Date

Hell's POV

Mabilis na natapos ang oras at natapos na ang pang-umagang klase

Eto na Date na

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nag ayang mag date??

Kase...



























































...Wala naman. Trip ko lang

Wala akong magawa sa buhay ko na iba naman. Kaya pagtritripan ko munang I-date itong Si kumag na judgemental/feeling gwapo

Ipinasok ko na ang mga gamit ko sa bag

A/N ipinasok o itinapon?

Author wala kang pake kaya shatap

Isusukbit ko na sana ang bag ko pero nang saktong lalapat na Ito sa balikat ko, may kamay na humawak sa strap nito at swabeng swabe na isinabit iyon sa balikat nya

Lumakas ang tibok ng puso ko at unti unting itinaas ang ulo ko

Grabe nagpapawis ako sa kaba....





















Isang lalakeng...

























Walang ulo!!!

⊙︿⊙






Pero syempre joke lang hahaha

(^O^)

Naloko ko kayo no?!! Wahahhahahaha

Ano kayang reaksyon nyo?

Ito ba? ⊙﹏⊙
O Ito? ●︿●
O baka Ito? ‾︿‾

Hahahha kahit saan pa dyan ang reaksyon nyo, nakakatawa parin hahahhaha

"Hey what's with your selftalking huh? " bumalik ako sa ulirat nang yugyugin ni Javelona ang mga balikat ko

"Ay wala!! " pakialamero

Bat di nalang kasi nya hayaan. Tsk

Mauuna na sana akong maglakad pero naalala Kong nasakanya ang bag ko. Nang lingunin ko sya ay dalawang backpack ang nakasukbit sa balikat nya

"Bag ko" sabi ko at inilahad ang aking kamay

"Ako na ang magdadala" diretsong sabi nya

Lakas maka Tagalog eh baluktot parin naman

Bigla nyang hinila ang kamay ko kaya napasunod ako sakanya. Ang lalaki pa naman ng hakbang ng bakulaw na to

"H-hoy bitiwan mo nga ako!! Nahihirapan ako sayo ang bilis mo! "

Huminto sya at tinignan ako

"Sorry" luh marunong sya nun?

Naglakad kami ulit pero this time medyo mabagal na. Salamat naman at makakahinga na ko ng ayos

Habang naglalakad kami ay napansin Kong hawak parin nya ang kamay ko. Hinayaan ko nalang dahil sanay naman ako na mahawakan ng lalake ang kamay ko. Sa dami ng mga barkada kong lalake ay hindi na ka taka taka iyon. Ngunit ang nakakapanibago ay ang mga tinginan

OA naman ng mga to. Ano sila? Character sa wattpad na mga feeling epal?

Natawa nalang ako sa naisip ko dahil naalala ko, nasa wattpad naman talaga ako. Hahahhaha ang Tanga lang

Naglakad lang kami hanggang sa gate at syempre andun parin ang mga tinginan. Pero okay lang. Sanay na ko sa ganyan. Mula nang maging kaybigan ko ang mga kumag na yon, palagi na kong nahuhusgahan. Mismong kaybigan ko nga noon eh sinabihan ako ng malandi. Ang dahilan? Naging close ko yung ultimate crush nya. Si Alnad

Ang babaw diba? Iniwasan ko pa ang mga kaybigan ko noon dahil madami nang umaaway sakin at palagi na Kong umiiyak. Madami na din sa mga kaybigan ko ang nawala. Pero sa huli, naging kaybigan ko parin sila dahil dun sa sinabi Lloyd.

Kung sa simpleng bagay ay hinuhusgahan ka na nila,kaaway sila
Hindi kaybigan

Kaya bakit mo iiwasan ang mga kaybigan mo nang dahil lang sa mga panghuhusga ng kaaway?

Hindi lang sa unos nasusukat ang tunay na pagkakaybigan.

Noon ay hindi ko pa talaga maintindihan ang ibig nyang sabihin dun sa unos. Pero naintindihan at napatunayan ko ang lahat nang dahil kina Desie At Mae

Hindi lang naman nasusukat ang pagkakaybigan sa pagsuporta nila sayo. Kaylangan mo rin sukatin kung mahal ka nila, o mahalaga ka lang sakanila. Hindi naman porke sinamahan ka nila sa unos, totoo na sila.

Ang totoong kaybigan, hindi ka lang sasamahan sa unos. Susuportahan ka rin sa paglipad

At pag yang dalawang katangiang yan ay meron ang kaybigan mo,hindi ka lang mahalaga. Mahal ka nya

Natigil ako sa pagiisip nang dahil sa ginawa ni Javelona

What the??

H-hinalikan nya ko!!

Pero sa pisngi lang. Wag kang ano

"I'm sorry. Kanina pa kasi kita tinatawag but you're spacing out" nakangiting sabi nya

Ang gwapo

Hay jusko ano ba tong sinasabi ko?! Nakakadiri!!

"A-ah Tara na" maglalakad na sana ako uli pero dahil magkahawak parin ang kamay namin ay mabilis nya Kong nahila.

"Haha wala ka talaga sa sarili mo" He said looking straight to my eyes. Oh gosh I can't feel my own existence

Ay ano ba yan!! Na English ako ng wala sa oras!! Anong pinagsasabi ko. Nababakla na ata ako

"Tara na. San ba tayo pupunta? "Tanong ko. Dahil naalala ko na lakad kami ng lakad eh hindi naman namin napagusapan kung san kami pupunta. Naabutan na namin pati parking lot ng school

Tanga lang eh

"Basta sakay ka na" nakanggiting aniya

"Huh? " Medyo nagtaka pa ko nung pagbuksan nya ko ng pinto

Nang makapasok ako ay kaagad naman syang umikot para umupo sa driver's seat.

May Subaru Si mokong? Akala ko hindi mayaman?

"Lagay mo na yung seat belt mo" Javelona

"Okay na. May Subaru ka pala? " inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng sasakyan

"Yeah. Regalo sakin ng Aunt ko"

"Mmm nice. San punta natin? "

"Sa mall"

Mall?

"Ano namang gagawin natin dun? Boring sa mall!! "

Boring talaga dahil wala akong dalang pera

"Mamimili tayo para bukas"

"Ano bang meron bukas? Birthday mo? Tapos gagawin mo Kong yaya sa kakadala ng mga pinamili mo?!" Asik ko

Aba date ang hiningi ko hindi kontrata para maging PA nya

"Haha of course not. May outing tayo bukas kasama ang buong barkada. Bibili tayo ng swimsuit and mga gagamitin natin bukas"

"A-ano? Outing? Swimming? Hala ka boy!! Hindi ako papayagan dyan! Atsaka wala akong pera! "

Baka maiwan lang ako sa may entrance dahil wala akong pambayad

"Don't worry it's all my treat"

"Aba! Rich kid! "

"Hindi ah"

"San ba? "

"It's a..... Secret. Basta maghanda ka ng pang swimming mo and mga damit. We'll spend two nights and three days there"

"So talagang hindi tayo papasok bukas? "

"Nah"

Bad influence to. Halos buong klase ang barkada. Pano yun? Walang magkaklase kung konti lang ang estudyante

"Baka hindi ako makasama"naalala ko baka hindi ako payagan. Napalingon sya sakin. Naka kunot ang noo

"Why? "

"Baka hindi ako payagan"talagang hindi ako papayagan

"Oh about that, Si Lloyd na daw ang bahala"

"‾︿‾ grabe kasabwat mo rin Si Lloyd? "Di makapaniwalang tanong ko

"Yes. Haha don't worry. He insisted to talk to your parents. Sabi nya kase ay madalas kang hindi payagan. Pero may tiwala raw sila sakanya kaya sya na rin ang bahala"

Tsk Lloyd talaga

"Eh pano naman ang sasakyan natin? Ang dami natin ah"

"About that, guys will bring their cars. "

Nabigla ako sa sinabi nya "pinayagan sila?!! " hindi ko napigilang halos mapatayo sa kinauupuan ko at mapaharap sakanya

"Haha yes. Gulat ka? "

"Sobra"

"Those guys are quite rich. Bakit hindi man lang mahalata sakanila? I'm sure madaming magugulat sa mga schoolmates natin pag nalaman kung gano kayaman ang mga yon"

"All for one one for all kasi kami. Yung iba hindi pinapayagang magdala o magdrive ng kotche sa school. Kaya lahat hindi nagdadala. And hindi nila sinasabi na may kaya sila, ayaw daw kasi nilang malapitan ng mga gold digger. "

"Oh they have a point"

"At pag nalaman na mayaman sila, lalo nanaman akong huhusgahan sa school. Tsk eh ano naman diba?!! Porke ba may kaya sila hindi ko na sila pwedeng kaybiganin? Porke ba gwapo sila hindi na ko belong? Porke ba puro lalake sila malandi na ko?!! Aba!! Judgeme--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may doughnut na biglang tumapal sa bibig ko

"Ang ingay mo" nakangiting Aniya. Yung tipong todo ngiti? Parang kinikilig pero pinipigilan lang?

Beklush ata to eh

Nako iingatan ko mga kaybigan ko. Mahirap na baka mahawa sila sa pollution

Pero infairness masarap yung doughnut

"Wolo no bo? " tanong ko sakanya.naging o na yung mga sinabi ko dahil isinubo ko ng buo yung doughnut. Sarap eh

"Wala na! Takaw mo. Tara labas na. Bibilhan nalang kita mamaya"

Lumabas na kami ng kotche at pumasok na sa mall

Hawak nya yung kamay ko

"Tara bili ka ng damit mo"

Kung saan saan nya ko dinala para bumili ng damit. Lahat ata ng ma typan nya na ipasoot sakin ay binibili nya. Pati dress nabili na nya. Kawawa tuloy tong isang staff na pinagbitbit namin. Dami nyang dala

"Pili ka ng swimsuit" sabi nya sakin habang tinitignan ang ibat ibang designs ng mga yun

Grabe ateng nga ata ito

"Ito" ipinakita ko sakanya yung pinili ko.

"Wag yan. Masyadong ma eexpose ang balat mo. Baka bastusin ka. Eto nalang" iniabot nya sakin yung pinili nya. Tulad nung pinili ko ay kulay itim din. Kaya lang ito ay maliit na short na parang may dobleng net pero maiksi din. May katerno syang bra na may net din na parang naka suot ka lang ng crop top na malinaw

"Ah okay" wala nang angal angal. Sya naman ang magbabayad hahaha naks dumami bigla damit ko

"Tara sa Dunkin Donut" hinawakan nya ulit ang kamay ko. Nakasunod parin samin yung lalakeng may bitbit sa mga damit ko

"Nagustuhan mo ba yung mga damit? "Sabi nya at iniakbay ang kamay saakin

"Oo naman!! Libre yun eh!! Haha" nagtawanan kami habang naglalakad.

Nagiging komportable na ko sakanya. Hinawakan ko ang kamay nyang naka akbay sakin at inakbayan ko rin sya sa bewang

"Oh? Wag mo sabihing ikaw pa ang nailang? Hahaha"napansin ko kasi ang pagtaas ng mga balikat nya nang ipulupot ko ang braso ko sa bewang nya

"Hindi naman. Nagulat lang. Haha" sabay kaming naglakad papunta sa Dunkin Donut sa ganong pwesto parin.

It may sound absurd
But don't be naive
Even heroes have the right to dream

"Wait sagutin ko lang to"

Akala ko kung ano na yung tumunog. Phone nya lang pala. Kahit may kausap sya ay di sya umalis sa tabi ko. Medyo huminto lang kami pero ganon parin ang posisyon namin

Pagkatapos nilang magusap ay hinarap nya ko

"Matutulog ka sa bahay ko"

•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•

A/N

Sensya na pinalitan ko name and book cover. Sana ma appreciate nyo guys

Nga pala please read

Mahal Kita Angal Ka?  A story by micatch

Maganda sya guys. Sana suportahan nyo.

Kamsarang

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top