Kapitulo XVI - Phoenix
Galit akong sumugod kay Elise at kinuwelyuhan siya. "What the hell is your problem with me, Elise?!"
Bakas ang pagkagulat niya dahil sa ginawa ko ngunit 'di kalaunan ay bumalik ang ngisi sa kanyang labi. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga. "You are my problem, Alexa," mariin at halatang gigil na bulong niya.
Inis ko siyang itinulak upang mailayo ang tainga ko sa kanya bago tinitigan siya nang masama. Nanginginig na ako sa lamig at tuluyan nang umaakyat ang galit sa ulo ko. I need to compose myself and alter the anger that I am feeling. This is not good! Ayoko na namang gumawa ng panibagong gulo at eksena rito dahil alam kong kaunti na lang ay makakarating na ito kay Headmaster.
Huminga ako nang malalim at umamba nang aalis ngunit hinawakan ako ni Elise sa braso at hinila pabalik. Suminghap ako. "Huwag mo 'kong sinusubukan, Elise. Masama akong magalit," kalmado ngunit mariing sabi ko sa kanya.
She faked a laugh. "Ooh, scary!" she said sarcastically. "What will you do, then? Eh, wala ka naman talagang kayang gawin!"
Naikuyom ko ang kamao ko at napapikit nang mariin. Calm down, Eshtelle Alexa... You need to calm down. She's not worthy of your attention.
"What is your problem with me?" mas mahinahong tanong ko sa kanya.
Her brow shot up. "I already told you, sweetie. You are MY problem. Simula noong nakita ko 'yong pagmumukha mong nagtatapang-tapangan ay nasira mo na agad ang araw ko. At akala mo ba ay patatahimikin ko ang buhay mo? Dream on! Hangga't nabubuhay ako, Eshtelle Alexa, gagawin kong miserable ang buhay mo!" nanggagalaiting sabi niya.
Napahinga ako nang malalim upang pigilan ang sarili kong manampal ng tanga. Gusto yatang makatikim ng mainit na palad ko ang babaeng ito.
"Kung hindi lang talaga um-epal ang Asher na iyon ay talagang napatay na kita noon!" gigil na gigil na sabi niya. Nagpapadyak pa siya roon na parang batang hindi napagbigyan ang gusto niya. Ngumisi ako sa kanya kaya lalong nag-init ang ulo niya sa akin. "Anong nginingisi-ngisi mo dyan?! Feeling mo naman ang lakas mo! You're just a manna, idiot! You are just a stupid manna who can't do anything by herself!" malakas at mariing sigaw niya na halos marinig ng lahat ng taong nasa cafeteria.
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko at napawi ang ngisi sa aking labi. Nangibabaw ang nakakainis na boses ni Elise sa buong cafeteria. Biglang natahimik ang buong paligid at kulang na lang ay ang tunog ng mga kuliglig. Walang bakas ng pagsisisi sa mukha ni Elise sa kanyang ibinunyag na sikreto sa lahat. Nagsimula nang umugong ang mga bulungan ng mga estudyante.
"Yes, you heard it right, my fellow students of Dauntless Academy. This girl in front of me is nothing but a weak, little manna," Elise announced.
Napapikit ako nang mariin nang matanaw si Sir Alejandro na umahon mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa amin. Ipupusta ko ang ngala-ngala ng Elise na 'to na narinig niya 'yong ibinunyag niya kanina!
"Ms. Lee, Ms. Klein, what is the meaning of this?" mariing tanong niya sa amin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Elise at bakas ang tagumpay sa kanyang mukha. Nanginig ang mga kamay ko sa takot habang nakayuko.
Napaawang ang bibig ko nang bigla akong akbayan ni Elise at hilahin palapit ang aking katawan sa kanya. "Sir Alejandro, nahanap ko na po ang isa pang nagtatagong manna rito sa DA at siya po iyon," mayabang na aniya.
Agad lumipat sa akin ang tingin ni Sir Alejandro at pinagtaasan ako ng isang kilay. "Is that true, Ms. Lee?" Bakas ang galit sa kanyang boses. Muling umahon ang guilt sa aking sistema nang maalala ang ginawa kong pagsisinungaling sa kanya tungkol sa ability ko.
Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha kaya ibinagsak ko ang tingin sa sahig. Naramdaman ko ang pagkabalisa ng mga kaibigan ko sa aking tabi.
"S-Sir, that's not true! M-May ability po si Alexa!" depensa sa akin ni Kylie.
"What is it, then?" tanong niya sa mga kaibigan ko bago sumulyap sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya ngunit magsasalita pa lang ako ay biglang sumingit agad si Elise. "Sir, 'wag kayong maniwala sa kanila! Walang ability 'yang babaeng 'yan! She's just a manna—"
"Will you please shut up for a second, Ms. Klein? I'm not asking you, so shut your mouth!" inis na sabi ni Sir Alejandro kay Elise.
Tumingin siya sa aming tatlo pati na rin kay Elise. "The three of you and you, Ms. Klein, go to the Office of the Headmaster now!" mariing sabi ni Sir Alejandro sa amin bago naglaho sa aming harapan na tila isang bula. Naiwan kaming nakatulala samantala si Elise naman ay panay ang halakhak na animo'y may napagtagumpayang misyon.
"You're going to die, bitches! Say goodbye to Dauntless Academy!" natatawang sabi niya bago naglakad palabas ng Cafeteria kasunod ang mga alipores niya.
Nandoon pa rin ang bulungan ng mga estudyante sa paligid. Ang iba naman ay naaawang nakatingin sakin samantala 'yong iba ay tila tuwang-tuwa rin sa nangyayari at sa posibleng kahantungan ko.
Ayoko sa lahat ay 'yong kinakaawaan ako. Ayoko sa lahat ay 'yong nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga tao sa paligid ko. I don't want to be in the spotlight, pero simula no'ng tumuntong ako sa paaralang ito, nagkanda-leche leche na ang mga nangyayari sa buhay ko! Kung hindi ba naman ako tatanga-tanga at pumasok dito nang hindi muna inaalam kung anong klaseng paaralan ba ito, e'di sana ay wala akong problema ngayon! E'di sana hindi rin madadamay ang mga kaibigan ko ngayon!
"Riv? Anong nangyayari dito?" Napaangat ang tingin ko nang marinig ang tinig ng kaibigang si Luke.
Nang magtama ang tingin naming dalawa ay napaawang ang bibig niya. Gulat niyang pinasadahan ng tingin ang aking katawan bago ibinalik muli sa aking mukha. Mabilis siyang lumapit sa akin habang hinuhubad ang kanyang suot na dark green coat. Inawang ko ang aking bibig upang magsalita ngunit nanginig lang ang mga labi ko dahil sa nararamdamang lamig at sunud-sunod na pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.
Ibinalot sa akin ni Luke ang kanyang coat bago hinila ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang init ng katawan niyang nakabalot sa akin kaya mas lalo lang akong napaiyak. Pilit kong pinipigil ang paglakas ng mga hikbi ko ngunit hindi ko na ma-control ang mga emosyong nararamdaman. "Shh... Nandito na ako, Riv. Everything's gonna be alright, okay?" mahinahong sabi ni Luke.
"L-Luke, natatakot ako..." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at inangat ang aking mukha gamit ang dalawang kamay niya. Pinalis ng kanyang mga hinlalaki ang mga luha kong tila walang katapusan ang pag-agos.
"You have nothing to fear about. Matapang ang Eshtelle Alexa Lee na kilala ko. Lakasan mo lang ang loob mo," he assured me.
Umiling ako nang sunud-sunod at napahikbi. "But being dauntless can't save me right now..." Hindi mo naiintindihan, Luke. Hindi na ako maililigtas ng pagtatapang-tapangan ko ngayon!
"What do you mean?" nalilitong tanong niya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "I-I'm not like you. I don't belong here... Wala akong special ability! I lied about everything!"
Saglit siyang natahimik dahil sa sinabi ko ngunit pagkalaan ng ilang sandali ay napapikit ako nang maramdaman ang pagdampi ng kanyang labi sa noo ko. "I know, but I still chose to believe you. Alam kong nagsinungaling ka sa akin noong tinanong kita noon, pero hindi ko kayang magalit sa'yo dahil lang do'n. My trust for you is way bigger than your white lies."
Napahagulgol ako dahil sa sinabi niya. Niyakap niya muli ako kaya ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. "I-I'm sorry..." I croaked.
"You don't need to apologize. It's not your fault, okay? Whatever your reason is, maniniwala ako sa'yo," aniya bago muling kumalas sa pagkakayakap sa akin upang palisin ang panibagong luhang kumakawala sa aking mga mata. "Kaya ngayon, I want you to be brave, Alexa. You have to be dauntless. Pagpasok mo roon sa opisina mamaya, gusto ko ay tanggalin mo ang takot sa puso mo at harapin mo sila nang taas-noo. Just trust me, okay?"
"Pero paano kung—" Napatigil ako sa pagsasalita nang ilagay niya ang kanyang hintuturo sa ibabaw ng aking labi.
"No more what ifs, just trust me. Okay?" Dahan-dahan akong napatango sa sinabi niya. Sumilay muli ang kanyang matamis na ngiti bago hinawakan ang aking pala-pulsuhan at nagsimula na kaming maglakad palabas ng cafeteria kasunod sila Ella at Kylie.
Nang makarating sa tapat ng Headmaster's Office ay tumigil muna kaming lahat bago nagkatinginan. Nakaiwas ng tingin ang dalawa kong kaibigan sa akin kaya napabuntonghininga ako. "'Wag niyong sisihin ang sarili niyo dahil wala naman kayong kasalanan kung bakit nabuking ang sikreto ko," sabi ko sa kanila.
Ramdam ko ang panginginig ng boses ko dahil sa nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko ngunit naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak ni Luke sa kamay ko. He smiled assuringly and mouthed 'You got this!' before winking at me.
Huminga ako nang malalim. Kung ano man ang mangyari sa akin pagkatapos ng araw na ito, tatanggapin ko na lang iyon nang buo. Wala naman akong magagawa kung magmakaawa pa ako sa kanila o kaya ay magsinungaling. Sasabihin ko na lang ang totoo at kung hindi man sila maniwala ay wala na akong magagawa pa roon.
Nakayuko pa rin ang dalawa kong kaibigan dahil sa sinabi ko kaya hinawakan ko ang tig-isang kamay nila. "I just wanna say thank you, Ella and Kylie... Thank you for making my stay here in Dauntless Academy extra special. Alam kong saglit pa lang tayong nagkakilala pero gusto kong malaman niyo na thankful ako kasi nakilala ko kayo at naging kaibigan," sinserong sabi ko habang pinagmamasdan silang dalawa.
Humagulgol naman sila at yumakap sa akin. Niyakap ko rin sila pabalik at hinayaang kumawala ang mga luhang pilit kong pinipigil kanina pa. "Oh, sige na! Hinihintay na tayo sa loob kaya tara na. Malay niyo naman may milagrong mangyari, 'di ba?" biro ko sa kanila habang bumibitiw sa kanilang yakap. Tumango silang dalawa at pinalis ang kanilang mga luha bago kami pumasok sa opisina ng Headmaster.
Pagkapasok pa lang namin ay agad na akong namangha sa lawak ng kabuuan ng buong opisina. Pigil-hininga akong napatingin sa isang malaking phoenix na nakakulong sa isang malaking hawla. Nagkukumahog ito at tila sinasabi sa aming gusto niyang makawala. Sunod na napabaling ang tingin ko sa table na may nakasulat na "Mr. R.F., Headmaster of Dauntless Academy".
Mr. R.F.? Akala ko ba ay 'R' lang?
"Sit down." Halos mapatalon ako nang marinig ang malamig na boses na iyon mula sa likuran ko. Nilingon ko ang pinanggalingan nito at hindi nga ako nagkamali kung sino iyon.
"A-Asher..." gulat na sambit ko sa pangalan niya pero pinagtaasan niya lang ako ng isang kilay bago itinuro ang isang bakanteng upuan sa long table.
Nakaupo na roon sika Kylie, Luke, Ella, at Elise kasama si Sir Alejandro. Nandoon din sa table ang halos lahat ng teachers ng Dauntless Academy.
"Ano? Tatayo ka na lang ba riyan?" sarkastikong tanong ni Asher sa akin.
Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya at hindi na nakipagtalo pa dahil wala ako sa mood para makipagbangayan sa kanya ngayon. Umupo na ako sa bakanteng upuan na itinuro niya kanina. Maya maya'y pumasok na ang iba pang mga guro sa opisina at nagsi-upuan na rin. Nang makumpleto ang lahat ng bakanteng upuan sa long table ay dumagundong ang isang malaki at malalim na boses sa buong opisina na hindi ko alam kung saan nagmumula.
"A pleasant morning, everyone!"
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa muling umusbong na kaba. Sumagot ang mga nakaupo sa long table. "Good morning, Headmaster R," pormal na bati nilang lahat bukod sa akin na ngayon lamang napagtantong boses na pala ito ng headmaster.
"Hmm, so what's the matter here?" pormal na tanong nito. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napalingon ako sa table ng headmaster kung saan nakatalikod ang malaking swivel chair na tila isang trono ng kaharian mula sa mga pelikulang napanood ko.
Nakaupo kaya siya riyan ngayon? Pero bakit parang wala siya roon? At bakit ayaw niyang magpakita sa amin? Nakakatakot ba ang hitsura niya?
Nabalik lang ako sa reyalidad nang biglang magsalita si Sir Alejandro. "This student right here," aniya sabay turo kay Elise. "...is claiming that this student is a manna."
Napayuko na lamang ako at napabuntonghininga. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay malalagutan na talaga ako ng hininga bago pa ako mahatulan ng kamatayan o kung ano man. Sana lang ay sa akin na lang nila ibaling ang lahat ng sisi at huwag nang idamay ang mga kaibigan ko...
Matagal na katahimikan ang bumalot sa buong opisina ng headmaster bago ito muling nagsalita. "Is that so? Hmm, well then..." ani Headmaster R na tila nag-iisip ng dapat gawin sa akin. "Bring her to the phoenix. For us to know the truth behind the accusation of Ms. Elise Athena Klein, we should try to resort Ms. Lee in a sorting ceremony," ma-awtoridad na wika ni Headmaster R na nagpabitin sa aking paghinga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top