Chapter 3

Shawn POV

Naniningkit ang mga mata kong pinatay ang TV sa loob ng office ko. Bakit ba kasi ang news pa about sa Flower Ingrid na iyon ang unang nabungaran ko sa TV?!

Interview ni Flower Ingrid at James Morgan ang napanood ko, kahapon yata ang interview na iyon at ngayon lang pinalabas. Nakaramdam ako ng inis lalo na ng sinabi ni James dito na crush niya si Flower!

Shit!

Ano bang pakialam ko?! Naiinis ako sa babaeng iyon! Lalo na sa ginawa niya sa kotse ko! Huh, akala niya ba mapapalagpas ko iyon?!

Tumawag ang receptionist kanina naka settle na raw ang Team ng JS Management sa VIP Villa rito sa beach.

Ewan ko ba kahapon bakit ang bilis kong pumuyag na rito sila magshoshoot sa movie na gagawin ng Flower na iyon!

Hapon na ng lumabas ako ng office, 4pm na, siguro naman tapos na mag-photoshoot ang mga ito sa beach. Kunot noong nagmartsa ako palabas ng Paradise Hotel at nagtungo ako sa isa sa mga cottage sa East Wing area.

Napadako ang tingin ko sa babaeng ayaw kong makita! Si Flower Ingrid San Sebastian! Naka two piece bikini lang ito, nasa dagat ito nakatayo hanggang tuhod ang taas ng tubig.

Sa likod niya naman si James Morgan, nakasuot lang ng trunk! Mas lalong naningkit ang mga mata ko sa nakita.

Shit! Hindi pa pala tapos mag photoshoot ang mga ito? Or baka naman kakasimula pa lang nila?!

Napatayo ako sa di kalayuan sa kanila, nakapamaywang pa akong nakatitig kay Flower. Hate ko talaga ang mga babaeng halos wala ng saplot sa katawan!

Parang proud na proud pa itong ipangalandakan ang katawan nito sa lahat! Kung sabagay liberated nga pala ito! Napapailing nalang ako.

Gusto kong umalis pero bakit parang hindi yata nakiki-cooperate ang mga paa ko sa akin? Ayaw humakbang! Kaya nakatiim bagang akong pinapanood si Flower at ang James Morgan na iyon!

Wait, bakit ba ganito nalang ako maka react sa babaeng iyan?! The hell o care!

Tumalikod ako at bumalik sa loob ng Hotel. Naka poker face at wala man lang kangiti ngiti sa labi ko. Imbes na dumeretso sa office, nagtungo nalang ako sa elevator at umakyat sa Penthouse ko.

I need a cold shower! Damn that woman! Biglang nag init ang katawan ko ng masilayan ko ito sa ganoong ayos!

Malakas ang self control ko sa mga babae lalo na kapag nakakakita ng ganoon ayos, halos buong buhay ko ay iniuukol ko rito sa Beach Resort ko, madami akong nakakasalamuha na babae na halos hubad na ang mga katawan pero bakit pagdating kay Flower Ingrid San Sebastian ay nawawalan ako ng control at nauubos ang pasensya ko?!

Damn it!

Pagkarating sa Penthouse ay agad akong nag-shower, malamig pa sa yelo ang temperature ng tubig ang tinimpla ko! For pete's sake! Sasakit yata ang puson ko rito! Fuck!

After kung mahimasmasan sa shower ay agad akong nagbihis, nagsuot ako ng denim jacket na white tshirt ang nakapaloob, saka denim shorts na hanggang tuhod lang ang haba.

It's soft and spikey tapered cut ang hair style ko kaya hindi ko na inayos pa. Bahagya ko lang itong ginulo sa kamay ko.

Bumaba na ako sa Penthouse ko para magtungo sa Restaurant na nandito sa loob ng Hotel, may mga Restaurant and Bars din malapit sa Beach front. Tsaka marami pang ibang amenities na ma e enjoy ng mga nag-babakasyon sa Beach na ito.

Nasa first floor na ako, tinanguan ko lang ang mga employees ko sa reception area, kung may makakita sa akin mapagkakamalan akong bakasyunista sa Resort na ito.

Habang binabaybay ko ang hallway patungo sa Restaurant ng Hotel ay may nakabangga na naman sa akin, natapunan ng coffee ang suot kong damit, halos lahat ng kape yata ay natapon sa akin.

May coffee shop na katabi ng Restaurant at Bake Shop. Napapagitnaan ng Shpp na ito ang Restaurant dito sa loob ng Hotel.

"What the–" palatak ko sa sarili ng makitang halos puno ng kape ang harapan ng damit ko.

"Oh my god! I'm so sorry!" Narinig ko ang natatarantang saad ng boses babae, and worst! Kilala ko ang boses na iyon!

Mabilis nitong kinuha ang panyo sa bag nito at ipinahid sa dibdib ko pababa sa tiyan ko, kung saan ang bahaging iyon ng katawan ko ay puno ng coffee stain.

Naniningkit ang mga mata kong napatingin dito, hindi pa siguro nito alam kung sino ang nabangga nito dahil abala sa pagpahid sa kapeng dumikit sa damit ko.

I held her wrist para pigilan ito sa ginagawa nito! Nagbibigay na naman iyon ng kakaibang init sa buong katawan ko na kahit nakasuot ako ng damit ay pakiramdam ko tumatagos sa katawan ko ang ginagawa niya.

N

anlalaki ang mata nitong napatingin sa mukha ko, napakurap kurap pa ang mga mata nito ng tanggalin ko ang dark shades na suot nito. Sinuri ko ang kabuuan nito naka sarong lang ito para matakpan ang suot na two piece bikini and fuck! She's so fucking sexy and hot!

Idagdag pa nito ang maganda at maamo nitong mukha and her kissable lips! Goddammit!

"Oh my goodness! Shawn?!" Tila takot na takot na sambit nito sa pangalan ko, i smirked at her. Buti naman kilala ako ng babaeng ito!

Nagpupumilit itong kumawala sa pagkakahawak ko sa palapulsuhan niya, pero hinawakan ko ito ng mahigpit.

"Let me go!" Saad nito sa kontroladong boses, pero tingin ko gusto na nitong sigawan ako.

"Wow Ms. San Sebastian, kanina lang ay nagso sorry ka sa akin tapos ngayon ay nanlilisik na iyang mga mata mo ng makita ako?" I raised my brows at her.

"Oh yes, that was a mistake! Kung alam ko lang na ikaw ang nabangga ko, di sana ay ibinuhos ko sayo lahat ang kapeng dala ko! And you know what? Kung alam ko lang na ikaw rin ang nabangga ko kahapon,hindi sana'y hindi na ako nag preno para mas malakas ang impact ng pagkakabangga!"

Nanggagalaiti na saad nito sa mahinang boses, ayaw yata nitong makaagaw kami ng pansin. Wala pa rin talaga itong pinagbago, tulad ng dati ay spoiled brat pa rin kung umasta at walang preno ang bibig kung magsalita.

"Oh thank you for reminding me about what happened yesterday Ms. San Sebastian! I guess you need to pay me." Seryoso kong saad sa kanya saka binitawan ang kamay nitong hawak ko, bigla akong napaso! May kakaibang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko! Fuck!

"How much? And i'll pay you!" Nakasimangot na saad nito.

"Money is not what i want." Sabi ko rito na ikinanganga ng bibig nito. I just smirked at her, gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha nito pero pinigilan ko ang sarili

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top