Kapitulo XIII - Safe
Halatang nabigla siya sa sinabi ko ngunit agad din namang nakabawi. "Wow! Ang scary naman po!" sarkastikong aniya habang nagpapanggap na natatakot.
"E-Elise, tama na..." pigil sa kanya ni Ella.
Sinulyapan lang siya ni Elise bago ibinalik ang tingin sa akin at ngumiti. "You're not afraid, huh?" tanong niya habang mas lalong dinidiinan ang pagkakahawak sa aking mukha. Dahil sa gulat ay hindi ako kaagad nakabawi nang bigla niya akong sampalin na sa tingin ko ay 30 degree Celsius base sa init ng palad niya at base na rin sa pamamanhid ng pisngi ko. Lalo ring kumapal ang yelong nakabalot sa buong katawan ko dahil sa bahagyang paggalaw ng katawan ko at pakiramdam ko ay namamanhid na ang katawan ko dahil sa sobrang lamig ng yelong nakabalot sa akin.
Naramdaman ko ang pagbaon ng ice crystals sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Napapikit ako nang mariin at napahiyaw dahil sa sakit na nararamdaman. Naramdaman ko na rin ang panginginig ng aking kalamnan ngunit pinilit ko pa ring panatiliin ang tingin kay Elise.
'Damn you, Elise! 'Pag talaga nakawala ako rito, walang-wala 'yang 30 degrees Celsius na sampal mo sa doble ng init na dulot ng sampal ko! Plus 40 degrees pa!' inis na sabi ko sa kanya sa isip ko.
"Pero bago kita patayin ngayon sa harapan ng mga kaibigan mo at ng mga estudyanteng nanonood ngayon..." she trailed off before leaning forward. "Gusto ko munang malaman nila ang sikreto mo," bulong niya sa tainga ko.
Gulat akong napatingin sa kanya at bahagyang kinabahan. "W-What secret?" Tila naglaho ang lahat ng lakas ng loob ko kanina dahil sa tanong niyang iyon. Posible kayang... alam na talaga niya?
Mas lumawak ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko. Nagpanggap siyang naaawa habang nakatingin sa akin. "That you have no ability and you really don't belong here. In short, you're just... a manna," madamdaming bulong niya sa akin bago humahalakhak nang mala-demonya. Nang umatras siya upang tingnan ang reaksyon ko ay kinilabutan ako sa talim ng tingin niya sa akin. Bakas sa kanyang mukha na hindi siya nagbibiro at kayang-kaya niya akong pabagsakin gamit ang isang salita.
Ibinagsak ko ang tingin sa lupa at pilit na pinakalma ang sarili. Tumawa ako nang peke bago pinagtaasan siya ng isang kilay. "Sorry to disappoint you, but... you got it wrong, girl," natatawang sabi ko.
Pinagtaasan niya rin ako ng isang kilay at bahagyang natawa sa sinabi ko. "Lie all you want, baby girl," natatawang aniya. Lumapit siya sa akin at hinawakan nang mariin ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. "But you could never lie to me, you little bitch!"
Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya sa akin. Paano niya nalaman? At kanino niya naman iyon nalaman? Agad napakunot ang noo ko nang maalala ang lalaking bumulong sa kanya noong nakita niya kami sa tapat ng opisina ng headmaster. Posible kayang mind reading ang ability ng lalaking iyon?
"Hmm, why don't you prove it to everyone, then? Show them what you really are!" aniya habang itinuturo ang lahat ng mga nanonood sa amin ngayon.
Huminga ako nang malalim at pinakalma muli ang sarili. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng mga nanonood sa aming estudyante ngayon. Nang magtama ang tingin naming dalawa ni Ella ay nagkaintindihan agad kaming dalawa.
Tumingin ako sa isang babaeng nakikipagbulungan sa katabi niyang babae. Tinitigan ko nang mabuti ang ipit na nasa buhok niya at nagpanggap na pinapalipad ko ito sa ere, ngunit agad na napawi ang ngiti sa aking labi nang bumagsak ang ipit sa lupa at narinig kong humiyaw si Ella. Nakita kong sinasakal siya ng isang lalaking alipores ni Elise gamit ang isang braso at ang isang kamay niya ay may hawak na patalim at nakatapat sa leeg ni Ella.
"Levitation, huh? Ginamit mo pa talaga itong walang kwentang Class D student na 'to para sa fake ability mo?" sarkastikong aniya bago tinarakan si Ella ng isang ice crystal sa kanyang sikmura at ibinalibag papunta kay Kylie. "Sinabi nang ayoko sa lahat ay 'yong sinusubukan ako, eh!"
Kumabog nang malakas at mabilis ang puso ko dahil sa ginawa niya. Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko habang pinagmamasdan ang nag-aagaw buhay kong kaibigan. "H-How did you know?" wala sa sariling tanong ko kay Elise.
Humalakhak siya dahil sa tanong ko. "Ano ka ngayon, Alexa? Nasaan ang tapang mo?! Hanggang salita ka lang naman dahil wala ka naman talagang binatbat sa akin! You're just nothing but a weak and useless manna!" nanggagalaiting sigaw sa akin ni Elise bago muli akong sinampal na sa tingin ko ay 40 degrees Celsius ang init. Napangiwi ako habang dinadama ang naiwang init ng kamay niya sa aking pisngi. Aba't nakakarami na 'tong king inang 'to, ah!
"Bakit ba sampal ka nang sampal—" Naputol ang sasabihin ko nang sampalin niya ulit ako nang mala-50 degrees Celsius ang init.
I immediately cursed under my breath. "May 150 degrees ka na talaga sa akin sa oras na makalaya ako rito," nanliliit ang mga matang sabi ko sa kanya. Na-dislocate na yata ang panga ko dahil sa mga sampal nitong babaeng 'to!
Bakas sa mukha niya ang pagkalito sa sinabi ko. "W-What?" inis na tanong niya.
"Ibig kong sabihin 150 degree Celsius na ang hagupit ng sampal na igaganti ko sa'yo! 30 kanina, do-doblehin ko. Plus 40 degrees at dinagdagan mo pa ngayon ng 50 degrees. Ang galing mo na sana, kaso bobo ka sa Math at logic!" napapangiwing sabi ko sa kanya.
Nanlilisik ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko. "I swear, I'm gonna kill you, bitch!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin. Nanginig ang kanyang kamay na may hawak na tipak ng yelo na may hulmang kutsilyo.
Tinitigan ko siya gamit ang blangkong mukha pero sa loob ko'y nanginginig na ang kalamnan ko dahil sa magkahalong lamig at kaba. Naramdaman ko ang bahagyang panlalabo ng aking paningin at pagbigat ng aking paghinga. Pumikit na lamang ako at pinakinggan ang mabibigat na hakbang ni Elise habang papalapit sa akin at inabangan ang pagbaon ng patalim na hawak niya sa akin.
Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang paligid. Patay na ba ako? Bakit ang tahimik ng paligid? Pinakiramdaman ko ang paligid at ang katawan ko kung may kutsilyo na bang nakabaon sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ang takot sa mukha ng kanina'y nagngingitngit sa galit na si Elise. Ang hawak niyang tipak ng yelo ay unti-unting nalulusaw at nagiging tubig. Hinanap ko ang pinagmumulan ng kapangyarihang iyon sa mga taong nakapalibot sa amin. Gulat akong napatingin sa mga yelong nakapalibot sa akin na unti-unti na ring natutunaw.
Galit na bumaling si Elise sa lalaking kumakalaban sa kanyang mahika. Gumawa agad siya ng maraming ice crystals at ibinato iyon papunta sa direksyon niya. "Huwag kang makielam dito!" galit na sigaw niya.
Wala pa ring pagbabago sa ekspresyon ng kanyang mukha at bakas pa rin ang galit sa mga mata niya ngayon. Nakatingin lang siya sa ice crystals na lumilipad patungo sa kanya. Nagulat kaming lahat, kabilang na si Elise, nang biglang nagliyab ang lahat ng ice crystals at natunaw sa ere.
Muling nagpakawala ng matutulis na yelo si Elise sa lupa na direkta papunta kay Asher ngunit pinaliyab niya lamang muli ito. Kumalat ang apoy sa buong battle field at tila nasa loob na kami ngayon ng impyerno. Nagtakbuhan na rin papalayo ang mga nakikinood sa field pero ang iba ay naglakas-loob pa ring manood sa eksena.
"W-What the hell? Ano bang pakielam mo sa akin?" galit na sigaw ni Elise kay Asher.
"Hmm... aniya na tila ba nag-iisip. "Wala akong pakielam sa'yo." Nagulat ako nang biglang magtama an gaming tingin habang pinapanood ko siyang humakbang papalapit sa akin. Kasabay ng tuluyang pagkakatunaw ng mga yelo ay naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Agad akong napabagsak sa damuhan at mapahiyaw sa sakit ng aking mga sugat sa iba't ibang bahagi ng aking katawan.
"Riv!" rinig kong tawag sa akin ni Kylie. Agad niyang iniwan si Ella sa Class A student na may healing ability upang daluhan ako. "R-Riv, kaya mo pa ba? Dadalhin kita sa Infirmary!" Napapikit ako dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Hindi ko na alam ang gagawin ko para mawala ito.
"Eshtelle..." Isang malamig na boses ang siyang muling nagpamulat sa akin.
Kahit nanlalabo ang aking paningin ay pilit kong inangat ang tingin sa kanya. Saglit kong nakitaan ng pag-aalala ang kanyang mga mata ngunit agad din itong naglaho.
"W-Why did you do that?" halos pabulong na tanong ko sa kanya.
He crouched. "I didn't do anything special," sagot niya sa akin.
"Why did you save me?"
Hindi niya agad ako sinagot at bigla na lamang bumaling kay Elise at sa mga kasamahan niya. Doon ko lang napansin na pinagtangkaan na naman nila akong tirahin ng ice crystals ngunit agad na nagharang ng mataas at makapal na pader gawa sa lupa si Asher. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at sumenyas na parang may tinutulak na bagay kaya gumalaw ang malaking pader ng lupa at unti-unti itong pumunta sa direksyon kung nasaan sila Elise at ang mga tauhan niya.
Agad nagsitakbuhan papalayo ang mga alagad ni Elise. Wala na rin siyang ibang nagawa kung 'di ang umatras papalayo pero bago iyon ay muli siyang tumingin sa akin nang masama. "Hindi pa tayo tapos, Alexa!" galit na sigaw niya bago sinamaan ng tingin si Asher at umalis.
Ibinaba na ni Asher ang kanyang kamay kasabay ng pagbaba ng pader na gawa sa lupa. Anong klaseng ability ang mayroon siya? At bakit ganito siya kalakas?
Lumingon muli siya sa akin at kumunot ang noo na tila sinusubukang basahin namumuong tanong sa aking isipan. Bumuntonghininga muna siya bago muling nagsalita. "Elements Kinesis."
Gulat akong tumingin sa kanya. "H-How did you read my—" Napahinto ako sa pagsasalita at napahiyaw nang maramdaman ang pagtindi ng hapdi ng lahat ng sugat ko.
Naramdaman ko ang biglang pag-angat ng katawan ko mula sa damuhan at napasandal ako sa isang matigas na dibdib. Iminulat ko ang mga mata ko upang tingnan siya at nagulat ako nang makitang nakatingin din pala siya sa akin. Ipinikit ko muli ang aking mga mata nang maramdaman kong nagsimula na siyang maglakad habang buhat ako sa kanyang mga bisig.
"T-Thank you..." napapaos na sambit ko bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata. Unti-unti akong hinigit ng antok dala ng sobrang pagod at panghihina ngkatawan.
Pero bago pa man ako mawalan ng malay ay may narinig pa muli akong boses mula sa kanya. "You're safe now, Eshtelle. I'm already here..." Aniya sa isang malalim na boses.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top