Kapitulo XL - Last Chapter

Naramdaman ko ang pagbitiw ng kamay ni Ashton sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya. Ngumiti muna siya sa akin bago magsalita. "Nandito na tayo, Ate... Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat."

Napalingon ako sa isang malaking gate na may pangalang sobrang pamilyar sa akin. "C. Forelocks Academy..." pabulong na basa ko sa mga nakaukit na salita sa arko ng entrada. "Hogar de los Valientes."

Nagulat ako nang biglang bumukas ang malaking gate at sinalubong ako ni Sir Alejandro. "Sumunod ka sa akin, Ms. Lee," aniya, hindi sa akin, kung 'di sa babaeng nasa harapan ko.

Nabalot ng kadiliman ang buong paligid pagkapitik ng daliri ng aming guro ay naramdaman ko ang unti-unting pag-angat ng lupang kinatatayuan namin hanggang sa tuluyan na itong naging isang pathway patungong Great Hall.

"Wow! Ang ganda naman dito!" rinig kong bulong niya sa sarili habang inililibot ang tingin sa buong paligid.

"Hi! Transferee ka ba?"

Napalingon ako sa babaeng nagsalita mula sa aking likuran. Awtomatikong namilog ang mga mata ko nang makilala ang mukha ng babae. "N-Nurse Kim?" Nabasag ang boses ko nang banggitin ang pangalan ng aming nurse sa Infirmary.

Tumagos siya sa kinatatayuan namin ni Ashton na para bang kami'y kaluluwa lamang na gumagala at lumapit sa kinatatayuan ng babae.

"H-Hello. Oo, eh," nahihiyang sabi niya kay Nurse Kim.

Ngumiti nang matamis ang babae sa kanya. "That's great! Tara, sasamahan na kita! By the way, I'm Anna Hiddleton," aniya bago inilahad ang kanyang kamay sa babae.

Napakunot ang noo ko. Anna ang pangalan niya? Pero sigurado akong siya si Nurse Kim sa Dauntless Academy!

Agad niya itong tinanggap bago ngumiti pabalik. "I'm Ashley Rhianna Lee."

"Wow, parehas tayong sa 'A' nagsisimula ang pangalan!" natatawang sabi ni Anna na siyang nagpatawa rin sa kanya.

"Rushford, Lee, pumunta na kayo sa sorting ceremony." Napalingon silang dalawa sa nagsalitang babaeng nakasuot ng dark green uniform na si Ms. Athaska Erispe, ang guro namin sa Technology class ngayon.

"R-Rushford? Iyon ang apelyido ni Ella..." nalilitong sabi ko sa sarili. Ibig sabihin ba no'n ay may koneksyon si Ella sa babaeng ito?

"Paano nalaman ng babaeng iyon ang apelyido natin?" nagtatakang tanong ni Ashley. "Kaklase ba natin siya?"

"Ability niya siguro 'yon," natatawang sagot ni Anna bago sila magsimulang maglakad papasok ng Great Hall.

"Nga pala, anong special skills mo?" tanong niya kay Anna.

"Ako? Kaya kong magmahal ng taong 'di ako kayang mahalin pabalik," madamdaming sagot ni Anna na siyang nagpahalakhak sa kanya. "Charot lang! Telekinesis talaga. Ikaw ba?"

"Enhanced Senses," nahihiyang sagot niya.

Nagulat ako nang biglang lumiwanag ang buong paligid kaya nasilaw ako at napapikit. Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang sarili sa loob ng opisina ng headmaster.

"Ms. Lee, inaanyayahan ka ng headmaster upang maging ika-huling miyembro ng The Chosen Ones," deklara ni Ms. Miranda. Nakaupo naman ang babae sa harap ng mga gurong naroroon sa pagpupulong.

"A-Ako po? Bakit po ako?"

"Your ability is one of the rarest and most useful type of ability. Minsan lang sa loob ng ilang dekada ang magkaroon ng isang estudyanteng may kakaibang abilidad katulad mo. Mapalad kaming pinili mong mag-aral dito sa C. Forelocks Academy," kalmadong sabi ni Ms. Miranda.

Marahang tumango si Ashley. "Ipinanganak po ako sa rehiyon ng Asteres noon pero noong nagkaroon po ito ng subdivision at naging bagong rehiyon ay lumipat po ang aming pamilya sa kapayapaan ng Lunaticus kaya dito po ako pumasok," paliwanag niya.

"Naniniwala kami sa kakayahan mo, Ms. Lee. Narinig ko mula sa iyong guro sa Defense class na ikaw ang isa sa pinakamahusay niyang estudyante sa inyong klase, kasunod ng aking anak," magiliw na sabi ng headmaster bago dahan-dahang inikot paharap sa lamesa ang kanyang swivel chair.

"Headmaster, pinapatawag niyo raw po ako?" Sabay-sabay kaming napalingon nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang binata sa opisina. Natutop ko ang aking bibig habang pinagmamasdan ang lalaki.

"K-Kuya Chris?"

"Nandito na pala si Ginoong Forelocks, Headmaster R," pormal na wika ni Sir Alejandro.

Parang lalabas na sa dibdib ko ang aking puso dahil sa bilis ng pintig nito habang pinapanood ang dahan-dahang pagharap ng upuan ng Headmaster.

Nang tuluyang makita ang mukha ng headmaster ay nanlambot nang tuluyan ang aking mga tuhod. "P-Papa..." napapaos na sabi ko.

Ngayon malinaw na saakin ang nararamdaman kong kaba sa presensya niya. Kung bakit parang pamilyarsa akin ang kanyang tinig. Kung bakit noong unang beses ko siyang nakita, kahitiba ang kanyang ginamit na mukha ay may kakaiba pa rin akong naramdaman sakanya... At kung bakit 'R' lang ang pangalan niya.

Dahil siya pala si Papa Roderick. Ang kinilala kong ama sa mundo ng mga manna... sa mundo ng mga tao.

It all makes sense now... Headmaster Roderick Forelocks and Christopher Forelocks.

"Chris, siya si Ashley. Siya ang gusto kong maging ika-lima at huling miyembro ng The Chosen Ones," pormal na sabi ng headmaster.

Ngumiti si Ginoong Forelocks habang nakatitig sa babae na tila ba siya ang pinakamagandang babaeng nakita niya. Tipid siyang ngumiti sa binata bago agad na nag-iwas ng tingin.

"Ashley, siya naman ang aking anak na si Christopher Forelocks, ang tagapagmana ng aking posisyon at ang tagapagmana ng paaralang ito. Siya rin ang team captain ng The Chosen Ones," magiliw na pakilala ng headmaster sa kanyang anak.

Nagulat ako nang muling lumiwanag ang buong paligid at naglaho ang lahat bukod sa aming dalawa ni Ashton. Nang humupa ang liwanag ay napagtanto kong nasa ibang lugar na kaming dalawa.

"Kailangan nating mag-usap, Ashley!" mariing sigaw ni Anna.

"A-Anong pag-uusapan natin?"

Nagulat ako nang makita ang galit sa mga mata niya na ibang-iba sa Nurse Kim na nakilala ko sa Infirmary noon. "'Wag ka nang magpanggap na hindi mo alam ang tinutukoy ko!" galit na sigaw ni Anna sa kanya.

Nagulat ako nang biglang mangilid ang mga luha ni Ashley. "I-I'm sorry, Anna..."

"Mang-aagaw ka! Inagaw mo si Christopher sa akin! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na mahal ko siya dati pa? Ako ang nauna!" nanggagalaiting sigaw sa kanya ni Anna.

"A-Anna, I'm sorry, pero mahal namin ni Chris ang isa't isa!" aniya bago sinubukang abutin ang kamay ng kanyang kaibigan ngunit marahas niya itong inilayo.

"Huwag mo akong hawakan! Traydor ka! Mang-aagaw ka, Ashley Rhianna! 'Wag na 'wag ka nang lalapit sa akin kahit kailan!"

"Pero paano 'yong pagkakaibigan natin? Dahil lang ba rito ay itatapon na natin ang lahat? Paano—"

"'Lang'? Naririnig mo ba ang sarili mo, Ashley?! Minahal ko si Christopher at malaking bagay iyon! E'di sana kung ayaw mong masira ang pagkakaibigan natin, dapat una pa lang ay hindi mo siya inagaw sa akin!"

"Hindi niya ako inagaw, Anna. Dahil simula pa lang ay hindi naman ako naging sa'yo." Napalingon silang dalawa nang dumating ang lalaking kanilang pinag-uusapan.

"C-Chris..." gulat na sambit ni Anna.

Lumapit ang lalaki upang pumagitna sa kanilang dalawa. "Hindi ako isang bagay para angkinin basta-basta ng kahit sino," mariing sabi niya.

"P-Pero Chris, paano tayo?" umiiyak na tanong sa kanya ni Anna.

Tumingin sa kanya nang blangko ang lalaki bago hinawakan ang kamay ng babae sa kanyang likuran na si Ate Ashley. "Walang tayo, Anna," pinal na sabi niya.

Sunud-sunod na pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata at nagsimulang humakbang paatras. "Pagsisisihan niyo ito... Tandaan niyong dalawa ang araw na ito! Pagbabayaran niyo itong dalawa!" umiiyak na sigaw niya bago tumakbo palayo.

Mas hinigpitan ng lalaki ang hawak niya sa kamay ng babae. "We'll be alright, darling. As long as you're with me," mahinahong paniniguro niya sa babae bago tinulungang palisin ang kanyang mga luha.

"Meow..." Napatingin kaming lahat sa isang pusang kulay abo ang mga balahibo na naglalakad papalapit sa kinaroroonan naming lahat. Pinagmasdan ko itong mabuti at nakumpirmang kilala ko ang pusang ito.

"A-Ash?" gulat na sambit ko habang nakatingin sa kanya ngunit nilagpasan niya lang ako.

"Riv..." malambing na tawag ng babae sa pusa bago binuhat ito at niyakap.

Riv? Bakit Riv ang tawag niya sa pusa? Nickname ko iyon, ah?

"Saan na naman nanggaling 'yang si Rivana? Ang dungis-dungis na naman!" natatawang sabi ni Christopher habang marahang hinahaplos ang ulo ng pusa.

Napaatras ako ng isang hakbang bago tumalikod. Pagkatalikod ko ay nagulat ako nang makitang nasa ibang lugar na naman ako. Lumingon ulit ako sa aking likuran at nakitang wala na sila roon.

"Roderick Forelocks..."

Napatingin ako sa isang silid na pinanggagalingan ng boses na iyon. Lumapit ako roon at nanatiling nakatayo sa harap ng pintuan. Pinalakas ko na lamang ang aking pandinig upang marinig ang usapan nila.

"Greetings, Your Royal Highness," pormal na bati ng headmaster sa reyna ng Galaxias.

"Pagkalipas ng ilang taon, kokoronahan na namin ang susunod na tagapagmana ng trono ng hari..." panimula ng reyna.

"Anong nais mong iparating, Mahal na Reyna?" seryosong tanong ng headmaster.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa buong silid ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay muling nangibabaw ang boses ng reyna ng Kingdom Galaxias. "Simple lang, Roderick..." she trailed off. "Sisiguraduhin kong sa'yo ipapasa ni Sherbet ang titulong Grand Prince of Camp Lunaticus kapalit ng iyong amang si Midorus. Sisiguraduhin ko ring ikaw ang makatatanggap ng malaking pabor sa mga mamamayan ng Galaxias upang maging susunod na hari paglipas ng ilang taon. Basta sundin mo lang ang gusto ko..."

"Ano po iyon?"

Sumimsim muna sa kanyang tsaa ang reyna bago sumagot. "Alam naman natin na ang pangunahing layunin ng Choque de la Magia ay ang maiwasan ang pagsiklab ng panibagong digmaan sa ating mga rehiyon. Upang maipagpatuloy ang kapayapaan sa Galaxias, kailangang mapasakamay ko ang mga hiyas ng bawat rehiyon. Kapag nakumpleto ko iyon, tuluyan nang mapapasakamay ni Sherbet ang kontrol sa buong mundo at masasakop din namin ang mundo ng mga manna."

Mas kumunot ang noo ng headmaster dahil sa sinabi ng reyna. "Kung gano'n, anong ibig mong ipagawa sa akin?"

Humalakhak si Queen Betana. "You already know the answer, Roderick. Bakit nagmamaang-maangan ka pa? Hindi ba't malalaman ang mananalo sa patimpalak sa pamamagitan ng paghahanap nila ng hiyas ng kanilang rehiyon?" aniya bago ngumisi. "Gusto kong gamitin natin ang susunod na Choque de la Magia upang kunin ang lahat ng hiyas at ubusin ang lahat ng manlalaro sa loob nito upang walang makahadlang sa plano nating dalawa."

Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sinabi ng reyna. Ito ba talaga ang tunay na kulay ng reyna ng Galaxias? Ginamit niya pala ang larong ito para sa marumi niyang plano! Kung ganito ang ginawa niya noon, hindi malabong siya rin ang nasa likod ng pagsasabotahe sa Choque de la Magia ngayon!

Nagulat ako nang biglang tumayo ang headmaster at bahagyang iniyuko ang ulo. "I'm sorry but I must respectfully decline your order, Your Majesty," pormal na sabi niya na nagpaahon ng iritasyon sa mukha ng reyna. Matapang na inangat ng headmaster ang kanyang ulo. "Hinding-hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ng anak ko para sa anumang binabalak niyo. Hindi ko rin hahayaang may mangyaring masama sa mga estudyante ko kaya paumanhin ngunit hindi ho ako pabor sa inyong nais ipagawa sa akin, Kamahalan."

"P-Pero p'wede naman nating pag-usapan pa ito, Roderick! Sisiguraduhin kong ligtas ang apo kong si Christopher!" agap ng reyna ngunit buo na ang desisyon ng headmaster at umalis na sa palasyo. "Kung hindi mo susundin ang gusto ko, ako mismo ang gagawa ng paraan upang makuha ko ito!" nanggagalaiting sigaw niya kahit wala na ang headmaster.

Nagulat ako nang muling umikot ang paligid kaya napaupo ako sa sahig at napahawak sa aking ulo habang nakapikit nang mariin. Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang ingay sa paligid. Natagpuan ko si Ate Ashley at Kuya Christopher na napapaligiran ng mga kawal at nakagapos ang mga kamay. Nandito pa rin pala ako sa bulwagan ng palasyo ng Galaxias ngunit tila nagbago na ang oras.

Inangat ko ang aking tingin sa bumababang hari ng Galaxias mula sa ikalawang palapag ng kanilang palasyo. Nakakapit sa kanyang braso ang mahal na reyna ng Galaxias na nakangising aso.

"Anong kaguluhan ito, Alejandro at Caroline?" gulat na tanong ng headmaster na kakapasok lang din sa bulwagan kasunod ng mga kawal.

"May natuklasan po kami tungkol sa dalawang estudyanteng ito mula sa C. Forelocks Academy," kalmadong sagot ni Sir Alejandro sa headmaster.

"Ano iyon?" kunot-noong tanong ni King Sherbet kaya napalingon kaming lahat. Sunod na pumasok ang reyna na hindi pa rin napapawi ang ngising-aso habang pinapanood ang reaksyon ng headmaster.

"May nakapagsabi po sa amin na lumabag daw po sa batas ng The Chosen Ones ang dalawang manlalarong ito mula sa Lunaticus," pagbabalita ni Sir Alejandro. "Bukod pa roon, pinaplano rin daw nila ang lumabas ng Galaxias at magtanan sa kabilang mundo."

Napansin ko ang pagbilis ng paghinga ng headmaster at nanlilisik ang kanyang mga mata nang bumaling siya sa mahal na reyna ng Galaxias. Mas lumawak ang ngisi ng reyna na mas lalong ikinagalit ng headmaster. Umamba siyang lalapit sa kanyang anak ngunit hinarangan siya agad ng mga kawal.

Tumango ang hari sa aming guro at sinenyasan siyang magpatuloy sa kanyang sinasabi kanina. "Ayon sa nakapagsabi, nag-iibigan daw ang anak ng headmaster ng C. Forelocks Academy at ang kanyang kapwa-miyembro sa The Chosen Ones na si Ashley Rhianna Lee," pormal na sagot nito.

Kitang-kita ko ang takot at kaba sa mga mata ni Ashley ngunit pinanatili niyang kalmado ang eskpresyon sa kanyang mukha. Nagtama ang tingin nila ni Ms. Miranda na bakas ang pag-aalala at kaunting pagkadismaya sa mukha.

"Totoo ba iyon, Christopher?!" pagalit na tanong ni King Sherbet sa kanya.

"Sino ang nagsabi nito sa inyo?" kunwaring pagalit na tanong ni Queen Betana kay Ms. Miranda.

"Si Anna Hiddleton Rushford po, Mahal na Reyna. Isang mag-aaral din mula sa C. Forelocks Academy," pormal na sagot niya. Nagsimulang pumatak ang mga luha ni Ashley dahil sa nalaman. Nag-aalalang bumaling sa kanya si Ms. Miranda ngunit agad niyang binawi ang tingin nang mapansin ang paninitig sa kanya ng reyna.

"Sumagot ka, Christopher! Totoo ba ang narinig ko?!" galit na sigaw ng hari na umalingawngaw sa bulwagan ng palasyo.

"Yes, Your Majesty," matapang na sagot niya.

"C-Chris..." gulat na sambit ni Ashley ngunit sinulyapan lamang siya nito at nginitian.

Agad na nagdilim ang paligid at tila gumalaw ang lupa nang magsimulang maglakad ang hari palapit sa kinatatayuan ng magkasintahan. "I'm so disappointed with you, Christopher! You were supposed to take over your father's position! You have a bright future ahead of you! Sinasayang mo lang ba ang tiwala ko sa iyo at sa ama mong si Roderick?!"

Nagulat ang lahat nang biglang humarang si Ashley sa kanyang nobyo. "A-Ako na lamang po ang patawan ninyo ng parusang kamatayan, 'wag na po si Christopher! Nagmamakaawa po ako..." umiiyak na sabi niya sa hari. Napangisi muli ang mahal na reyna sa sinabi niya. Agad namang nagpumiglas si Christopher ngunit mas lalong pinagbuti ng seguridad ang paghawak sa kanya.

"Hindi p'wede! A-Ako na lang ang patayin niyo, King Sherbet! Pakawalan niyo na si Ashley! Ako na lang! 'Wag niyo nang idamay ang magiging anak namin!" sigaw niya na mas ikinagulat ng lahat ng nasa bulwagan.

"Buntis ang babaeng ito?!" nanggagalaiting tanong ng hari.

Tumikhim ang reyna nang makabawi. "Mas lalong dapat parusahan ang babaeng 'yan! Hindi maaaring dalhin ng isang hampaslupa ang anak ng direct descendant ng isang grand prince!" aniya kaya kumilos na ang mga kawal.

Dinala sa gitna ang babae at itinulak sa sahig kaya tuluyan siyang napaluhod. Agad pumwesto ang isang opisyal sa harapan ni Ate at binuksan ang maliit na librong hawak. "By the power vested in me by the Late Emperor Galactius and Empress Gaia of Kingdom Galaxias. At sa ngalan din ng hari at kanilang anak na si King Sherbet at ang kanyang asawang si Queen Betana, hinahatulan ka, Ashley Rhianna Lee, ng kamatayan dahil sa paglabag sa batas ng Galaxias," deklara niya.

Sa huling pagkakataon ay tumingin si Ashley sa lalaking pinakamamahal niya at ngumiti nang malungkot. "Mahal na mahal kita, Christopher..." pabulong na sabi niya. Muli siyang bumaling sa harapan kung saan nakatayo ang nanggagalaiting hari at nakangising reyna bago ipinikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. "Paalam."

Nanginig ang aking mga kamay habang pinapanood ang paglabas ng puting kapangyarihan mula sa kamay ng hari na diretsong tatama sa katawan ni Ashley. Hindi namin inasahan ang kasunod na nangyari. Tumigil ang oras at walang kahit sinong kumikilos bukod kay Christopher Forelocks. Malapit na sanang tumama ang kapangyarihang tatapos sa buhay ni Ashley ngunit maging ito ay napahinto rin niya.

Marahang hinawakan ni Christoper ang pisngi ng kanyang kasintahan bago ito tuluyang nakagalaw. Tinanggal niya ang mga taling nakagapos sa babae bago nagsimulang tumakbo palabas ng palasyo ngunit agad silang natigilan nang harangin sila ng headmaster.

"P-Papa..." Bakas ang magkahalong takot at gulat sa mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanyang ama.

Ngunit imbis na magalit ay malungkot itong ngumiti sa kanilang dalawa. "Chris, anak... Kunin mo itong hiyas ng Lunaticus at iligtas mo ang mag-ina mo. Pumunta kayo sa dimensyon ng mga manna dahil siguradong mas magiging ligtas kayo roon," mahinahong sabi niya.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang pag-iyak ng lalaking kinilala kong kapatid. Para itong batang umiiyak sa harapan ng kanyang ama habang yakap siya nito. "P-Papa... Maraming salamat."

"Sige na, tumakas na kayo. Gagawa ako ng paraan upang hindi nila malaman ang pagkawala ng hiyas ng ating rehiyon," ani Headmaster R.

"P-Pero hindi po ba natin ito kailangan sa Lunaticus? K-Kailangan po ng Galaxias ito upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa," seryosong sabi ni Ashley.

Bumuntonghininga si Headmaster R. "Mas lalong hindi natin makakamtan ang kapayapaan kapag napasakamay ito ng reyna ng Galaxias. Mas mabuti nang maitakas niyo ito upang hindi matuloy ang kanilang masamang plano. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Prince Midorus tungkol dito."

"P-Pero—"

"Wala na tayong oras, Ashley! Mapag-uusapan din natin 'yan sa tamang panahon. Sa ngayon ay kailangan muna nating umalis dahil nawawala na ang epekto ng aking kapangyarihan at anumang oras ay magsisimula na ulit tumakbo ang oras," seryosong sabi ni Christopher.

"Mag-iingat kayong dalawa," bilin sa kanila ng headmaster bago tuluyang naglaho.

Nagsimula na silang tumakbo ngunit naramdaman ni Ashley na mayroon nang sumusunod sa kanilang mga kawal ni King Sherbet. Nagulat siya nang biglang tumigil sa pagtakbo ang kanyang kasintahan.

"Nariyan na sila, Chris!" natatarantang sabi ni Ashley bago muling hinila si Chris ngunit may humarang sa kanilang mataas na pader na gawa sa lupa.

"Hindi na kayo makakatakas!" sigaw ni King Sherbet.

"Ashley, tara na, gamitin na natin itong hiyas!" suhestiyon ni Christopher.

Inilabas ng lalaki ang mahiwagang batong umiilaw bago hinawakan nang mahigpit kamay ng babae. "Dalhin mo kami sa mundo ng mga manna," hiling niya habang nakatingin sa hiyas ng Lunaticus. Mas lumiwanag ang kinang nito at may lumabas na puting nakakasilaw na liwanag na unti-unting bumabalot sa kanilang dalawa ni Ashley.

"Meow..."

"Teka, Chris! Si Rivana!" sabi ni Ashley bago bumitiw sa pagkakahawak ng lalaki at sinubukang kunin ang kulay abong pusa.

"ASHLEY!"

Hindi namin inasahan ang biglaang pagtama ng isang malakas na itim na enerhiya sa katawan ni Ashley na siyang nagpabagsak sa kanya sa lupa. Unti-unting nabalot ng liwanag ang katawan ni Christopher habang pilit na inaabot ang kamay ng kanyang nobya. Magkasama silang naglaho kasama ang kanilang pusang si Rivana.

"Isinusumpa ko kayong dalawa kasama ang anak niyo!" nanggagalaiting sigaw ni Queen Betana habang nagpapapadyak na parang batang inagawan ng laruan.

Tinalikuran ko silang lahat at natagpuan ang sarili sa mundo ng mga manna... kung saan ako ipinanganak at lumaki. "Christopher, hijo! Halika at gamutin natin ang iyong kasintahan!"

Dahan-dahang lumipat ang tingin ko sa nagsalita at agad nangilid ang aking mga luha nang makilala ang itinuring kong ina noon. "Mama..."

Pumasok kaming lahat sa bahay kung saan ako lumaki at hiniga ang walang malay na katawan ni Ashley pahiga sa kama. Agad na kumalat ang kanyang dugo sa paligid ng silid. Ngayon ko lamang napansin na malaki na ang tiyan niya dahil nadaragdagan pala ang oras sa dimensyon ng mga manna kapag nanggaling ka sa Galaxias.

"Ashley Rhianna, please wake up... I'm here," malungkot na sabi ni Christopher habang mahigpit na hawak ang kamay ng kanyang nobya.

Nilapit ni Mama ang kanyang daliri sa pala-pulsuhan ng babae ngunit napailing na lamang ito at tiningnan nang malungkot ang lalaki. "Mama, hindi pa patay si Ashley! Buhay pa siya! Hindi niya ako p'wedeng iwan!"

Umupo sa kanyang tabi ang kanyang ina upang aluin siya. Muling dinampot ng lalaki ang pulang bato na nananatiling malakas ang kinang. Tiningnan niya ito bago muling ibinalik ang tingin sa kasintahan. "Buhayin mo si Ashley... B-Buhayin mo ang mag-ina ko. Handa akong magbigay ng kahit anong kapalit para lang sa kaligtasan ng mag-ina ko," seryosong aniya bago ipinatong ang mahiwagang bato ng Lunaticus sa dibdib ng dalaga.

Mas lumakas ang kinang ng hiyas at muling lumabas ang puting liwanag mula rito. Nabalot ng liwanag ang buong katawan ni Ashley at unti-unting umangat sa ere ang kanyang katawan. Nang tuluyang mawala ang liwanag ay bumagsak ito sa higaan at biglang nagmulat ng mga mata bago napaubo nang sunud-sunod.

"A-Ashley..." gulat na sambit ng lalaki habang tinitingnan ang kanyang kasintahan. Agad niya itong nilapitan at niyakap ngunit nagulat siya ng dumaing ang babae na manganganak na ito.

Doon isinilang ang kambal na babae at lalaki ngunit ang hindi nila alam ay may kapalit pala ang paggamit ng bato ng korona para sa buhay ng isang taong namatay na. Unti-unting naglaho ang lalaking sanggol at napadpad muli sa kaharian ng Galaxias kung saan nalaman nilang ito ay ang anak ni Christopher Forelocks at Ashley Lee. Ikinulong ang sanggol sa Labyrinth ng Galaxias at tuluyan nang ibinaon sa limot ng lahat ng mga nakakaalam bilang kabayaran sa kasalanan ng magkasintahan.

"Ate..."

Inilipat ko ang tingin kay Ashton habang walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Agad ko siyang hinila upang yakapin nang mahigpit. "I'm sorry, Ashton... I'm really sorry. If only I could take away all your pain and sufferings. Hindi dapat ikaw ang dumanas noon," umiiyak na sabi ko sa kanya.

Inalo niya ako at niyakap pabalik. "Bumalik na tayo, Ate... Ang mahalaga ngayon ay nakalaya na ako. At kapalit ng pagpapalaya mo sa akin ay tutulungan kitang tapusin ang labang ito," marahang aniya bago ko naramdaman ang muling pagbabago ng aming paligid.

"Alexa!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa aking pangalan at nakitang si Asher iyon. Lumingon ako sa aking likuran at napansing tuluyan nang naglaho ang barrier dahil hawak ko na ang mahiwagang bato ng Lunaticus bago muling humarap sa kanya. Kitang-kita ang pagod sa kanyang mga mata at pati na rin ang mangilan-ngilang sugat na natamo sa kanyang mukha at katawan.

"Alam mo na ba ang katotohanan?" mahinahong tanong niya sa akin nang makalapit ako.

Hindi ko na napigilan ang pagyakap sa kanya. "Masaya ako dahil nakita kong ligtas ka, Asher..." napapaos na sabi ko habang pinipigilang mabasag ang aking boses dahil sa pag-iyak.

Inaamin kong natakot ako... Natakot akong harapin at alamin ang katotohanang nakabalot sa aming nakaraan pero mas natakot akong sa pagbalik ko ay hindi ko na siya muling masilayan pa.

Nang bumitiw kami sa yakap ay lumihis ang kanyang tingin sa lalaking nakatayo sa may likuran ko. "Siya ang kakambal kong nakulong sa Labyrinth sa loob ng mahabang panahon... Si Ashton," pagpapakilala ko sa kanya. Tumango lamang sila sa isa't isa at gano'n din naman kay Linus at Ethan.

"Kumusta ang reunion niyo, aking mahal na kaibigan?"

Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. "E-Ella?" gulat na sambit ko sa pangalan niya. Ngunit mas naagaw ng tao sa likuran niya ang aking atensyon. "Nurse Kim?"

Ngumisi siya sa akin na tila isang demonya. Ibang-iba sa Nurse Kim na una kong nakita at nakilala sa Infirmary. Walang halong pagdududa... siya nga si Anna Hiddleton Rushford, ang taong naglagay sa alanganin sa buhay ng mga tunay kong magulang.

"Traydor ka, Anna!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanya bago inilabas ang aking pana at palaso at mabilis na itinutok sa kanya.

"Sige, paliparin mo 'yan! Isa kang hangal, Alexa! Isa kang hangal!" sigaw ni Anna bago humalakhak.

"Ikaw ang hangal, Anna!" mariing sabi ko bago mas hinigit papalapit sa akin ang tali ng pana.

"Kumusta itong kapatid kong si Ella? Naging kaibigan mo ba?" sarkastikong tanong niya bago humalakhak nang malakas. Nanginig lalo ang aking mga kamay dahil sa galit. "Alam mo bang kaya mo siya nakita sa labas ng Dauntless Academy noon ay dahil inutos ko sa kanyang hanapin ang mga taksil mong magulang? Hindi niya alam na nasa harapan niya na pala ang bunga ng kanilang kataksilan!"

"Ang galling din naman talaga ng ama at ina mo, 'no? Buong akala namin ay nakuha na namin at napatapon sa Labyrinth ang nag-iisang anak nila! Iyon pala ay may kakambal pa at ikaw iyon!" puno ng galit na sigaw niya.

"Shut up..." nanggigigil na sabi ko.

"Dapat hindi ka na lang nabuhay! Hindi mo deserve ang mabuhay! Lahat kayo kasama ng mga magulang mo ay hindi na dapat nabuhay pa!" sigaw niyang muli. Mas hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa aking pana at mas hinila ang taling naghahawak sa palaso. Agad ko itong pinalipad na agad namang nalihis ni Ella gamit ang kanyang kapangyarihang Levitation.

"Ibigay mo sa amin ang nawawalang hiyas ng Lunaticus," mariing sabi ni Ella sa akin.

"Hindi ko ibibigay sa mga kamay niyo ito!"

Itinapat ni Ella sa akin ang kanyang kamay at pinalipad malapit sa akin ang isang matulis na dagger. "Ibibigay mo o mamamatay ka?"

"E'di patayin mo! Hindi ako natatakot sa'yo!" hamon ko sa kanya. "Sa tingin mo ba ay mapapatay ako ng ability mong 'yan?

"Mamatay ka na, Alexa!" nanggigigil na sigaw ni Ella bago sumugod sa akin.

Mabilis kong inilabas ang dagger mula sa aking bulsa at patakbo ring sumugod sa kinaroroonan niya. Nagsikilos na rin ang aking mga kasama upang sumugod sa natitirang kalaban.

"Boss, kami na ang bahala rito sa iba pa," sabi ng isang sugatang lalaking may hawak na revolver kay Ella.

Tumango lang si Ella bago bumaling sa akin. "Papatayin kita!" galit na sabi niya sa akin bago umambang isasaksak sa akin ang kanyang punyal ngunit mabilis akong umilag at sinuntok ang kanyang tagiliran.

"Patayin mo, kung kaya mo!" mapanuyang sabi ko sa kanya bago muling sumugod upang saksakin siya ng dagger. Nadaplisan ang kanyang balikat kaya bahagya siyang napalayo sa akin. "Oh? Anong magagawa ng ability mong Levitation dito?" mayabang na sabi ko sa kanya.

Umatras siya papalayo at inilabas ang isang dosenang dagger na dala niya bago pinalipad patungo sa direksyon ko. Walang kahirap-hirap ko itong naiwasan habang patuloy na lumalapit sa kanya. Nang tuluyang makalapit ay sinuntok ko ang kanyang sikmura bago mabilis na sinipa palayo. "Maaaring walang laban ang Enhanced Senses ko pagdating sa Levitation mo, pero baka nakakalimutan mong mas malakas ako sa'yo?"

"Hambog ka talagang lintik ka!" nanggagalaiting sabi niya bago umambang magpapalipad ng maraming bato sa akin ngunit agad kong nahawakan ang kamay niyang kumokontrol nito at ipinilipit ito sa kanyang likod.

Itinutok ko ang talim ng aking dagger sa kanyang leeg bago bumulong sa kanyang tainga. "Wrong move, my friend. Game over," nakangising sabi ko bago tuluyang pinadausdos sa kanyang leeg ang dagger.

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Asher at nakitang nakikipaglaban siya ngayon kay Anna. Agad akong pumunta roon upang tumulong sa kanya. Ipinwesto ko agad ang aking pana paharap sa kinatatayuan ni Anna.

"Kaya ko na 'to mag-isa, Alexa. Baka mapahamak ka lang," mahinahong sabi ni Asher sa akin bago mabilis na umiwas sa ibinatong dagger ni Anna sa kanya.

Hindi ko pinansin si Asher at nag-focus sa pagtutok ng palaso kay Anna. Mabilis ko itong pinalipad sa kanya habang abala siya sa pagkuha ng dagger mula sa kanyang bulsa ngunit walang kahirap-hirap niya lamang itong naiwasan.

"Hindi mo ako mapapatay, Alexa! Hindi ako papayag na ikaw lang ang makakapatay sa akin!" sigaw niya bago sinugod ako ngunit agad humarang si Asher sa akin upang protektahan ako kaya siya ang natamaan ng kapangyarihan ni Anna.

"ASHER!"

Tila unti-unting nauubos ang lakas ni Asher habang nakaluhod sa lupa. Awtomatikong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ganito ba ang epekto ng Telekinesis?

"I lied, my dear. My ability isn't Telekinesis."

Agad akong napabaling sa kanya habang hawak sa aking bisig si Asher. "A-Anong ibig mong sabihin?"

Ngumisi siya sa akin na tila isang demonya. "Life Draining is my real ability."

Namilog agad ang mga mata ko at agad na ipinatong ang ulo ni Asher sa ibabaw ng aking kandungan. Marahan kong hinawakan ang kanyang pisngi at hinarap sa akin. "A-Asher..."

"Eshtelle..."

Sunud-sunod na pumatak ang aking mga luha habang nakatingin sa kanya. "P-Please hold on a little bit longer... 'Wag mo naman akong iwan!"

Napahagulgol ako nang masaksihan ang pagtulo ng ilang luha mula sa kanyang mata. Nanginginig niyang inangat ang isa niyang kamay upang hawakan ang pisngi ko. Hinawakan ko ito agad at hinalikan ang kanyang mga palad. "I love you... I love you, Asher Iverson Greene. P-Please hold on," pagmamakaawa ko.

Kahit nahihirapan ay nagawa niya pa ring ngumiti sa akin nang matamis. "I love you more, Eshtelle Alexa Lee," napapaos na aniya.

"T-Tatapusin pa natin ang larong ito nang magkasama, 'di ba? Pagbalik natin ay hihintayin muna nating maayos ang lahat ng gulo, 'di ba?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Napaubo siya nang sunud-sunod at bumulwak ang dugo sa kanyang bibig. "I-I'm sorry, my Zhu. I'm sorry if I can't fulfill my promise anymore, and I'm sorry if I can't be your Hogosha anymore..." nahihirapang sabi niya.

Nanginig ang aking balikat dahil sa labis na pag-iyak. Damn it! Nawala na sa akin ang pinakamatalik kong kaibigan at hinding-hindi ako makapapayag na pati si Asher ay mawala rin sa akin!

Wala sa sarili kong tiningnan si Anna nang iharap niya sa akin ang kanyang kamay. Pinanood ko lang ang pamumuo ng kapangyarihan sa palad niya habang nakatutok sa akin. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas upang lumaban pa. Nagulat ako nang biglang inangat ni Asher ang kanyang kamay at ginamit ang buong lakas upang magpalabas ng bola ng apoy na hindi na nailagan pa ni Anna. Tuluyan na siyang natupok ng apoy ngunit kapalit naman noon ay ang lalong panghihina ni Asher.

Ngumiti siya nang malungkot sa akin at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Hinagkan niya ang palad ko kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha at tuluyang pagpikit ng kanyang mga mata.

"A-Asher, gumising ka!" nagmamakaawang sabi ko sa kanya habang tinatapik ang kanyang pisngi. "P-Please wake up! Please hold on a little longer! Baby, please..."

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Ashton. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at sinubukan akong alalayan patayo ngunit mas hinigpitan ko ang yakap kay Asher. "Ate, tara na... Matatapos na ang laro."

"Hindi! H-Hindi ako aalis sa tabi ni Asher! Dito lang ako!" humihikbing sabi ko.

"Pero Ate, wala na siya..." malungkot na sabi ng aking kapatid na siyang nagpahagulgol lalo sa akin.

"Hindi ako naniniwala! Nangako siyang hindi niya ako pababayaang mag-isa!" sigaw ko bago muling pinagmasdan ang walang malay na si Asher. "Baby, please wake up... Babalik pa tayo sa Dauntless Academy, 'di ba? You promised me," malambing na sabi ko sa kanya habang pinapalis ang mga luhang natuyo sa kanyang pisngi.

"Wala na si Senpai, Alexa..." malungkot na pag-uulit ni Linus. Sinamaan ko siya ng tingin bago muling ibinalik ang tingin sa maamong mukha ni Asher at kinuha ang pulang hiyas sa aking bulsa.

"A-Anong binabalak mong gawin, Ate?" halatang kinakabahang tanong ng kapatid ko.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi at ngumiti nang malungkot. "Kailangan mong mabuhay, Asher. Kailangan pa kita. Handa akong harapin o tanggapin ang kahit anong kapalit, mabuhay ka lang muli..." Hinawakan ko nang mahigpit ang mahiwagang bato ng Lunaticus at ipinatong ito sa kanyang dibdib kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

"A-Anong ginagawa mo, Alexa?" nalilitong tanong sa akin ni Ethan.

Lumingon ako sa kanila at ngumiti nang malungkot bago muling tumingin kay Asher na unti-unting umaangat ang katawan sa lupa. Nabalot ng matinding liwanag ang kanyang katawan at matapos ang ilang saglit ay bumagsak ito sa lupa. Agad akong lumapit sa kanya habang may ngiti sa aking labi ngunit agad itong napawi nang makita ang wala pa ring buhay niyang mukha.

"B-Bakit? B-Bakit hindi gumana ang kapangyarihan ng hiyas?" nagtatakang tanong ko. Tinapik ko ang kanyang pisngi ngunit nananatili pa rin siyang walang malay.

Nanlulumong ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at humagulgol. "I'm sorry, Asher... I couldn't save you. I couldn't bring you back."

Kinuha ko ang pulang hiyas na nakapatong sa kanyang dibdib at hinawakan ito nang mahigpit bago ginamit ang buong lakas upang tumayo. Kumuha ako ng isang palaso at dinampot ang aking pana. Pumutol ako ng maliit na tali sa lubid na nasa survival kit at mahigpit na iginapos ang mahiwagang bato sa dulo ng palaso. Nang masiguradong hindi na ito malalaglag pa ay pinosisyon ko ang aking sarili at hinila ang tali ng pana bago itinutok kay Linus.

Nalaglag ang kanyang panga sa ginawa ko at nagtaas ng dalawang kamay. "A-Anong gagawin mo, Alexa? B-Bakit nakatutok sa akin 'yan?" kinakabahang tanong niya sa akin ngunit hindi ko siya sinagot, bagkus ay inilihis ko ito palayo sa kanya at itinapat sa makulimlim na kalangitan.

Hinila ko nang buong pwersa ang tali habang tinatantya ang layo ng kalangitan. "Para ito sa lahat ng namatay sa Choque de la Magia ngayong taon..." mariing sabi ko.

"5..."

"Para ito sa lahat ng nagsakripisyo ng kanilang buhay para lang sa masamang layunin ni Queen Betana..."

"4..."

"Para ito sa tunay kong mga magulang at sa kalupitang dinanas ng kapatid ko sa Labyrinth."

"3..."

"Para kay Luke Trevor Anders..." napapaos na sabi ko.

"2..."

"At higit sa lahat... para ito sa taong inalay ang kanyang buhay para lang mailigtas ako hanggang sa kanyang huling hininga. Para sa'yo 'to, Asher Iverson Greene." Hinigit ko pa ito nang gamit ang lahat ng natitira kong lakas bago tuluyang pinakawalan ang palaso kasabay ng pagpatak ng huling segundong natitira. "For my Hogosha and my love."

"1..."

"May Kingdom Galaxias and Dauntless Academy be in peace..." Huling mga katagang sinabi ko bago tuluyang tumama sa tuktok ng mundong ginagalawan namin ngayon at kasabay ang tuluyang pagsabog ng kalangitan habang unti-unti kaming nilalamon ng matinding liwanag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top