Wakas: Epilogue
"Riv, gising na..."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at natagpuan ang sarili sa isang pamilyar na silid. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pinasadahan ng tingin ang madilim na silid kung nasaan ako ngayon. Walang ibang tao rito kung 'di ako lamang at tanging ang mabibigat na paghinga ko lang din ang naririnig kong tunog sa paligid. Tila ngayon lang ako nagising mula sa isang mahabang panaginip, ngunit para bang hindi pa ito ang reyalidad at ako'y nananatili pa rin ngayon sa loob ng aking malalim na panaginip.
Sino nga ba ako? Nasaan ako?
Nang makarating sa tapat ng entrada ng paaralan kung saan ako nagsimula ay natigilan ako. Unti-unting bumalik ang akin mga alaala at bawat agos nito ay naramdaman kong parang may kulang.
"Eshtelle..."
Agad akong napalingon sa aking likuran upang hanapin kung saan nanggaling ang pamilyar na boses na umalingawngaw sa aking pandinig, ngunit ang tangi ko lamang nakita ay ang tahimik at madilim na kagubatan.
"Sinong nand'yan?" mahinahong tanong ko sa kawalan. Naghintay akong may sumagot sa aking katanungan ngunit tanging ang tunog ng mga kuliglig lamang ang naghari sa kapaligiran.
"Riv!"
Agad akong pumihit patalikod at mariing napapikit nang humampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Pinasadahan ko ng daliri ang aking nagulong buhok bago muling humarap at iminulat ang aking mga mata. Nagtama ang tingin naming dalawa ng isang lalaking nakatayo sa kabilang dako ng rehas na pumapagitan sa aming dalawa.
"S-Sino ka?" namamaos kong sinabi.
"Welcome to Dauntless Academy, Eshtelle Alexa..."
"Come on, open your eyes, Eshtelle. Please..."
Napapikit agad ako nang mariin at napahawak sa aking sentido nang maramdaman ang matinding pagkirot nito. I can hear the loud ringing in my ears and I can feel my head spinning. Naramdaman ko ang pisikal na pagsakit ng aking dibdib dahil sa mabilis na pagkalabog ng aking puso.
Kahit masakit ang aking ulo ay pilit kong iminulat ang aking mga mata at tumingin sa lugar kung saan ko nakita ang lalaking nakatayo sa likod ng mga rehas ngunit wala na siya roon.
Inangat ko ang aking tingin upang basahin ang mga katagang nakaukit sa arko ng malaking gate na nasa aking harapan. "Dauntless Academy: Hogar de los Valientes..." Nagulat ako nang maramdaman ang sunud-sunod na pagpatak ng aking mga luha matapos basahin ang mga kataga.
Agad napakunot ang aking noo habang pinapalis ang aking mga luha. "Bakit ako umiiyak? Bakit ako nalulungkot nang ganito?"
It's been a year since I first felt that everything had drastically changed. Pakiramdam ko ay galing ako sa isang mahaba at malalim na panaginip at tila ba hindi pa rin ako nagigising hanggang ngayon. Tila paulit-ulit na proseso na lang sa akin ang paggising at pagtulog ko.
Ano nga ba talaga ang mayroon sa Dauntless Academy? Ano nga ba ang nararamdaman kong kulang sa aking pagkatao? Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinakalma ang sarili. Stop overthinking everything, Eshtelle... Huwag mo nang piliting alalahanin kung hindi mo kaya.
"Come on, open your eyes, Eshtelle. Please..."
Agad kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ang isang pamilyar na tinig ngunit ang tanging bumungad sa aking harapan ay ang tahimik na kapaligiran.
"Heto na naman tayo... Paulit-ulit na lang," iritadong singhal ko.
Sa loob ng isang taong paggising at pagtulog ay nakasanayan ko na ang paulit-ulit na ganitong eksena. May maririnig akong tumatawag sa akin at magigising ako sa isang malalim na panaginip. Pipilitin kong hanapin ang mga sagot na gusto kong makalap ngunit sa huli ay sasakit lang ang ulo ko kakaisip. Pagdedesisyunan kong pumasok sa isang malaking paaralan na may pangalang...
Ano nga ulit 'yon?
Sino nga ulit ako? Nasaan ba ako?
Kailan ba ako tuluyang magigising sa katotohanan? Kailan ko ba maimumulat ang aking mga mata na hindi na ganito ang eksenang madadatnan? Nasa loob pa rin ba ako ng bangungot o sadya bang walang pinagkaiba ang bangungot sa aking reyalidad? Hanggang kailan ako malulunod sa panaginip na ito?
"Riv, gising na..." Napakunot ang aking noo nang marinig muli ang isang pamilyar na boses sa aking gilid. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at natagpuan ang sarili sa isang pamilyar na silid. Namilog ang mga mata ko nang mapatingin sa taong nagsalita.
"Kuya Chris..." pabulong na sambit ko.
Totoo na ba ito? Bakit nakikita ko na sila? Bakit maliwanag na ang paligid? Bakit hindi ko na tinatanong kung sino ako? Bakit naaalala ko na ang lahat?
Ngumiti siya sa akin at marahang tinapik ang ibabaw ng ulo ko. "Riv, na-miss kita," mahinahon ngunit halatang nagpipigil ng lungkot na sabi niya.
"G-Gaano katagal na po akong natutulog?"
Ngumiti siya nang malungkot sa akin. "Mahigit isang linggo na simula noong Choque de la Magia at isang taon sa dimensyon ng mga manna..."
Napalingon ako kay Mama Rachelle na nakatayo sa may gilid ng pinto at nanonood sa amin. Napangiti ako sa kanya lalo na nang maalala na siya ang tunay na ina ni Kuya Chris kaya kamag-anak ko pa rin talaga siya.
"I missed you, Papa..." Dahan-dahang napaawang ang kanyang bibig nang marinig ang tawag ko sa kanya. Sunud-sunod siyang napalunok habang bahagyang nanlalaki ang singkit niyang mga mata.
Natatandaan ko na ang lahat. Natatandaan ko ang lahat ng nangyari sa loob ng paaralan ng Dauntless Academy at Choque de la Magia. Natatandaan ko ang lahat tungkol sa nakaraan but somehow, I still feel like there's something missing...
Ngumiti ako sa aking tunay na ama bago bumangon mula sa pagkakahiga. Kahit alam ko na ang katotohanan at kahit alam kong nagsinungaling sila sa akin noon, hindi ko pa rin magagawang magalit dahil do'n. Tao lang sila at nagkakamali. Hindi nila kasalanan ang umibig sa isa't isa. At isa pa, ginawa lang din nila iyon upang masagip ang Camp Lunaticus at ang buong Galaxias sa masamang plano ng reyna.
"D-Did you just call me 'Papa'?" wala sa sariling tanong niya sa akin. Instead of answering his question, I embraced him tightly as my tears started to fall. "I'm sorry for lying..." he softly said.
Marahan akong umiling. "Naiintindihan ko po ang lahat ng ginawa niyo para sa akin. Thank you for everything, Papa. Thank you sa mga sakripisyo niyo ni Mama para lang sa amin..." sinserong sabi ko.
Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking likod habang niyayakap ako pabalik. Narinig ko ang ilang mga yabag papalapit sa aking silid kaya lumingon ako roon at nakita si Ashton kasama ang aking tunay na ina.
Everything feels so real... Sigurado nga ay ito na ang reyalidad. Ito ba ang naging kapalit ng paggamit ko sa mahiwagang bato ng Lunaticus?
"O-Oh, gising ka na pala, Riv..." nahihiyang sabi sa akin ng aking tunay na ina bago nag-iwas ng tingin.
Tumakbo agad ako papunta sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "I love you, Mama..." bulong ko sa kanya.
Narinig ko ang mga mahihinang hikbi niya habang niyayakap ako pabalik. "Masaya ako na kami pa rin ng Papa mo ang nagpalaki sa'yo, kahit nagpanggap kami bilang mga nakatatandang kapatid mo. Masaya ako dahil napalaki ka namin bilang isang mabuting tao, Eshtelle Alexa..."
"M-Mama..." naluluhang tawag ko sa kanya bago bumitiw sa yakap.
Ngumiti siya nang matamis sa akin at marahang pinalis ang mga luha ko. "Hindi talaga ako nagsisising ipinaglaban namin ng Papa mo ang pagmamahalan naming dalawa," aniya.
Naramdaman ko ang pagyakap sa amin ni Papa at Ashton. "Alam kong hindi rin pinagsisisihan ng Papa Roderick niyo ang kanyang ginawa upang mailigtas tayo at ang kaharian ng Galaxias," nakangiting sabi ni Papa.
"Tama na nga ang drama, male-late na kayo sa first day of school ni Ashton!" natatawang sabi ni Mama habang pinapalis ang kanyang mga panibagong luha. Nagtawanan kaming lahat bago nagsimula nang kumilos upang pumunta sa Dauntless Academy.
Nang makarating sa tapat ng paaralan ay kinausap muna ako nang panandalian ng aking ina. "Riv, natutulog ka sa biyahe natin papuntang Dauntless Academy noong first day mo, 'di ba?"
Tumango ako sa kanya at napatawa. "Opo, kaya hindi ko alam kung paano tayo nakapunta sa Galaxias noon. Pero ngayon naiintindihan ko na po kung bakit hanggang doon mo lang ako hinatid noon..."
Napangiti rin siya sa sinabi ko. "Dahil hindi ako p'wedeng makalagpas sa boundary ng Camp Lunaticus. Hindi na ako maaaring pumasok doon kahit kailan," aniya.
"Alexa, tara na! Pasok na tayo!" Napalingon kami ni Mama nang tawagin ako ni Ashton.
Ngumiti ako sa kanya bago bahagyang natawa. "I think you should start calling me 'Ate Riv', Ashton," napapailing na sabi ko.
Napanguso siya. "Pero mas matanda raw ako sa'yo sabi ni Papa—"
"Shh! Minuto lang naman ang agwat ko sa'yo!" saway ko sa kanya kaya natawa rin sila Mama at Papa. Napakamot na lang siya sa likod ng kanyang ulo at hindi na nakipagtalo pa.
"Hay nako, pag-aawayan niyo pa ba talaga 'yan? Pumasok na kayo sa loob! Mauuna na kami ng Mama niyo," natatawang pamamaalam ni Papa sa amin.
Nagpaalam kami sa kanila ni Ashton bago naglakad papasok sa entrada ng Camp Lunaticus. Maya maya'y nakarating na rin kami sa tapat ng gate ng Dauntless Academy. Nagkatinginan kami ni Ashton at parehong napangiti bago pumasok sa loob.
Nang matapos ko siyang ihatid sa Upper wing upang pumunta sa opisina ng headmaster dahil magpapa-sort siya ng kanyang class sa phoenix. Naiwan muna akong mag-isa kaya napagpasyahan kong maglakad-lakad muna sa academy. Napagdesisyunan kong pumunto sa battle field at maupo muna sa bleachers upang manood sa mga nagte-training na mga estudyante.
Sa lahat ng naging karanasan ko rito sa Dauntless Academy, marami akong mga napulot na aral. Una sa lahat, natutunan kong maging matapang. Natutunan ko na dapat matuto tayong lumaban at huwag magpadala sa takot. You shouldn't let your emotions conquer you. Instead, you should learn how to overcome it.
But as time passed by, na-realize ko na hindi naman talaga kailangang tuluyang alisin ang takot sa sarili mo. Hindi naman talaga mawawala ito sa atin lalo na kapag marami tayong bagay o taong pinapahalagahan sa ating buhay, but you can learn how to face it. Use it as a motivation to improve yourself more and change for the better. Use it as your strength to continue protecting those who are important to you.
Before, I thought that people who took risks without fear are brave, but far braver are those who took risks despite their fears.
Sa loob ng mahabang panaginip ko ay ilang beses kong pinilit alamin kung ano ang kulang... ngunit kahit pagkagising ko ay nananatili pa ring walang sagot ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan.
Tumayo na ako sa bleachers at nagsimulang maglakad pabalik sa Great Hall upang hintayin si Ashton ngunit agad akong napatigil nang mabangga ang isang tao.
"Aray ko naman!" Napahawak ako sa aking ilong na napatama sa matigas na dibdib niya. Mabuti na lang ay napigilan ko ang aking pagtumba dahil nakakahiya naman kung napatalsik pa ako sa bangga niya.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Natigilan ako nang marinig ang malamig na boses niyang tila nagdala ng milyon-milyong boltahe sa aking sistema. I slowly lifted my gaze to the man I bumped into. His piercing gaze made me feel so intimated. Takot at instinct na yata ang nagtulak sa akin upang bahagyang lumayo sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
His eyes, his hair, and his facial expression... looks so familiar.
Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya at marahang tumango bilang sagot sa tanong niya.
Kunot-noo niya akong tiningnan. "Sigurado ka?"
Tumango na lamang ako bilang sagot bago muling napaiwas ng tingin. Mukhang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko kaya nagtagal ang kanyang tingin sa akin. Teka, sino ba 'to at bakit niya ako kinakausap?
"I'm Asher, by the way. From Class A," aniya sa isang malamig ngunit pormal na tono.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mind reader ba 'to?
"Wag mong isipin na gumamit ako ng ability na iyon. It's just because your expressions can easily state what's on your mind." Napatunganga ako sa sinabi niya at bahagya pang napaawang ang bibig. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagsitayuan ang mga balahibo kong muli. Bakit pakiramdam ko ay nangyari na ito dati?
"Naaalala mo na ba ako, Eshtelle?" malambing na tanong niya sa akin.
Nanginig ang aking mga labi habang nakatingin sa kanya. "H-Huh? Sino ka ba?"
Nagulat ako nang humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Napako ako sa aking kinatatayuan at marahang napapikit habang dinadama ang mainit niyang palad sa aking pisngi.
"Come on, open your eyes, Eshtelle. Please..." mahinahong sabi niya sa akin.
Agad kong naimulat ang aking mga mata nang marinig ang isang pamilyar na boses sa aking isipan. Nanatiling nakatitig sa mga mata ko ang lalaking nasa harapan ko na tila ba tumatagos sa aking kaluluwa. Bakas ang magkahalong takot, lungkot, at sakit sa kanyang namumungay na mga mata.
"D-Do you remember me now, baby?" Nabasag ang kanyang boses.
Sunud-sunod na pumatak ang aking mga luha. Ramdam ko ang nanunuot na sakit sa aking sentido habang pilit siyang hinahanap sa mga alaala ko.
"Baby, I'm alive... You saved me."
Inabot niya ang aking kanang kamay at ipinatong sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng kanyang puso na sumasabay sa akin.
"Ash..." nahihirapang sambit ko habang nakapikit ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay may biglang may lumitaw na pangalan sa aking isipan. "A-Asher."
Iminulat ko ang aking mga mata bago inangat ang tingin sa kanya. Unti-unting bumalik sa akin ang lahat ng aking alaala mula una hanggang sa huling alaalang kasama ko siya.
"B-Buhay ka..." napapaos na sabi ko habang dinadama ang kanyang pisngi. Pinalis ko ang mga luhang kumawala sa kanyang mata. Hinawakan niya ito at hinagkan ang aking palad.
Nagulat ako nang bigla niya akong hapitin palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit. "I-I was scared... I was scared that you won't be able to remember me, Eshtelle. Siguro iyon ang kapalit ng paggamit mo sa hiyas kapalit ng pagkabuhay ko," malungkot na sabi niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan ako sa mga mata. "You saved me, baby. You saved Dauntless Academy. You saved Kingdom Galaxias."
Ngumiti ako nang matamis sa kanya bago pinalis ang aking mga luha. "I know, because I am Eshtelle Alexa Lee. I am dauntless. I'm not afraid. Fear is not part of my vocabulary."
"It's over now..." nakangiting sabi niya sa akin bago ngumuso sa aking likuran.
Paglingon ko ay nakita kong bitbit ng mga kawal si Queen Betana na nagpupumilit pumiglas. Maraming nakapaligid na Galaxias soldiers sa kanya at kasama rin doon sa hinuli ay si King Sherbet na balita ko'y made-detain panandalian sa Labyrinth dahil sa pag-apruba sa mga masasamang plano ng kanyang asawa. "Anong ginagawa nila rito?"
"Nagbabalak pa sanang gumanti si Queen Betana sa ginawa mo ngunit agad itong natunugan ng headmaster kaya inabangan at hinuli siya ng mga kawal sa paaralan natin," paliwanag niya.
Kumunot ang noo ko nang makitaan ng multo ng isang ngiti ang kanyang labi. "Bakit kanina ka pa yata ngiti nang ngiti? Hindi ka naman pala-ngiti, ah?"
Mas lumawak ang ngiti sa kanyang labi bago inayos ang mga takas na buhok at inilagay sa likod ng aking tainga. "Kasi..." he trailed off.
"Kasi ano?"
"Tapos na ang lahat kaya ibig sabihin no'n ay...." makahulugang sabi niya sa akin.
Napataas ang aking kilay sa sinabi niya. "Pabitin amp! Ano nga?" Naiiritang tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi bago ngumiti. "Then you can be my Mrs. Greene now?" Aniya bago nagtaas-taas ng kanyang kilay.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya bago hinampas ang kanyang braso. "Hoy!"
"Joke lang naman! Tapusin muna natin 'tong school year tapos papakasalan na kita para magkaroon na tayo ng basketball team," mayabang na sabi niya.
Marahas akong kumawala sa kanyang hawak at tatawa-tawang tumakbo palayo. "Hoy, Mrs. Eshtelle Alexa Greene! Bumalik ka rito! Ang sakit n'on, ah!" sigaw niya sa akin mula sa malayo bago ako hinabol. Napailing na lamang ako sa kanya bago nagpatuloy sa pagtakbo.
Masaya ako na tapos at maayos na ang lahat. At masasabi ko na rin sa sarili ko na...
"Finally... It's over..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top