakapag photo shoot na ba kayo?" Tanong ni Mommy sa akin.
"Uhhm, yes Mom."
"Okay, tumawag lang ako para kumustahin ka. By the way don't forget your father's birthday next month, isingit mo sa schedules mo, okay?" Sabi ni mommy. Napatango ako kahit hindi niya naman nakikita.
"Okay Mom, i love you."
"I love you too baby and oh by the way i saw your interview. Sana naman hindi mo patulan ang James Morgan na iyon, Flower! I know he is a nice man but i don't like him for you." Pahabol pa ni Mommy, i rolled my eyes sa sinabi nito.
"Yes mom." Saad ko sa kanya.
"Okay. Love you." Si mommy.
"Love you too."
After the call ay nahahapo akong humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa puting kisame.
Naalala ko na naman ang suhestiyon ni Shawn! Bigla na naman akong nainis!
Akala siguro ng lalaking ito uurungan ko siya! Tingnan lang natin kung sino ang hindi mag-reklamo!
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top