Kapitulo IX - Presence
Pumasok ang healer sa Infirmary nang nakangiti at may dalang stethoscope at clipboard. Gulat pa ring nagpapabalik-balik ng tingin si Kylie sa aming dalawa ng healer. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Ms. Lee?" nakangiting tanong sa akin ni Nurse Kim.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Okay na po ako ngayon. Medyo sumakit lang po talaga ang ulo ko kanina, pero sa tingin ko ay kaya ko naman pong makapasok sa mga klase ko," kalmadong sagot ko.
Tumango siya bago inabot sa akin ang isang vial na may kulay asul na likido sa loob at may nakasulat na 'Elixir of Life' sa labas ng bote. "Drink this, and you'll feel better," aniya bago ngumiti.
Marahan akong tumango at sinunod ang kanyang sinabi. Pagkatapos inumin ang laman ng bote ay naramdaman ko kaagad ang pagbabago sa aking pakiramdam. Maya maya'y pinayagan niya na akong makalabas ng Infirmary upang maghanda na sa pagpasok sa klase.
Nang makarating kami ni Kylie sa dormitory ay agad kaming nag-prepare para sa unang klase ngayong alas tres ng tanghali. Nagsusuklay ako ng aking buhok nang biglang lumapit sa aking kama si Kylie.
"Paano mo nga pala nalamang may paparating kanina?" tanong niya.
Bahagya akong napaisip sa tanong niya. "Narinig ko talaga 'yong footsteps niyang papalapit kanina," sagot ko.
Natigilan naman si Ella sa kanyang pag-iipit ng buhok at nagpasya na ring makinig sa usapan naming dalawa ni Kylie. Nagulat ako nang magkatinginan silang dalawa at tila nangusap gamit ang mga mata.
"B-Bakit? Wala ka bang narinig kanina, Kylie?" kabadong tanong ko sa kanya. Marahan siyang umiling bilang sagot kaya agad kong naibaba ang suklay na hawak ko.
Habang naglalakad kami patungo sa Right wing ay patuloy itong bumagabag sa isipan ko. Muling pumasok sa aking isipan ang nabanggit ni Ashton tungkol sa ability.
"Riv!" Nabalik ako sa reyalidad at gulat na napatingin kay Ella nang pitikin niya ang tungki ng ilong ko. "Kanina pa kita kinakausap!"
Napakamot ako sa likod ng aking ulo bago bumuntonghininga. Humingi na lamang ako ng tawad sa pagkalutang ko simula kanina bago nakihalo na sa kanilang kuwentuhan. Natahimik lang kami nang pumasok na sa silid ng first class namin which is Technology class.
Agad napawi ang ingay ng mga estudyante nang makita kaming sa silid kaya napayuko na lamang ako hanggang sa makaupo kaming tatlo sa mga bakanteng upuan sa may bandang gitna.
Maya maya'y napuno na rin naman agad ang room ng mga estudyante. Kasunod namang pumasok ang teacher namin na may mahabang brown na buhok na umaabot hanggang sa kanyang tuhod. Huminto at tumayo siya sa gilid ng kanyang lamesa bago humarap sa amin nang nakangiti. Base sa kanyang pisikal na anyo, I think she's in her mid– to late-30s. "Good morning, class! I'm Ms. Athaska Erispe, your Technology class teacher for the whole school year," magiliw na pakilala niya.
Bumati rin kami sa kanya pabalik. Bakas ang pagkamangha sa tono ng mga pagbati namin dahil sa lamig ng boses niya na akala mo'y inawit niya ang kanyang sinabi.
"So, since it's my first day as your new teacher, and your first day as a Grade 12 student of D.A..." she trailed off and looked at us meaningfully. Tsk, alam ko na ang susunod na sasabihin ni Ma'am! Magpapakilala kami sa unahan!
"Oh! No, I don't need to know your names and you don't need to introduce yourselves," aniya na para bang nabasa niya ang aking iniisip.
Kitang-kita ang pagkagulantang ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Ma'am. Mukhang hindi lang pala ako ang nakaisip ng gano'n!
"Is it part of your ability, Ma'am?" tanong ng isang kaklase namin na bukod-tanging naglakas-loob magtanong sa kanya.
Ngumiti si Ma'am sa amin at tinitigan nang matagal ang nagtanong. "Yes, Mr. Ramos," kalmadong tugon niya na nagpamangha lalo sa aming lahat. "My ability involves knowing your identities through direct eye contact or touch and mind reading," dugtong niya.
Nagtama ang tingin naming dalawa ni Ms. Erispe kaya naitikom ko agad ang aking bibig at napabagsak ang tingin sa sahig. "Ms. Lee, are you a transferee?"
Sabay-sabay napalingon sa akin ang lahat ng nasa silid nang tanungin ako bigla ng aming guro. Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa kanya. "O-Opo, Ma'am..." napapaos na sagot ko.
Nagtagal pa ang tingin niya sa akin bago tumikhim at marahang tumango. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng kakaiba sa tingin niyang iyon. Nagsimula na siyang mag-discuss ng kanyang objectives para sa buong taon at ipinaliwanag niya rin ang mga maaari naming pag-aralan at gawing activities sa mga susunod na araw.
Sa Technology class kami mafa-familiarize sa teknolohiyang ginagamit sa Dauntless Academy. Ayon kay Ms. Erispe, maaari raw kaming magkaroon ng activities like making our own devices that we might be able to use for our future encounters.
"Grabe, ang cool niya talaga! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala! O baka naman medyo over-acting lang tayo dahil bago lang sa ating lahat iyon? Siguro 'yong mga nasa higher classes ay naka-encounter na nang gano'ng klaseng ability dati pa!" manghang kuwento ni Ella habang naglalakad kami palabas ng silid.
"Ms. Lee, can I have a moment?" Napahinto kami sa paglalakad nang marinig si Ms. Athaska Erispe na tumawag sa akin. Nagkatinginan kaming tatlo at bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha ngunit nginitian ko lang sila at ipinakitang magiging ayos lang ako.
"B-Bakit po, Ma'am?" bahagyang kinakabahang tanong ko sa kanya nang maiwan kaming dalawa sa loob ng silid.
Sumandal siya sa kanyang lamesa at humalukipkip habang nakamasid sa akin. "Do you know someone studying in this school or are you by any chance related to an old student here?" kalmadong tanong niya sa akin.
Napalunok ako sa sinabi niya. "I-I'm not related to anyone in this school, Ma'am..."
She slowly pursed her parted lips and slowly nodded. "Really? Then, if that's the case, you may now go..."
Humugot muna ako ng lakas ng loob bago muling magtanong sa kanya. "Bakit niyo po pala natanong, Ma'am?"
I saw a hint of amusement in her eyes. "Wala lang... I just thought you looked familiar. Even your presence greatly resembled her. Pero mukhang hindi ka naman nagsisinungaling sa akin kaya siguro nga ay nagkamali lang ako ng hinala. You may now go, Ms. Lee," aniya.
Habang naglalakad mag-isa sa hallway patungong room ng Defense class ay nakadama ako ng kakaibang presensya sa aking paligid. Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad nang may maramdamang namumuong matinding pressure sa paligid. Napapikit ako nang mariin nang may umalingawngaw sa aking pandinig ang mabibigat na yabag papalapit sa akin. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng mga yabag na naririnig at nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa nasaksihan.
May naglalakad na bulto ng isang taong nababalot ng damo at unti-unting naglalaho sa hangin ngunit natatanaw pa rin ang kanyang matang kulay asul na nakatitig nang diretso sa akin. Walang mga taong nakakakita sa kanya habang nakatayo siya sa likod ng isang malaking punong napapalibutan ng damong katulad ng mga dahong nakabalot sa kanya.
He looks so familiar... His eyes look so similar to someone I know.
"Who are you?" Hindi ba't bawal gumamit ng ability kapag wala sa battle field, cafeteria, at dormitories? Bakit nagagamit niya iyon dito?
Napaatras ako ng ilang hakbang ngunit laking gulat ko nang may humawak sa aking balikat kaya agad akong napalingon. Napaatras ako nang bahagya nang mapatama ang ulo ko sa isang matigas na dibdib. I slowly lifted my gaze to the man I bumped into. His piercing eyes made me feel so intimated for the third time. Muli kong naalala ang klase ng pagtingin niya sa akin noong nakahiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan sa Infirmary.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso sa dibdib ko. Takot at instinct na yata ang nagtulak sa akin upang bahagyang lumayo sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at marahang tumango bilang sagot sa tanong niya.
Muli akong lumingon sa kinaroroonan ng taong nakita ko kanina ngunit hindi ko na siya naabutan pa. Nang harapin ko muli ang lalaking kausap ko ay naabutan kong nakakunot ang kanyang noo. His brow shot up as he watched the expression of my face. "Sigurado ka ba?"
Tumango na lang ulit ako bago agad nag-iwas ng tingin sa kanya. Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido sa naging sagot ko kaya nagtagal pa ang kanyang tingin sa akin. Sino ba siya para kausapin ako nang ganito? Hindi naman kami close!
"I'm Asher, by the way. From Class A," aniya sa isang malamig ngunit pormal na tono. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mind reader ba 'to? "'Wag mong isipin na gumamit ako ng mind reading ability. It's just because your expressions can easily state what's on your mind."
Napaangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nakitaan ko ng multo ng isang ngiti ang kanyang labi. "Are you Eshtelle Alexa Lee from Class D?" muling pagtatanong niya sa akin. Bahagya akong napaigtad nang banggitin niya ang first name ko na tila ba narinig ko nang banggitin niya iyon dati pa.
"H-How did you know?" gulat na tanong ko sa kanya.
Lumingon ako sa paligid kung may nakakarinig ba sa amin at nakitang wala namang tao malapit sa kinatatayuan namin kaya nakahinga ako nang maluwag. Maging sila Ella at Kylie ay mukhang nakapasok na rin sa classroom.
Sinulyapan ko ang orasan ng school at nakitang five minutes na lang ay male-late na ako sa second class ko. Awtomatikong namilog ang mga mata ko bago bumaling sa lalaking nasa harap ko. "I need to go! 5 minutes na lang ay male-late na ako!"
Nagtaas siya ng isang kilay sa akin bago lumingon sa tiningnan ko kanina. Napakunot ang noo niya at sinulyapan ang aking pala-pulsuhan. Inangat niya sa aking mukha ang tingin bago muling nagsalita. "How did you know? Wala ka namang suot na relo."
Napakamot ako sa ulo dahil sa tanong niya. "Malamang, sa clock ng school!" sagot ko bago itinuro ang orasang tiningnan ko kanina.
Sinubukan niya ulit tingnan iyon at napaawang nang kaunti ang bibig bago muling lumingon sa akin. "That was a hundred and five meters away from where we are standing," bulong niya sa sarili na pakiramdam ko ay naka-mikropono pa niyang sinabi sa tapat ng tainga ko.
"What did you just say? 105 meters?" Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pala-pulsuhan ko at hinigit papalapit sa kanya.
Nanlaki agad ang mga mata ko nang makitang nakatitig na naman siya nang diretso sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa liit ng distansya ng aming mga mukha. "Were you lying about how you entered this school? Aksidente lang ba talaga iyon, Eshtelle Alexa?"
Agad ko siyang itinulak gamit ang buong lakas ko na siyang nakapagpaatras sa kanya nang kaunti. Mabilis akong pumihit patalikod at naramdaman ang pagsisisi na kinausap ko pa siya.
How the hell did he know about that? Paano niya nalaman kung paano ako nakapasok sa school na 'to? Paano niya nalaman na aksidente lang iyon? Bakit ba pakiramdam ko ay ang dami niyang alam tungkol sa akin at sa buhay ko?
Walang pag-aalinlangan akong tumakbo palayo sa kanya at dumiretso na sa palapag kung nasaan ang room ng second class ko, pero bago pa ako umakyat ng hagdan ay napasandal ako sa pader sa may gilid ko dahil sa pagod.
Halos mapatalon ako sa gulat nang may mga dumaan sa harap kong nakasuot ng dark green uniform na sumisimbolo sa pagiging bahagi nila sa Class A. "Sigurado ka bang dito nagmumula ang na-detect na gumagamit ng ability sa loob ng campus?" rinig kong tanong ng isa sa kanyang kasama.
Agad akong napasinghap at walang pag-aalinlangang tumakbo paakyat sa hagdan at mabilis na naglakad sa hallway upang hanapin ang room ng Defense class.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top