Chapter 16
Narating ko ang lugar na nasusunog at nadatnan ko ang iba na nakahandusay sa lupa. Ang iba naman nahihirapan makabangon. What happened? Where is he? I roamed my eyes and I saw a man standing infront of the feral fire. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. I did stop and scanned him. He seems not in his sense. Does he blow up?
Pumanhik ako sa harapan niya. Seems like he didn't notice because he stayed his head lower. I could feel his anger specially his overflowing power. "Hey," I uttered but still, no react.
I gulped and I slowly grabbed his jaw. Marahan ko itong inangat at namangha nalang ako sa mata nitong nagliliyab na kulay asul. "Hey, I'm now okay," malumay ko nitong sabi at tumingin sa mga mata niya. Hindi pa din ito nagsalita.
Dahan dahan kong dinala ang kamay sa pisngi niya habang naririnig ko naman ang tibok ng puso ko. This is getting more difficult, I could feel the active sensation through my blood. As my palm touched his cheek I almost shout. "Ouch!" Agad kong binawi ang kamay ko. Ang init. I can't endure it. Napatingin ako sa palad ko at nakita kong namumula ito. I winced.
Kagat-labi akong tumingin sa kanya. Akmang hahawakan ko siya sa balikat nang agad ako nitong sinakal. "I will kill you." My eyes widened.
Agad humigpit ang pagkasakal niya sa akin kaya nagsimula akong magpumiglas. "F*ck Hayden, wake up!" namimilipit kong sigaw rito kahit hirap na hirap akong ilabas iyun sa bibig. Ang init ng kamay niya. Nagsimula akong nakaramdam ng hapdi at sakit. Unti-unti akong nahirapan sa paghinga. "H-hayden, it's me." Napaubo ako at halos lumuha na ang mata ko sa sobrang higpit. Pakiramdam ko parang lumulubo ang ulo ko.
Hinawakan ko ang braso niya kahit mahapdi ito sa palad ko. F*ck I can't hurt him. And I can't lose my sanity either. Mapapatay ko siya. Unti-unting nagsara ang talukap ko dahil sa sobrang tagal ng pagkasakal niya. I can't feel my body anymore. I can't hear any sounds. My sight is now totally got blurry until I lost my it. Narinig ko ang tibok ng puso ko ngunit unti-unti din itong humina. Naramdaman kong bumagsak ako sa lupa dahil sa malakas na impact. I'm dead.
AGAD akong nagmulat ng mga mata at agad hinabol ang hininga. I held my neck. Napaubo ako. I'm catching my breath. The hell. That was close. Mukhang saglit akong nawalan ng malay lalo na n'ung binalibag niya ako. I immediately roamed my eyes while coughing. Mas lalong nagwawala ang apoy sa paligid. Pinilit kong bumangon mula sa lupa at mabuting nakaya ko. Agad kong hinanap ang lalaking kailangan kong mapigilan at nakita ko siyang naglalagablab ang buong katawan mula sa unahan. I winced. Ramdam ko pa din ang hapdi sa leeg ko. Ipiniling ko ang ulo. Muli kong tinignan si Hayden.
Agad akong nagteleport sa harapan niya at walang pag alinlangan ko itong sinampal. Tumabingi ang mukha niya. I grabbed his face not minding the warmth from his skin. I don't have a choice, I think this is the only way. Agad kong tinawid ang distansya namin at sinakop ko ang mga labi niya. Para namang tumigil ang takbo ng oras. My heart beats rapidly. I don't move but my body reacted automatically. I gulped. Naramdaman kong unti-unting kumalma ang galit na nagmula sa kanya. Ang kainitan sa kanyang balat ay unti-unting humupa. Napapikit ako at ginalaw ang mga labi. Uminit naman ang buong katawan ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Damn, I really don't know what I'm doing right now.
Tuluyang hindi ko na naramdaman ang init mula sa katawan niya. Maya maya'y naramdaman ko nalang na tumugon siya sa halik ko. My eyes widened. Agad akong umatras at tinignan siya. Pilyo naman itong ngumisi sa akin. "I didn't know you want my lips too." He licked his lips. I gulped. Shit, I'm dead. Nawala ang ngisi niya nang bumaba ang kanyang tingin sa leeg ko. Agad ko itong tinakpan. "Who did that?" agad nagbago ang ekspresyon niya. Para itong lion na madaling magalit.
"Just calm yourself okay? Wala ito," sabi ko sa kanya at nag iwas ng tingin. "It was me." Agad akong napalingon sa kanya nang sinabi niya iyun. I composed my self at hinarap siya. "It's not big deal. You lost your control," paliwanag ko pa.
Kumunot ang noo niya. "No, that's not acceptable," giit pa niya. Napataas ang kilay ko. Ayos na nga sakin siya pa itong mapilit, "So ano gusto mo? Magagalit ako sayo?" pabalang ko nitong tanong. Para naman itong nabalik sa katinuan. "N-no." Umiling-iling siya. See? Ayaw pala.
"Ang maganda mong gawin, patayin mo ang apoy na 'to dahil kanina pa ako inaaway," I hissed. Nilagpasan ko siya at agad naman siyang sumunod. Isang kumpas lang ng kamay niya namatay lahat ng apoy sa paligid. Napailing-iling ako. Pambihira.
Nakabawi na din ang ibang kasama namin at agad silang lumapit. "The hell kuya? You almost kill us!" agad bulyaw ni Elaiza. Nilagpasan lang kami ni Hayden kaya napailing-iling nalang sila.
Nakabalik kaming lahat sa malaking tent at natagpuan namin si Elizabeth na nakayuko habang kinakausap ni Zagreus na nakapamewang pa. My forehead creased. "Do it again or else--" napatigil nalang ang kapatid ko nang tumikhim si Elaiza.
Parehas naman silang nagulat at agad tumalikod sa isa't isa. "What's going on?" Elaiza asked. Napatikhim naman si Zagreus at napakamot sa kilay. "Wala, nag-uusap lang kami. Not important," naging palusot niya.
Di nalang nila ito masyadong pinag tuunan ng pansin at kanya kanyang higa dahil sa pagod. Sa tantya ko mukhang mag-uumaga na. Mas minabuti naming magpahinga nalang muna habang di pa tumaas ang araw.
Habang nakahiga ako nagulat nalang ako nang tumabi si Zagreus. "Di ako makapaniwala sa napili mong mga kaibigan, kaibigan mo nga ba?" bulalas niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Would you shut up? They might hear you," pabulong ko pang sabi. Napairap naman siya.
Napasinghap nalang ako nang may humila sa akin papalayo sa kapatid ko habang nakahiga. Seriously? Am I a toy? Marahas kong nilingon ang taong naglakas loob gawin iyun. "What?" naiirita kong tanong dito.
Nakakunot ang noo ni Hayden habang may matalim na tingin. "Can't you remember? I told you I'm going to kill." Diin niyang sabi. Napairap nalang ako. Sino ba siya para diktahan ako?
"You're insane." Tinalikuran ko na ito habang nakabusangot. I sighed. Itong higaan kasi ng tent pangkalahatan na kaya tabi tabi kami.
Pinikit ko nalang ang mga mata ngunit naramdaman kong hinihila ang buhok ko. Muli akong lumingon at nalaman kong pinaglaruan pala niya ang buhok ko, "Stop it." Diin kong saway. Agad naman niyang binitawan kaya muli ko itong tinalikuran. Nakalimutan kong makulit nga pala ito dahil ginawa na naman niya ulit kaya sa inis ko sinabunot ko ang buhok niya.
"Nakakagigil ka alam mo ba yun?" inis na inis kong sabi dito. He bit his lip. The hell? Inaakit ba ako nito? He chuckled. Damn, I was wrong. Nagpipigil lang pala ito sa pagtawa.
Minabuti ko nalang na wag na itong pansinin. Napatingin ako sa bandang uluhan ko, nagulat nalang ako nang sumalubong sa akin ang matalim na tingin ni Elizabeth. Shit, her gesture was freaking ludicrous. Nakahiga din siya sa bandang uluhan ko. Magkatapat kami and hell, nakakatawa talaga mukha niya. She was so epic.
Tinalikuran na ako nito na may nakabusangot na mukha. Poor Elizabeth. Mamamatay na yata 'to sa inggit, though I don't have intention to make her jealous. Napatingin ako sa kapatid ko nang napahagikgik ito at sinulyapan si Elizabeth.
Pinikit ko nalang ang mga mata hanggang sa hinila ako ng antok.
Nagising nalang ako nang may yumugyog sakin. "Chania wake up." I opened my eyes. Bumangad naman sa akin ang mukha ni Abigail. Bumangon ako at kinusot ang mga mata. I roamed my eyes. "Where's the others?" I asked.
"Nasa labas sila, aalis na raw tayo." Napahinto ako. Shit, ako pa ang huling nagising.
Dali-dali akong tumayo at sinukbit ang aking bag. I immediately went outside. Nadatnan ko naman silang nag-aantay nga sa akin. "Seriously? Tulog mantika ka ba?" iritable na tanong ni Elizabeth, "Elizabeth, stop it," saway ni Hayden. Napairap nalang siya.
Pasalamat ang babaeng 'to wala akong gana ngayon na pumatay o manakot. Papalampasin ko muna ang ginawa niya, if she will do it again. Makikita niya kinakalaban niya.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang ako naman inaayos ang sarili. Wala pa akong hilamos, "May laway ka sa pisngi." Wala sa oras akong napakapkap sa pisngi. Napatigil ako at masama kong tinignan si Hayden. "F*ck you," malutong kong mura dito dahil niloloko lang pala ako.
He just smirked. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Pinagtripan ba ako nito? Aba, ang lakas ng loob. Binilisan ko nalang ang lakad ko para malagpasan siya. "Masama yata gising mo?" tanong ni Abigail sa'kin, "That jerk." I uttered and she just chuckled. Alam na siguro kung sino tinutukoy ko.
Naging tahimik na ang aming paglalakbay. Puro patay na damo lang nakikita ko. Mukhang pinagdamutan ito ng ulan.
"Guys kumain muna tayo, gutom na ako," biglang sabi naman ni Tanya. Napatigil kami at nagkatinginan. Napangiwi sila isa-isa. "Gutom na din ako." Nakangiwing wika din ni Haxen.
Napagdesisyunan nalang namin na tumigil muna at kumain na din kami. I was surprised when Hayden sat beside me. My forehead creased. "Why are you here?" I asked him. He did not respond, he started to eat instead. Di naman ako makapaniwala dito. Sinubo ko nalang ang chocolate na hawak ko. Nakailang subo ako nang may humila sa kamay ko at kumagat sa kinakain ko. I was surprised. I immediately roamed my eyes. Good thing, walang nakatingin.
Marahas kong binawi ang kamay ko. "This is mine." Diin kong sabi. Akmang aagawin na naman niya yung kamay ko ngunit mabilis kong sinubo lahat ng natira. Nilingon ko siya at dumila. Nanlaki ang mga mata ko nang ngumuso ito. Aba, sa tingin niya kinucute niya hitsura niya?
"Tumigil ka." May diin kong saway dito. Umiling-iling siya habang nakanguso pa din. The hell? He is unbelievable.
"What's wrong with you?" iritable kong tanong dito. "You kissed me. I'm happy." Nakangiti pa niyang tugon. My eyes widened and I roamed my eyes again. I gave him a death glare. "Will you shut your mouth?" I hissed. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Di ko akalain na ganito maging epekto ng ginawa ko sa kanya. Ngayon nagsisisi na ako.
"I know, you like me too." I pursed my lips. Damn him. He is really annoying. "I am courting you right now, starting this day. Thi isn't my thing but for you, I will do anything." Gayun nalang ang paglaki ng mga mata ko. "No way!" medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin ang iba sa akin. Agad akong umarte na parang walang nagawa.
Dahan dahan kong nilingon si Hayden. I gulped several times. Why he ended up like this?
"Are you out of your f*cking mind?" di na maganda ang tono ng pananalita ko. Gusto ko na itong sakalin. Kinakabahan ako, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Pakiramdam ko natatakot ako. Kakaiba ang pintig ng puso ko. Shit, bakit parang naduduwag ako? This is not me. "I'm serious." I screwed up. This is insane. He can't do that. We're not suited to each other. "Shut up, you can't."
Napailing-iling ako. Mukhang nanaginip pa yata itong lalaki na 'to. "I can," giit pa niya. Di ko na ito pinansin pa. Baka pinagtripan lang ako nito.
Natapos na kaming kumain kaya nagpatuloy na kami. Kahit kitang kita namin ang paligid di pa din kami kampante hanggang sa narating namin ang parte nitong lugar na parang iniwan nang kung sino. May napagiwanan na burn fire at syempre wala na itong apoy. Meron ding mga bakas ng pinagkainan at naging patag ang mga patay na damo. Naglibot kami ng tingin. "I think may nauna sa'tin." Bulalas ni Elaiza.
"Sa tingin niyo kalaban or kakampi?" tanong ni Grazil at napakagat sa labi. "Malamang kalaban," pabalang singit ni Elizabeth. Kapag di sa akin nakatuon ang atensyon ni Elizabeth kay Grazil naman. Napailing-iling ako.
"Kailangan natin silang mahabol," suhestiyon ni Calex. Tumango kami bilang pag sang-ayon. Tama siya. Kailangan namin silang mahabol. Mahirap na baka parehas kami ng pakay.
"Let's get hurry then," I said.
To be continued......
Don't forget to vote, share and comment! Thank you! Hope you like it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top