Kapitulo XXVI - Emotions
"Sa tingin ko naman ay okay na kayong lahat doon sa rule. Any violent reactions?" tanong ni Ms. Miranda.
"Bakit po ipinagbabawal ang pag-ibig sa The Chosen Ones, Ma'am?" wala sa sariling tanong ko.
Nalipat agad ang tingin ko kay Asher nang bigla siyang mapaubo sa tanong ko. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay kaya nag-iwas siya agad ng tingin sa akin. Ibinalik ko ang tingin kay Ms. Miranda na bakas ang pagkamangha sa mga mata.
"Bakit mo natanong, Ms. Lee?" kalmadong tanong niya.
I swallowed the building lump in my throat. "Curious lang po ako kasi wala naman pong kinalaman ang pag-ibig sa mangyayaring labanan, 'di ba? Kaya bakit po naging rule ng The Chosen Ones 'yon?"
Humalukipkip siya at sumandal sa kanyang kinauupuan habang namamanghang nakatingin sa akin. "Well..." she trailed off. "Technically, it wasn't a rule for The Chosen Ones of every institution. Ipinagbawal lang iyon ng hari simula noong nakalikha ito ng malaking problema at kaguluhan sa kaharian ng Galaxias labing-walong taon na ang nakalilipas."
Nanatili ang mga gumugulong katanungan sa aking isipan. 18 years ago? Bakit parang ang daming nangyari sa paaralang ito 18 years ago? "May kinalaman po ba ito sa nawawalang tagapagmana ng trono ng headmaster?" Pati ako ay nagulat sa sarili kong tanong kaya natutop ko agad ang aking bibig.
Naramdaman ko ang namumuong tensyon sa buong silid kaya nagsimulang umahon ang kaba sa aking dibdib. "Yes..." mahinahon at seryosong sagot ni Ms. Miranda sa tanong ko. Nais ko pa sanang magtanong tungkol doon ngunit pakiramdam ko ay hindi na tama ang pang-uungkat ko ng nakaraan kaya tumahimik na lang ako.
"Any more questions?" she asked again. "Kung wala na, then let's proceed to the first level of training. Magiging mahigpit ang ating training ngayon dahil few weeks from now ay magsisimula na agad ang Choque de la Magia Tournament. We need to focus more, lalo na't nagkaroon tayo ng sudden changes sa ating line up."
Few weeks from now? Bakit ang bilis naman yata? Or ganoon lang talaga ang schedule ng tournament na 'yon? Tuwing end of the year ba talaga nagaganap ang annual Choque de la Magia?
"Bilang Ability class teacher niyo, gagabayan ko kayo sa inyong first level of training which is about the enhancement of your individual abilities. Parang katulad lang ito ng activities natin tuwing tayo'y nagkaklase ngunit mas mataas ang level of difficulty dahil kayo ay bahagi ng The Chosen Ones," si Sir Alejandro.
"And as your Defense class teacher naman, ako ang magha-handle sa inyo pagdating sa 2nd level ng training which is about physical training and duel," singit ni Ms. Miranda matapos magpaliwanag ni Sir Alejandro. "Kaming dalawa ang magte-train sa inyo for the last level of training which is strategic planning and group training."
"Iha-handle lang namin kayo for a few days and the rest will be under the control of your team captain which is Mr. Greene. Sa final training niyo ay o-obserbahan kayo ng Headmaster at ng ibang teachers niyo," dagdag pa ni Sir Alejandro.
"Okay, let's begin!" masiglang sabi ni Ms. Miranda bago pumalakpak nang tatlong beses kaya nagsi-tayuan na kaming lahat mula sa aming upuan. In just a snap of her finger, every single thing in the room was nowhere to be found.
Umatras nang ilang hakbang si Ms. Miranda at humakbang naman papunta sa unahan namin si Sir Alejandro. Pormal siyang tumayo sa harapan namin habang inaayos ang kanyang suot na suit. "Everyone, look at me in the eyes," he commanded.
Nagtataka pa akong tumingin sa iba nang makitang sinunod nila agad ang sinabi ni Sir Alejandro at mukhang nawala na sila sa sarili. Saktong pagtama ng tingin namin ni Sir Alejandro ay naramdaman ko ang biglaang pag-ikot ng paligid ko kaya napapikit ako nang mariin at napahawak sa aking sentido.
Nang maramdamang tumigil na sa pag-ikot ang paligid ay dahan-dahan ko nang iminulat ang aking mga mata. Inilibot ko ang tingin sa paligid at napagtantong nasa gitna ako ng isang malaking kalsada. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung nasaan ako. "Nandito ako sa bayan namin?" hindi makapaniwalang sabi ko nang maramdaman ang pamilyar na ambiance mula sa kinalakhan kong mundo. I missed my home...
Nahinto ang aking pagbabalik-tanaw nang may marinig na mahihina at maiingat na yabag mula sa 'di kalayuan. Pinakiramdaman ko muna ang paligid at mas naging alerto. Mabilis akong naghanap ng pagtataguan at nang makahanap ng isang pader sa isang eskinita ay agad akong nagtago roon.
Ipinikit ko ang aking mga mata at muling pinalakas ang aking pandinig. Narinig kong muli ang mga yabag niyang unti-unting lumalakas— isang hudyat na lumalapit siya sa kinaroroonan ko. Kinapa ko ang mga bulsa ko at naghanap ng maaaring gamiting sandata. Awtomatikong namilog ang mga mata ko nang makapa ang isang granada. Nanginig ang aking kamay habang pinagmamasdan ito at nilalabas mula sa aking bulsa.
"Shit! Paano gumamit nito?!" natatarantang bulong ko sa sarili.
Inilibot ko muli ang tingin sa paligid at ginamit ang talas ng aking paningin. Kailangan ko rin ng kahit anong patalim! Kutsilyo, dagger, itak, o kahit espada ay ayos lang! Marunong naman akong gumamit ng kahit anong armas bukod sa baril at pana!
Natigil ang paghahanap ko nang makita ang isang punyal na nakapatong sa ibabaw ng pintuan ng coffee shop na katapat ng eskinitang pinagtataguan ko. Sinulyapan ko ang granadang hawak ko bago patagong pinagmasdan ang taong nakasuot ng isang maskarang may disenyong mukha ng multo na papalapit sa pinagtataguan ko.
Walang pag-aalinlangan kong hinigit ang nakalawit na tali ng granadang hawak ko katulad ng mga napanood ko sa pelikula noon at mabilis na ibinato iyon sa kinaroroonan ng taong papalapit sa akin. Nang tumama ito sa lupa malapit sa kanya ay agad siyang tumalon palayo kasabay ng malakas nitong pagsabog. Napuno ng usok ang kinatatayuan niya kaya nagkaroon ako ng tiyansang makatakbo patungo sa katapat na eskinita at kunin ang nakitang dagger.
Habang hindi pa humuhupa ang usok sa may kinaroroonan ng kalaban ay naghanap ako ng panibagong pagtataguan. Agad akong tumakbo sa isang abandonadong panaderya sa bayan na medyo may kalapitan lang sa puwesto niya. Nang humupa ang usok ay nanatili siyang nakahiga sa kalsada at paubo-ubo habang nakahawak sa kanyang kaliwang braso. Kapansin-pansin ang ilang natamong sugat at sunog sa kanyang katawan na dulot ng pagsabog ng granada. Maya maya'y tumayo na siya at iika-ikang nagsimulang maglakad upang maghanap sa akin. Huminga muna ako nang malalim at nang dumaan siya may pinagtataguan ko ay agad ko siyang sinugod ng dagger na mabilis niya namang iniwasan.
Nagulat ako nang mahawakan niya ang pala-pulsuhan ng kamay kong may hawak na dagger at pilit niya itong inilayo sa kanya upang itutok ang talim sa akin. Ngayon ay nasa may likuran ko na siya at pilit idinidiin ang dagger sa aking leeg.
"Damn you!" inis na singhal ko sa kanya nang maitutok niya ang talim sa akin. Agad kong kinagat ko ang kanyang braso kaya nailayo niya ito sa akin. Agad kong kinuha ang pagkakataong iyon upang tadyakan ang kanyang sikmura at buhatin pabagsak sa lupa.
"Argh, you little—" Naputol ang kanyang sasabihin nang daganan ko ang kanyang katawan. Mabilis kong hinigit ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha upang makita ang kanyang mukha bago akmang itutusok sa kanya ang dagger na hawak ko ngunit natigilan ako sa nakita.
"L-Luke?" gulat na sambit ko. My hand holding the dagger trembled when his eyes met mine. Anger was very evident in his eyes. Ibang-iba sa Luke na nakilala ko noon. Ang dating mapupungay niyang mga mata ay napaltan ng galit at ang matamis niyang ngiti noon ay hindi na niya suot ngayon.
Agad niyang ibinaliktad ang posisyon naming dalawa upang samantalahin ang kahinaan ko at hinawakan ang kamay kong may hawak na dagger upang ilapit sa akin ang patalim nito. Halos dumugo na ang aking leeg dahil sa pagkakabaon ko nito. "L-Luke! Si Riv 'to! Si Alexa ito! Luke, please..." pagmamakaawa ko sa kanya.
"STOP!"
Biglang yumanig ang lupa at mabilis na umikot ang buong paligid. Nabitin sa ere ang paghinga ko at napapikit ako nang mariin.
"Alexa..."
"L-Luke, si Alexa 'to! Please, gumising ka... Kailangan nating umalis sa lugar na 'to!" pagmamakaawa ko.
"Alexa, wake up!" Agad kong iminulat ang aking mga mata at napaawang ang aking bibig. Habol ko pa rin ang aking paghinga habang hinihintay luminaw ang aking paningin. Bumungad sa akin ang pares ng kulay asul niyang mga mata.
"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Trevor.
Nang makabawi ay agad akong umahon mula sa pagkakahiga at inilibot ang tingin sa paligid. "N-Nasaan si Luke?!" Tiningnan ko si Sir Alejandro na seryosong nakatingin sa akin at napapailing. Pinalis ko ang mga luhang kanina pa pala tumutulo mula sa aking mga mata. "Sir Alejandro, si Luke po... B-Bakit kailangan ko pong patayin ang kaibigan ko?"
"You failed thefirst level of training, Ms. Lee," malamig na sabi ni Sir Alejandro.
Bumagsak ang tingin ko sa sahig at naitikom ang aking bibig. Ngayon ko lang napagtanto ang aking kamalian. It was just an illusion, it was only just a dream. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko at iyon ang naging kahinaan ko. Ginamit lang ni Sir Alejandro ang kaibigan ko upang subukan kung kaya kong labanan ang kahinaan ko ngunit iyon pala ang naging dahilan upang matalo ako.
"You're weak. Hindi namin kailangan ng mahinang katulad mo sa team na ito," diretsong sabi ni Sir Alejandro na tumarak sa puso ko.
Napaangat ang tingin ko sa isang kamay na nakalahad sa akin. Nagtama ang tingin namin ni Asher at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nangilid muli ang mga luha ko. Ipinatong ko ang nanginginig kong mga kamay at hinayaan siyang alalayan ako patayo.
Nanatili ang tingin ko sa sahig ngunit napaangat ito mula sa kanya nang magsalita siya. "Ito ang pangunahing dahilan kung bakit itinalaga itong batas ng The Chosen Ones," aniya, nagpapatungkol sa batas na binanggit ni Ms. Miranda kanina. "Never let your emotions control you, Eshtelle Alexa. You should train your mind to be stronger than your emotions or else you'll lose yourself every time."
Bumagsak ang tingin ko sa sahig at pumatak ang huling luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mata. "I-I'm sorry..." I croaked.
He sighed. "The best thing you can do is to stand up and try again," makahulugang aniya bago marahang tinapik ang aking balikat at nilagpasan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top