Chapter 5
As I expected, kumalat ang balita sa nangyari ng apat na kaharian. Habang naglalakad ako sa pasilyo maraming estudyanteng lumuluha at napatakbo sa kung saan. Nakita ko naman si Grazil sa tabi na humihikbi. Nilapitan ko siya.
"What's the matter?" I asked. Napatingala siya at sumalubong naman sa akin ang luhaan niyang mga mata. I feel pity.
"My family. P-patay na sila" Nahirapan niyang sabi at napahagulgol ito. I tapped her back. I didn't speak. I know how it's hurt.
Maya'y maya huminahon ito at nagpunos ng mga luha. Nakatingin ito sa unahan habang nakayukom ang mga kamay.
"I'll revenge their death. I will turn them down" Puno ng galit niyang sabi. Napahugot ako ng hininga dahil sa enerhiyang nananalaytay sa dugo ko. I gained more energy and power. Because I'm alive, anger and madness will not depart from every person.
"Ms. Chania?" Napalingon ako sa tumawag. It's Abigail.
"What is it?" Seryosong tanong ko.
"Pinapatawag tayo ni HM" Saad niya. Nangunot ang noo ko. Nauna siyang naglakad kaya sumunod nalang ako.
Nakarating kami sa office ni HM at nadatnan namin ang mga Royalties. Si Zap at yung babaeng mapang angkin na ngayon nakalingkis na sa braso ni Hayden.
"Mabuti at kumpleto na kayo" Bungad ni HM sa amin. Umupo kami ni Abigail sa bakanteng upuan.
"Tinawag ko kayo dahil sa magiging misyon. Sa nangyari kahapon kailangan na nating bilisan ang ating mga hakbang. Naging agresibo na sila kailangan na nating kumilos" Pahayag ni HM.
"What is that mission? At bakit kasali sila?" Takang tanong ni Elaiza.
"Dahil sila ang nanalo sa naging palaro. The game happened for purpose. Ang misyon na ito ay kailangan ng dagdag na myembro. Isa itong napakahalagang misyon ngunit bago yun magtungo kayo sa limang na palasyo at siguraduhing ligtas sila. Mas patibayin ninyo ang mga barrier" Saad ni HM.
"So what's really the mission?" Naiiritang tanong ni babaeng mapang angkin.
"Easy Ms. Elizabeth. Your mission is to find the key. Ang una niyong puntahan ang oracle na nagngangalang Veronica. Dalhin niyo ang libro at ibigay sa kanya" Napakunot ang noo ko sa sagot ni HM.
"What?! Diba't mahirap siyang pasunurin? She's independent. Nabasa ko lang siya sa libro ni mukha niya di ko nakita. At isa pa di namin alam kung saang lugar ang tinitirhan ng bruhang iyun" Nairitang reklamo ni Elaiza.
"Matatagpuan niyo siya sa pusod ng karagatan, sa Waterous" Seryoso turan ni HM.
"Seriously? That's impossible, akala ko wala ng nanirahan dun. Nilisan na iyun ng mga taong tubig dahil naging mapanganid ang lugar na iyun pero bakit nandun siya?" Nagtatakang tanong ni Haxen.
"Ayun ang akala natin, dahil isa siyang independent di siya ginalaw ng kalaban kaya kailangan niyong paamuhin siya sa kahit anong paraan. Wag kayong babalik hanggat't di niyo nagawa ang misyon. Nakasalalay sa inyo ang kaligtasan ng lahat" Ayun ang huling salita ni HM at pinalabas na niya kami ng office niya. Naguguluhan ako sa mga sinabi nila. I really don't have idea. Tama pala ang hinala ko, that game has purpose.
Bukas na bukas din aalis kami para simulan ang misyon kaya maaga kaming nagpahinga. Nakapag handa na din ako sa mga kailangan kong dalhin. Maaaring matagal kaming makabalik kaya may kalakihan na bag pack ang dala ko. Nagdala na din ako ng mga kakainin ko. Kung maubusan man. The nature will provide us.
Kinabukasan maaga akong nagising. Four o'clock pa lang gising na ako at naghanda na. Magkita kita raw kami sa tarangkahan. Umalis na ako at nadatnan ko naman silang kompleto na ako nalang pala ang inaantay nila.
"Bakit ang tagal mo? Daig mo pa ang mga prinsesa" Masungit turan ni Elizabeth. Di ko kang ito pinansin baka mapagtripan ko pa ito.
Bigla namang lumitaw sa HM sa harapan namin na may seryosong mukha.
"Sa mga bagong myembro ng Royalties ito ang pinaka unang misyon at maaaring maging huli niyong misyon. Gawin niyo ang lahat para magtagumpay kayo. Prince Hayden, ikaw ang inaasahan kong manguna sa tagumpay ng misyon na ito. Mag-iingat kayo" Aniya ni HM. Pagkatapos nun nilisan na namin ang Akademya. Para kay dali ng panahon. Kasali na ako sa mga misyon nila. Sabagay, ako lang naman ang bagong estudyante at isa pa kailangan na nilang bilisan ang mga hakbang.
Gumamit kami ng portal para makarating sa unang kaharian na pupuntahan namin. Dito ako napadpad kahapon. Delivia kung tatawagin.
Naglakad kami sa gitna ng bayan na ngayon medyo nakaraos na. Nagbulungan naman ang mga tao sa pagilid.
"Ang mga Royalties"
"May bago silang mga kasama, nakakatuwa"
Napahinto ako nang may humawak sa kamay ko. Nagbaba ako ng tingin at nakita ko ang paslit na humingi sa akin ng tulong kahapon. He recognized me. Marahil nakita niya ang mukha ko.
Ngumiti ito ng matamis at nag-abot ng magandang bulaklak. Napangiti ako ng kunti at ginulo ang buhok niya gamit ang kamay ko. Tumakbo ito paalis kaya nagpatuloy na rin ako sa paglalakad.
"Bawat kaharian magkahalo ang mga naninirahan hindi gaya noon may kanya kanyang kaharian ang iba't ibang uri ng mages. Maraming nagbago dala ng mga kasukang nangyari" Malungkot na saad ni Abigail.
"Bakit kailangan nilang magsama-sama?" Tanong ko.
"Para mas matibay sila. Kaya limang kaharian nalang ang natitira ngayon" Maikling paliwanag niya. Mabuti't nagkaisa sila.
Nakarating kami sa tarangkahan ng mismong kastilyo at agad naman kaming pinagbuksan ng tagabantay. May kampana naman ang tumunog.
Pumasok kami sa loob at namangha ako sa ganda ng kastilyong ito. Halos mapanganga ako sa rangya ng paligid hanggang sa makapasok kami sa loob. Yumukob ang lahat ng nadadaanan naming tagasilbi at mga tagabantay.
Dumiretso kami sa isang malawak na silid. May nakita naman akong lalaki at babae na nakaupo sa magandang trono. May batang lalaki sa gilid nila. Nang nakarating kami sa harapan nila. Yumukob ang mga kasama ko. Should I do that too?
Napayukob na din ako dahil may biglang humigit sa kamay ko pababa. Nasa gilid ko pala si Hayden.
"Greetings your highness" Sabay sabay nilang bigkas at tumayo na kami ng maayos.
"Nagagalak akong makita kayo" Nakangiting turan ng Hari. Medyo may edad na din ito ngunit halatang may hitsura at malakas pa din ang karisma.
"Siya si Haring Parker at si Reynang Lucy. Ang anak nila ay si Prince Illacer"
"Mom who is that girl?" Singit ng batang lalaki at tinuro ako. Nangunot ang noo ko. Ngumiti lang ang reyna at tumingin sa akin.
"Ano ang pangalan mo binibini?" Tanong ng reyna sa akin.
"Chania" Sagot ko.
"Mom I want to marry her" Nagulat naman ang reyna sa sinabi ng anak niya.
"Seriously son? Ang bata mo pa para magpakasal. Di mo pa nga alam kung paano paliguan ang sarili mo" Kantyaw ng reyna na kinabusangot ng bata.
"Pag-aralan ko" Determinadong turan ng bata. Napahagikgik naman ang ibang kasama ko.
"Bakit kayo naparito Royalties? May bago yata kayong myembro" Tanong ng Hari.
"Nandito kami para siguraduhin ang kaligtasan ng inyong kaharian your highness. Kailangan naming patibayin ang barrier para hindi muling mangyari ang nangyari kahapon" Magalang sabi ni Elaiza. Ngumiti naman ang hari.
"Hindi na kailangan, ang barrier na nag puprotekta sa'min mula sa labas ay kasing tibay na ito ng bato. Kahit nahihiwagahan kami ay nagpapasalamat nalang sa kung sino man ang gumawa" Tugon ng Hari.
"You don't have idea?" Hayden asked.
"Wala. Marahil busilak lamang ang kanyang puso" Nakangiting singit ng reyna. Busilak nga ba ang aking puso?
"Kung ganun pupunta na kami sa susunod na kaharian. Paumanhin ngunit kailangan naming magmadali sa mga hakbang namin. Hindi ito ang totoo naming misyon" Sabat naman ni Tanya. Pumayag naman ang hari at reyna kaya nilisan na namin ang Delivia.
Sunod naming pinuntahan ang Entrinia kingdom. Nakakamangha ang lugar nila. May makikita kang punong buhay ngunit may makikita ka ding yelong puno. Masigla ang paligid na parang walang nangyari. Nakarating kami ng kastilyo at mainit kaming tinanggap ng Hari na si Kade at Reynang Sophie.
"Feel at home guys" Saad ni Haxen pagkatapos niya kaming dinala sa kanya kanya naming kwatro.
Dumating ang gabi. Tinawag na kami ng isa sa mga tagasilbi para kumain kaya ito kaming lahat nasa mahabang hapagkainan.
"Prince Hayden. May relasyon ba kayo ni Elizabeth?" Kuryusidad na tanong ng Reyna. Ngiting ngiti naman si Elizabeth na parang mapupunit na ang labi sa lawak ng ngiti niya. Parang gusto ko namang umismid.
"Nothing" Naitikom ko ang bibig para mapigilang mapatawa. Poor Elizabeth.
Para na itong napilitan ngumiti. May sakit at hiya sa mga mata niya. Napailing-iling ako. Serve that. Masyadong ambisyosa kaya ayan ang napala.
"Really? Bakit naman? Kung sakaling kayo magkatuluyan maganda at gwapo ang lahi niyo" Giit ng Reyna. Lumukot ang noo ko. Di ko nagustuhan ang sinasabi niya.
"Ikaw Chania, may gusto ka ba sa mga prinsepe? What about my son?" Napakurap ako sa tanong ng Hari.
"Wala pa sa bukabolary ko ang bagay na iyan your highness" Naiilang kong tugon.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang natapos kaming kumain. Nandito ako ngayon sa terrace. Naka night dress na kulay white. Napayakap ako sa sarili sa lamig ng temperatura. Magandang tignan ang bayan mula dito lalo na yung mga punong yelo na kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng buwan.
"They like you" Napaigtad naman ako sa taong biglang nagsalita sa bandang gilid. Agad ko itong nilingon.
"Why are you here Prince Hayden?" Pilit kong pakalmahin ang tono ng boses ko.
"They likes you not knowing who really you are" Malamig niyang turan.
"It's none of your concern" Tiim-bagang kong sabi. Napaatras ako nang humakbang ito papalapit sa akin hanggang sa napasandal ako sa matigas na bagay.
"I saw you last night. Dark user? Should I say a spy?" Agad napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kung ano man ang nakikita mo. Nagkamali ka" Diin kong sabi.
"Really?" Namamaos niyang kumpirma.
"Kung isa akong kalaban kagabi pa patay na kayong lahat" Uminit ang dugo ko sa inakto niya. How dare him for accusing me.
"Then who are you? You're familiar" Umismid ako. Bakit ba napakakulit niya? Baka mapadali ko ang pagkitil ng buhay niya. Nangangati na ang kamay ko.
"I'm Chania at kung familiar man ako sayo wala na akong pake dun" Pagmamatigas ko. Napasinghap ako nang agad niya akong niyapos at agad nagtama ang aming katawan. I gulped.
"How can I tame you Chania?" Napaawang naman ang bibig ko sa naging bulalas niya. Napakurap ako at nang nakabawi nagsimula ko siyang itulak ngunit hindi ito natinag.
"Hindi ako isang hayop para paamuhin Hayden kaya bitawan mo ko" Malamig kong sabi. Gayun nalang ang paglaki ng mga mata ko nang biglang lumapat ang labi niya sa labi ko. Parang tumigil ang mundo ko.
Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam kaya di ko napigilan na gamitan siya ng kapangyarihan kaya tumalsik siya sa loob ng kwarto ko. Lumitaw ako sa harapan niya na ngayon nakangising nakatingala sa akin. Naiinis ako sa ngisi niya kaya tinulak ko siya pahiga sa sahig gamit ang isa kong paa na walang sapin.
"Fuck" Napaungol siya. Nanindig ang balahibo ko nang naramdaman ko ang pagkapit niya sa binti ko.
"Ano ba?! Mapangahas ka!" Singhal ko sa kanya. Napatigil ako nang tumawa siya ng mahina. Napalunok ako. Ang sarap pakinggan ng tawa niya.
Agad kong ipiniling ang ulo. Hindi, dapat galit ako sa kanya. Umatras ako at nagiwas ng tingin.
"Umalis ka na baka mapatay pa kita" Pagsusungit ko. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa bilis ng pangyayari.
Nasa ibabaw na ako ngayon ng higaan habang siya naman nakapatong sa ibabaw ko. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa. What was just happened? Ang bilis ng pangyayari.
"I hate being yelled with someone but you know what I hate the most?" Namamaos at malalim ang boses niya. Wala sa sarili akong napailing.
Kinuha niya ang kamay ko at idikit sa dibdib niya. Napakurap ako sa bilis ng tibok ng puso niya. Bakit ang bilis ng tibok ng puso niya?
"Are you sick?" Inosente kong tanong. Napaawang ang bibig niya at napalitan din ng pagkairita.
"Yes, I'm sick. I'm sick with you" Masungit nitong tugon at mabilis umalis sa ibabaw ko. Magsasalita pa sana ako ngunit bigla nalang itong naglaho na parang bula.
He is crazy. Pagbibintangan pa ako kung bakit siya nagkasakit.
To be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top