Chapter 3
Vanessa's POV
"Don't worry about me Mitch. Yes, I know, i know. Stop worrying okay?"
Kausap ko ngayon ang Manager ko na worried na worried sa akin at lagi akong pinaalalahanan kung anong dapat gawin at hindi.
"Yes, my father's driver fetch me in the airport. I'm safe... Oh, Mitch can i call you later? I'm here– what? Yes of course in my father's house, okay bye.. Love you."
Inilagay ko na ang phone sa shoulder bag kong dala. Ipinagbukas ako ng pinto ng driver na nakilala ko sa pangalang Manong Cardo.
Tipid akong ngumiti rito.
"Welcome home Senyorita." Nahihiyang sabi nito na tingin ko ay nag-blush pa."Pasensya na po Senyorita hindi po talaga ako makapaniwala na nakita ko kayo sa personal." Dagdag pa nito saka napakamot sa batok.
"Thank you Manong Cardo." Nakangiti kong pasasalamat, hindi na ako nag comment sa sinabi nito and of course nakakaintindi ako ng tagalog at nakakapagsalita rin. 11 years old ako ng sumama sa nag iisang kapatid ni mommy sa America.
My dad is a Filipino and my mom is American, 5 years old ako ng mamatay si mommy sa cancer at makalipas ang isang taon nag asawa ulit ang daddy, nagkaanak ng dalawa sa pangalawang asawa, isang babae at lalaki.
When i was 10 years old namatay din ang madrasta ko dahil sa pagsagip sa akin na dapat sana ay ako ang masagasaan ng paparating na sasakyan. She's a very sweet and a loving stepmom. She treated me as her own.
My dad blamed me for her death,sobra itong nasaktan noon, hindi matanggap ang pagkawala ng pangalawang asawa, pero hindi niya ba naisip na sobrang sakit sa akin ang pagkawala nito dahil hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili. Binisita ako ng nag iisang kapatid ni mommy kaya nagpasya akong sumama sa States.
This is the first time na umuwi ako ng Pinas at muling tumuntong sa malaking bahay ni Senyor Manuel Ligaya, ang daddy ko, the one and only. After he heard the news he got worried at pinapauwi ako sa Pinas, i didn't believed that he's worried, after all those years na wala kaming contact ay nawalan na ako ng pag asa pa na magkakaayos kami hanggang sa wala na akong pakialam sa kanya until now. Sa sobrang galit ko dahil feeling ko inabandona ako ng ama ko, hindi ko ginamit ang surname nito instead i used my mom's surname bilang Bianchi.
My Manager and aunt (my mom's sister) told me na this is a good idea na mag lie-low muna dahil sa issue na kinakaharap ko, gusto nila akong magbigay ng statements about sa nangyati pero ayaw ko and they respect that.
So here i am!
"Vanessa." Hindi makapaniwalang usal ni daddy nang salubungin ako nito. Napapaiyak ako ng makita ito, i miss him. But i hide my emotions.
Niyakap ako nito pero pinigilan ko ang sarili na hindi suklian ang yakap nito, 14 years ko itong hindi nakita, ang laki ng itinanda nito pero matikas pa rin ito at mukhang healthy naman.
"Hali ka sa loob,ipinahanda ko na ang kuwarto mo dati. " Masayang turan sa akin ni daddy saka iginiya ako sa loob ng bahay.
Nagpalinga linga ako sa loob ng bahay, kagaya pa rin ito ng dati, magarbo ang disenyo sa loob kahit makaluma na ang style. May konting nabago pero ganoon pa rin naman.
"Vanessa? Ikaw na ba iyan?" Masayang salubong sa akin ni Manang Adel, ang katiwala namin dati pa.Masaya ko itong niyakap, isa ito sa nag alaga sa akin noong bata pa ako.
"Naku, ang ganda ganda mo sa personal kaysa TV o magazines, alam mo ba ang dami kong magazines na itinabi kapag ikaw ang cover photo doon. " Tuwang tuwang sabi nito.
"Ganoon po ba." Tanging naiusal ko, medyo nahiya pa ako.
"'Ku batang ka.. Ang laki ng ipinagbago mo. " Naiiyak na usal ni Manang sabay haplos sa pisngi ko. Napapaiyak na rin ako,ang dami ko pa lang na miss.
"Ehem... Manang ihatid mo muna siya sa kuwarto niya para makapagpahinga." Usal ni daddy. Iginiya na ako ni Manang sa dati kong silid. Tulad ng dati ay madaldal pa rin ito.
"Alam mo ba nilinis ko na ito, every week pinapalinis ito ng daddy mo magmula ng umalis ka, tsaka walang binago dito. Tulad pa rin sa dati ang silid mo. Gusto nga sanang lumipat ni Isabela dito sa silid mo noong umalis ka pero hindi pumayag ang daddy mo."
Napakunot ang noo ko. Bakit nagki care pa ito ? Magmula ng umalis ako ay wala na itong pakialam sa akin.
"How's Isabela by the way?" Bigla kong tanong. Nagkaroon kami ng communication before pero nawala rin katagalan dahil naging busy ako.
"Naku engaged na siya hija,tamang tama ang dating mo dahil bukas ay pupunta rito ang fiance niya para pag usapan ang kasal, alam mo bang isa na siyang teacher ngayon."
"Engaged? Kanino?" Napakunot ang noo ko. So her little sister is already engaged.Napangiti ako, naunahan pa ako and i'm glad natupad nito ang pangarap na maging teacher.
"Sa kababata niya, yung nag mamay ari ng pinakamalaking Hacienda dito sa lugar natin.At alam mo bang napaka guwapo, bagay na bagay sila."
Napangiti ako. Well, kung masaya ang kapatid ko ay masaya na rin ako.
"How about Andrew?" Tukoy ko sa bunso naming kapatid.
"Ayon pilyo pa rin, pero mabait na bata,tumutulong nga sa hacienda."
Napapangiti ako. Sinuri ko ang kuwarto ko, ganoon pa rin ito, simple lang ang pagkakaayos at gamit, ang bookshelves ko na nasa gilid ay nandoon pa rin, pati na yung mga books na hilig kong basahin noon.
"Kumusta ka naman?" Biglang tanong ni Manang na halata ang lungkot sa boses. Napatingin ako sa kanya.
"I'm fine. Why?" Kunot noong turan ko sa kanya.
"Huwag mo nga akong ma english english! Kilala kita Vanessa! Alam kong hindi ka okay! Lalo na sa issue mo ngayon, haysst naku bakit ba kasi nagmodel model ka pa." Pagtatalak nito, napatawa ako dahil tulad pa rin ito ng dati.
"Manang, huwag na po kayong mag alala. Okay lang ako saka sanay na ako sa mga ganyang issue."
"Hayssttt batang ka! Oh kumusta kayo ng daddy mo? Naku mag usap nga kayo. " Usal nito na para bang napapagod na.
"Opo kaya huwag na kayong mag alala baka ma highblood pa kayo." Nakangiti kong sabi.
"Oh sha! Pahinga ka muna, ipapaakyat ko na ang mga gamit mo kay Cardo.
" Sige po."
Napapaidlip na ako nang may biglang bumukas sa kuwarto ko.
"Vanessa?!"
Tili ni Isabela. Oh shit... Paano ako makapagpahinga nito? Pagod kong usal sa sarili.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top