Kapitulo XXVII - Weapon of Choice

"Congratulations on completing the first level successfully, The Chosen Ones! So now, let's proceed to the physical training and duel!" Huminto muna sa pagsasalita si Ms. Miranda at sa isang iglap ay nagbago muli ang paligid.

Namamangha kong inilibot ang aking tingin sa buong silid. Para kaming nasa isang malaking training room kung saan may iba't ibang rooms na naglalaman ng iba't ibang targets o kaya naman ay mga pang-exercise.

"Your physical training will be divided into two sections. Ang una ay ang individual training sa paggamit ng iba't ibang armas at tamang pakikipaglaban. Your team captain will guide you on that. At ang pangalawa ay ang virtual reality training niyo kung saan may kalaban kayong dummies sa room na iyon," excited na paliwanag ni Ms. Miranda bago itinuro ang pinakamalawak na silid.Tanging glass window lang ang nakapalibot sa silid kaya naman kitang-kita namin ang loob nito.

Umalis si Ms. Miranda sa harap namin at binitbit ang isang malaking treasure chest nang walang kahirap-hirap bago inilapag iyon sa harapan naming lima. "Weapon of choice," aniya bago dahan-dahan itong binuksan. May iba't ibang klase ng bomba, granada, mga patalim, baril, at marami pang iba.

Lumapit si Asher dito at walang pag-aatubiling kinuha ang isang excalibur. Pagkahawak niya pa lang nito ay bigla niya itong pinaliyab na siyang nagpamangha sa amin. Oo nga pala, Elements Kinesis ang ability niya kaya maaari niyang gamitan ng ability ang kanyang armas. Pero teka, 'di ba parang may nabanggit siya noon na mayroon siyang extrasensory perception? Ability ba 'yon o common Galaxias term lang?

"Akin 'tong bomba, ah! Papasabugin ko mukha ni Ethan!" biglang sabi ni Linus.

"Gago! Ikaw kaya ang pasabugin ko r'yan?" pikong sagot ni Ethan.

Natawa ako sa asaran ng dalawa. Pagkatapos nilang magbangayan ay seryoso na muli silang pumili ng kanilang mga armas. Ang pinili ni Linus ay isang land mine bomb na bagay sa ability niyang Geokinesis at kay Trevor naman ay time bomb na sa tingin ko naman ay madali niya lang ding magagamit dahil sa ability niyang Hyper Speed. Tahimik namang lumapit si Ethan sa treasure chest at kinuha ang isang dagger. Kumunot ang noo ko nang piliin niya iyon. Bakit dagger lang ang pinili niya?

At saka ko lang napagtanto kung bakit iyon lang ang pinili niya nang biglang mag-iba ang anyo nito sa aking paningin at naging malaking espada. Yeah right, it's all about illusions. Kayang-kaya niyang paikutin ang makakalaban niya gamit lang ang ability niya. Utak ang kanyang pangunahin at pinakamalakas na weapon sa lahat.

"Ms. Lee, ikaw na lang ang hindi pa napili." Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Ms. Miranda.

Tumango ako bilang sagot bago lumapit sa malaking treasure chest at iginala ang mga mata sa loob nito. What should I pick? Alin ba rito ang maaaring sumakto sa ability ko? Kaya ko namang gumamit ng iba't ibang patalim pero mae-enhance ba nito ang ability ko?

"Why don't you try the bow and arrow, Eshtelle? I think it would suit your ability," suhestiyon ni Asher na nakatayo pala sa aking likuran. Kinuha ko ang pana at palaso mula sa treasure chest at bumalik na sa pwesto ko kanina. Kunot-noo ko itong pinagmasdan. Paano naman kaya gumamit nito at saka paano naman ito babagay sa ability ko?

"Mr. Greene, please lead your team for a while. Pinapatawag kami ni Headmaster R sa opisina. We'll be back," pormal na sabi ni Ms. Miranda kay Asher. Tumango lang siya bago muling bumaling sa amin.

"Shall we start?" he asked in a formal tone. Pagkasabi niya no'n ay nagsi-alisan na sa tabi ko ang tatlong lalaki at pumunta sa targets and practice rooms. "Oh, ano pang tinatayo-tayo mo riyan?" tanong ni Asher sa akin habang nakataas ang isang kilay.

Nanuyot yata ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya at mas lalong hindi nakaalis sa aking kinatatayuan. Saan ako pupunta? Anong gagawin ko?

I saw a hint of amusement in his eyes. "Ano, magti-titigan na lang ba tayo rito, Eshtelle?"

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. "A-Ano ba kasing gagawin?"

"'Pag sinabi ko bang mahalin mo ako, gagawin mo?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi nito? Bago pa ako makaangal ay hinawakan niya na agad ang pala-pulsuhan ko at hinila ako patungo sa isang practice area kung saan nagsasanay sa paggamit ng pana at palaso.

"Joke lang, baka totohanin mo," bawi niya makalipas ang ilang sandali.

Habang naglalakad papunta roon ay ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng aking puso sa dibdib. Nabalik lamang ako sa reyalidad nang magsalita siya at tumigil kami sa paglalakad. "The first thing you need to learn is the proper way of holding the bow and the arrow. Now, try it," sabi ni Asher habang nakatingin nang diretso sa akin. Napalunok ako sa sinabi niya. Paano ba iyon? Hindi pa ako nakakahawak nito sa buong buhay ko!

Nag-aalinlangan kong ipinosisyon sa aking kamay ang panang may nakasalang na isang palaso. Ginaya ko na lamang 'yong paghawak at tindig ng bida sa napanood kong pelikula dati. Hinatak ko ang tali ng pana palapit sa aking mga mata ngunit agad akong napatigil nang maramdaman ko si Asher sa aking likuran. "Hindi gan'yan ang tamang paghawak ng pana..." marahang aniya bago inayos ang posisyon ng katawan ko at hinawakan ang mga braso ko.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking batok at naramdaman ko ang pagtindig ng mga balahibo ko sa bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya. Hindi ako makapag-focus nang maayos sa mga sinasabi niya dahil sa nakakakuryenteng hawak niya sa aking braso. "Got it?"

I cleared my throat. "Y-Yeah," sagot ko kahit sa totoo lang ay wala talaga akong naintindihan ni isa sa mga sinabi niya. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa pagtutok ng pana na ngayon ay mas maayos ko nang hinahawakan kaysa kanina. Pilit ko na lamang tinandaan iyon at ipinasok sa aking utak kahit na medyo nadi-distract pa rin ako sa presensya niya.

"Focus your vision on the target. Dahil may enhanced senses ka, you can clearly see and aim on it, right? Now, try to shoot," he instructed me.

Sinunod ko ang sinabi niya at itinutok ang arrow sa may target. Katulad nga ng sinabi ni Asher ay kitang-kita ko ang target kaya agad kong hinila nang buong puwersa ang tali at ni-release ang arrow.

"Wow," rinig kong sambit ni Linus na ngayon ay nasa tabi ko na rin pala at nanonood sa amin.

Hindi ko na napigilan ang pagngiti nang makitang sapul sa gitna ng target ang pinakawalan kong arrow. Mayabang kong nginisian si Linus kaya napanguso siya. Nagsi-lapitan na rin ang iba naming kasamahan na mukhang tapos na rin sa kani-kanilang training. Doon ko lamang napansin na naglaho na pala si Asher sa may tabi ko at nakita siyang nangunguna sa pagpasok sa malaking test room kung saan gaganapin ang stage two ng physical training.

"Nakasalang na pala si Asher-senpai sa test room," wika ni Linus sa aking tabi.

Gulat akong napatingin sa kanya. "S-Senpai?" nagtatakang tanong ko sa kanya na siyang nagpatigil sa kanyang paglalakad.

He smirked at me. "Senpai ang tawag ko sa kanya kasi mataas ang tingin ko sa kanya lalo na at siya ang team captain ng The Chosen Ones. Siya rin ang top student sa ating batch."

Marahan akong tumango bago sinulyapan si Asher. "Should I call him 'Senpai', too?" wala sa sariling tanong ko.

Natawa siya sa sinabi ko bago ginulo ang aking buhok. "Depende sa trip mo!" aniya bago bumaling kay Asher. "Notice me, Senpai!"

Suplado siyang tiningnan ni Asher. "Ikaw ang isusunod ko rito, Linus. 'Wag mo kong i-'notice me, senpai' d'yan," iritadong sabi niya.

Nagtawanan ang mga lalaking kasama ko nang simangutan siya ni Linus. Natawa rin ako sa kalokohan nila at napailing na lamang. Maya maya'y natahimik kami nang tumunog na ang buzzer at umilaw na ang red light sa taas ng pintuan ng silid na hudyat na magsisimula na ang test ni Asher. Dumilim na sa loob nito at may kumalat na mga kulay green na laser lights malapit sa kanyang kinatatayuan.

Inayos niya ang kanyang tindig at ipinosisyon ang espada sa kanyang harapan na tila ba anumang oras ay may susulpot na kalaban sa harapan niya. Nanatiling blangko ang kanyang mukha ngunit bakas ang pagiging mas seryoso niya ngayon. Nagulat kaming lahat nang bigla siyang may sinaksak mula sa kanyang likuran na hulma ng taong nabuo mula sa green orbs.

Kitang kita namin ang pagliyab ng espada ni Asher habang nakabaon sa dummy ang kanyang excalibur. Marahas niya itong hinugot at pasugod na tumakbo sa isa pang papalapit na kalaban. Habang tumatagal ay mas tumitindi ang test at dumadami ang dummies na nakakalaban niya. Sa huli ay lumabas ang katagang "Victory" sa screen ng test room at may ipinakitang mga percentage roon na tila ba naglaro siya sa isang MMORPG.

He put the sword back to its scabbard as he slowly walked out of the test room. Walang bakas ng pagod sa kanyang mukha at tila ba napakadali lang ng kanyang ginawa sa loob ng silid. "Linus, you're next," deklara niya habang masama ang tingin kay Linus. Tatawa-tawa namang pumasok sa silid si Linus at sumunod na lamang sa utos ng captain namin. Mabilis ang naging takbo ng oras at agad na natapos ang tatlong lalaki sa kanilang test at ako na ang kasunod at pinakahuling sasalang.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa silid. Pagkapasok sa loob ay pinanood ko ang pagsara ng sliding door sa aking likuran. Tanaw na tanaw ko pa ang lahat ng nasa labas at medyo rinig ko pa ang mga boses nila.

"Bibe ko! Galingan mo, aba!" rinig kong sigaw ni Linus ngunit agad ring naputol nang binatukan siya ni Ethan.

Hindi ko na pinansin ang pang-aasar niya at naglakad na papalapit sa machine na matatagpuan sa pinakagitna ng silid. Nang tuluyan akong makalapit ay mas nakita ko nang malinaw ang nakasulat na mga tanong doon. Ipinatong ko ang kamay ko roon upang ma-scan at ma-identify ng machine.

Maya maya'y may mga lumabas pang ilang tanong tungkol sa test na gagawin ko. Pinili ko ang Archery test at ni-set ang level of difficulty sa maximum. Pagka-press ko ng "OK" button ay naglaho ang machine sa harapan ko at biglang dumilim ang paligid. Unti-unting natakpan ang glass walls sa buong paligid at wala akong kahit na anong nakikita bukod sa panang hawak ko na may blue L.E.D. lights na siyang nagsisilbing liwanag nito. Lumabas na rin ang green laser lights sa paligid na katulad ng lumabas sa tests nila kanina.

Ilang segundo matapos lumitaw ang laser lights ay biglang lumitaw ang isang green dummy na gawa sa orbs kaya itinutok ko agad ang arrow sa kanya bago walang pag-aalinlangang pinakawalan ito. Sakto namang tumama ang palaso sa dibdib ng dummy kaya sumabog agad ang katawan nito.

Mas pinagana ko ang ability ko upang madali kong malaman kung saan susulpot ang mga kalaban kaya naman naging madali sa akin ang test na ito kahit medyo nakakapagod. Ang pinakahuling kalaban na sumulpot ay malapit lamang sa kinatatayuan ko kaya ginamitan ko ito ng pisikal na kalakasan dahil alam kong hindi magandang gamitin ang aking armas sa malapitang combat.

Nang makakuha ng pagkakataon upang dambahan ang dummy ay kumuha ako ng isang arrow mula sa likod ko at isinaksak ito agad sa kanya kaya unti-unti siyang sumabog at naglaho. Pinakiramdaman ko muna ang buong paligid kung wala na bang lalabas na dummies. Nakahinga ako nang maluwag at napaupo sa sahig nang lumabas na sa screen ang katagang "Victory" at nakita ko ang results ng test ko.

Tinandaan ko ang lahat ng areas na kailangan kong i-improve pagdating sa shooting and physical abilities base sa resulta ng aking test. Huminga muna ako nang malalim bago tumayo at pinalis ang mga takas na pawis sa aking noo bago pumihit palabas ng test room. Sinalubong naman ako ng palakpakan ng mga ka-team ko bukod kay Asher na tahimik lamang na nakamasid sa akin.

"Good job, Alexa! Idol na talaga kita!" natatawang salubong sa akin ni Linus.

Naagaw ni Asher angatensyon ko nang bigla siyang pumihit patalikod at nagsimulang maglakad papalayo.

"S-Senpai!" nahihiyang tawag ko sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad pero nanatili siyang nakatalikod sa amin. Tumakbo ako papalapit sa kanya pero nag-iwan ako ng distansya sa pagitan namin.

"What did you call me?" bakas ang gulat at pagkamangha sa kanyang boses kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"S-Senpai," pag-uulit ko gamit ang mas maliit na boses.

"One more time..." kalmadong sabi niya na siyang nagpakunot sa aking noo.

"A-Ayoko nga! Wala nang ulitan!" inis na sabi ko sa kanya kaya narinig ko ang mahinang paghalakhak niya. "Hindi mo man lang ba ako pupurihin?" mayabang na tanong ko sa kanya para maiba ang usapan.

Narinig ko muna ang pagtikhim niya bago magsalita. "Why would I? Ang dali lang naman ng ginawa mo," mayabang niya ring sabi.

Halos mapairap naman ako sa sinabi niya kahit hindi niya naman ako nakikita. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya ngunit agad ding tumigil nang humarap siya sa akin. "I don't like the way you called me earlier," aniya.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at hindi agad nakabawi. Napakurap ako nang ilang beses nang makitaan ng multo ng isang ngiti ang kanyang labi. "B-Bakit naman? Ganoon din naman ang tawag sa'yo ni Linus, ah? At saka, I respect you as our team captain, too."

"Gusto ko mas unique 'yong sa'yo. For example, 'honey', 'darling', mga gano'n."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan ang pag-irap. "As if namang gusto kitang tawagin nang gano'n!"

Napaangat ang isang gilid ng kanyang labi bago tumalikod. "Take a break first. Pakisabi na rin sa team na mag-break muna sila. We're going to begin our level 3 physical training pagbalik nila Sir Alejandro," pag-iiba niya sa usapan.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "How about you? Why don't you take a break, too?"

Nanatili siya sa kinatatayuan niya nang ilang sandali bago nagsimulang maglakad palayo nang hindi sinasagot ang tanong ko. Bumuntonghininga na lang ako at bumalik na.

Matapos kong sabihin ang pinapasabi sa akin ni Asher ay lumabas muna ako ng silid at pati na rin ng library upang makapagpahinga. Pagkaliko ko mula sa Northeast wing ay nadaanan ko pa ang North wing kung nasaan ang restricted area. Napatigil ako saglit sa tapat no'n ngunit hindi ko na ito nilapitan pa dahil ayoko nang maulit pa ang nangyari sa akin dati. Nandoon pa rin ang makakapal na usok ngunit wala na akong naaaninag na kahit ano sa likod ng mga rehas.

Kumusta na kaya si Ashton?

Magsisimula na sana akong magpatuloy sa paglalakad nang biglang may mahagip na isang pamilyar na mukha ang aking paningin mula sa 'di kalayuan. Namilog agad ang mga mata ko at napakurap nang ilang beses upang makasigurado sa nakita ko.

"A-Ate Ashley?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top