Chapter 1
Georgia's POV
Lutang na lutang akong nagmamadaling umalis sa Studio ko, hilam din ng mga luha ang mga mata ko.
Ang saya ko pa naman kanina dahil tinawagan ako ni kuya Marco na manganganak na si ate Vanessa and then bigla ring napatawag si mommy umiiyak ito, she said na na-kidnapped daw sina ate Adriana at ang dalawa kong pamangkin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Agad kong pinaandar ang kotse ko patungo sa De Villa's Mansion.
Naabutan ko nalang sina mommy at daddy sa sala. Nandoon din ang dalawa kong nakakabatang kapatid,sina Shawn at Kent. They looked so devastated, yakap naman ni daddy si mommy na humahagulhol ng iyak.
Parang dinurog ang puso ko, hindi ko sukat akalain na mangyayari ito sa pamilya ni Kuya Rain.
"Mom,dad." Nanghihina kong sambit sa kanila. Agad na tumingin si mommy sa akin at mas lalong umiyak, wala akong nagawa kundi lapitan ito at yakapin.
"Paano nangyari ito sa kuya ninyo? Bakit sa kanya pa." Umiiyak na saad ni mommy.
"Tahan na Amanda. Ipagdasal nalang natin na ligtas ang mga bata at si Adriana. " Narinig kong alo ni daddy kay mommy.
"Nasaan si Kuya?" Tanong ko sa kanila.
"Sinamahan siya ni kuya Marco at ng mga FBI na puntahan kung saan ang locationa nina ate." Malungkot na sagot ni Shawn. Napatingin ako kay Kent, sa aming magkakapatid bukod kay kuya Marco,ito ang may pinaka cool na personality. Pero ngayon nakikita kong lutang na lutang ito.
"Magkano raw ang hinihingi nilang ransom?" Muli kong tanong.
"Iyon nga ang masakit ate, walang ransom na hinihingi. Planado nga ang lahat na tila ba gusto talaga nilang patayin--" hindi magawang matapos ni Kent ang sasabihin. Natutop ko sa bibig ang dalawang kamay.
"Oh god...!" Tanging nasambit ko. May gustong pumatay sa pamilya ni kuya?! Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay daddy, tumango naman ito, senyales na nagpapatunay na agree siya sa sinabi ni Kent.
Bumuntong hininga ako at nagtungo sa kusina, bigla akong nauhaw, naninikip din ang dibdib ko. Kumuha ako ng isang petsel na tubig sa ref at inilagay ko sa tray kasama ang tatlong baso tapos dinala ko na sa sala.
Ilang oras kaming naghintay pero wala pa ring balita sa mga ito. Hanggang sa lumalim na ang gabi, ni isa sa amin walang gustong matulog at kumain.
Madaling araw na,hindi na ako mapakali. Hanggang sa makarinig kami ng ingay sa labas, sa malaking bulwagan ng aming mansion.
Nagtatakbo ako palabas. Ang dami ng nakaparadang police car at iba pang sasakyan na may tataka na FBI.
Sunudsunod ang kabog ng dibdib ko hanggang sa lumabas ng sasakyan si kuya Marco, karga niya ang natutulog na si Adelyn. Nakikita ko sa mga mata ni kuya Marco ang lungkot.
"Kuya..." Mahinang usal ko na halos ayaw lumabas sa bibig ko ang katagang iyon. Nabigla ako ng nagtatakbong yumakap sa akin si Kael.
"Tita!. " Yumakap ito ng mahigpit sa akin na umiiyak. I know there's something wrong. Sinuklian ko ang yakap nito at hinaplos ang malambot na buhok.
What happenend? Nasabi ko sa isipan ko at nagtatanong ang mga matang tumingin kay kuya Marco. Iniiwas land nito ang mga mata at tuloy tuloy na pumasok sa loob.
Sumunod kami ni Kael sa kanya. Sinulyapan ko pa si Kuya Rain na kausap pa ang mga authorities, balisa ito at makikitang wala sa sarili.
"Oh Lord..! Ang mga apo ko!" Umiiyak na salubong ni mommy na agad namang niyakap ang 10 years old na si Kael.
"What happened? Nasaan si Rain at Adriana?" Worried na tanong ni dad kay kuya Marco.
"N-nasa labas pa si Rain." Simpleng turan nito at iniakyat na ang 5 years old na si Adelyn.
"Come here Kael, let's go to my room para makapagpahinga ka." Narinig kong turan ni Kent at inakbayan ito tsaka dinala sa taas.
Grabe ang tensyong nararamdaman ko lalo na ng pumasok si kuyan sa loob ng bahay. Bagsak ang balikat at mahahalata sa mukha ang lungkot.
We kept silent. Parang ni isa sa amin ayaw magtanong sa kanya. Hanggang sa magsalita si Shawn, seryoso ito at mahahalata sa boses ang pag aalala.
"Where's ate Adriana?" Seryosong tanong ni Shawn na nakatayo pa, habang ang dalawang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng pants nito.
"She's dead."
Halos hindi namin marinig ang sagot ni kuya Rain dahil sa sobrang hina pero namalayam ko nalang ang pagtumba ni mommy sa kinatatayuan nito, buti nasalo ito ni daddy at naalalayan ni Shawn.
Oh Lord, nanginginig ang mga tuhod ko. Nanghihina akong napaupo sa couch. Feeling ko kasi bibigay rin ang katawan ko.
Gusto kong e clarify kay kuya ang narinig ko pero hindi ko magawa dahil umiiyak na itong nakaluhod at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.
Paano nangyari ito? Bakit si ate Adriana pa.
Ito na siguro ang pinakamasakit na nangyari sa pamilya namin. At ang pinakamasakit na nangyari kay kuya Rain.
***
If you want to knowthe love story of Rain and Adriana, please check out my profile and read the Blazing Heart.
Thank you and don't forget to vote. ❤️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top