Ex.3
Better.
"Akalain mo yun? Si Mikel lang pala ang customer ko! Mga wala kayong puso! Pinagkaisahan niyo kong dalawa!" Binato ko ng basang tissue si Lexy habang ngumangawa ako sa kanyang harapan. Talagang sinugod ko siya sa ospital ngayong shift niya para magreklamo.
"Napahiya pa ako kanina. Feeling ko ang galing galing kong magluto! Pagkatapos iisang piraso lang pala ang bumibili ng pagkain ko! Ano? Binibili niya yung luto ko para hindi na ako maglalalapit sa kanya. Feeling niya naman!" Pagpapatuloy ko pa.
"Tumahimik ka nga, baka magising sayo yung mga patay sa morgue, sige ka." Pananakot sa akin ni Lexy habang kalamadong kalmadong sumasandok ng kanyang Ice cream habang nakaupo kami sa canteen ng ospital. "Eh kasi naman ikaw, binubulabog mo si Mikel. Kaya siguro nakaisip siya ng ideya kung paano idadivert ang atensyon mo."
Ngumuso ako. "Ganon? Ganon na akong nakakaabala sa kanya? Para sampung beses ko lang naman siyang kinatok sa condo niya. Abala na ba yun? Para pinagbuksan niya ako ng pinto at itinaboy palabas? Abala na! Eh paano naman akong namasahe pa at nagpaganda para balikan niya? Hindi ba ako naabala?"
"Naabala ka, pero gusto mo yun. Sa point of view naman ni Mikel, Oo, abala ka at ayaw niya nun. Kita mo nga! Effective naman ah. Nagluluto ka. Tapos napapagod ka maghapon, matutulog ka na agad. Kahit nga overpriced ang paninda mo, binibili ni Mikel. Dapat magpasalamat ka pa nga."
"Thank you ha. Thank you sa pagmumukha sa akin na isang malaking abala." Nagtatampong wika ko.
"Uy, ang drama. Hindi naman siguro ganun, baka concern din sayo yung tao. Siyempre may pinagsamahan pa din naman kayo non. Pero wag kang umasa ah. Baka kiligin na naman yang penggay mo."
Napatakip ako ng mukha. "Paano naman ako magmu-moveon ng ganito? Tuwing nagluluto ako, si Mikel ang naiisip ko. Naiimagine ko pa lang na yung adobo, sumasayad sa ngalangala ni Mikel, napapa-wish ako na sana ako na lang yun di ba?"
"So wish mong maging adobo? Sige, para i-tae ka kinabukasan."
"Uy ang harsh!"Ngumuso ako at dumukdok sa lamesa.
"Eh kung maghanap na kaya ako ng trabaho? Bigyan kaya ako ng 'Fit to Work' certificate ni Dr. Robles?"
Pinanlakihan ng nga mata si Lexy. "Di nga, Bes? Okay ka naman sa pagluluto ah. Mas malaki pa nga ang kinikita mo don."
"Ayoko nga. Parang nagtatrabaho pa din ako kay Mikel."
"Ku! Choosy. Kay Poleng naman kinukuha ni Mikel ang orders, hindi naman kayo nagkikita." Pagdadahilan ni Lexy na sumubo muli ng ice cream.
"Basta! Ayoko ng ganun. Maghahanap na ako ng trabaho, Lexy. Dapat maging independent na ako sayo, saka kay Mikel. Hindi na niya dapat pinoproblema ang kalagayan ko. Ikakasal na yung tao."
"Wow, matured, oh!" Panunukso ni Lexy. "Sigurado kang hindi ka na hahabol kay Mikel? Hindi mo na hahanap hanapin yung tao?"
Umiling ako. I can do this. Dahil sabi nga ni Ate Shawie, Love should not be a heavy feeling; it should not make you suffer. Love should make you happy. It's a smile in the heart, it makes you come alive, love makes you want to fly...
Hindi ko naman iyan naibibigay kay Mikel kaya dapat talagang i-let go ko na siya..
Kaya naman kinabukasan, inubos ko ang oras ko sa paghahanap ng trabaho kahit iyakan na ako ni Poleng na magluto ulit para sa kompanya na pinagtatrabahuhan niya na opisina ni Mikel, hindi ako bumigay.
Titigilan ko na ang lahat ng may koneksyon kay Mikel. Hindi na kami maaring magkaroon ng ugnayan. Kahit masakit, kahit na gusto kong sabihin kay Mikel na, Paano ang puso ko, kung wala ka? Mangangarap lang ba, na nag-iiisa..
"Sige na, Ate! Hindi mo naman nakikita si Sir Mikel eh. Pag hindi ka na nagdeliver, mababawasan yung sahod namin ng budget sa lunch. Malaki laki din yon ah."
Sinamaan ko ng tingin si Poleng, "Mahiya nga kayo kay Mikel! Pinapasweldo na nga kayo, sagot niya din ang lunch niyo. May parequest request pa kayo ng Binagoongang Baboy. Malamang nagtatakip ng ilong yon si Mikel tuwing binubuksan niyo yung luto ko." Napaka-OC pa naman yun ni Mikel, mas babae pa sa akin yon pagdating sa pagiging maselan eh. Ayaw ng mabaho, ayaw ng masikip! Ayaw ng maputik! Ayaw ng walang pagkain! Quote unquote, Maricel Soriano.
"Judgemental mo naman, Ate Gab. Si Sir Mikel kaya ang nagrerequest non. Saka dalawa yung Foodbox niya lagi. Malakas palang kumain yun?"
Napalingon ako kay Poleng, yung puso ko medyo pumalakpak pero hinawakan ko para hindi siya makagalaw. In fairness sa puso ko, may kamay. Yung iyo ba meron din?
"T-talaga?" Gulat na gulat na tanong ko.
"Uhm.." Tumango tango si Poleng. "Di ko naman kasi alam na ex mo pala yung Boss ko. Sana pala talaga iba na lang inutusan ko na magdala ng lunch nung araw na yon. Naputol pa tuloy ang kaligayahan namin."
Huminga ako ng malalim. "Hindi naman sa ganon, Poleng. Kailangan ko din naman maglevel up sa career. Siyempre, nakarecover na ako. Hindi naman ako pupwedeng magluto na lang, sayang din naman yung tinapos ko."
"Sa amin, Ate. Ayaw mo mag-apply?" Tanong ni Poleng.
"Ayoko!" Mabilis na sagot ko. Tinapunan ako ni Poleng ng nakakatuwang tingin.
"Affected pa sa Ex!" Tukso niya na ikinasimangot ko.
"H-hindi ah. Gusto ko lang magbagong buhay."
"Bakit, Ate. Adik ka ba dati?"
"Oo, nananakit din. Gusto mo saktan kita?"
Napakamot ng ulo si Poleng at iniwanan akong mag-isa sa TV room habang patuloy ako sa paghahanap ng trabaho sa harap ng laptop.
'Valdemar Industries'
'Nemesis Construction'
'Laya Air'
'De Lacerda Manufacturing'
Yan ang mga pangalan ng kumpanyang sinusubukan kong applyan dahil sila ang big players ng bansa. Pero isang linggo na ang nakakalipas wala pa din ang tumatanggap sa akin. Ni pag-alok ng interview.
Hindi pa ako makapaniwala nang tumunog ang laptop ko dahil sa isang email.
'Dela Vega Corporation Invites you for an Interview----'
Sa gulat ko ay nabura ko agad ang email.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang kompanya nila Mikel.
Kalma, Gabby..
Nagkataon lang yun. Hindi ba ang mga HR naghahanap ng mga active na profiles sa Job hunting site portal pagkatapos ay kino-contact nila? Wag kasi akong praning. Hindi ito nakakaganda.
Ilang araw pa ang lumipas at muli na naman akong nakatanggap ng ganoong interview invite.
'Dela Vega Corporation Invites you for an Interview tomorrow at the main office for the vacant position as Management Trainee.
Confirm Decline
Respectfully yours,
Miss Sushmita E.'
Without batting an eyelash, pinindot ko ang 'Decline' nang walang panghihinayang. Hinding hindi na ako muling mahuhulog sa patibong ni Mikel! Hindi na ako lalapit sa kanya dahil ayaw naman niya Hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko dahil hindi iyon nakakaganda.
Naghanap na lang akong muli ng kompanya na maaring maaplyan.
Sa kasamaang palad, pumuti na ang uwak, wala pa ding ganap ang pag-aapply ko.
"Tatlong linggo na tayong nag-aapply ah." Pumasok sa kuwarto ko si Lexy habang pinagmamasdan akong nakadapa sa kama at nakasubsob ang mga mata sa laptop.
"Kulang pa ba ako, Lexy? Bakit walang tumatawag sa akin?" Nadidismayang tanong ko.
"Kahit isa?"
Tumango ako.
"Kahit isa?"
"Wala nga!" Padabog kong sabi nang maalala ang kompanya nila Mikel.
"Well, merong isa, sa Dela Vega." Ngumuso ako, "Siyempre hindi naman ako pupwede don. Ex ko kaya ang isa sa may ari."
"So?"
"Bawal ang relasyon sa kompanya. Parang hindi mo naman alam." Paliwanag ko.
"Anong relasyon? Ex mo na yun di ba? Tapos na kung anong meron kayo."
"Sus! Parang hindi mo naman kilala ang bestfriend mo. Paano kung matukso si Mikel sa akin? Naku, problema yan. Kahit hindi ako nagbibigay ng motibo, nakakapanlambot ako ng tuhod. Delikado ako sa mahihina ang sikmura. Bigla bigla na lang akong nananakawan ng halik sa daan, may mga tendency na ganon dahil gigil na gigil ang mga hinayupak na buwitre sa kalsada, nag-aabang ng isang diwata na kagaya ko."
Umarte si Lexy na parang nasusuka. Hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Kapal mo talaga! Natatakot ka lang ata na hindi mo mapigilan ang sarili mong sunggaban si Mikel eh."
Napaawang ang labi ko na bumangon mula sa pagkakahiga. Eksaherado kong ikinampay ang palad ko.
"Excuse me? Nagkakamali ka diyan. Ako pa ba? Matibay ang sikmura ko sa tukso. Hindi ako nadadala ng beautiful eyes ni Mikel. Pinagsawaan ko na yan noon. Saka yung braso niyang kasing tigas ng dos por dos? Hello. Para yun lang. Tapos yung malapad niyang dibdib na parang kay superman lalo na pag walang pang-itaas, Bes? Wala sa akin yan! At yung abs niyang walong piraso? Nakakita na kaya ako ng sampu, pati doon sa paa may abs. Hinding hindi ako mahuhulog sa mapula niyang labi at saka! Eh ano kung moreno siya at makapal ang kilay niya at nakakakiliti yung mga tingin niya? Hindi ako weak!"
"Bes, eto tissue." Inabutan ako ni Lexy ng tissue sa kamay saka umupo sa tabi ko.
"B-bakit?"
"Yung laway mo tumutulo. Nag-i-imagine ka pa lang niyan. Nakakatakot kung magkaroon kayo ng company outing doon sa Dela Vega tapos beach ang setting, baka pumutok ang ovaries mo kay Mikel, humalo sa buhangin. Sige ka, hindi ka na manganganak."
Inirapan ko si Lexy nang humalakhak siya. Hindi naman si Mikel ang nag-iisang lalaki sa mundo.
Tumunog muli ang laptop ko sa isang email kaya naputol ang usapan namin.
'Dear Miss Semilla,
I am Mark of Office Hunter.
We've bumped in to your records and we saw that your credential fit our needs. We are looking for a Personal Assistant to the CEO. If you are interested, we will be scheduling you for an interview tomorrow.
All The Best,
Mark Jocson'
"Ayyyy!!" Napatili ako agad. Nilingon ako ni Lexy na bahagyang nagulat.
"Kita mo na o.. May tumawag agad sa akin!" Pagmamalaki ko.
Ganado akong naghanda kinabukasan. Ito ang kauna-unahang nag-alok sa akin ng interview bukod sa opisina ni Mikel kaya naman winner na winner ang feeling ko. Sinimplehan ko lang ang dating ko sa pencil cut skirt na kulay abo at puting three fourth sleeves na lantad ang mapanukso kong dibdib. Simple but sexy, ganyan ang labanan ngayon.
"Good morning, Miss Semilla."
Magalang na bati sa akin ni Mark, yung HR assistant na nag-email sa akin kagabi. Di hamak ang tangkad niya sa akin, pati ang puti ng kanyang kutis ay napansin ko.
"Ah, Gabby na lang." Tinapik ko pa siya sa braso habang naglalakad kami papunta sa isa sa mga opisina.
Binuksan niya ang maliit na conference room pagkatapos ay inalok na umupo sa kanyang harapan. Tinipon niya ang mga papel at kumuha ng isa na iniabot sa akin.
"Here's your job offer. Well, makikita mo naman diyan na ang offer ay P 50,000 net per month. Ang kompanya ang magbabayad ng SSS, Philhealth at Pagibig mo."
"Ang generous niyo naman. Pati pagibig babayaran, libre ko naman sanang ibibigay kaya lang meron pang nagmamay-ari sa ngayon. Hindi pa naisosoli. Iti-text ko mamaya, doncha worry." Humagikgik ako. Aba, in fairness sa company, galante. Napapailing na ngumiti si Mark at saka nagpatuloy.
"Merong uniform allowance, medicine allowance and health insurance coverage for P 1,000,000 in the event of hospitalization except for giving birth."
"Ay, sayang naman. May plano pa naman akong mag-baby this year! Ibibigay ko na sana ang brilyante ng apoy sa kung sino mang deserve nito."
Tinaasan ako ng kilay ni Mark kaya sumeryoso din ang aking mukha. Napaka-unsupportive naman ng kompanya sa mga nagbubuntis. Baka walang matres ang mayari!
"You will be working Monday to Friday, Flexible working hours, anytime you want to go to the office, you may do so. Basta kukumpletuhin mo ang walong oras, kasama na ang 1 hour na lunch break at 30 minutes na breaktime."
"Wow! You mean, 6 and half hour lang ang trabaho ko?" At pupwede pa akong pumasok ng tanghali kung gusto ko!
#DreamJob
"So, if we are okay with the terms.." Inabot sa akin ni Mark ang ballpen. "You may sign now." Aniya na ikinagulat ko.
"Sign? As in, now na?"
Tumuwid ng upo si Mark at tiningnan ako. "May problema ba tayo sa job offer? Do you want a higher salary? More benefits, I can talk to my supervisor—"
"Ah hindi! Sobra sobra na nga ito, kaya lang wala bang exam, interview, medical?"
Ngumiti si Mark, "Wala na. We based everything on your resume."
"Eh paano kung may sakit ako? Paano kung beauty lang ako pero walang brain?"
"Lahat naman ng tao merong brain, Miss Semilla."
"Eh paano kung maliit lang sa akin?"
"Ayaw mo ba?" Kinuha muli ni Mark sa akin ang ballpen pero nagmatigas ako.
"Ito naman, nagpapabebe lang ng kaunti, hindi mo naman ako binebe. Eto na, magsasign na." Mabilis kong tinanggap ang Job Offer, nag-abot ulit siya ng isa pang kontrata na pinirmahan ko din.
"Welcome to Office Hunter, Miss Semilla. For your first assignment, we will be assigning you to one of our clients—"
"Clients?"
"Yes, Miss Semilla. Office Hunter is a headhunter company. We pool employees under our name, and we assign them to different offices in Manila which is in need of accountants, management trainee, personal assistants, engineers, etcetera. If ever you will be fired or the office where we will assign you will be no longer in need of a personal assistant, magpapatuloy pa din ang sweldo mo at siyempre, ihahanap ka din namin ng panibagong trabahong mapapasukan. Given na meron pa ding reason to keep you."
Ganun? Akala ko pa naman, dito na ako magoopisina, feel at home pa naman na ako kanina. Favorite din kasi nung guard sa labas si April Boy Regino saka si Jessa Saragoza, yun ang tugtog kanina kaya good mood ako.
"So if you are ready.. The van is waiting outside. Somebody will orient you with your job in our client's company."
Nagpatianod ako sa sinabi ni Mark habang nag-iisip kung legal ba ang naapplyan ko. Hindi kaya monkey business ito at gagamitin ang aking puri para ipasilip sa mga takaw sa laman? Tiningnan ko ang lock ng van na inuupuan ko. Nag-iisip ng exit idea.
"Ma'am, andito na po tayo." Napalingon ako sa driver nang i-unlock na niya ang van.
Nanlaki ang mga mata ko sa opisinang hinintuan.
"N-nagkakamali po ata kayo. Hindi po ata dito."
"Hindi po, Ma'am. Tama po. Dela Vega Empire. Ayan po."
"Dito ako ia-assign?"
Naku naman, Gabby, kung may ranggo ang mga tanga, heneral ka! Quote unquote, Robin Padilla. Lagot! Baka magalit si Mikel!
Bakit ako hindi nagtanong kung saan ako ia-assign?
"Ma'am, may sundo pa po ako. Mabuti pa pong bumaba na kayo at hanapin si Miss Sushi diyan sa lobby."
Labag sa loob na humakbang ako pababa ng van. Napakamot ako ng ulo nang huminto ako sa lobby.
"Miss Semilla?" Isang ngiting ngiting chubby na babae ang sumalubong sa akin, kasing edad siguro siya ng Nanay ko kung nabubuhay pa. "Mabuti naman at nakarating ka na, just in time for our orientation. Ako si Sushmita o Sushi, ang HR in charge ng kompanya." Wala sa sariling tinanggap ko ang pakikipagkamay.
Umakyat kami sa pinakaitaas na floor dahil doon daw ang magiging puwesto ko. Dinaanan namin ang napakaraming empleyado na abala sa harap ng kani-kaniyang laptop. Hindi ko nga mahanap si Poleng doon sa dami ng mga ulo na nakayuko.
"Ito, ang Dela Vega Corporation. Sa ilalim nito ay ang napakaraming subsidiaries na ang majority ay food."
Hindi ko na ata kailangang pakinggan ang sinasabi ni Miss Sushi, kabisado ko na ata yon. Palaging binabanggit sa akin noon ni Mikel ang background ng kanilang negosyo. Nagsimula sa sariling brand ng softdrinks hanggang sa flour mill at ice cream. Kani-kaniyang presidente ang bawat subsidiary at doon sa Flour division naka-assign si Mikel. Isang CEO ang namamahala ng lahat ng negosyo sa paanan nito at dito iyon sa Corporate Center. Dito ako magtatrabaho bilang assistant.
"Kilala mo naman siguro ang CEO ng kompanya?" Tanong ni Miss Sushi na hindi mawalay ang ngiti sa labi habang binubuksan ang pinto na merong nakalagay na CEO.
"Si Don Miguel Jesue Dela Vega po?" Iyon ang ama ni Mikel. Madami pa siyang kapatid kaya malamang ay nagbago na ngayon ang humahawak. Pupwedeng ang Kuya Elixir niya dahil yun ang panganay.
"Hindi.. Naku hindi, nailipat na ito sa anak." Sambit ni Miss Sushi na nahinto sa pagbubukas ng pinto.
"Ah, kay Elixir po siguro."
Umiling si Miss Sushi.
"Ah, kay Elera?"
Napawi ang ngiti ni Miss Sushi.
"Kay Sir Mikel." Ani Miss Sushi na siyang nakapagpaputla sa akin.
"M-mikel? As in yung bunso? Paano nangyari yon?"
"Bumuo kasi ng kani-kaniyang negosyo ang mga anak ni Don Miguel, itong si Mikel ay katulad na katulad ng kanyang ama, mahilig sa pagkain, kaya siguro siya ang pinahawak dito."
Binuksan na ni Miss Sushi ang pinto, abot abot ang kaba ko dahil akala ko bubungad sa akin si Mikel pero bakante ang kanyang lamesa.
"Si Sir Mikel, nagpalagay siya ng lamesa dito para sayo. Dito ka pupwesto. Gawin mo na lang ang iuutos niya. Masanay ka na din sa pagsusungit non dahil medyo mainitin na ang ulo non simula nang hinawakan ang Corporate. Mas lumaki kasi ang kanyang problema. Di bale, meron pa naman siyang isang assistant, si Kristel. Kasama niya ata yun ngayon dahil may meeting sila sa Flour Mill diyan sa ibaba."
"S-si Kristel po ba, kasama ko sa lamesa?"
Umiling si Miss Sushi, "Naku hindi, magsisiksikan naman kayo diyan. Andun siya sa labas. Hindi pa kasi nare-renovate ang opisina kaya wala naman talagang pwesto para sa karagdagan na empleyado pero dahil nag-request si Sir Mikel ng additional na tao, inilagay ka na lang namin dito dahil wala din namang ibang mapupwestuhan. Madami sigurong trabaho kaya kailangan ka niya."
"Sushmita." Halos mahulog ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Mikel. Dahan dahan akong lumingon at alanganing ngumiti.
"H-hi.." I greeted. Hindi man lang kinabakasan ng gulat ang mukha ni Mikel.
"Ay, Sir Mikel. Hello po. Maiwan ko na dito si Gabby ha. Sabi mo, ikaw na ang magpapaliwanag ng magigingtrabaho niya." Tipid na tumango si Mikel na walang kangiti ngiti sa mukha. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang umalis na si Miss Sushi.
"Please take a seat, Miss Semilla."
"G-gabby na lang."
"I don't want to cut the formalities."
"Eh bakit si Miss Sushi, Sushmita ang tawag mo? Dapat Gabrielle din ang tawag mo sa akin."
"Are you the boss now?" Tinaasan ako ng kilay ni Mikel.
Ngumuso ako, I mouthed inaudible words na nagpasalubong ng kilay ni Mikel. "What are you saying?"
"Wala! Sabi ko ang pogi mo. po. Sir. Dela Vega."
"Thank you, Miss Semilla." In a blank face he said. Umupo siya doon sa upuan niya na hindi man lang ako tinitingnan.
Napatakip ako ng tainga. Alam naman niyang ayokong tinatawag ng ganon!
"S-so.. Anong gagawin ko dito, Sir?" Nakikiramdam na tanong ko.
"Sit down."
Umupo naman ako agad. Bumunot pa ako ng tissue at pinunasan ang lamesa sa aking harap.
"Tapos po, Sir? Tapos na po ako mag-sit down."
Tinapunan ako ng tingin ni Mikel, "Seriously?"
"Opo, seryoso talaga. Ito po, nakaupo po. Ano po bang upo ang gusto niyo? Indian sit? Nakataas ang paa.. Kaya lang nakapalda ako, baka masilip mo ang hindi dapat, magkaharap pa naman tayo. Ikaw din. Baka matukso ka po."
Kinuha ni Mikel ang receiver ng telepono. "Kristel, please ask the Ice cream kitchen to bring 10 samplers to my office."
Tumahimik ako at nakiramdam, ilang saglit pa ay may kumatok na, naunang pumasok ang tray na may maliliit na lalagyan.Ang may bitbit non ay isang babae na puti ang suot mula ulo hanggang paa, nakamask pa iyon at merong chef's hat.
"President." Magalang na wika ng babae, ininguso naman ako ni Mikel.
"Ibigay mo sa kanya."
Tumango ang babae at ipinatong sa akin ang tray na naglalaman ng ice cream na iba't ibang flavor, sa harap non ay isang papel na merong katanungan tungkol sa survey sa bawat flavor. Kung gano ito kasarap, kabango, at ano ang pupwedeng ipangalan sa mga ito.
"Eat everything then answer the survey form. That's what I want you to do." Utos ni Mikel.
Labag man sa loob ko, sinunod ko ang sinabi niya. Hindi naman sinabi ni Mikel na taga-tikim pala ng ice cream ang kailangan niya! Bawat subo ko ng ice cream, gumagaan ang pakiramdam ko. Napapapikit pa ako sa iba.
"Miss Semilla." Tawag sa akin ni Mikel.
"Hmm?"
"Do you feel better now?" He asked.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top