Chapter 12
Nandito pa din ako sa harap ng lawa, nakaupo. Natutulog na sila tanging ako lang yung gising. Napayakap ako sa sarili dahil sa hangin na yumakap sa akin. Agad akong napatingin sa unahan dahil may nahagip akong bulto ng tao. I immediately stood up.
Nagteleport ako kung saan ko nakita ang taong iyun. Naningkit ang mga mata ko. Naglalakad siya palayo. It's not a boy, it's a girl. Her presence is kinda disturbing. I could sense danger within her. I was about to follow her but Zagreus came.
Nahinto ako at hinarap siya na may nagtatanong na mukha.
"What?" I asked him.
"Alam mo ba ang ginagawa mo Melinoe?" He asked seriously. Sumeryoso ako.
"Don't you dare to question me Zagreus. Kailan man hindi ako nagkakamali sa mga desisyon ko" Pagdating sa mga ganitong usapan, kumukulo ang dugo ko. Ayaw na ayaw ko yung kwestyunin yung mga desisyon ko dahil alam kong tama ako.
"Hindi mo maaaring basta basta mo lang ikulong sa Elysium ang nilalang na iyun" Atungal niya. I clenched my fists. Hindi na nakakagulat pa na alam niya ang bagay na iyun.
"Wag mo kong ginagalit Zagreus" Dahil alam ko ang ginagawa ko. May posibilidad na hindi na makabalik dito ang nilalang na iyun kapag nagpadala ito sa lubos na kasiyahan, ayun ang gusto niyang ipabatid sa akin.
"Kahit kailan hindi ka talaga nakikinig sa akin Melinoe" May halong pagkadismaya ang tono ng boses niya. I didn't utter a word. Sa aming dalawa ako ang pinakamakapangyarihan kaya sa tuwing hindi ako nakikinig sa kanya naiisip niyang minamaliit ko siya, na hindi naman totoo. Ang gusto ko lang ay wag niya akong pakialaman sa desisyon ko.
Naglaho siya sa harap ko. I sighed. Tumingin ako muli sa unahan kung saan ko nakita ang babae kanina ngunit wala na ito doon. She's not here anymore, I can't feel her presence either.
Pumihit ako pabalik ngunit isang matigas na bagay ang nagpahinto sa akin. Tinignan ko siya sa mukha.
"What did you see?" He asked.
"Nothing" I answered. Akmang lagpasan ko siya ngunit nahawakan niya ang braso ko.
"Then, why are here?" May diin niyang tanong. Napahugot ako ng hininga dahil nawawalan ako ng pasensya sa inaasta niya.
"It's none of your concern Prince Hayden" Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. Wala siyang pinagkaiba ni Zagreus.
"You are calling me Prince but you didn't show some respect" Nagdilat ako at napairap nalang sa hangin habang lihim kong kinalma ang sarili.
"I'm a leader and you should inform me first whatever your action is" Paalala pa niya sa akin. I didn't respond. I gasped when he grabbed my waist and he pulled me closer to his body. I blinked. He slowly held my chin. I gulped as my heart beats fast.
"Do you have idea what are the consequences for taking action without my consent?" He asked in baritone voice. I became speechless.
"This Prince you are calling can transform into a beast that will devour your heart for any moment" He continued. His voice was husky.
"And that's the time you are officially mine" May diin niyang sabi. Napaisip naman ako.
"You are a beast?" I asked for confirmation. What kind of beast he is? He didn't answer, seems like he screwed up.
"Damn" Napamura siya at binitawan ako.
"What kind of beast are you?" I asked again. What happened to him?
He looked at me.
"A woman-eater" He answered with his deep voice. I was suprised. What the hell?
"So you are going to eat me?" Di makapaniwala kong tanong.
"Yes, If you let me" Tugon niya na kinaatras ko.
"Of course not!" Napataas ang boses ko. Sinong matino ang magpapakain?
"I'm not inform that you are unconscious of those stuff. What a stupid I am" He murmured. Tinalikuran na niya ako at naiwan naman akong naguguluhan. I am unconscious of what?
"Go back to your tent" Pasigaw niyang sabi. Napailing-iling nalang ako at sumunod sa kanya.
Kinabukasan maaga kaming lumisan sa lugar na iyun. Nakarating kami sa isang matubig na paligid na hanggang binti namin at may mga patay na katawan ng puno. Isang usok ang bumabalot sa parte na ito. May masama akong kutob sa lugar na ito.
"What is this place?" Napatanong si Elizabeth. Walang niisa sa amin ang sumagot marahil pati sila wala ding alam.
"Hindi ba pwedeng gagamit nalang tayo ng portal?" Tanong naman ni Grazil.
"Hindi. Hindi pa kami nakapunta doon at tanging mapa lang ang maghahatid sa atin sa lugar na iyun" Sagot naman ni Elaiza.
"A map?" Singit ni Abigail.
"Yes, dala iyun ni Kuya. Binigay ito ni HM nung bumalik kami" Napatingin ako kay Hayden. Di ko alam na may dala pala itong mapa.
"Iieeeee!" Agad kaming naalerto nang tumili si Elizabeth. Mabilis itong nakalingkis sa braso ni Hayden.
"May gumalaw sa ilalim" Nangingilabot nitong sabi. Napatingin ako sa tubig. Wala talaga akong makita dahil kulay itim na ang tubig na ito.
"We need to hurry" Muli kaming naglakad. Bumibilis ang mga hakbang namin. Nagulat kami nang biglang sumigaw ang isa sa amin. Agad kaming naalerto at nakita ko kung paano hinila si Tanya sa isang galamay.
"Tanya!" Napasigaw sila. Agad namin itong hinabol ngunit hindi na namin ito naabutan. Masyadong mabilis ang pangyayari.
Napahinto kami at naglibot ng tingin, nagbabasakaling makita namin si Tanya.
"Let's split into three groups. Chania come with me" Hayden said. Kukuwestyunin ko na sana ito ngunit agad niya akong hinila. Napatingin ako sa kasamahan ko. Kasama ni Elaiza si Grazil, at Abigail. Sila Elizabeth, Calex at Haxen naman ang magkasama.
"Why we are just two?" I asked with curiosity.
"Don't comment" He uttered. Napairap naman ako. Oh I forgot, he is a Leader anyway.
Naging seryoso kaming dalawa at walang ni isang nagsalita. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko. Kanina pa siya nakahawak sa akin na animoy takot na mabitawan ako.
"Can you let go of my wrist?" I said. Napatingin siya doon at muling binaling ang atensyon sa paligid.
"No"
"Why?" I asked out of nowhere.
"I don't want you to be taken by that monster" I screwed up. Napalingon siya sa aking paghinto.
"What?" He asked with confusing look. Napakurap ako at nabalik sa reyalidad. I felt strange of what he said.
"Nothing" Saad ko at naglakad na. Napasunod naman siya sa akin. Medyo malayo na kami sa dinaanan namin kanina at mas lalong naging kahindik-hindik ang paligid ngunit wala lang ito sa akin. Sanay na ako sa mga ganito. Wala ng epekto sa akin.
Napatigil ako nang naramdaman ko ang pamilyar na presensiya.
"Did you feel it too?" Bulalas ko.
"Yes" He said with a low tone of voice. Naglibot kami ng tingin. Maaaring malapit lang siya.
"Let's get hurry" He said. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad habang nagmamasid sa paligid.
Agad akong naalerto nang may nahagip akong bagay na gumagalaw sa tubig.
"Did you see it?" Sabi ko habang nakatingin pa din sa parte na iyun.
"What?" Sa halip na tugunan siya ay hinila ko siya papunta sa parte na iyun. Huminto ako at tinignan ang paligid ngunit wala na ito. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad at may naaninag naman ako na parang kumpol ng puno sa unahan. Para itong malaking pabilog.
Nilagay naman ako ni Hayden sa likod niya habang dahan dahan kaming lumapit.
"She's inside" I murmured. Sinenyasan niya akong tumahimik.
Nakalapit kami sa mismong mga kumpol ng katawan ng puno. Masasabi kong malaki nga ito. Tinignan namin ng maigi ito. Wala kaming nakitang butas para makapasok kami. Humiwalay ako sa kanya.
"Hey come here" Sabi niya na halos pabulong. I didn't listen. Napatingin ako sa dinadaanan ko dahil parang umiikut-ikot ang tubig. Dahan dahan kong inapak ang aking paa at nanlaki nalang ang mga mata ko sa pwersang humihigop sa akin.
"Hayden!" Naisigaw ko at tuluyan akong hinigop nito. Napapikit ako at pinigilan ang paghinga.
Pinigilan kong mapasigaw dahil bumulusok ako paibaba, parang isa itong talampas kung saan dumadaan ang tubig. Agad akong napapikit nang bumagsak ako sa isang lawa. Agad akong lumangoy at dinilat ang mga mata. Medyo naaninag ko ang parte sa ilalim ng tubig na ito hindi kagaya sa labas.
My eyes widened as the skeleton emerged to my sight. Lumangoy ako paitaas saka ako nakalanghap ng hangin. Naglibot ako ng tingin at agad naalerto nang may dumaan sa aking likuran. Agad akong lumingon ngunit wala akong nakita. Dali-dali akong lumangoy papunta sa mabatong bahagi.
Nakahinga ako ng maluwag nang nakaalis ako sa tubig. I roamed my eyes to scan the whole area. Mabigat ang atmospera dito sa loob. Malawak nga ito, ngayon ko lang nalaman na may butas pala ito sa itaas kung saan lumusot ang sinag ng araw.
Naalerto ako nang may narinig akong humihikbi. Naningkit ang aking mga mata dahil sa babaeng hubo't hubad na nakalubog ang kalahati nitong katawan sa tubig. Nakatalikod siya sa gawi ko.
I slowly came closer to her.
"Hey? What is this place?" I asked her. She didn't respond.
"Why are you here?" I asked acting like innocent. I know she's hiding something.
Tuluyan akong nakalapit sa kanya at napahinto ako nang bahagya itong lumingon. Di naman ako makapaniwala sa ganda nito. Parang ginto na ang buhok niya dahil sa sobrang puti ng kanyang balat.
"Ano pangalan mo?" I asked her. She blinked her eyes for several times and she wiped her tears.
"Hindi ko alam" She answered. Her voice was too soft and calm. Lihim akong nagmasid sa paligid.
"Maaari mo bang sabihin sa akin kung paano makalabas?" Tanong ko. Hindi na ako nagulat nang bigla itong naging mabangis.
"Hindi!" Sigaw niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Lumitaw ang kanyang buntot na parang igat. Nakaharap siya sa akin habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa bato.
"Saan ang kaibigan ko?" Walang takot kong tanong dito. Nangunot ang noo ko nang tumawa ito ng mahinhin. Agad agad nagbabago ang emosyon nito. Lumangoy siya palayo sa akin at humarap sa akin muli.
"Nagugutom na kami at saktung-sakto ang pagdating niyo sa teritoryo namin" Mahinhin niyang sabi habang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri niya.
Pinatunog ko ang aking leeg at matapang ko siyang tinitigan. Nagpalabas ako ng itim na bola sa aking kamay. Nakaramdam naman ito ng takot. Humalinghing siya na parang mag kung anong tinatawag at maya'y maya lumitaw ang matabang babae na mukhang lalaki. Mataas ang kanyang buhok at malaya kong nakikita ang malalaki niyang mga galamay.
"Mukhang may hapunan tayo ngayon mga anak" Pati boses nito mahinhin din. Lumitaw din ang isa pang babae at agad lumingkis sa braso nito.
"Ina ang ganda niya. Gusto ko siyang gawing laruan" Usal naman ng babae kanina. Napataas ang kilay ko. Hangal ang isang ito. Wala siyang ideya na ang babaeng gusto niyang gawing laruan ay isang diyosa.
This are Syrens. A monster comprised of three women. Two beautiful women and one grotesque with a lower of octopus tentacles.
"Tumahimik kayo. Saan ang kaibigan ko. Alam kong kayo ang dumukot sa kanya. Ilabas niyo siya bago ko kayo mapatay" Banta ko sa kanila. Humahagikhik sila.
Dumilim ang aking paningin ngunit agad napakalma nang lumitaw si Tanya mula sa tubig. Nakapulupot ang isang galamay sa katawan niya. Wala siyang malay. I clenched my fists. This bitches are really getting into my nerves. I gave them a death glare.
"Pakawalan niyo siya!" Hasik ko ngunit tila hindi sila nasindak. Naiinip na ako. Napatingin muli ako kay Tanya.
"Tanya! Gumising ka!" Tawag ko dito ngunit hindi pa din ito nagising.
"Tanya!" Bigla siyang nagdilat ng mga mata at natataranta.
"Saan ako?" Taranta nitong bulalas at nagsisisigaw hanggang sa humikbi. My forehead creased. What happened to her? Uminit ang aking dugo.
"Anong ginawa niyo sa kanya?" Malamig kong tanong sa kanila.
"Hindi mo ba nararamdaman? Ang lugar na ito ay may bumabalot na spell kung saan babalik ang mga nakakatakot na ala-ala ng isang charmer hanggang sa lamunin sila nito at hilingin nalang na magpakain sa amin" The fat syren uttered. Napatigil ako. I know there is something in here but I didn't know that it was a spell.
"Nakakamangha dahil hindi ka apektado nito o di kaya sadyang wala ka lang pakiramdam" Napaisip naman ako sa sinabi nito. Maaring ganun, ni minsan hindi ako nakaramdam ng takot ngunit hindi ako sang-ayon sa sinabi niyang wala akong pakiramdam dahil kung wala hindi sana ako nakaramdam ng saya sa mga panahon na kasama ko ang mga magulang ko.
Sumeryoso ako at hinanda ang sarili.
"Huli niyo na itong pagkakataon. Pakawalan niyo siya kung ayaw niyong mahiwalay kayo sa mga buntot ninyo" Malamig kong sabi. Naramdaman kong lumakas ang enerhiyang itim na bumabalot sa buong Katawan ko.
"A-anong klaseng charmer ka? B-bakit ang lakas ng kapangyarihan na nagmumula sayo?" Nauutal nitong tanong sa akin. Natakot na din ang dalawang babae at nagtago sa likod niya.
"Isang utos ko dapat sumunod kayo agad ngunit sadyang matitigas ang mga ulo ninyo, ang dapat sa inyo mamatay!" Galit kong sigaw kasabay ng paghati ng kanilang mga buntot nila.
Nagsisigaw sila sa sakit. Napahalakhak ako sa nakikita kasunod ng pagsabog ng kanilang mga katawan. Tumigil ako at napangisi.
I, Melinoe. The Goddess of darkness and death. I don't have fear. I can kill a hundreds of people just a snap of my finger.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top