Kapitulo XXXVI - Fire

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Sabi ko naman sa'yo, 'wag mo na ulit akong titigan nang ganyan, Eshtelle," napapailing na sabi niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. "Sige na, kumain ka na muna..."

Sinunod ko naman agad ang sinabi niya at kinain ang niluto niyang manok. Nakaupo kaming dalawa ngayon sa damuhan at magkatabing nakaharap sa bonfire na ginawa niya kanina noong natutulog ako. Sa may gilid, hindi kalayuan sa amin, ay banayad na tumatakbo ang tubig-ilog.

Pagkatapos kong kumain ay itinabi ko muna ang pinagkainan ko bago tumingala sa kalangitan at marahang ipinikit ang mga mata. Damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin na banayad na humahampas sa aking mukha.

"Ilang oras na lang ba ang natitira?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"36 hours and 8 minutes remaining." Napatango na lamang ako sa sagot niya at nanatiling tahimik.

"How are you feeling right now?" mahinahong tanong niya sa akin na siyang nakakuha sa atensyon ko kaya nagmulat ako ng mga mata.

"Hmm, I feel a little better now. Thanks to you," sinserong sabi ko.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa buong paligid at ang tanging naririnig naming dalawa ay ang mahihinang kaluskos ng mga dahon dahil sa paghampas ng hangin sa mga puno.

Agad dumapo ang tingin ko sa kanyan nang bigla siyang tumayo at inilahad ang isa niyang kamay sa akin. Nagtataka ko siyang tinitigan bago tumingin sa kamay niya at nag-aalinlangang tinanggap ito. Hindi nakatakas sa aking paningin ang multo ng ngiti sa kanyang labi habang inaalalayan niya ako patayo.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin ngunit hindi sa akin nanatili ang kanyang tingin kundi sa mga bituin sa kalangitan. Ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng aking puso habang nilalabanan ang intensidad ng kanyang tingin sa akin.

Napasinghap ako nangmarinig ang kanyang malamig na boses.

"Bucket full of tears, baby know I'm here. I'm here waiting..."

Pilit kong inalis sa kanya ang aking tingin ngunit para bang hinahatak ako ng malamig niyang boses upang mapabalik ang tingin sa kanya. "Close your precious eyes and just realize I'm still fighting."

Halos mapasinghap ako habang pinagmamasdan ang seryoso niyang mukha na tila punung-puno ng hindi pamilyar at hindi maipaliwanag na emosyon. "For you to be with me, sit under this tree and we can watch the sun rise." Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. "We can watch the sunrise."

Dahan-dahan akong napapikit nang bahagya niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin. Inilagay niya ang mga takas na buhok na humahampas sa aking mukha at inilagay ito sa likod ng aking tainga.

"Wake up, feel the air that I'm breathing. I can't explain this feeling that I'm feeling." Iminulat ko ang aking mga mata at muling nagtama ang tingin naming dalawa. Umangat ang isang gilid ng kanyang labi habang pinagmamasdan ang bawat detalye ng aking mukha.

"I won't go another day without you..." nakangiting awit niya.

Hindi ko na rin napigilan ang pagngiti nang maalala ang paghihiwalay namin ng landas sa mga unang oras ng Choque de la Magia at ang muli naming pagtatagpo nang mapunta sa panganib ang buhay ko.

"I know it feels like no one's around, but baby, you're wrong." Inabot niya ang dalawa kong kamay bago dahan-dahang inangat at ipinatong sa kanyang magkabilang balikat. Nagsimulang sumabay ang aming galaw sa kanyang kanta. "Just get rid of that fear, I promise that I'm here, I'll never be gone."

"So baby, come with me, we can fly away, and we can watch the stars shine." Mas hinapit niya ang baywang ko palapit sa kanya kaya napabitiw ako sa gulat at nalipat ang aking kamay sa kanyang mga braso. "And baby, you can be my love..."

Abot-abot ang pagtahip ng aking puso habang tinitingnan ang mapupungay niyang mga mata. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung kaya ko bang pangalanan ito. Pero wala na akong pakielam kung ano ang mas nangingibabaw, basta ang alam ko ay masaya ako ngayon... kasama siya.

"Wake up, feel the air that I'm breathing. I can't explain this feeling that I'm feeling. I won't go another day without you... Without you. And this is me tonight. There's no more games and no more lies. And I know it's right, 'cause of the way you look into my eyes."

Napaawang ang bibig ko ko nang masaksihan ang unti-unting pag-usbong ng isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Nabitin sa ere ang aking paghinga habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ito yata ang unang beses na nakita kong ngumiti nang sinsero ang isang Asher Iverson Greene.

"And when I hold you tight, the worries disappear. I'm glad you're in my life..."

Tuloy pa rin ang aming mabagal na pagsayaw kahit tumigil na siya sa kanyang pag-awit. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero sapat na iyon para maramdaman naming nandito kami para sa isa't isa. Naguguluhan ako kung bakit ganito ang ginagawa niya sa akin pero mas naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Kailan pa naging ganito ka-komplikado itong nararamdaman ko? Kailan pa naging ganito katindi ang emosyon ko pagdating sa kanya?

"Eshtelle."

"Hmm?"

"I'm sorry..." halos pabulong na sabi niya sa akin na siyang nagpadala ng milyon-milyong boltahe sa aking katawan. Naramdaman ko ang paghinto niya sa pagsayaw kaya napaangat ang tingin ko sa kanya at napabitiw sa hawak ko.

"Sorry for what?" mahinahong tanong ko sa kanya.

Saglit siyang natahimik bago ko narinig ang kanyang pagbuntong-hininga. "I'm sorry, 'cause I won't stop myself anymore. At hindi ko na ito kayang pigilan pa, Eshtelle. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko na mahalin ka."

Nabitin sa ere ang aking paghinga at naramdaman ko ang paghataw muli ng tibok ng aking puso. Nanatiling nakaawang ang aking bibig habang gulat na nakatingin sa kanya.

"I know this is not right, but how can I stop myself from loving you? Paano ko pipigilan ang puso kong sinisigaw ang pangalan mo? Tell me how, baby, and I'll follow your orders."

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at nagising ako mula sa isang magandang panaginip. Nangilid ang aking mga luha habang dahan-dahang kinakalas ang pagkakahawak niya sa akin at umiiling. "H-Hindi tayo p'wede, Asher..."

Pumungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "I know... Damn, all the rules. Damn, Galaxias. I can break all the rules for you, Eshtelle. And I'm damn serious."

Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata. "We can't be... We shouldn't be." Sunud-sunod na tumulo muli ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Napaatras ako ng ilang hakbang at sa saglit na pagkakataon ay nakita ko ang magkahalong sakit at takot sa kanyang mga mata.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinigit palapit sa kanya at binalot ako ng kanyang mga bisig sa isnag mahigpit na yakap. "How can something so wrong feels so damn right? Why did I still love you when I know that the rules said that it's not right?"

Naramdaman ko ang kirot sa aking puso na pilit nilalabanan ang aking iniisip. Ngayon alam ko na... Naiintindihan ko na kung bakit ipinagbabawal sa amin ang ganitong emosyon. Naiintindihan ko na kung bakit nagawa iyon ni Ate Ashley noon. Kahit gaano pa kalakas o katapang ang isang tao, mayroon at mayroon pa rin itong kahinaan. At sigurado akong ito ang magiging kahinaan ko at possible ring maging kahinaan ni Asher.

"Kaya nga ako natatakot, eh! Ayokong mapahamak ka na naman dahil sa akin—"

"Para saan pa ang pagiging Hogosha ko, kung hindi ko naman pala magagampanan ang aking tungkulin para sa Zhu ko?" seryosong sambit niya habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko.

Ipinilig ko ang aking ulo upang hindi madala ng kanyang mga sinasabi. "Pero hindi lahat ng oras ay dapat ako ang pinoprotektahan mo! Kailangan mo ring ipagtanggol ang sarili mo—"

"Pero kailangan kitang bantayan—"

"Pero mas kailangan kita, Asher!" putol ko sa kanya. Abot-abot ang pagtahip ng aking dibdib dahil sa halo-halong nararamdaman. Natigilan siya sa sinabi ko at bahagyang napaawang ang bibig.

"Ayokong maulit ang nangyari sa nakaraan," makahulugang sabi ko sa kanya bago nag-iwas ng tingin. Alam kong hindi pa sapat ang nalalaman ko tungkol sa nangyari noon pero alam kong ito rin ang puno't dulo ng trahedyang iyon. "We should not let the same fire burn us twice."

I'm sorry, Asher, pero hindi ako katulad ng kapatid ko. Hindi ko hahayaang ito ang makasira sa ating dalawa, lalong-lalo na sa'yo. Hindi ko hahayaang ako ang maging kahinaan mo. Hangga't kaya ko pang pigilan, pipigilan ko para sa ikabubuti nating lahat. Ayoko nang mawalan ng isa pang mahalagang tao sa buhay ko.

Mas pumungay ang kanyang mga mata at bahagyang nag-igting ang kanyang panga. "Anong ibig mong sabihin?"

Huminga muna ako nang malalim bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Malaki ang kinalaman ng kapatid ko sa malaking kaguluhan sa paaralan natin noon."

Kumunot ang kanyang noo. "Sino ba ang kapatid mo?" nalilitong tanong niya.

"Si Ashley Rhianna Lee..."

Nanigas siya sa kinatatayuan niya at gulat na napatitig sa akin. "K-Kapatid mo si Ashley Lee?"

Bahagyang kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. "Oo. K-Kilala mo ba siya?"

"Kaya pala pamilyar na pamilyar ang mukha mo noong unang beses kitang nakita. Kamukhang-kamukha mo si Ms. Ashley noong huli ko siyang nakita..." Napalunok muna siya bago muling nagsalita. "Malaki ang naging kasalanan niya sa kaharian ng Galaxias at sa rehiyon ng Lunaticus."

Ako naman ngayon ang natigilan sa sinabi niya. "M-Malaking kasalanan?"

Ang alam kong kasalanan ni Ate Ashley ay 'yong nilabag niya ang batas ng The Chosen Ones, pero hindi ko naman alam na may mayroon din pala siyang kasalanan sa kaharian ng Galaxias!

He slightly nodded. "Ayon sa nalaman ko mula sa nakatataas, si Ms. Lee ang nagnakaw ng hiyas na siyang nagkokontrol ng kapayapaan sa Lunaticus," seryosong sagot niya.

Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Nagawa iyon ni Ate? Pero para saan? Bakit niya ninakaw ang hiyas ng Lunaticus? At anong kinalaman nito sa mga panaginip ko dati tungkol sa kanilang dalawa ng anak ng headmaster?

"Pero mas nakakabiglang malaman na may kapatid pala si Ms. Ashley." Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Hmm..."

Napalunok ako. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ang sinabi raw kasi niya kay Headmaster R ay nag-iisang anak lamang siya..." seryosong sabi niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top