47

February's POV

Nang makita ako ni Sancho ay mabilis siyang naglakad palapit sa akin, nang tuluyan na siyang makalapit ay kaagad niya akong niyakap. Tiningnan niya na rin kung mainit pa ba ako, pero mukhang nakahinga naman siya nang maluwag nang maramdaman niyang hindi na masyado.

"Nasa loob na si mama," pagpapaalam ko sa kaniya pero imbes na tumango o sumagot ay napahinto lang ito.

"Y-Your mother's inside?" tila kinakabahang tanong niya na tinanguan ko naman.

"Oo, bakit? Kinakabahan ka?" natatawang tanong ko na hindi naman niya sinagot. "Halika ka na, excited siyang ma-meet ka." Nginitian ko siya at hinawakan sa kamay saka iginaya papasok sa loob ng bahay namin.

Nang makapasok kami sa loob ay nakangiti kaming sinalubong ni mama. Mas lalo pa nga siyang napangiti nang makita niya si Sancho.

"Ikaw na ba ang manliligaw ng anak ko?" nakangiti ngunit tunog istrikta niyang tanong kay Sancho.

"Yes, ma'am." walang pag-aalinlangan at diretsong sagot ni Sancho sa kaniya.

"Aba, napakaguwapo namang bata nito!" sabat ni tita na kagagaling lang sa kusina.

"Thank you po," nahihiyang sagot ni Sancho kaya natawa ako.

Bigla ring bumaba ang mga pinsan ko sa itaas at halatang namangha nang makita nila si Sancho. Hindi ko rin naman sila masisisi, guwapo talaga si Sancho.

"Halina kayo at kakain na," aya ni mama.

Ngumiti ako kay Sancho saka kami magkasabay na pumunta sa dining area. Bago kumain ay nagdasal na rin muna kami, at habang kumakain ay wala namang tigil sa pagtatanong ang mga tita ko kay Sancho ng kung ano-ano.

"Ano'ng trabaho mo, hijo?" tanong ni mama.

"I'm a pilot po, though the course that I took when I was in college was nursing." magalang na sagot naman niya na tinanguan naman ni mama.

"Bakit ka naman nagpiloto? Bakit hindi iyong kursong kinuha mo ang napili mong maging trabaho?" tanong naman ng isang tita ko kaya napaubo ako.

Sancho immediately gave me a glass of water. Tinanong niya rin kung okay lang ako na tinanguan ko lang naman.

"My mother was a doctor, my father was the same. My sister is a dentist, my brother is still studying in med school. Halos buong family po kasi namin ay nasa medical field kaya nursing po ang kinuha kong kurso, gusto ko rin naman po 'yon, pero gusto ko rin po kasi talagang maging piloto kaya pinagbigyan din po ako ng parents ko," nakangiting saad niya.

"Kaya naman pala, pero sandali lang..." napahinto si mama at tinitigan si Sancho. "Sandra ba ang pangalan ng mama mo?" biglang tanong niya na nakapagpatigil naman kay Sancho.

"Ah... opo," sagot ni Sancho at bahagyang tumango.

"May problema po ba, Ma?" tanong ko pero ngumiti ito at umiling.

"Kaklase ko kasi siya noong nasa high school pa lang kami, naging kaibigan ko rin iyon, nawalan lang kami ng contact sa isa't isa dahil nga sa med school siya at ako naman ay sa law school," pagkukuwento niya.

Nang matapos kaming kumain ay nag-stay pa sa bahay si Sancho, gabi na at katatapos lang naming kumain ng dinner nang magpaalam siyang kailangan na rin niyang umalis.

"Are you sure you're okay now? I'll visit you here again tomorrow," aniya. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

Umiling ako at ngumiti. "Ayos na ako. Huwag ka nang mag-alala," sagot ko na pilit niyang tinanguan.

"Call me if you need anything, darating kaagad ako." Yumakap siya sa akin pagkatapos noon ay inipit niya sa tainga ko ang ilang takas na buhok na humaharang sa mukha ko.

"I love you," bulong niya na sapat na para marinig ko saka niya ako muling niyakap. "If you just knew how long I waited for you, Lavender," dagdag niya pa na nagpagulo naman sa akin.

"I'll go now. Call me, okay?" Tumango ako. When he got inside his car, I waved my hand until he drove away.

Bakit ba sobrang caring mo?! Lalo akong nahuhulog sa 'yo, e!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top