Chapter 7

Kinabukasan nagising ako sa mga boses ng mga nagiensayo sa labas. Lumabas ako ng terrace at nakita ko sa ibaba ang mga kawal. Pinamunuan ito ni Hayden.

Nasa harapan naman si Elizabeth kasama ang isang tagapagsilbi na may bitbit na payong. Nanununod siya sa ensayo. Naningkit ang mga mata ko nang napatingin si Hayden sa gawi ko. Huminto pa ito kaya nakatingin na din sa akin si Elizabeth. Kumulimlim ang mukha nito na parang gusto na akong sugurin sa inis.

Napasinghap ako nang biglang lumitaw si Hayden sa aking tabi. Muntikan akong mawalan ng balanse nang napaatras ako sa gulat ngunit agad din niya akong niyapos. Magkalapit na ang aming mga mukha. I gulped several times.

"Good morning" Namamaos niyang bati sa akin halatang galing sa ensayo. Napakurap ako at agad lumayo sa kanya. I composed myself and our eyes met.

"W-what do you want?" My voice stuttered for freaking hell.

"You look more beautiful when you are newly awake" He said while staring at me intently. Napasinghot ako at naglihis ng tingin. Nakita ko naman si Elizabeth na parang kay bigat ng hakbang niya papasok.

"Leave me alone Prince Hayden" Turan ko at nakahugot naman ako ng katapangan para harapin ang titig niya na ngayon ay parang naglagablab ng apoy. I gulped. The fuck, I hate him for making me like this.

"You're in my place, I can go wherever I want" Pagmamatigas pa niya at pumasok pa ito sa silid ko. Napanganga nalang ako. He is stubborn. I followed and he is now sitting on the top of my bed.

"I'm not accepting any visitors Prince Hayden so please leave. You're invading my privacy" Seryoso ko itong tinignan.

"And I'm not accepting whatever your thoughts" Tumiin ang bagang ko dahil sa sagot niya. Tumayo ito at lumapit sa upuan ng aking desk. Umupo sa doon.

"The hell?! Can you please leave? Maliligo ako" Taboy ko pa din sa kanya.

"Then go, let me rest here for awhile" He said and he crossed his arms to his broad chest. He closed his eyes that made me more irritating.

Nagdadabog akong kumuha ng damit at pumihit sa banyo. Naligo nalang ako para lumamig din ang ulo ko.

Pagkatapos, lumabas ako ng banyo habang tinutuyo ang buhok ng tuyong tuwalya ngunit napatigil nalang ako nang may biglang umagaw rito at siya na mismo ang nagtutuyo sa buhok ko. Napatitig ako sa kanyang mga mata. His eyes are really captivating.

I gulped when our eyes met. Parang nagslow-mo ang paligid nang unti-unti niyang nilapit ang mukha niya. As his lips touched mine my eyes widened. Agad umakyat ang dugo ko sa ulo at walang pagatubili ko siyang sinuntok sa sikmura.

"Fuck" Malutong siyang napamura at napayukob.

"Kahit kailan magnanakaw ka talaga. Huh! Deserve" Agad ko siyang tinalikuran ang lumabas ng kwarto na walang suklay ang buhok.

Pagkalabas ko may biglang humigit naman sa buhok.

"Ikaw! Anong ginagawa niyo sa loob? Huh!" Napangiwi ako at marahas kong tinanggal ang kamay niya sa buhok. I gritted my teeth. Dumilim ang paningin ko sa babae at marahas ko siyang hinawakan sa braso.

"Hoy desperadang babae hinay hinay ka sa pananalita mo. I could easily vanish you existence so don't consume my patience" Talim kong sabi sa kanya at nakita ko naman sa kanyang ng mata ang takot. Marahas kong binitawan ang kanyang braso at tumalikod.

Nakarating ako sa waiting room at nadatnan ko naman ang ibang kasama ko na nakahanda na sa pag alis.

"Oh my God Chania what happened to you?" Agad naman akong nilapitan ni Abigail at inayos ang buhok ko.

"Ms. President kahit magulo ang buhok niya maganda pa din kaya don't be OA" Singit naman ni Zap. The boys just chuckled.

"Where's kuya?" Tanong ni Elaiza. I just shrugged. Nakita naman naming bumaba si Hayden habang si Elizabeth naman nasa likod niya na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Poor bitch" Bulalas ni Zap. Tinapos namin ang misyon sa Frenhill at nagpapaalam na din kami sa Hari at Reyna.

"Di tayo gagamit ngayon ng portal dahil baka mapunta tayo sa ibang lugar. We need to reach the waterous with our feet" Saad naman ni Elaiza dahil siya ang may kakayahan na gumawa ng portal. Sumang-ayon nalang kami at nagsimulang na kaming naglakbay.

Pagkalabas namin sa lugar ng Frenhill awtomatik na alerto kami sa paligid dahil pagala gala na ngayon ang mga kalaban. Hindi pa kami tuluyang nakalayo ay sinalubong na kami ng mababangis na lion na kulay itim ngunit berde ang mga mata.

"Iww they are so gross" Bulalas ni Zap. Masyadong mahahaba ang mga pangil nila. Apat silang lahat.

"Raaawwrr" Umalingawngaw ang boses nila na parang naguusap usap ang mga nito.

"Get ready" Saad ni Hayden. Inihanda namin ang mga sarili.

Napatigil ako nang may naramdaman pa akong isang presensya ng nilalang. Agad akong lumingon at nakita ko ang napakalaking lion. Kulay itim ito. May dalawa siyang sungay sa noo niya.

Matapang ko itong hinarap. Nagsimula namang umatake ang apat na lion sa mga kasama ko. Napasinghap ako nang tumalon ang dambuhalang lion sa aking harapan. Sasakmalin na sana ako nito ang may biglang humigit sa akin.

"Stupid" Bulalas ni Hayden at hinigit niya ako sa kanyang likod. Nilabas niya ang kanyang sword flame at hinanda ang sarili. Muling umatake ang lion at mabilis namang tumihaya si Hayden habang nakataas ang kanyang espada. Agad naman akong tumalon sa ere at nagpakawala ng bolang itim. Ibinato ko ito sa lion at bumagsak naman ito sa lupa. Yumanig ang lupa sa lakas ng impact dala sa mabigat nitong katawan. Agad akong bumaba sa lupa at muling hinanda ang sarili.

Mabilis nakabawi ang lion at umatake muli ito sa amin. Nagpalabas naman ng ice spike si Hayden at mga baging. Agad pumulupot ang mga baging niya sa paa ng lobo kaya napaluhod ito sa lupa.

"Raawwwrr!" Nanalaki ang mga mata ko nang biglang humaba ang mga buhok nito sa ulo at naging matulis. Pinag hagis ng lion ang buhok niya sa ere. Kamuntikan aking mahagip sa matulis nitong buhok ngunit agad akong tinulak ni Hayden kaya bumagsak kami ng sabay. Napalunok ako dahil sa hininga niya sa leeg ko. He even sniffed my bare skin.

Agad ko siyang tinulak at mabilis tumayo. Sinapak ko siya kaya napahawak siya sa pisngi niya. Tinalikuran ko siya at hinarap ang lion na ngayon nagwawala na dahil hindi ito nakawala sa mga baging. Agad akong tumalon nang hinampas na naman ako nito ng kanyang matulis na buhok. Kinontrol ko ang puno at bumagsak ito sa katawan ng lion. Napahiyaw naman ito at alam kong nasaktan ito ng husto. Sunod sunod ko itong binato ng dark ball kaya naligo ito sa sariling dugo.

Bumubuo ng malaking fire ball si Hayden at binato niya ito sa mismong bibig ng lion. Sumabog ang ulo nito at tuluyang nagilitan ng buhay.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Hayden. Tinaasan ko siya ng kilay at lumihis ng tingin. Nakita ko namang nagapi na din ng mga kasama namin ang iba pa.

"Good job!" Usal ni Zap at nag high five sila ni Abigail.

Nagpatuloy muli kami sa paglalakad.

"Babe I'm tired" Reklamo ni Elizabeth kay Hayden. Ilang oras na din kasi kaming naglalakad sa masukal na gubat. May naencounter na din kaming ibang nilalang. Alam kong nakaramdam na din ang iba ng pagod, gayun din naman ako.

"Okay, let's take rest for awhile" Dahil sa sinabi ni Hayden nakahinga ng maluwag ang mga kasama ko. Kanya-kanyang kaming naghanap ng mauupuan.

Pumunta ako sa unahan para mapag-isa. Nilibot ko ang paningin. Wala naman akong nararamdamang masamang presensya kaya umupo ako sa malaking ugat ng puno.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakainom na ako ng tubig.

"Why are you here? You should stay with us" Napalingon naman ako sa likod. Gusto ko namang irapan 'to. Aso ba to? Panay buntot, nakakainis.

"Pwede ba lubayan mo ko?" Naiiritang sabi ko.

"I won't" Disidido nitong sabi.

"Ang kulit mo din noh?"

"I don't care" Tuluyan akong napairap dahil sa katigasan ng ulo niya.

"Whatever" Tumayo nalang ako para umalis ngunit agad naman niyang nahawakan nag braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Why you're always being rude on me?" Nangungusap ang mga mata niya kaya napakurap ako. Ngunit lumitaw naman sa akin ang memoryang hinding hindi ko nakakalimutan. Iwinaksi ko ang kamay niya.

"Because I hate you" Diin kong sabi at iniwan siya.

Naglalakad-lakad kaming dalawa ni Chichi sa isang gubat. The place is too magical. Namamangha ako sa mga bulaklak at mga berdeng dahon.

"Chichi someday, maninirahan ako dito. Ang ganda ng tanawin nila" Kausap ko sa alaga kong lubo. Nakasakay ako sa kanyang likod dahil medyo malaki si Chichi atsaka bata pa ako.

Napahinto kami nang nakasalubong namin ang isang matandang lalaki. Bahagyang umatras si Chichi na parang aatakihin niya ang kaharap namin ngayon kaya kinabahan ako. Nagpalabas ng kapangyarihang tubig ang matanda.

"Wag po, di po kami masama. Nagliwaliw lang kami ni Chichi. Ayaw po namin ng away" Awat ko at umiling-iling. Unti-unti namang kumalma ang matanda ngunit laking gulat ko nang may umatakeng bulang apoy sa aming dalawa. Tumalsik kami ni Chichi.

Agad naman kami nakabangon. Nanlaki ang mga mata ko nang inatake agad ni Chichi ang matanda.

"Wag chichi!" Huli na nang inawat ko dahil napatay na niya ang matanda. May batang lalaki naman ang humarap sa amin. Nandilim ang paningin ko sa kanya.

"Intruders! The both of you are bad, pinatay niyo ang matanda" Bulyaw niya pa sa amin.

"Hindi! Ikaw ang may kasalanan! Ginalit mo si Chichi! Pagbayaran mo ang ginawa mo!" Balik kong sigaw dito at ko inatake siya ng bolang itim. Natamaan ko ito at tumalsik siya sa puno. Agad akong nanghina. Hindi ko pa masyadong kontrolado ang kapangyarihan ko, sa tuwing gagamit ako nito ilang porsyentong lakas ang mawawala sa akin. Pinilit ko ang sariling tumayo ng maayos kahit nanghihina na ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang nagsimulang nagwawala si Chichi. Sinasaktan niya ang sarili, aatakihin na niya sana ang batang lalaki ngunit agad nag-aapoy ang katawan ng batang lalaki at binato niya si Chichi ng apoy na kinatalsik ng alaga ko.

"Wahhhh Chichi!" Bumagsak ito sa lupa. Agad ko siyang dinaluhan. Huli kong nakita ang berde niyang mga mata na pinagtataka ko. Hindi berde ang mga mata niya.

Napahikbi nalang ako sa nangyari.

To be continued....

: Rainies kung may makita man kayong typos pagpasensyahan niyo na. Saka ko nalang iedit. Thank you! Hope you enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top