Chapter 15
Malawak ang lugar na tinahak namin ngayon at puro pa din mga kawayan ang nakikita ko. Gumabi na kaya napagdesisyunan namin na huminto. Tinayo namin ang kanya-kanyang tolda habang si Zagreus naman sa labas lang daw siya matulog.
Afterwards, Hayden gathered us because he have something important to discuss. Nakapalibot kaming lahat sa harap ng burn fire. May kinuha siyang lumang papel sa kanyang jacket at binuklat ito sa lupa. My forehead creased, isa itong mapa.
Elaiza began to speak. "Kuya diba ang lugar na ito ay ang mismong tinatayuan natin ngayon?" Tinuro niya ang nakadrawing sa mapa na patag na kawayanan. Tumango lang si Hayden. "Ang kasunod itong lugar na nabalutan ng nyebe, kasunod naman itong mabatong lugar at ang panghuli ay ang desyerto," dugtong ni Elaiza.
Kung ganun dalawang lugar nalang ang kailangan naming tahakin upang makarating sa desyerto ngunit nakikita kong magkalayo ang mga ito sa mapa. Kung ganun may madadaanan pa kaming iba bukod sa dalawa. "Magkalayo silang lahat maaaring may iba pa tayong madadaanan," singit ko naman. Napatingin sa akin si Hayden. "You're right. Since we don't have clue we have to be more prudent from those precarious places." dugtong niya sa sinabi ko at naglibot ng tingin.
"Aside from that I think those are more dangerous than these three places, probably those are the territories of our enemies." saad naman ni Haxen sabay turo sa tatlong lugar na nakaukit sa mapa. Napaisip kami. Hindi pa din kami nakakasiguro doon.
Elizabeth began to interrupt. "We don't have any idea about those. Hayden was right, all we have to do is to be careful." tumitig siya kay Hayden at sinipat ako ng tingin. Di ko nalang ito pinansin.
Pagkatapos ng usapan na iyun napagdesisyunan na naming matulog ngunit ilang minuto na akong nakahiga di pa din ako dinalaw ng antok. Lumabas nalang ako para magpahangin. Nangunot ang noo ko dahil nadatnan ko si Zagreus na nakatanaw sa itaas. I thought he was sleeping already. I went close to him. "Can't sleep?" I asked. Saglit niya akong nilingon. "Yeah."
Tahimik na ang paligid ngunit nagsalita siya muli.
"Do you like them?" Napalingon ako sa tanong niya. Di agad ako nakasagot kaya nagsalita siya muli, "You're willing--"
"Nakikisama lang ako, wala namang masama doon," I cut him off. He just nodded.
"Be careful with your actions Melinoe, di lahat ng kaibigan mo kaibigan ang turing sayo. Ikaw ang puntirya ng kalaban kaya magdoble ingat ka," masyado siyang seryoso sa sinasabi niya. Mukhang may alam din siya. Alam kong may traydor sa kasama namin kaya di na ako magtaka pa.
May pumasok namang katanungan sa isip ko kaya nilingon ko siya muli. "May tanong ako sayo, alam mo ba kung bakit di gumagana ang healing ability natin sa kanila?" Napatingin naman siya sa akin. "Oo, ang kapangyarihan natin nagmula sa kadiliman Melinoe kaya di gumagana sa kanila. Hanggang ngayon ba di mo pa din alam?" Kumunot pa ang noo niya. Napatigil ako at napagtanto ang bagay na iyun.
That makes sense. Ang kapangyarihan nila ay nagmula sa liwanag kaya di gumagana ang kapangyarihan ko sa kanila but why? I'm a Goddess. Ang isang patay nga na kamamatay lang ay pwede ko pang ibalik ang kaluluwa nito sa katawan niya pero bakit ang pag galing ay di ko man lang magawa?
"Dahil ang taong niligtas mo noon ay nakalaan sa kadiliman kaya napabalik mo ang kaluluwa niya," nagulat naman ako nang biglang sumagot ang aking kapatid. Binabasa na naman nito ang isip ko. "Bakit ba ang dami mong alam?" naiinis kong sabi. He just chuckled. By the way he is my eldest brother. A genius God.
"Why the both of you are not sleeping?" Agad kaming napalingon sa likod nang may nagsalita. I was surprised. Baka narinig niya ang pinag-usapan namin. Why I wasn't able to feel his presence earlier? "Kanina ka pa ba?" I asked him. Nagkasalubong ang kilay niya at nakita ko iyun dahil sa sinag ng buwan.
"I'm the one who asked first," malamig ang boses niya na tila di niya nagustuhan ang nasaksihan. I took a deep breath. "Di kami makatulog kaya nag-uusap kami. Masama ba iyun?" pinilit ko ang boses na maging kaswal.
"Yes," di naman ako makapaniwala sa sagot niya. Aba, kelan pa naging masama ang pakikipag-usap? At isa pa wala naman kaming ginawang masama. Umubo naman si Zagreus sa gilid ko at napasipol. Pasimple siyang naglakad palayo kaya napakunot ang noo ko.
Marahas kong nilingon si Hayden. "Ikaw! Bakit ang epal mo huh?!" di ko maiwasan na tarayan ito. I'm getting annoyed. Napapadyak akong nilagpasan siya ngunit napatigil ako nang may humawak sa braso ko. I turned around and I gave him a death glare. "What?!" my voice was echoing around.
"Where are you going?" he asked. My forehead creased. "Nagreklamo ka diba kung bakit di pa kami natutulog? Kaya ito matutulog na." Napairap nalang ako pagkatapos kong sabihin iyun.
He took a deep breath before he spoke, "No, stay here. Stay with me," napatanga nalang ako sa sinabi. Wft? Kanina gusto niya akong patulugin tapos ngayon pinipigilan ako. "Ayuko," mabigat kong tutol sa kanya. Di naman ako uto-uto.
"You should stay, may masama akong kutob sa lugar na 'to." Binitawan niya ako at nanghimulsa. I became serious. He seemed serious of what he said. Nagsimula siyang naglakad kaya napabuntong hininga nalang ako at walang nagawa kundi ang sumunod.
"What did you feel?" I asked him as I went to his side. Nag angat siya ng tingin. "These bamboos became silent," napaisip naman ako at napagtanto ang isang bagay. Kaninang umaga may mga tunog ito ngunit ngayon ay wala. Mahangin ang paligid pero wala akong naririnig na tunog nila.
"What are you planning?" I asked him and we both stopped. He look at me. "Nothing," he answered. Napansin kong napatigil ito. My forehead creased when I felt something unusual. I gasped when he immediately grabbed my waist and we both swinging through the air.
Agad lumitaw sa kamay niya ang nag-aapoy na espada at winasiwas niya ito. Sa pagtigil namin nagkapalitan kami ng pwesto. Nasa likod na niya ako. Agad kumunot ang noo ko sa mga dahong unti-unting nasunog sa ere. Those are the leaves of bamboos. "Be ready," narinig kong bulalas ni Hayden.
"What was that?" I asked. "I don't know," nu'ng nakuha ko ang sagot niya kasabay naman ang pag-atake ng mga dahon ng kawayan. Muling winasiwas ni Hayden ang espada.
I roamed my eyes. Nakasigurado akong may taong kumokontrol dito o di kaya kapangyarihan niya ito. Umalis ako sa likod ni Hayden at bawat lumalapit sa akin na dahon ay agad itong naging abo. Napakunot ang aking noo at hinayaang may isang dahon ang dumapo sa aking daliri na tinaas ko. I winced, the leaf is sharp. My finger immediately bled. Impressive but not really threatening. Napatingin ako sa itaas at may nakita akong bulto ng tao na nakalutang sa ere. Nakita ako ito at agad itong lumipad palayo kaya mabilis akong lumipad para sundan ito. "Chania!" narinig ko ang tawag ni Hayden ngunit hindi ko ito pinansin.
Nakatuon lang ang atensyon ko sa taong nakita ko. Naningkit ang mga mata ko dahil agad din itong humarap sa akin. She's a girl. "Who are you?" I asked, full of authority. "Ako dapat ang magtanong niyan?! Teritoryo ko ito," marahas ang tono ng pananalita niya, halatang galit ito.
"Nagpapahinga lang kami," I said while observing her every emotion. Mas lalong nandilim ang mukha niya. "Hindi pahingahan ang teritoryo ko lalo na sa mga kagaya niyo!" patuloy pa din itong nagtataas ng boses. "Sisiguraduhin kong hindi kayo makaalis dito ng buhay," banta niya pa.
"Really?" I laughed at her with full of sarcasm. Her power was not even frightening, paano niya kami mapapatay?
Nainis naman ito sa tawa ko at agad itong nagpalabas ng isang shadow bamboo leaf. "Papatayin kita!" mabilis niyang pinasugod sa akin ang kanyang kapangyarihan at sinalo ko lang ito sa aking katawan. Bahagya akong nawalan ng balanse. That was hurt. Ipiniling ko ang ulo. Agad ding nawala ang sakit kaya deretso ko siyang hinarap. She was shocked. "P-pano?" nagtatanong na mukha niya akong sinuri. I smirked.
Biglang dumilim ang mukha niya at naging mabangis. She spread her arms. Ang mga kawayan na nasa ibaba namin ay nahiwalay lahat ang mga dahon nito. Halata naman na bamboo user ito. Belong sa earth user. Nasa likuran niya ang mga dahon na nakalutang lang sa ere. "Kailangan kitang mapatay! Wala na akong pakialam sa mga kasama mo. Mas importante na ikaw ang mapatay ko. Malaking kapalit pag napatay kita." She burst out with lunatic laughter and her eyes were glaring at me intently.
Sumigaw siya kasabay ng pag-atake ng mga dahon sa akin. Mabilis akong umikot at nagpakawala ng itim na kapangyarihan. The leaves became into ashes and my power was like whip struck her body. She almost lose her balance and she spitted of blood. She glared at me as she wiped her lips. She desperately attacked me again but I didn't give her a chance to hurt me.
Napatigil nalang ako nang may naramdaman akong kakaiba sa aking katawan. May unti-unting kumalap na sakit sa mga ugat ko. Napangiwi ako at agad kumirot ang aking ulo kaya napasapo ako roon. Unti-unting naging malabo ang aking paningin. "What is this?" Naibulalas ko. Narinig ko namang humalakhak ang kaharap ko. "Nakapa hambog mo para saluin ang kapangyarihan kong may lason."
I groaned when the pain became worse. Unti-unti akong nawalan ng lakas hanggang sa naramdaman ko nalang na nagsimula akong mahulog mula sa itaas. I want to move my body but I can't. Iba't ibang sakit ang tumama sa aking katawan na parang may natamaan ako. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagsuka ko ng dugo nang bumagsak ako sa matigas na bagay. Ang sakit. Unti-unting bumigat ang talukap ko hanggang sa dumilim ang aking paningin.
"I hate you so much Chania. Bakit si Hayden pa? Inagaw mo siya mula sa akin. Ang dapat sayo wag ng mabuhay pa." Naalimpungatan ako sa aking narinig. Pinilit kong imulat ang mga mata ngunit malabo ang lahat.
"Papatayin kita Chania." Napakurap ako at unti-unting kong nakita ang mukha sa nagsalita. Biglang dumilim ang paningin ko nang may tumakip sa aking mukha. Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay ngunit hindi ko magawa. Ang nakatakip sa mukha ko ay parang gusto ako nitong bawian ng hininga. Ano ito? I can't breath.
Kahit anong subok kong igalaw ang kawatan ko ay di ko magawa. Unti-unti na akong malagutan ng hininga ngunit biglang nawala ang nakatakip sa mukha ko kaya agad akong napahugot ng malalim na hininga. I'm catching my breath while I'm trying to adjust my sight. Naaninag ko naman ang mukha ng kapatid ko. Saan si Elizabeth? Siya ang nakita ko kanina. Naramdaman kong hinawakan ako ni Zagreus sa mukha at unti-unti namang gumaan ang pakiramdam ko. Naging malinaw ang aking paningin. Sinubukan kong igalaw ang aking katawan at nagtagumpay ako. "K-kuya?" sa wakas nakapag salita na ako.
Ngumiti siya sa akin. Tinulungan niya akong makabangon at pinakiramdaman ko ang sarili. Wala na akong naramdamang sakit. Nanghihina ako ngunit alam kong maya maya makabawi din ako ng lakas. "Kung di pa ako dumating natuluyan kana sana." Agad akong naglibot ng tingin. Nakita kong nakahilata si Elizabeth at alam kong hindi pa naman ito patay. Nasa loob kami ng malaking tent. Nakita ko naman ang unan sa tabi. Mukhang iyun ang ginamit niya kanina. Masyado siyang desperada. "Salamat," sabi ko sa kapatid ko.
Nagtaka naman ako dahil di ko nakita ang iba. "Saan ang iba?" I asked him. Napakamot naman sa batok si Zagreus. "Inawat nila si Hayden. Natagpuan ka niyang halos wala ng buhay. Sinunog nito ang buong lugar ng kawayan," sabi niya at napailing-iling. "Mukhang galit na galit." Nangunot ang noo ko sa nalaman. Naalala ko naman ang nakalaban ko. I underestimated her power. Di ko alam na may ibubuga din pala siya.
"Muntikan kana naming dalhin pabalik sa akademya ngunit nalaman ni Elaiza na ang kapangyarihan mo ay unti-unting nagpapagaling sayo," pahayag naman niya. Tumayo ako at agad lumabas ng tolda. Hindi naman ako pinigilan ng kapatid ko. Tumambad naman sa akin ang patay na mga damo. Agad akong nalibot na tingin at naagaw ang pansin sa may kalayuang bahagi na umuusok. May nakikita din akong liwanag na nagmula sa apoy.
What the hell? Totoo nga ang sinabi ng kapatid ko.
Sinusunog niya ang buong lugar na 'yun.
To be continued.....
Author's note: Hi Rainies! Sobrang napasaya niyo ako sa mga votes at comments niyo. Nagbigay ito ng motivation sa akin at lubos akong nagpapasalamat sa suporta ninyo. Mahal ko kayo! And sa wakas nabigyan ko na kayo ng pangalan (Rainies) mahilig kasi ako sa ulan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top