Chapter 8

"Malapit na tayo" Saad ni Tanya. I sense it too.

Nakalabas kami ng kagubatan at sumalubong naman sa amin ang simoy ng hangin na galing sa dagat.

"We're here"

Isa-isa kaming binigyan ni Tanya ng pulseras na gawa ng kaliskis na pinagtagpi-tagpi.

"Gamitin niyo ito para makahinga kayo sa tubig at makapag salita" Sabi pa niya. Lumusong na kami sa tubig at hanggang binti pa namin ito. Iniwan naman namin ang mga bagahi sa lupa.

"Guys, delikado ang lugar na ito. Linisan namin ito dahil ang mga malalaking nilalang sa lugar na ito ay hindi na namin kontrolado kaya kailangan natin magdoble ingat" Paalala ni Tanya. Tumango lang ang mga kasama ko. Sinuot na namin ang binigay niyang pulseras at sabay sabay bumagsak ang aming katawan sa tubig.

Napatingin ako sa paa ko at nagkaroon iyun ng mga kaliskis. It's a gold. Naalala ko naman ang paborito kong damit na sinusuot ko sa lugar ko. Kulay ginto ang madalas na suot ko.

Unti-unting nagdikit ang mga paa ko hanggang sa tuluyan akong nagkaroon ng buntot ng serena.

"Woaaa ang ganda ng buntot mo Chania at mas lalo ka pang gumanda sa awra mo ngayon" Hangang sabi naman ni Zap. Lahat na rin sila may mga buntot. Magaganda din ang mga kulay ng buntot nila. Kumikinang din.

"Be safe guys" Napagpasyahan na naming lumangoy na pababa. Kitang kita ko kung ano ang meron sa ilalim ng tubig.

Napatingin ako sa mga kasama ko na ngayon ay may seryosong mga mukha. Napatuloy kami sa pag langoy. Hindi na kami masyadong nagpapailalim dahil nasa taas ng tubig naman ang pakay namin.

Mas mabuti na din ito para hindi kami makakaagaw ng atensyon sa kung ano man ang meron sa dagat na ito. Ilang minuto na din kami sa paglangoy at huminto nalang kami nang sumenyas si Hayden na tumigil. Agad akong naglibot ng tingin. May nahagip sa mga mata ko na isang nilalang na dumadaan.

Abigail clung to my arm. She is scared.

"Be ready. There's something approaching" Hayden said. We composed our selves to get ready.

"Ilag!" Sigaw ni Tanya at may malaking galamay naman ang humampas sa gawi namin, mabuti't agad kaming nakailag.

"Pugita" Bulalas ni Tanya. Nilabas nila ang kanilang mga espada.

Muling umatake ang pugita at sabay sabay nilang iwinasiwas ang mga espada nila. Muntikan naman akong mahagip ng galamay dahil dumadami ang bilang nito.

Lumangoy ako upang hanapin ang ulo ng pugita. Napadaing ako at tumalsik dahil natamaan ako ng galamay. Napasuka ako ng dugo.

"Chania!" Tawag nila sa akin. Kinalma ko ang sarili upang makabawi. Pumikit ako at pinakiramdaman ang sarili. Naramdaman ko namang may kung anong tumubo sa buntot ko. Nagdilat ako at namangha ako dahil tumulis ang bawat gilid at pinakahuling parte ng buntot ko.  Humaba din ang mga ito.

Agad akong naalerto nang may papalapit na galamay. Nang nakalapit na ito sa akin agad kong ipiniksi ang buntot ko at nahiwa ko ito ng ganun kadali.

Umitim ang tubig kaya hindi ako masyadong nakakita. Hindi ko din makita ang mga kasama ko dahil medyo marami rami na din silang naputol na galamay kaya nagkalat ang likidong itim ng pugita sa tubig.

Lumangoy ako at tinalasan ang pakiramdam. Agad akong bumaliktad at ikinumpas ang buntot. Narinig ko naman ang pagungol ng pugita. Natamaan ko ang ulo niya.

Mas lalo itong nagwala.

"Chania!" Napatingin ako kay Tanya.

"We need to hurry, may papalapit na namang ibang nilalang" Nahihirapan itong magsalita dahil sa natamo niya.

Agad kong hinarap ang pugita na ngayon ay medyo nakikita ko na. Huminga ako ng malalim at pumikit. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at ikinumpas ko ito na pabilog. Naramdaman ko namang nakontrol ko na ang buhay ng pugita. Marahas akong umikot at marahas kong pinagdikit ang mga kamay ko. Inikot ikot ko ang dalawa kong kamay at marahas pinag hiwalay kasabay ng pagsabog ng ulo ng pugita. Kinalma ko ang sarili at nilingon si Tanya.

"Woaa awesome!" Bulalas niya.

"Saan ang iba?" Tanong ko. Tinuro naman niya ang unahan. Lumangoy kami ng sabay at natagpuan na namin ang iba.

Agad naming nilisan ang parte ng dagat na iyun. Habang lumangoy ako pasimpleng lumapit si Hayden sa akin.

"How are you?" Tanong niya.

"I'm fine" Sagot ko naman ng di siya nilingon.

"You spitted a blood earlier" Usisa pa niya. Bored ko siyang nilingon.

"I'm fine, okay? Don't bother me" Taboy ko sa kanya at sumabay sa paglangoy kay Abigail.

Nangunot ang noo ko at napahinto, ganun din ang mga kasama ko. May kung anong kuryente sa unahan. Maraming kuryente.

"Guys be ready! Those are Eels!" Sigaw naman ni Tanya. Napasinghap ang ibang kasama ko dahil napakarami nila. They are approaching us.

Agad akong gumawa ng barrier para sa sarili ko. Ganun din ang iba. Tuluyang nakalapit sa amin ang mga igat.

Bahagya akong napaatras dahil sa pwersang bumundol sa barrier ko. Pinilit naming lumangoy ngunit napapabalik lang din kami, their number seems endless.  Napakarami nila.

"Guys! Humihina na ang barrier ko!" Sigaw ni Zap.

"Mine too!"

"We're gonna die" Nagpapanic naman si Elizabeth.

"Keep moving!" Sigaw ni Hayden. Naglabas ulit ako ng energy para sa barrier ko.

Nakita kong nagpalabas ng tatlong kapangyarihan si Hayden. Biglang lumaki bigla ang barrier niya at tumalsik ang mga igat na nasa harapan niya. Nauna siya sa amin kaya kaunti lang ang nakalusot na igat sa gawi namin. Naglabas ng isa pang kapangyarihan si Elaiza at biglang umiilaw ang barrier niya.

The eels seems scared of the light. Agad silang nagsilihis ng dinadaanan.

"Elaiza! Your power is working!" Sigaw naman ni Tanya.

At last, we can now move. Nagpatuloy kami sa paglangoy. May iilan pang igat ang naligaw sa gawi namin ngunit agad din namin iyung nalagpasan.

Di pa din natapos ang bilang ng mga igat, kahit papa'no nakakalayo na kami sa kung saan kami kanina.

Napasinghap kami sa gulat nang may malakas ng kuryente ang umatake sa barrier ni Elaiza at agad nawala ang barrier niya.

"Shit" Mura ng kasamahan ko. Napatingin ako sa unahan. Tumiim ang bagang ko dahil sa mga malalaking igat na nag-produce ng malalakas na kuryente.

Muling dumikit sa amin ang mga maliliit na igat. Hindi namin kayang manlaban dahil masyado silang magkadikit-dikit. Huminga ako ng malalim. Ginamit ko ang kalahating pursyento ng lakas ko. Agad lumaki ang barrier ko, pati mga kasama ko nasa loob na ng barrier ko. Bawat igat na dumikit sa barrier ko ay naglaho nalang at tanging mga dugo nila ang naiwang bakas.

"Woaa so amazing!" Napapalakpak si Zap sa nasaksihan. Nanatili akong naka-focus sa barrier ko. Nagpatuloy kami sa paglangoy at kahit mga malalaking igat walang lusot sa ginawa kong barrier.

Nakahinga kami ng maluwag dahil nalampasan na namin ang mga ito. Agad kong winala ang aking barrier. I feel a little bit exhausted.

"Your power is amazing" Napatingin naman ako kay Haxen. Ngayon lang ito lumapit sa akin.

"Yours too" Sabi ko nalang. Nangunot ang noo ko dahil namula ang pisngi niya.

"You know what, I find you different from everyone else. I hope we can be friends" He genuinely said.

"O-okay" Medyo nakaramdam naman ako ng pagka-ilang sa ngiti niya.

"Oh man, do you like Chania?" Singit naman ni Calex. Binatukan naman siya ng kaibigan niya.

"I'm just being friendly here Bro. Fuck off" Taboy naman ni Haxen sa kaibigan.

"Haxen, Calex. Stop talking, stay focus. We're in a serious situation" Saway ni Hayden mula sa unahan. Salubong ang mga kilay nito.

May naramdaman naman akong mabigat na presensya at agad ko ding nalaman kung saan nanggaling. Masama ang tingin sa akin ni Elizabeth habang nakakuyom ang mga kamay. Binaliwala ko nalang ito.

Lumangoy pataas si Hayden kaya sumunod na rin kami. May nakita naman ako sa itaas na mga ugat. Nangunot ang noo ko. Sa dami ng ugat nagdikit dikit na ito. Pagdating namin sa itaas saka lang namin nalaman na isa pala itong bahay na nakatungtong lamang sa mga ugat. The house looks old, too gloomy.

"I think we're here" Saad ni Tanya. Kumapit kami sa mga ugat at tinanggal namin ang mga pulseras. Bumalik sa normal ang mga paa namin.

Tumungtong kami sa ugat. Mabigat ang atmospera ng lugar na ito.

"Tao po?" Pasigaw na sabi ni Tanya. Walang sumagot kaya bahagyang tinulak ni Calex ang pinto.

"Bukas" Bulalas niya. Nangunot ang noo ko. Alam kong nandito lang siya, nararamdaman ko. The door is open seems like she's expecting a visitors.

Nakapasok kami ng bahay at agad din kaming naglibot ng tingin. Kung titignan mo ang bahay parang walang nakatira dahil masyadong tahimik at medyo madilim.

"This house is creepy" Naging bulalas ni Abigail.

"Guys may nakita ako sa sulok na iyun" Naagaw ang pansin namin sa sinabi ni Zap.

"I want to get out of here. This place is disgusting" Naririnding bulalas ni Elizabeth.

Lumapit kami sa tinuro ni Zap at nakita namin ang maliit na silid na puno ng mga boteng may laman na mga halamang gamot. Meron ding mga insekto at kung ano pa.

"Alam niyo ba ang pinasok niyo?!" Napaigtad ang ibang mga kasama ko dahil sa boses na dumadagundong sa buong bahay kasabay nito ang pagihip ng malakas na hangin.

Napalingon kami sa entrance ng bahay at nakita namin ang matandang babae. Itim na kulot ang buhok, buhaghag ito at may mga nakadikit pang halamang dagat. Ang pangit niya.

"Ikaw ba si Veronica?" Tanong ni Elaiza.

"Wala kayong makukuha sa akin." Hindi pa nga namin sinabi ang pakay namin parang may alam na ito.

"Kung ganun alam mo na ang pakay namin dito?" Tanong ni Elizabeth.

"Tama ngunit isang pagkakamali ang pagpunta niyo dito" Tugon ni Veronica.

"Ano ba ang purpose mo sa mundong ito Veronica?" Pabalang na tanong ni Tanya.

"Tapos na ako sa mga tungkulin. Hindi na ako magpapagamit pa" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Sa pananalita niya, mukhang may hinanakit ito.

"Matatapos lang ang tungkulin natin dito sa mundo ito pag patay na tayo Veronica" Makahulugang sabi ni Tanya.

"Matagal ko ng tinalikuran ang tungkulin ko kaya umalis na kayo" Diin nitong sabi at may pagbabantang tingin.

"Tinalikuran? Hindi ako naniniwala. You forsake your role but I can still sense your power, your ability. How can you explain that to me Veronica?" Singit ko habang naglalakad papalapit sa kanya ngunit hindi ko ito tinuunan na pansin dahil nakatuon ang pansin ko sa mga dingding na may mahika.

Nilingon ko siya at ngumisi. Nanlaki ang mga mata niya.

"I like your place, too dangerous"

"Umalis na kayo!" Bigla siyang nagwala kaya nataranta ang mga kasama ko. Lumakas ang ihip ng hangin at napahawak nalang ako sa dingding. Napangiwi ako dahil sa sakit. Ang bahay na ito ay nabalutan ng mahika.

"OMG!" Napasigaw ang mga kasama kong babae dahil biglang umikut-ikot ang bahay.

"Guys let's get out of here!" Suhestiyon ni Elizabeth. Wala din silang nakakapitan dahil apektado din sila sa mahika ng bahay na ito.

"No! We should stop her" Sigaw ni Tanya.

"Veronica! Kumalma ka! Ayaw namin ng gulo, gusto lang namin ang tulong mo!" Sigaw ni Elaiza.

"Umalis na kayo kung ayaw niyong masaktan!" Pagbabantang sabi ni Veronica.

"Stop this shit bitch" Nangangaliiting sabi ni Hayden at mukhang nawalan na ito ng pasensya dahil binato niya ng fire ball si Veronica. Agad tumigil ang hangin kasabay ng pagbagsak ng Oracle sa sahig.

"Lubayan niyo ako" Nanghihinang sabi nito. Nilapitan ko siya.

"Bakit napakatigas ng ulo mo Veronica?" Taas noo kong tanong dito.

"Dahil kinamumuhian ko silang lahat. Natamay ang pinakamamahal kong anak dahil sa sinasabi niyong tungkulin. Simula sa araw na iyun nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magpapagamit sa kahit sino" Puno ng hinagpis niyang sabi.

"Tumayo ka Veronica, may pupuntahan tayo" Utos ko sa kanya.

"Hindi. Hindi. Ayukong sasama sayo" Para naman itong natakot sa akin kaya sapilitan ko siyang tinayo at agad akong nagteleport sa labas kasama siya. Mabilis akong nakagawa ng portal at agad din kaming pumasok.

"Tama nga ang kutob ko. Hindi ka isa sa kanila" Saad niya at nagsimulang nagpupumiglas.

"Wag mo kong ginagalit Veronica. Alam kong alam mo na isa akong delikadong nilalang. Sumunod ka lang sa akin kung ayaw mong mabulok dito. Nakakasigurado akong magugustuhan mo ang surpresa ko para sayo" Seryoso kong sabi dito. Tumahimik naman siya.

Dinala ko siya dito sa Asphodel. The Asphodel Meadows was the realm of the underworld where the majority of the deceased would end up. The region of indifference, where those who had lived neither an overly good nor an overly bad life would end up. 

The underwold has three different realms, the Tartarus, the Asphodel Meadows and Elysium.

Tartarus is the deepest realm of the underwold, normally associated with hell, and the area where punishment and imprisonment was undertaken.

While the Elysium, the realm where mortals were supposed to aspire to. This realm most closely associated with paradise. Elysium is the home of heroic, who ends life for life. Inhabitants of this realm would spend an eternity of pleasure free from work and strife.

"Anong lugar ito?" Tanong ni Veronica. Naglibot ako ng tingin sa mga kaluluwang palutang-lutang lang sa buong sulok ng lugar.

"Nandito tayo sa lugar kung saan ang kinalalagyan ng tinutukoy mong mahal mo sa buhay" Wika ko. Nanlaki ang mga mata niya at di makapaniwala itong tumingin sa akin.

"Gagawin ko ang gusto niyo. Tutulungan ko kayo, bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mayakap siya" Tumulo ang mga luha nito sa mga mata at nangungusap na nakatingin sa akin.

"As you wish"

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top