Ex 18
Not sorry? Bubulong bulong ako nang pabalik na kami sa sasakyan. We just ate lunch and now we are heading home. Everything is in order, nakapagpalit na ako ng damit pero yung labi niya parang iniukit na sa labi ko. Even the sight of his Jurassic Park bugged me.
"Massive." Bulong ko.
"Gabby." Mikel in his flat tone. "Kapilyahan na naman yang iniisip mo."
I looked at him. "Bakit mo ako hinalikan?!"
"Because I cannot explain in the air."
"That's it? That's just it?" I extended my arms, unconvinced.
"That is exactly what I planned to do, Gabby."
"Really?" Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Before." Pagtatama niya.
"May isa pa akong tanong."
"Ano?"
"Nakita na ba ni Catwoman ang Jurassic Park?"
"Malay ko." Sagot niya habang minamaniobra ang sasakyan papalabas ng resort. Binalikan niya ako ng tingin, "Who's Catwoman?"
"Si Sabina."
"And the Jurassic Park?" Nilingon ako ni Mikel at saka tumingin sa pagitan ng kanyang mga hita. Sinimangutan niya ako nang marealize niya kung ano ang tinutukoy ko.
"Ano? Ex mo din ba yun? Fling?"
"Hindi ganon si Sabina."
"Eh bakit crush ka niya? Bakit kung tingnan ka, dinaig pa si Dawn Zulueta kung makatingin kay Richard Gomez sa pelikulang Hihintayin na lang Kita sa Langit!" Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin.
Nanatiling kalmado si Mikel sa kabila nang pag-hihimagsik ng damdamin ko.
"Gab, you know that you can't be jealous."
"I can!" Giit ko. "Sa alaala ko, tayo pa din, Mikel. Kaya wag na wag mo akong uutusan kung ano ang dapat kong maramdaman. Wala kang alam!" Inilabas ko ang inner Ate Vi ko doon sa pagbato ng linya. Kitang-kita ko ang pag-hanga sa mga mata ni Mikel. Kulang na lang ay mapapalakpak siya.
"Hindi ka pupwedeng magselos ng walang dahilan. I never liked her that way." Mikel made a few turns and we are approaching the toll exit. "Do you want to take a nap? Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo."
"H-hindi mo fling si Catwoman? Y-you did not feed her the dinosaur?"
Mikel reached for something at the back of his car, then he gave me a thick white blanket. Tinulungan niya pa ako sa pag-bukas non. After that he gave me a pillow, pinanlakihan ako ng mga mata ng makitang may mukha iyon ni April Boy.
"Wow, Mikel!!" Hinalikan ko ang mukha ni April Boy ng paulit ulit hanggang sa hawakan ako ni Mikel sa noo.
"Do not overdo it." Masungit niyang sabi. Hindi ako mapakali kaya niyakap ko na lang ang unan ng sobrang higpit!
Nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Sumilip ako sa labas at nakitang madilim na, nasa tapat na din ako ng apartment namin ni Lexy.
"Gabby.."
"Mikel?"
"Thank you for Skydiving with me."
"You are welcome." I smiled.
Bababa na sana ako nang hilahin akong muli ni Mikel at napapikit ako nang muling magtama ang aming mga labi. I was responding to the kiss in all ways I remember, tila huminto ang oras pero nang matapos iyon ay nasabik ako agad sa kanya. Ipinagdikit niya ang aming mga noo, sa gitna ng katahimikan ng daan, kaming dalawa ang nasa loob ng kanyang sasakyan, may lihim, sumasayaw ang parehas na puso. He licked his lower lip, his eyes fixated mine. Ngumiti siya, hindi ko napigilang gayahin siya.
"I missed that, I missed us, Gabby."
"Me too. Thank you, Mikel for doing this for me."
---
The long weekend passed like a breeze. Mikel and I watched new movies over the weekend. Panay pa din ang kuwento niya ng mga bagay na nakalimutan ko na. Para akong bumubuo ng puzzle doon. Every information seemed that it was not mine but felt real everytime Mikel smiles as he recalls it.
Ngayon ay nakatingin ako sa isang tao na naka-tshirt na puti at khaki shorts, may suot pa itong kulay khaki din na sumbrero na merong butas sa loob ng opisina ni Mikel. Tumakas si Mikel ng isang tingin sa direksyon ko. He winked at me and my knees weaken. Alam na alam niya kung paano ako pakikiligin. Sumeryoso muli si Mikel at tiningnan ang kausap na matandang lalaki.
"Mang Ambo, ipinapaayos ko na ang payment ng lupa." Wika ni Mikel. Isinulat ko iyon sa notebook ko at napapakamot ng batok na tiningnan ako ng nag-aalangan.
"Don't worry, she's my girl. She can be trusted." Parang naunawaan naman ni Mikel ang pag-aalala ni Mr. Tegio, ang taga-Atimonan na nagbebenta ng malaking lupaing namana niya sa kanyang mga ninuno.
She's my girl daw, 'Day. Ang ganda ko 'don!
"Mr. Dela Vega, alam mo namang hindi ako kumportable na merong ibang makaalam ng negosasyon na ito. Kung hindi lang talaga nangangailangan ang dalawang anak ko ng gamot sa cancer, hindi ko ito ibebenta. Ang problema'y wala akong puhunan para i-develop ang lugar. Gusto ko itong mapunta sa pamilya ni Donya Guada dahil alam kong aalagaan. Marami nang gustong bumili ng lupa pero nagmatigas ako na ibenta sa inyo sa halagang napagkasunduan. Yung mga pinsan ng Tatay ko, nag-iinteres din sa lupa at nakaabang. Hindi nila maintindihan na kailangan ko nung pera pero gusto ko ding makatiyak na ang lupang inalagaan ng angkan namin ay hindi mapapabayaan."
"Naku, the best ang DVC Properties, Mr. Tegio. Kaya naming paputiin ang Ilog Pasig kapag mabigyan kami ng chance, huwag kayong mag-alalala." Nginitian ko ang matanda na masaganang tumawa, ngumiti din si Mikel.
"Aasahan ko iyan. Mauuna na ako, Mr. Dela Vega."
Nagkamay si Mr. Tegio at si Mikel bilang pagsasarado ng deal na iyon. Ilang sandali pa ay nagpaalam naman si Mikel para sa isa pang meeting na tiyak ay aabutin na naman ng maghapon.
"I'll see you later, Gabby."
"Yessir!" Sumaludo ako at kumindat. Iiling iling si Mikel nang lumabas ng pinto, kasunod naman non ang maluwang na pagbukas nong muli na iniluwa naman si Kristel.
"Beshy, baka naman pupwedeng ikaw na ang mag-deliver nito? Meron kasi akong tinatapos na presentation para bukas. Si Kuya Vladimir hindi pa nakakabalik, naipit sa traffic galing doon sa isa nating kliyente na sinisingil niya ng tseke." Problemado ang mukha ni Kristel na nakasilip sa may pintuan ng opisina namin ni Mikel. Naatasan kasi siya ni Mikel na mag-submit ng proposal sa isang foundation na napiling beneficiary ng DVC.
Tumingin ako sa orasan. Dalawang oras na lang bago mag-uwian.
"Saan ba yan?"
"Sa G Towers."
"Fine, fine. One train station away lang iyan, 'di ba? Akin na."
Tuwang-tuwa si Kristel nang tanggapin ko ang ipinapakiusap niya. Sumakay lang ako ng train at saglit lang ay naroon na ako sa G Towers. Kumunot ang noo ko nang salubungin ako ng guwardiyang ngiting ngiti sa akin.
"Miss Gabby! Long time no see!" Sambit sa akin ng guwardiya na tila ba kilalang kilala talaga ako. I gave him a simple nod that wiped the smile on his face.
"S-si Kira pala, marunong nang magsulat. Salamat sa'yo!" Pahabol sa akin ng guwardiya nang makailang hakbang ako patungo sana sa receptionist. Natigilan ako at binalikan ng tingin ang guwardiya.
"Kira?"
Nahihiyang ngumiti ang guwardiya, "Opo, yung inaanak niyong si Kira. Nalulungkot nga siya kasi hindi niyo na daw siya nadadalaw sa amin, sabi naman kasi ni Sir Rye, nasa ibang bansa ka daw kaya matagal kang nawala. Masaya po ako na nakabalik ka na. 'Wag po kayong mag-alala, hindi ako namamasko."
Lumalim ang gatla sa noo ko, pinipilit kong alalahanin ang guwardiya o ang batang tinutukoy niya pero wala man lang akong mahagilap sa utak ko. Nanatili ako sa harap ng guwardiya at nakikipagtitigan sa kanya hanggang sa mayroong braso ang humatak sa akin papalayo sa kinatatayuan ko.
"Mamaya na lang, Kuya Domeng."
Tulala akong napalingon sa may bitbit ng braso ko at nakitang si Rye iyon, nakasuot siya ng puting v-neck shirt, pantalon at baseball cap na kulay puti din. Diretso ang tingin niya patungo sa elevator.
"Hi Miss Gabby!" Merong babae ang tumawag sa akin doon sa reception. Ang ilang nag-aabang din sa elevator ay halatang nakilala din ako dahil panay ang ngiti nila sa akin. Nahihiya ko din silang nginitian.
"Gabby!" May isang napakagandang babae ang tumakbo patungo sa akin. Hindi ko siya nakilala pero niyakap niya ako ng mahigpit. Sa sobrang higpit, tinugon ko iyon kahit hindi ko alam kung para saan. "My God, I missed you! I never thought I'd see you again!"
"Mom.." Nagsalita si Rye, nagkatinginan sila ng magandang babae. Taka kong tiningala si Rye pero umiling siya sa tinawag niyang ina.
Alanganing lumayo ang magandang babae. "I am Tita Rafi." Nakikiramdam na sabi niya, "Mommy ni Rye. We've met before." Bulong niya na pinapaikot ang mata sa maaaring makarinig. "But, you don't have to remember me, si Rye lang kasi—"
"Mom, please."
Tumunog ang elevator hudyat ng pagbubukas. Umatras ang ilang empleyado na nag-iintay doon pati si Tita Rafi, kaming dalawa lang ni Rye ang sumakay at pinindot niya ang pinakamataas na floor. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa elevator. Nakakabingi ang nakakailang na katahimikan. Pinigilan kong lumunok sa kabila ng agam-agam.
Nang bumukas ang elevator ay pumasok kami sa isang malaking pinto sa tapat mismo ng elevator. A conference room. Tanaw mula rito ang kalakhang Maynila.
"What are you doing here?" Hinila ni Rye ang isa sa mga swivel chair para paupuin ako.
"Boyfriend talaga kita, ano?"
"Gabby.."
"I am sorry. Nasasaktan siguro kita ngayon."
"Gabby, you're sick. Naiintindihan ko. Sobrang swerte ko na nagkita ulit tayo at alam kong okay ka."
"P-pero hindi kita maalala. H-hindi kita m-mahal."
Napalunok si Rye pero nakakaunawa siyang tumango. "I am still lucky that you survived." Sinsero siyang ngumiti habang nakatayo sa aking harapan, "So.." He dismissed, making the conversation lighter, "What brings you here?"
"M-meron kasing proposal ang DVC na gustong maging beneficiary ang foundation niyo."
Tumaas ang parehas na kilay ni Rye na parang naintindihan ang sinasabi ko, "Oh, yeah. Wait, I will call Georgia." Gumawa ng ilang tawag si Rye pagkatapos ay kalmanteng umupo sa harap ko.
"How are you? Effective ba ang tactic ni Dela Vega para makaalala ka?" Kaswal niyang tanong.
"Siguro, pero wala pa din akong naaalala."
"Huwag mong madaliin." Rye smiled kindly, "Alam mo, samahan mo akong magmeryenda. Bumalik na lang tayo dito mamaya."
Pumayag ako dahil nakakaramdam na din ako ng gutom. Dinala ako ni Rye sa cafeteria sa ibaba ng gusali nila. Filipino meryenda ang ino-offer ng café. Dahil sa nahirapan akong pumili, binili ni Rye ang lahat ng gusto ko. Tuwang tuwa naman ako.
"Alam mo Rye, baka nahihiya ka lang pero pupwede kang mag-girlfriend." Sambit ko habang tinutunaw ang yelo sa halo-halo.
Tinaasan niya ako ng kilay, "Kahit naman pinagtataksilan mo ako ngayon, hindi ko kayang gawin sa'yo ang ginagawa mo." Tila nagtatampo pang sambit niya.
Bahagya akong nakaramdam ng pangongonsensiya. I must've been hurting this man. Kaya lang ay isa iyong bagay na hindi ko mapipigilan. I know, I love Mikel. Siya pa din ang pipiliin ko kahit kailan.
"Bitiw na, masyadong humahaba ang buhok ko kung pag-aagawan ako ng dalawang guwapo."
"Puro ka pa din biro." Naiiling na sabi niya.
Hindi namin namalayan ang oras. Unti-unti naming naubos ang pagkain sa aming harapan habang pinag-uusapan ang homecoming concert ni April Boy sa susunod na buwan. Sinabi niyang bibili siya ng ticket para sa amin at yung SVIP pa! Siyempre natuwa ako, kailangan ko na magpagawa ng t-shirt para doon. Aayain ko din si Mikel para mas masaya.
"Gabby." Napalingon ako sa baritonong boses na tumawag sa akin. Pati si Rye ay nahinto din sa pagsasalita. Sabay pa kaming napatayo at parang may iisang utak na sumilip sa glass window ng café. Naku, madilim na pala!
"Mr. Dela Vega."
Tumango lamang si Mikel kay Rye. Nakaramdam ako ng tensyon na bihirang bihira lang sa populasyon ang makakadama, ang tensyon na pang-beauty queen lamang, yung tensyon ng pinag-aagawan.
"Pinasa ko lang yung proposal ng DVC para sa foundation nila, Mikel."
"Napirmahan na ba?" Kalmado ngunit may talim ang pangunguwestiyon ni Mikel.
"Ipinapahanda ko na, Mr. Dela Vega."
"I will send my messenger tomorrow to pick it up. Maraming salamat, Mr. Garcia."
Tumalikod si Mikel kaya wala akong nagawa kundi tingnan si Rye na nakakaunawa namang tumango, hinabol ko si Mikel na malalaki ang hakbang papalabas ng Café.
"Mikel, sandali naman!" Hingal na hingal ako nang makarating kami sa labas, naamoy sa paligid ang pagbabadya ng ulan kaya kumakapal ang hangin.
"You were supposed to return to the office."
"Sorry, nalibang."
"Ikakaltas ko iyan sa sahod mo." Pagkasabi non ay tumalikod si Mikel.
"Hoy, grabe naman. Kaltas agad, trabaho naman ang ipinunta ko dito."
"Trabaho? Yung kumakain ka doon at nakikipagtawanan. Hindi ba may usapan tayo?"
"Nagugutom pa din naman ako."
"Huwag na. Umuwi ka na." Suplado niyang sabi. Natigil kami sa gitna ng malaking water fountain sa harap pa din ng G Towers. Mukhang pang-Richard Gomez ang akting ni Mikel kaya hindi ko napigilan ang magpakawala ng napapagod na buntonghininga.
"Alam mo, kung nagseselos ka—"
"I am not jealous!" Agap niya.
"Ikaw, Mikel ha. Sumusobra na yang tantrums mo. Hindi ka nagseselos pero umuusok na yang ilong mo, so ano yan?"
"Ano pa! Eh di nagdidisiplina ako ng empleyado ko. Hindi ka pupwedeng umalis at babalik na lang kung kailan mo gusto. That is so you, Gabby."
"Ay wow, personalan na pala ito." Nagpamewang ako at pinanliitan siya ng mata. "Eh di ikaltas mo sa sahod ko, fine!"
Nagmartsa din ako patungo sa stasyon ng tren pero bago pa man ako makalayo ay hinila na ni Mikel ang kamay ko at inilagay sa bulsa ng suot niyang coat.
"Ano na naman?" Tamad ko siyang tiningnan.
Hindi siya kumibo, sa labas ng bulsa ng coat niya ay ikinukulong niya ang palad ko. Naglakad kami patungo sa estasyon ng tren at sabay kaming nag-tap ng mga cards namin. Pabalik kami sa opisina.
Siksikan na dahil rush hour, nanatiling magkadikit ang mga katawan namin sa maigsing biyahe. Panay ang buntonghininga niya at kung nakakatunaw lang ang titig, tunaw na siya sa akin.
Binaybay namin ang parking lot ng DVC at natagpuan ang kanyang sasakyan. Nang buksan niya ang pinto ng shotgun seat ay sumakay ako doon. Tahimik siyang nagmaneho patungo sa kung saan. Medyo malayo iyon kaya nilibang ko ang sarili ko sa nakakaengganyong ilaw sa kalsada na nasa ibaba ng mataas na daan na tinatahak namin. Parang mahabang linya na kulay pula ito at sumasayaw kasabay ng malamyos na musika sa sasakyan ni Mikel.
Nang sa wakas ay bumagal na ang sasakyan ni Mikel sa pagtakbo ay nakakita ako ng maraming sasakyan sa paligid na pawang nakababa ang mga bubong. Tiningnan ko si Mikel na iniintay ang reaksyon ko.
"M-manonood tayo ng movie dito?" Binalikan ko ang malaking projector screen na nakapwesto sa bingit ng bangin. Pinapabigat ito ng maraming bato sa paligid. Ang mga sasakyan naman ay kani-kaniyang puwesto at nagkukwentuhan ang mga sakay non habang hindi pa nagsisimula ang palabas.
"Classic Thursdays. They play restored classic Filipino Films every Thursday."
Napatili ako dahilan kung bakit napatingin ang ilan sa amin, hindi ko napigilan sumabit sa leeg ni Mikel. Sinalo niya ang beywang ko at hinuli ang mga mata ko. Pinatakan niya ng mabilis na halik ang aking labi.
"Yeah right, I was jealous."
Ikinulong ko ang kanyang mukha sa parehas kong palad at inipit iyon doon. I gave him a peck on the lips. Mariin, matagal.
"You don't have to. Hindi ko kailangan ng alaala para tukuyin ang mahal ko. That's you, Mikel."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin.
"Kinikilig ka."
He shook his head. Pinipigilang ngumiti.
"Bad liar." Itinulak ko ang kanyang ulo. Kinuha ako ni Mikel mula sa shotgun seat at tuluyang pinaupo sa kanyang kandungan.
"Let's watch this way." Aniya.
Merong waiter na nag-abot sa amin ng popcorn na tig-isang bowl at malaking baso ng softdrinks. I was smiling ear to ear when film started to roll.
"Hilda Koronel! Ang ganda ganda niya talaga!" Pumalakpak ako.
Ipinahinga ni Mikel ang baba niya sa aking balikat, "Mas maganda ka." My cheeks flared.
Insiang ang palabas. Napag-alaman kong mga estudyante pala sa Film Institute ang karamihan sa mga kasabay naming nanood kaya naman tahimik at seryoso sa panoood.
"Sorry kanina. Kaya ka pala nagmamadali kasi manonood tayo ng movie. Nagawa na ba natin to dati?"
Umiling si Mikel. "Hindi pa."
Tumikhim ako at tininingnan ang mga papaalis nang sasakyan nang matapos na ang pelikula.
"S-so, bakit natin ito ginagawa?"
"Dahil ngayon, akin ka."
Kilig pagkatapos ng isang kilig.
Naramdaman ko ang pag-gagap ni Mikel sa kamay ko. "I hope you remember, Gabby. Remember everything soon."
Bumigat ang pakiramdam ko nang marinig iyon. Pumutok ang pag-asang kami din sa bandang huli. Pinapakilig lang ba ako ni Mikel para mas mabilis kong maalala ang lahat?
Marahil ay nahihirapan na din si Mikel na pakisamahan ako pero naaawa siya dahil mabait siyang tao.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top