DATI
DATI
Based on a story and script by Rayn Brizuela
One shot story written by Aly Almario
"Gusto ko may rose petals doon sa aisle habang naglalakad ka. Dapat maraming flowers ang naka-hilera. Dapat maganda ang set-up doon sa pinaka reception. If it's too expensive, just tell me okay? Willing kaming magdagdag ng daddy mo," sabi ni mommy mula sa kabilang linya.
"Ma, nakakahiya naman sa inyo ni daddy. Besides, napaghandaan na naman namin ni Brian 'to. Ang tagal naming pinagipunan 'to kaya syempre sisiguraduhin naming magiging maganda ang wedding naming dalawa."
"We just the best for you, anak. I know I've been saying this a lot but I am really happy that you are marrying Brian. Nakita ko kung gaano ka niya ka-love and we know na maalagaan ka niya."
Natawa ako nang bahagya sa sinabi ni mommy but at the same time, parang nararamdaman ko na naman ang pangingilid ng luha sa sa mga mata ko.
"Ma naman, eh. Balak pa ata ulit akong paiyakin. Nandito pa naman ako sa coffee shop ngayon. I-m-meet ko na yung gagawa nung pre-nup video naming ni Brian."
"Hala sige, sabihin mo gandahan nila ha? Pag di maganda yan susugod ako sa opisina nila."
"Opo ma. Sige na at kumain ka na ng lunch diyan. Mamaya ah, don't forget mag d-dinner tayo kasama nung parents ni Brian."
"Oo naman! Bumili na nga ako ng isusuot kong damit para doon."
"Ma talaga gumastos pa."
Natawa si mommy, "o siya sige, b-bye na. Balitaan mo 'ko, okay?"
"Okay ma. Love you!"
"Love you too, anak!"
I ended the call.
Napatingin ako sa engagement ring sa daliri ko at hindi ko na naman maiwasang maging emotional.
Alam kong para akong sira dito. Halos one week na akong nag-iiyak at kahit si mommy ay ganun din. Kada maiisip ko pa lang na ikakasal na ako, hindi ko maiwasang maging teary eyed.
Ganito pala yung feeling, 'no? Ang overwhelming. Ang surreal. Everytime na maiisip kong I'm about to marry the most amazing guy I've ever met in my life, I feel like crying.
I met Brian when I was studying in Australia. Ayun yung mga panahong sobrang bitter ko sa lovelife at sa mga lalaki at wala akong ibang status sa Facebook kundi: "WALANG FOREVER!!!!"
That time, I swore to myself that I am never going to fall in love again. Masakit, eh. Lalo na kung alam mo namang ginawa mo ang lahat para lang mag work ang relationship niyo, kaso wala, ang bilis niyang sumuko kaya naiwan ka sa ere.
Pero dumating si Brian and he made me realize that I am still capable of falling in love. Na kaya siguro nag fail ang past relationship ko ay dahil makikilala ko siya.
Anyway, ayoko nang naalala pa ang past relationship ko nay un kasi bukod sa sobrang sakit ng naranasan ko, ni-hindi man lang kami nagkaroon ng closure ng hinayupak na lalaking yun.
Napatingin ako sa phone ko.
Aba, fifteen minutes nang late yung ka-meeting ko.
Supposedly, si Jane yung i-m-meet ko ngayon kasi siya yung madalas naming kausap ni Brian. According to my friend who recommended Jane, maayos daw ka-work 'to kasi laging on time at masipag. Kaya lang biglaang 'di siya makakapunta ngayon kaya ipinasalo niya 'tong meeting na 'to sa isa nilang ka-work.
At mukhang itong sumalo na 'to eh hindi kasing strict ni Jane sa oras.
Biglang nag ring ang phone ko at nakita kong isang unknown number ang tumatawag sa akin.
Thinking na baka ito na yung ka-meeting ko, I immediately answer the call.
"Hello, Ma'am Ana? This is Zoren po from Wedding Cinema Buddies. Ako po yung—"
Hindi na natapos ng kausap ko sa phone ang sasabihin niya at maging ako ay hindi ko na rin nakuhang magsalita pa.
Napako na lang ang tingin ko sa entrance ng coffee shop—doon sa lalaking nakatayo sa harap ng pinto, aligaga, may phone na nakalapat sa tenga, may dala-dalang malaking bag at gulat na gulat na nakatingin sa akin.
Dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko habang siya naman ay tila nag-aalangang lumapit sa akin. Hindi ko rin maitago ang pagkabigla ko.
Shit. Ang lakas mang power trip ni tadhana.
"Zoren?" sabi ko sa kanya nang makalapit siya sa pwesto ko.
I tried my best to smile para kunyari dedma lang ako na nagkita ulit kami, but instead, my smile looks more like a grimace.
"Ma'am.. Ma'am—-Ma'am Ana?"
"Ikaw yung pinadala ni Jane?" tanong ko kahit obvious na obvious naman na ang sagot.
"Y-yup!" nag-aalangang sagot ni Zoren.
"Oh okay. Wow. Small world," sabi ko sa kanya habang pilit akong naka-ngiti to the point na ang sakit na ng panga ko.
Nakita ko sa expression ni Zoren ang magkakahalong emosyon. He took a step forward na para bang uupo na siya pero hindi niya itinuloy at parang nag-aalangan siya.
Ramdam ko na hindi niya rin nagugustuhan ang sitwasyon namin ngayon. Na para bang naiinis siya na nakita niya ulit ako.
Wow. Siya pa may ganang mainis ngayon?
Gusto ko siyang tanungin: 'Bakit ka nawala? Bakit ka bumitiw? Bakit ka sumuko?' But instead, isang pilit na ngiti lang ang naibigay ko sa kanya.
"Well.. have a seat," sabi ko sabay turo ng upuan na nasa harapan ko. Mukha kasing wala siyang planong kumilos sa kinatatayuna niya, eh.
Inilapag niya ang mga gamit niya sa upuan pero hindi siya umupo.
"Ah, wait, C.R lang ako.." paalam niya.
Hindi ko na nakuha pang sumagot dahil tumalikod na agad siya at dire-diretsong pumasok sa restroom.
Nang makaalis siya, itinakip ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha at ramdam na ramdam ko ang panginginig ko.
Ano ba! Ano ba 'to? Bakit kailangan ko pa siyang makita? Okay na 'ko, eh. Masaya na 'ko sa buhay ko. Nakalimutan ko na siya. Eto na nga oh, ikakasal na 'ko sa iba.
Tadhana, ang lakas mo nga talagang mang power trip. The best.
Kung umalis na lang kaya ako habang nasa CR siya? Kung i-text ko na lang siya. Magdadahilan na lang ako na may emergency sa bahay o masakit tyan ko. Sasabihin ko dini-dysmenorrhea ako. Tama! Tutal alam naman niya na grabe akong tamaan ng dysmenorrhea kada may period ako at nagiging monster ako pag ganun.
Napailing ako.
No, Ana. No. Ano ka ba. Past na yan. Past na siya. Hindi mo na siya kailangang iwasan kasi matagal nang tapos ang inyo. Ilang taon na ang nakalipas, oh. Kung aalis ka diyan ngayon, parang ipinakita mo lang sa kanya na affected ka pa rin sa ginawa niya sa'yo noon.
Huminga ako nang malalim and I tried my best to calm myself.
Magiging okay ang lahat. Saglit lang 'to tapos makakauwi ka na and hopefully, sa mga susunod na araw, si Jane na ang haharap sa inyo at hindi na ang hinayupak mong ex na si Zoren.
Magiging okay ang lahat. Magiging okay ang lahat. Magiging okay ang lahat.
"Naka-order ka na?"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko at bigla akong napa-angat ng tingin dahil sa lakas ng pagkakatanong ni Zoren.
Naupo siya sa tapat ko.
I cleared my throat.
"Oo," sagot ko sa kanya at gusto kong batukan ang sarili ko kasi nanliliit ang boses ko.
"Ako rin," sabi niya.
"Um-order ka na?" nagtataka kong tanong sa kanya. Paano naka-order ang isang 'to kung kararating lang niya?
Napansin ko ang pagka-taranta niya.
"Oo, last year pa. Ang saya nga, eh!" sagot niya sa akin.
Mas napataas ang kilay ko, "ha?"
"Ah.. wala.. wala.. sorry ano, wala.. Joke sana yun.." then he trailed off.
Sa kabila ng pagka-inis ko sa sitwasyon na 'to, hindi ko pa rin maiwasang mapangiti dahil kay Zoren.
"Wala kang pinagbago. Kengkoy ka pa rin."
Natawa rin si Zoren sabay kuha ng table napkin na nasa tapat namin na ginamit niyang pampunas sa pawis niya sa noo.
"Ikaw, ang laki ng pinagbago mo. Sobrang... wow," sabi niya sa akin.
"Grabe parang hindi naman."
"Hindi, seryoso. Sobrang.. sobrang iba ka na."
"Hindi kaya. Ganun pa rin ako, baliw."
Awkward silence.
Ano, sasabihin ko na bang dine-dysmenorrhea ako?
"So... nasaan ang groom?" tanong niya.
"May appointment kasi siya today."
"Ah, dito pala siya nakatira?"
"Hmm.. oo, bakit?"
Umiling si Zoren, "wala lang. Akala ko lang foreigner siya."
"Pinoy," pag ko-correct ko sa kanya, "pero doon ko na siya na-meet sa Australia."
"Ah.." tumango lang si Zoren then katahimikan ulit
Shit ang awkward.
"I-ikaw, kumusta?" tanong ko.
"Eto okay naman. Buhay videographer."
Napaayos ako bigla ng upo dahil sa sinabi niya hindi ko mapa-ngiti.
"Wow, congratulations! Na-pursue mo na pala yung pangarap mo. Nakakatuwa naman. Naalala mo dati nung mga bata pa tayo? Pinupuslit pa natin yung video cam ni kuya para lang makagawa ng sarili nating music video."
"Oo!" masiglang sagot ni Zoren at medyo nakahinga ako nang maluwag dahil medyo nabawasan ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. "Pati nga mga damit ni nanay napagdiskitahan natin, eh," duktong niya and there's a genuine smile on his face. Unlike kanina na halata mong pilit din.
Napatawa kami pareho.
"Tapos galit na galit sa'tin yung mga nag co-construction sa kapitbahay kasi nating tinatalunan yung bundok ng buhangin nila!" natatawa-tawa kong sabi habang naalala ko yung mga panahon na yun.
Bata pa kami nun at puro kami kalokohan. Halos hindi kami mapaghiwalay dalawa.
"Eh, wala silang magagawa. Gumagawa tayo ng music video nun, eh. Naalala ko nga yung kinakanta natin nun yung Bakit Ngayon Ka Lang ng Freestyle at ni Pops Fernandez. Feel na feel pa natin ang pag d-duet nun."
Napatawa ulit ako nang maalala ko ang kalokohan namin dati.
"Good old times," nakangiti kong sabi. "Naalala mo pa pala yun?
Tumango si Zoren pero this time, nawala na ang ngiti sa labi niya. "Oo naman. Hindi ako madaling makalimot, eh."
Nawala na rin ang ngiti sa labi ko ang just like that, balik na naman yung kaninang awkwardness sa aming dalawa.
Is it just me o may laman yung sinabi niya?
I tried to shrug it off at pilit ko ulit pina-lighten ang mood namin.
"Anyway congrats! I'm happy for you," sabi ko sa kanya at nginitian ko siya.
He smiled back pero hindi na ito yung katulad ng kanina. Balik na ulit siya sa pilit na ngiti.
Yumuko si Zoren at inilabas niya ang laptop mula sa kanyang bag.
"Bale na-email na naman sa'yo ni Jane ang package namin, 'di ba?" tanong niya without looking at me. Nakapako lang ang tingin niya sa laptop niya.
"Yup."
"Yung Set C ang pinili niyo."
"Yep."
Bahagya siyang tumingin sa akin, "big time!"
Ngumiti lang ako.
Bakit parang medyo sarcastic ang pagkakasabi niya?
"Hindi naman, naisip ko kasi, once lang naman akong ikakasal sa buong buhay ko, 'di ba?" sagot ko sa kanya na medyo nagiging defensive na ako. "So kahit medyo mahal yung package, go lang! At least sigurado na akong maganda yung quality ng output. Why? Tingin mo okay ba yung napili ko?"
"Okay naman siya. Well, syempre kung ako pipiliin mo, magpapaka-practical ako. Sa Set A ako. Mas mura, mas makakatipid."
"Hindi naman sa lahat ng oras, okay ang pagpapaka practical 'di ba? Lalo na sa mga special occasions like this.."
Zoren gave me a meaningful smile, "ah, akala ko kasi practical ka sa lahat ng bagay. Ganun ka kasi dati. Kaya nga ayaw mong araw araw akong tumatawag sa'yo nung nasa Australia ka, sabi mo hindi practical kasi masyadong magastos."
"Zoren--!"
"Edi Set C na lang," he said, cutting me off.
Huminga ako nang malalim and trying my best na pahabain nang bonggang bongga ang pasensya ko ngayon.
"Okay.. bakit? Pag yung set A ang pinili ko, same quality lang din sa Set C?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Basta stick lang po tayo sa goal natin, Miss Ana, I'm sure magiging perfect naman 'to."
I tried my best not to roll my eyes nang i-emphasize pa niya na Miss Ana ang tawag niya sa akin.
"Kaso since gusto niyo ng magarbong cover, edi itong package C ang piliin niyo," dagdag pa niya.
Pilit akong ngumiti pero hindi ko na maitago ang pagkainis ko.
"Bakit mo ba ako laging pinangungunahan? Hanggang ngayon ang hilig mo pa ring gumawa ng desisyon para sa'kin. Like what you said, I've changed. Hindi na basta lang practical ang tinitignan ko ngayon. Gusto ko yung the best para sa kasal namin ni Brian. Ganun naman kasi talaga, 'di ba pag mahal mo? Ibibigay mo ang best para sa kanya?"
Pareho kaming natahimik dalawa. Walang kibuan.
"Ang init ah. Ang init ng singaw dito," sabi niya then tumawag siya ng waiter. "Waiter, penge naman ng water oh.. with ice. Paki-samahan na rin ng onting bilis. Thanks."
Walang lumapit o pumansin na waiter sa kanya dahil lahat ay busy. Ibinalik na lang niya ang tingin niya sa akin.
"So, since you've changed and you want the best not the practical one, then, set C tayo, tama po ba, Miss Ana?"
"Wag mo nga akong sinasarcastic, Zoren. Can you at least be professional?"
"Ano bang ginawa ko?!"
"Yun ang problema, wala kang ginawa," pabulong kong sabi.
I grab my things at tumayo na ako. Hindi ko na siya kayang kausapin o kaharapin.
"Yan. Yan! Diyan ka magaling! Ang mang-iwan."
Napahinto ako at napaupo ulit sa tapat ni Zoren.
"Wait, what did you just say?" I asked while glaring at him.
"Uulitin ko?" panghahamon niya sa akin.
"YES," I answered through gritted teeth.
"Talagang gusto mong ulitin ko pa ah?! Sige, tumayo ka ulit!"
Tinignan ko siya ng masama.
"Ano na? Tayo na. Ulitin natin. Dali na! I-remix pa natin!"
"Ang immature mo, Zoren. How can you act like this? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita!"
Biglang napatawa si Zoren.
"Bakit ano bang ginawa ko? Tsaka sino bang nagsabing gusto kitang makita?" nakangisi niyang sabi. "Ayaw na kita makita, Ana."
Napailing ako, "I can't believe this."
"Ayaw na kitang makita kasi you are the biggest WHAT IF na ayaw ko nang sagutin kahit kailan, dahil masaya na ang buhay ko!"
Napapikit ako while trying to calm myself.
"Wow, ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na magsabi niyan? At ako? Nang-iwan? Really?! Sino ba kasi yung atat na atat magkasyota considering the fact na halos isang buwan pa lang akong nag-aaral sa Australia. How dare you Zoren."
Biglang natahimik si Zoren.
"Bakit hindi ka makakibo ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Edi ako na. Ako na may mali," sabi niya.
"Tinanong kita nang paulit-ulit dati, Zoren. Sabi mo okay lang. Sabi mo you're willing to wait..."
"Kasi nakita kitang masaya. Masaya ka Ana. At kahit alam kong mahihirapan ako, I let you go kasi ayokong maging hadlang diyan sa mga pangarap mo."
Napaiwas ako nang tingin, "you let me go. Pati sa buhay mo pinakawalan mo 'ko. At sa haba nang pinagsamahan natin, hindi ko in-expect na ganun kadali mo lang akong susukuan."
"Maniwala ka, Ana. Ayaw kitang mawala sa akin..dati.. kaso.. kaso.."
"Hindi mo talaga ako kayang antayin," pagtatapos ko sa sinasabi niya.
"Natakot ako, okay? Natakot ako kasi alam kong maraming gwapong foreigner doon. Ano bang laban ko sa kangaroo nila? Maraming mas mayaman doon, mas maabilidad, mas matalino. Yung kayang ibigay sa'yo lahat. Samantalang ako? Nung mga panahon na yun ni hindi ko nga mai-ayos ang buhay ko."
"Sino bang nagsabing yun ang gusto ko?"
"Pero sabi mo pag mahal mo ang isang tao, you want the best for that person. At siguro nga, hindi ako ang the best para sa'yo."
Hindi ko magawang makatingin kay Zoren. Hindi ko magawang sumagot.
For the longest time, lagi kong iniisip kung bakit siya sumuko noon. Kung bakit siya bumitiw.
Pero hindi ko na-realize na nahihirapan din siya.
Masaya ako noong nasa Australia ako. At habang masaya akong pinupursue ang dreams ko, hindi ko na naisip na si Zoren, nahihirapan nang dahil sa akin.
Maybe I'm also not the best girl for him.
"Sorry..." dinig kong sabi ni Zoren. "I'm happy for you, Ana. I'm happy that you are happy."
Napangiti ako sa sinabi ni Zoren at sa isang iglap, nawala lahat ng inis at pagkabitter na dala-dala ko sa mahabang panahon.
"May dala ka bang laptop?" tanong niya sa akin. "I-t-transfer ko lang sana yung files ng mga sample works namin."
"Sure," inilabas ko ang laptop ko at inabot ko sa kanya.
"Under maintenance pa kasi yung site namin, ang daming glitch. Wait lang, ah."
Nakita kong busy na si Zoren sa pag t-transfer ng files doon sa laptop ko habang ako naman, nagkukunwaring busy sa pagpipindot pindot sa phone ko.
"Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat.
Umaawit pa sa hangin't amoy araw ang balat.
Naalala ko pa noon, nagaagawan ng Nintendo.
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento.~"
Natigilan ako nang marinig ko ang kantang pinatutugtog dito sa café. Dati by Sam Concepcion and Tippy Dos Santos.
Kung mangaasar nga naman talaga, parang saktong sakto pa sa amin yung kanta.
Maya maya lang, naririnig ko na si Zoren na sumasabay sa hymn nung kanta hanggang sa sinasabayan na rin niya ang lyrics.
"Oh, sabay manonood ng paboritong programa~" bigay todo niyang pagkanta at itinuro niya ako na para bang sinasabing sumabay na rin ako sa pag kanta.
Napailing na lang ako habang ngingiti-ngiti pero hindi ko siya sinabayan. Hindi pa rin tumigil si Zoren sa pagkanta at kinanta pa ang buong chorus.
Kaso pagdating doon sa rap part, sumabay na ako at napatawa naman nang mahina si Zoren sa akin.
Hanggang sa matapos ang kanta, sinabayan ko siya. At napangiti na lang kami sa isa't-isa.
For the first time, I'm glad na nagkita ulit kami.
Nagkaayos, nagkalinawan.
Nagkaroon ng closure.
Hindi man namin maibabalik ang relasyon na nasira namin, but at least I know, may nabuo ulit na friendship sa pagitan naming dalawa.
- End -
ALY'S NOTE (Please read!!)
Hi guys! Originally, ang story po na ito ay galing sa friend kong si Rayn na isinulat niya as a short film script. Doon sa script, point of view ni Zoren ang ginamit niya. While dito naman sa one shot na ginawa ko, point of view ni Ana ang nabasa niyo.
Gagawin po namin itong short film soon!! I-u-upload namin sa Facebook para mapanuod niyong lahat. Sana suportahan niyo po ito :)
Follow niyo po ako sa Facebook and Twitter, doon ko i-a-announce if up na yung short film!
FB: facebook.com/alyloony
Twitter: iamalyloony
Salamat po sa mga nagbasa! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top