Kapitulo II - D.A.
"Ate, gaano ba kalayo 'yong academy?" kunot-noong tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan siyang seryosong nagda-drive ng kotseng hiniram pa namin sa pinsan ni Papa upang ihatid ako papasok ngayong araw.
"Hmm, malayo?" Hindi ko napigilang mapairap sa walang kwentang sagot niya.
"Hindi mo naman sinagot 'yong tanong ko!" reklamo ko sa kanya.
"Duh, hindi ko rin kaya alam kung gaano kalayo! Alam ko lang kung paano pumunta!" sarkastikong sagot niya sa akin bago kinuha ang isang bottled juice sa cup holder ng sasakyan at ipinatong iyon sa ibabaw ng kandungan ko. "Oh, uminom ka muna nitong juice kung nagugutom ka na. Kumain ka na lang agad pagkarating mo sa dorm mo."
"Whatever," patamad na sabi ko bago binuksan ang juice at lumagok nang kaunti. Napagpasyahan kong manood muna ng videos sa cellphone ko habang malayo pa ang biyahe.
Ilang sandali lang ay ginapangan na agad ako ng antok. Naalimpungatan na lang ako nang may pumitik nang malakas sa tungki ng ilong ko. Pupungas-pungas akong umahon mula pagkakahiga bago tinitigan nang masama ang nakangising si Ate Ashley.
"Kung balak mo lang magpabaha ng laway mo sa sasakyang ito, please lang, mahiya ka naman sa may-ari," pang-uuyam niya sa akin.
Napairap ako sa sinabi niya pero kinapa ko pa rin ang gilid ng labi ko kung totoo nga ito. Humagalpak naman siya ng tawa dahil sa ginawa ko. "Bumaba ka na nga!" natatawang pagtataboy niya sa akin.
"Wow! Paalam din, Ate! Mahal din kita! Mag-iingat ka rin palagi!" sarkastikong sabi ko bago lumabas sa sasakyan at kinuha ang mga gamit ko sa compartment. Narinig ko pa ang malakas na halakhak niya habang humaharurot paalis ang sasakyan.
Napabuntonghininga na lang ako at hinila na ang aking dalang mga maleta. "Kainis! Hindi man lang nag-emote kahit kaunti bago ako iwan!" reklamo ko sa kawalan.
Napahinto agad ako sa paglalakad nang mapagtanto kung saan ako iniwan ng magaling kong kapatid. Hindi ko na napigilan ang pagsinghap nang malakas habang pinapasadahan ng tingin ang paligid. What the hell? Bakit sa gubat ako dinala at ibinaba ng kapatid kong walanghiya?
Napakamot na lang ako sa likod ng aking ulo habang pinagmamasdan ang paligid. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang magpatuloy sa paglalakad bitbit ang dalawa kong maleta. Huminto muna ako saglit nang mapagtantong kanina pa ako nagpapabalik-balik sa lugar kung saan ako iniwan ni Ate kanina.
Ipinasok ko ang aking kamay sa magkabilang bulsa ng suot na jacket upang hanapin ang cellphone ko ngunit nagulat ako nang may makapang papel sa loob nito. Kinuha ko ito at agad na binuklat. Napataas ang isang kilay ko nang makitang isa itong mapa kung paano makapunta sa C. Forelocks Academy.
International school ba talaga itong papasukan ko? Akala ko malaking siyudad ang makikita ko! Hindi naman ako na-inform na sa gitna ng kagubatan pala ito nakatayo!
Halos kalahating oras ko pang sinundan ang direksyong nakalagay rito at hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng isang sobrang laking gate. Napahawak na lang ako sa noo kong napauntog sa rehas nito. My jaw automatically dropped when I scanned the whole entrance of the academy. Humawak ako sa mga rehas at sinilip ang tanawin sa loob. "Ito na ba 'yon? Wow, ang laki naman!"
"Miss, sinong kausap mo riyan?"
Napalingon agad ako sa kumulbit at nagsalita sa aking likuran. Isang babaeng maputi at may mahabang itim na buhok ang tumambad sa akin. Nakalagay ang magkabilang kamay niya sa mga bulsa ng kanyang suot na itim na hoodie at may suot na string bag na nakalagay sa harap niya.
"Uh, yung gate?" nag-aalinlangang sagot ko.
"Papasok ka na rin ba rito?" tanong niya habang nakaturo sa entrada ng paaralan.
Marahan akong tumango bilang sagot ngunit nakaramdam din ng kakaibang kaba at kaunting pag-aalinlangan. Ito na ba talaga ang bagong school ko? Parang sobrang ganda naman yata! Paano kaya ako na-afford pag-aralin nila Mama at Papa rito? Pero parang ito naman 'yong nasa picture sa website kaya siguro ay totoo nga.
"Gano'n ba? Tara, sabay na tayo! Transferee ka, 'di ba? Anong name mo?" Nahimigan ko ang kaunting excitement sa kanyang boses.
Ngumiti muna ako bago magsalita. Kailangang matuto akong makipagkaibigan dahil mahihirapan akong mag-adjust sa bagong school na ito. Doon kasi sa dati kong paaralan ay kaunti lamang ang kakilala ko dahil takot akong ma-attach. "I'm Eshtelle Alexa. Riv na lang for short! And you are?" Kabado kong inilahad ang kamay ko sa kanya.
Mas lumawak ang ngisi ko nang tanggapin niya ito agad. "I'm Ella, ang pinakamaganda sa school na 'to! Charot! Nice to meet you, Riv!" natatawang pakilala niya. "Bakit nga pala 'Riv' ang nickname mo? Parang ang layo naman?"
I chuckled a bit and shrugged. "Ewan ko ba sa mga kapatid ko kung bakit iyon ang ibinigay na nickname sa akin!" Napahalakhak siya dahil sa sagot ko. "Oh ano, magtatawanan na lang ba tayo rito?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Oo nga pala! Tara, pasok na tayo!" excited na sabi niya bago hinawakan ang braso ko.
"Pasok lang, walang tayo, 'teh," kunwari'y seryosong sabi ko sa kanya.
Inirapan niya lang ako at hinila na papasok sa entrance. Nakangiti akong sumunod sa kanya habang bitbit ang dalawa kong mabibigat na maleta. "Wow! Ang ganda naman dito!" namamanghang sabi ko nang matanaw ang magandang tanawin sa aming harapan.
Napangiti naman agad si Ella dahil sa sinabi ko ngunit napawi ang ngiti niya nang mapansin ang malalaki kong maleta. "Teka, maiba nga tayo! Ba't parang ang dami mo naman yatang dala?" kuryosong tanong niya.
"Uh... sabi kasi ng kapatid ko, dito raw tayo magsi-stay sa dormitories na ia-assign sa atin. Ang sosyal naman dito!"
Agad siyang sumang-ayon sa sinabi ko. "Agree! Dito talaga tayo matutulog everyday! Nakakasawa na nga ang pagmumukha ng best friend slash roommate ko, eh!" natatawang sabi niya. "Doon ka na lang din sa dorm namin mag-stay kapag naging magkaklase tayo!"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at halos mabali na ang leeg ko kakalibot ng tingin sa paligid ng C. Forelocks Academy. Breathtaking view, grabe!
Napalingon naman ako sa likuran at hinanap ang entrada kung saan kami pumasok kanina ngunit wala na akong ibang nakita roon kung 'di ang mga estudyanteng naglalakad din papunta sa destinasyong tinatahak naming ngayon. "Saan ba tayo pupunta, Ella?"
Sumulyap siya sa akin. "Sa Great Hall. Malapit nang magsimula ang sorting ceremony. Every year ay sino-sort ang mga estudyante rito kung anong class sila nabibilang depende sa kanilang ability."
Kahit hindi nakuha ang kanyang sinabi ay tumango na lang ako. Ability? Performance ba iyon sa academics? At saka, ano raw? Sorting ceremony? Ano iyon? Pagpili ng section?
"Nga pala, Ella, kailan daw tayo p'wedeng lumabas para makauwi?" tanong ko.
"Huh? Sinong nagsabi sa'yong p'wede tayong lumabas para umuwi?" naguguluhang tanong niya sa akin na siyang nagpakunot sa noo ko.
Napataas ang isang kilay ko. "Wala bang bakasyon sa school na ito? Kahit semestral break, gano'n?"
Nalilito niya akong tiningnan. "Once we enter this academy, hindi na tayo maaaring lumabas hangga't wala pa tayo sa tamang edad at hindi pa tayo nakaka-graduate."
Napahinto ako sa paglalakad at napaawang ang bibig. "Seriously? Hindi ba't galing ka rin naman sa labas? Transferee ka rin ba katulad ko?"
"Nope, nagpaalam lang ako. P'wede ka namang magpaalam kung kailangan mong lumabas pero kung hindi valid reason ang reason mo, hindi ka papayagan," paliwanag niya.
Marahan akong tumango at hindi na muling nagtanong pa dahil hindi ko rin naman naintindihan masyado ang ibig sabihin niya. Bago kami tuluyang tumungo sa Great Hall ay sinuhestiyon sa akin ni Ella na dumaan muna kami sa kanilang dormitory upang iwan ko muna pansamantala roon ang aking bitbit na dalawang maleta. Maya maya'y nakarating na rin kami nang tuluyan sa dorm niya. Pagkabukas ng pinto ng silid ay namangha agad ako sa ganda ng disenyo nito.
"So, Alexa, i-occupy mo na lang muna 'yang kama na 'yan," aniya sabay turo sa isang bakanteng kama. "Welcome sa dorm namin! Sana ay makasama ka namin dito!"
Tumango na lang ako habang bahagyang nakaawang pa rin ang bibig dahil sa pagkamangha. "Ang ganda naman dito!" wala sa sariling sabi ko habang inilalapag ang backpack at mga maleta ko sa kama.
"Ganito talaga rito sa D.A. Ang cool, right?" proud na sabi niya habang binubuksan ang maliit na string bag na dala niya.
Agad akong natigilan sa ginagawa dahil sinabi niya. "Huh? What's D.A?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
Kunot-noo siyang napabaling sa akin. Baka sang magkahalong pagkalito at kaunting kaba sa ekspresyon ng kanyang mukha. "H-Hindi mo alam ang D.A.? Imposible!" medyo natatawang aniya.
Muntik na akong mapairap sa sinabi niya. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" sarkastikong tanong ko.
Natawa siya sa sinabi ko bago sumang-ayon. "Alam mo, may point ka! Anyway highway, D.A. stands for Dauntless Academy. How come you didn't know that? Hindi mo ba nabasa sa exclusive website ang iilang information tungkol dito?" tanong niya habang naglalabas ng gamit mula sa kanyang bag.
Shit! Oo nga pala, hindi ko tinapos ang pagbabasa roon sa website! Pero... anong Dauntless Academy ba ang sinasabi nito ni Ella?
"Uh, ano ba talaga ang pangalan ng school na ito?" tanong ko muli sa kanya bilang paninigurado.
"Dauntless Academy," maikling sambit niya habang nakatuon parin ang atensyon sa kanyang mga gamit na nakakalat sa kanyang kama. Teka, saan niya nga pala kinuha iyon, eh ang liit naman ng bag na dala niya? Paano nagkasya iyon?
Napakurap-kurap ako sa sagot niya at napaahon mula sa pagkakaupo sa kama. "E-Excuse me? I thought this is C. Forelocks Academy? Bakit naging 'Dauntless Academy' na?" naguguluhang tanong ko.
Dahan-dahan siyang napahinto sa kanyang ginagawa at napaawang ang bibig na tila ba may nasabi akong mali o kakaiba. "C. Forelocks? A-Anong..."
I sighed out of frustration. "I'm supposed to study at C. Forelocks Academy. Ito naman 'yon, 'di ba? Ito rin ang exact location na nakalagay sa mapang iniwan sa akin ng kapatid ko. Anong 'Dauntless Academy' ba ang sinasabi mong school? Mas maganda ba roon kaysa rito?"
Tila unti-unting naubusan ng kulayang kanyang mukha bago dahan-dahang napalingon sa akin. "Y-You mean, hindi ka talaga nag-transfer dito sa Dauntless Academy?" halatang kinakabahangtanong niya sa akin.
Ano raw? Ano ba kasing Dauntless Academy ang sinasabi nito ni Ella?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top