Chapter 02

I was busy doing my assignment but hindi ko natapos kasi feeling ko nilalandi talaga ako ng cellphone ko. Ahrgggg nakakadistract, gusto ko nalang magfacebook.

It’s weekend.

But assignment is nagwagi, naisip ko lang na need ko tapusin yun kasi ididistract lang ako nun if magoopen na ako ng social media accounts ko. Ror.

After 15 minutes of fixing those errors and yung parang feeling ko maling sagot sa mga questions sa assignment ko, naisipan kong kumain nalang muna pala.

Actually, more on doing an explanation kasi yung assignment since ang lahat ng questions are talagang need mo ijustify like it is more on questions na HOW and WHY kaya dapat malaparagraph talaga yung mga sagot mo on it.

Nakakalito pa naman minsan yung why and how, for the reason na ano hmm well like in a why questions, need mo ng reasons kung bakit ganun yung sagot mo more on follow ups pa ng reasons while in another side naman is yung questions na how is somewhat hindi ko magets gets minsan kaya ang sign ko lang pag yun yung questions is I’ll just think about paano nga ba? And that’s the time na pumapasok na sa isipan ko na dapat verb yung unang word sa answer or sentence mo. More on procedural statement, for me lang.

But really, ang sarap na talagang magcellphone, at huwag nalang gawin ang assignment. And damn this stomach for making some growling noise, biglang nagutom na naman. Ang gulo ko na talaga. Well a pancit canton will do just for me to be ain’t having the feeling of starvation.

Nagpainit nalang ako ng tubig since wala talaga akong tiwala sa klase ng init ng tubig sa loob ng thermal vacuum. Hindi kasi totally maluluto yung pancit canton na kakainin ko kung nakadepende ako sa tubig ng thermal vacuum. Pangkape lang yung tubig dun.

After minutes, mainit na din ang tubig kaya’t I do the process on how to cook my three pancit canton. Hindi ako masasatisfy or mabubusog sa isang canton lang.

Nagtimpla na din ako ng kape, yung nescafe stick, with asukal na yun. Hindi na ako nag-abala pang lagyan ng coffee mate since I really prefer black coffee rather than milk. Natry ko maggatas kaso sheyt langs lasang baka talaga for me kung kaya’t hindi na ako uminom ng gatas ever. Lactose intolerance.

I don’t know if it’s just me na bilang babae I prefer na hard type or dark type ang coffee since kadalasan pa naman sa mga girls ay mas prefer na smooth and sweet type. I talk like a pick me girl for this but yeah totoo naman talaga na mas prefer ng mga babae ang mga hindi matatapang ang lasa. Siguro their taste has something to do with their personality or kumbaga nababase sa personality nila yung lasa ng kape na gusto nila.

After minutes, I’m done with what I’m doing.

And so as my pancit canton and coffee are ready. Nilagay ko siya sa study table ko and then fix my paperworks na super kalat. Then bukas ng phone and shempre browse, browse, and browse. Kumakain din ako while nagcecellphone. They say it is bad daw na magcellphone while kumakain well minsan hindi ako naniniwala since as teenager talagang minsan bet mo nalang dumuwal sa mga konting bagay like this kasi lalayo daw ang grasya. Talk about superstitious belief. Which is I don’t know if tama ba since duhh super bata ko to think about that stuffs muna. Enjoy the teenage moment na muna diba.

Super calm lang ng paligid ko since yung dalawa kong kapatid ayun nakigala sa court and as usual doing sports which is I usually hate. Si mama naman, wala. She’s on a meeting ng I don’t know but it is somehow connected sa livelihood. And now I’m in peace, walang nagrarambulan na kapatid, and walang nagtatalak na nanay. I can do anything na comfortable ako.

I set my alarm clock para if it’s time to cook foods for dinner eh magagawa ko in the exact time ng pagsasaing. And I hope dumating na yung mga kapatid ko na yun para naman hindi na ako ang gagawa ng mga gawain na dapat sila yung gumagawa. Tapos manenermon na naman si Mama kapag di magawa yung house chores, kahit isa lang naman yung chores na hindi namin magawa is manenermon pa din yan like mga ganyan, ganito blah blah blah. Ohh my ears.

I clicked Facebook lite since you know naman na madaming pwedeng magawa sa FB lite, automatic na may chatbox na.  And as usual there are so many pushed notifications.

Tough Francisco sent you a friend request.
Blahblaha sent you a friend request.
Avkjsjsks sent you a friend request.
Tough Francisco,JESSY and 1,006 others reacted to your photo

My Messenger bubbles keeps on appearing like nagbabug or lag talaga yung phone ko because of it. Madilis pa naman akong mainis sa ganito kaliit na bagay. Enough with this, I swipe the above screen and activate Do not Disturb button, battery saver mode, airplane mode, and location. I even turn on my Wi-Fi then connect it to the Globe at Home ng neighbor namin.

I am connected sa WiFi ng kapitbahay namin well nagpaalam naman ako sa may-ari, she gave me access to it naman and I give money naman sa kanya as always if maeexpire na yung load. Hati hati kami sa pagpaload but yung mother naman nun is nahh I don’t know, she dislikes me to the core. Akala mo naman bad influence ako sa anak nya which is pinsan ko. Hindi na nga maganda ambiance ng nasa fam and house namin, pati din sa kapitbahay. Mga walking surveillance cameras.

I scrolled down sa Facebook feed ko, and focus myself on the engineering group page. I don’t know but I really am attracted to Engineering. I just even ship Engineering and Tourism students. But yung ship na nilalayag ko, for me lulubog nalang talaga due to the fact na I can’t be in Tourism. Noon gusto ko, pangarap ko pero nasabi ko na parang hindi talaga siya for me. But engineering just caught my attention talaga. Marunong naman ako sa Math. Actually kasali pa nga ako palagi sa math quizzes and contest kaya okay ako sa engineering. Saka attracted din ako sa engineer, lol why would I deny it. They’re hot as hell. Hindi ko din alam kung bakit, hindi sa hindi ako masyadong sumasabay sa trend about being attracted to engineering pero malapit talaga sila sa puso ko. Iba talaga ang nafifeel ko sa engineering HAHAHAH I just like how witty they are. They are full of wisdom even though they thought that ang bobo nila. Lies. Siguro dahil magiging TOTGA course ko siya.

Binabasa ko mga comments doon, I witnessed the struggles na dinaranas nila. Nachachallenge ako doon kaya I have the urge na kunin nalang din ang kurso na yun without thinking the consequences.

Dumaan naman sa newsfeed ko yung post ng kakilala ko, first year college na sya taking a civil engineering course. Nakilala ko siya through socmed mga last last last year. I’m turning 16 that time na nameet ko sya. Nagkagusto pa ako sa kanya, I was so childish that time. Even now. He even say na he loves me as a sister that’s she thinks I’m cute. Napakamanhid.  Masakit sya actually kaya hindi ko natuloy ang confession ko sana kanya. I have realizations that time, nagpasalamat nalang ako kasi i’m just infatuated and for sure masisira ang friendship namin nyan.

He update his profile picture tapos topless. He captioned “Abs in progress.” and I literally comment down “Wtf I kennat HAHAHAHAHHA ” but I didn’t react on his picture. I don’t really get the hype of being a reactor tho like magreact ng mga post kung wala ako sa mood or hindi sya nakakaattract sakin whatsoever ewan but seriously I don’t really get the hype of doing that. Lol. Akala mo naman ang expensive ko na tao eh sa mahirap pa nga pala ako sa daga.

He chatted, nagpop up sa facebook lite ko yung chat nya, nahagilap na talaga nya daw ako at last sa Facebook HAHA malamang nakatambay lang ako sa Twitter at Tiktok.

Art:
     Woi

Dian:
     Nuyuns?Miss moko?d kita miss.

Art:
   Hahaha not really.Btw kamusta naman?

Dian:
   So good na maging diyosa naman. Actually diba engineering kinuha mo yung civil? Future engineer hi HAHAHAHAHHA

Art:
   Nag-orientation kanina tapos nasermunan ako ng instructor. D kasi ako nakinig hahahahah

Dian:
  Desurb HAHAHAHAHHA.

Art:
  Diba mag eengineer ka din?

Dian:
  D ko lang sure kasi due to financial problems you know. Saka nakakapag-adjust naman ako sa kung ano mang course kukunin ko basta ba hindi under ng TVL strand. D ko yun kaya if ganun. HAHAHAH

Art:
  Kaya yan tsanak.

Dian:
  Grabe sa tsanak,ansakit sa hart. Wag mo namang ipamukha sakin na super pandak ko HAHAHAH.

The thing about my typings is nakacaps lock ang tawa, I have this kind of thought that if nakalower case parang magmamatch siya sa behavior ng isang tao. I don’t to think that ang plastic ko if ever nakalower case ang tawa ko sa chat. Simpleng bagay na ganito binibigdeal ko na din.

Napangiwi nalang tuloy ako sa typings ng tawa ni Art pero I can’t blame him for being like that. Iba iba din naman ng perspectives ang tao, hindi siya weird mag-isip katulad ko.

Nagtuloy tuloy pa din ang usapan namin until naging balik sa course ang topic namin.

Art:
  So ano na kukunin mo nyan?

Dian:
  Educ? Accountancy? Journalism?Kaso di ko bet educ na parang bet ko din. I’m so naguguluhan. Mag engineer nalang sana ako tapos kung di papalarin asawahin ka nalang NYAHAHAHAHA. Charot.

Art:
  Lol.

Hindi ko nalang siya sineen after. Hinayaan ko nalang yung chat nya. Nawalan ako ng gana sa ‘Lol’ na reply nya.

Anong irereply ko dun?

And also unti unti na ding nafifade yung feelings ko sa kanya.

Yes I used to like him for real. Siguro kasi bata pa ako noong time na naging gusto ko sya. I even act so childish and immature sa internet para lang mapansin nya ako or para magain ko attention nya. I am an attention seeker.
I flooded reacts on his timeline talaga which for now nakahihiyang isipin. That was my desperate move para naman maisip nya na gusto ko sya. I want him to know by giving him signs and I thought that being makulit sa social media can make him sense my attraction towards him. Lol bata nga talaga akong mag-isip. Ang ringe ko pala noon. I don’t know if randam ba niya but one day biglang sinabihan nya ako na sister turing nya sakin so hindi natuloy ang magiging confession ko sana. Pero tuloy tuloy pa din ang pagkagusto ko sa kanya noon kasi akala ko talaga may mababago pa sa paraan ng pagtrato nya sakin. Sa Facebook ko lang siya nakilala, sa isang Role Play Account ko noong panahon na tinamaan ako ng boredom.

୨୧

Hindi ko na napansin na lumalamig na pala yung kape ko. Naku, that’s why I really need to additionally put ng mainit na tubig sa tasa ko.

While drinking my coffee, and eating my pancit canton tiningnan ko yung feed ko. And I accidentally click the menu button. Tapos nakita ko yung switch account, I clicked it and doon tumambad sakin yung account ng kapatid ko and yung isang account na never ko ng nabuksan ulit.

Kumusta na kaya ang loob ng account na to?

Memories on my mind focuses on my journey through that account. I felt pain with a glimpse of happiness on it. I can say na yung account na yun yung kasangga ko sa lahat lahat during the time na I felt like no one cares talaga.

Yung panahong wala sa side ko yung family ko emotionally.

Because of too much pain and stress sa tinatawag nating tirahan, I explore and explore the SocMeds, I meet people and meet new people pa din. I tried another kinds of apps in World Wide Web. I even become so busy sa utak ko because of SocMed kahit na wala naman akong masyadong ginagawa in physical aspects.

I explore the Role Play World. Yes, I experienced that thing. The time na parang guguho na ang mundo ko, ito ang tumanggap sakin.

Yan din yung way na naimprove yung way of socializing ko, how should I act or adjust sa mga situations, and how to rant with purposes. Naging immune din ako sa mga bad feedbacks and toxic hoods. It improves my sense of firmness. I explore it like having a relationship status with people but the disadvantages lang talaga ay yung mga bad words na pwede mong malearn.

It is awkward for me na magmura sa social media noong first time kong may nakitang may nagmumura sa GC na kinabibilangan ko, a gang kung saan naging super attached ako doon pagkalipas ng apat na araw palang. And because of it, natutunan ko yung magmura nang magmura. But I have limits on how to burst those words out.

Masyadong kawawa siguro ng iba na hindi alam or nangagapa pa kung papaano makontrol or have limits sa mga ginagawa nilang for us ay red flags or so toxic na. Minsan they passed those boundaries which is super offensive na sa iba. They reach those limits na pwede namang kontrolin nalang.

Hays.

At last natapos ko na ding kainin yung pancit canton at inumin ang aking kape. Kalaunan din ay tumunog yung phone ko, alarm na siguro yun na sinet ko kanina lang kung kaya ay sinimulan ko na ding magsaing kasi baka sermon  na naman ang aabutin ko kung madadatnan ni mama na wala pang sinaing.

Sa kalagitnaan ng pagsasaing ko, biglang may kumatok kaya’t iniwan ko muna yun at sinilip yung butas sa gilid ng pintuan na malapit lang din sa bintana. Sinadya ko talagang butasan yung parteng yun, sa kadahilanang kung may kakatok sisilipin ko lang doon kasi baka mamamatay tao o masamang loob pala yun. Ayoko din namang sa bintana silipin kasi baka pagkabukas ko ng bintana eh baril, itak, o kutsilyo pala mabubungaran ko diba? Matalino pa naman o madiskarte ang mga masasamang loob sa panahong to.

Nakita ko na pinsan ko pala yung kumatok kaya lumapit na ako sa pinto at binuksan yun.

“Anong atin?” sabi ko agad.

“Punta tayo sa kaibigan ko, birthday nya. Samahan moko.” sabi nya.

At doon nagsink in sa utak ko yung birthday, at pagkain talaga pumasok sa utak ko kung kaya ay sumama ako sa kanya. Hinintay ko munang maluto yung kanin.

Nang dumaan ako sa covered court ng barangay namin, nakita ko doon yung kapatid ko.

“Woi uwi ka na, pagabi na.” sabi ko sa kapatid ko.

Nilingon naman ako neto.

“Saan ba ang punta ate?” usisa neto.

“Punta ako dun kela Jessy, birthday ng ate nya. Pakisabi nalang kay Mama.” paalam ko dito.

“Sige te.” agarang sagot nito sakin.

Nakita ko naman yung jowa ng pinsan ko kaya’t sumakay nalang ako sa motor nun. Syempre sa dulo ako, alangan namang ako yung nasa likod ng lalaki na yun eh hindi ako ang jowa. Saka he is redflag sakin no offense. Ayoko din sa ugali niyang basta... I have this feeling na maghihiwalay sila ng pinsan ko. Saka ayoko din talaga sa lambingan or mga kachuchuhan nilang mga myday at ganap nila sa mga comment section.

Hindi naman ako bitter but ayoko talaga sa takbo ng relationship nila alam nyo yun. Yung may parang something sa instinct ko na nagsasabing may mali.  Patago din sila minsan or sa dilim nagdidate like yuckkk hindi ko gusto ang setup na yun. Hindi sa judger ako but much better naman kung nagdidate sila yung in public or I mean yung makikita talaga ng tao. Yung maliwanag dapat, hindi yung sa isang sulok lang kayo tapos madilim pa. Pwede ding bumisita nalang ang lalaki sa bahay ng pinsan ko para naman mameet niya ang tita at tito ko.

They even like private ang profile picture sa Facebook, or parang ang lowkey lowkey tingnan. Di naman matching yung icons. Duhh kaemohan for that strikes again.

Sometimes we used to think that we are lowkey enough, tapos if something happened minyday mo naman or pinublicized yung dapat para sa inyong dalawa lang. Asan ang lowkey diyan?

People think that if they are lowkey, they are much like have that aesthetic vibes. Ang lowkey ay naglalie low lang sa madla hindi parte ng aesthetic trends my gosh.

In my own opinion lang, I prefer having a dark background rather than make something feels so ‘aesthetic’ without even knowing that it is a kind of art. They just focus on the trends, without knowing what really is it.

Nah, tapos they thought na ang lowkey nila? Good graciousness, ang ingay ingay nga sa Facebook tapos lowkey in a relationship daw? My source of laughter.

Ayoko din sa kadramahan nila sa Facebook. Na yung tipong pag-ooverthink na nga lang need pa talaga imyday like “nag-ooverthink ako”, “goodnight nalang kaysa maghintay sa reply na never dadating” like gurlll you need to do a private message naman. It is not for public if hindi siya nagreply whatsoever. At saka if nag-ooverthink ka pwede mo namang ishare sa jowa mo. Bat pa imyday? Such a not good example of proper usage of social media. NapakaOA.

Or I guess, siguro ganyan lang opinions or pagka disgusto ko sa way ng relationship nila kasi never ko pa palang naranasan. Ayoko, takot ko lang sa mga tsismosa sa lugar na to.

Kaya talaga hindi ako makakahanap ng jowa eh, kung may nagpaparamdam ay kinikilabutan talaga ako sa takot sa kung anong masabi ng ibang tao since I have so many CCTVs. Hindi naman ako artista or sikat talaga but knowing sa lugar na to. Ewan ko nalang kung baka malaman ko nalang na buntis na pala ako sa mata ng lahat.

Napapaikot nalang talaga mata ko habang nakisama sa kanila. Buti nalang at madilim dilim na kaya di ako makikita sa salamin ng motor. Much better na sana kung makita nung boy eh ng alam nya na di ko sya gusto para sa pinsan ko. Such a redflag, halata namang pinapatulan niya kalandian ng girl best friend nya.

Kita ko pa yung myday. Wala akong paki kung matatawag akong basher sa Buhay nila. Or I am just acting immature na naman ngayon? Nagsisimula na akong mainis sa pagmumukha nila kaya baka hindi ko na naman makontrol ang sarili ko na hindi sipain ang motor nito mamaya.

୨୧

HAPPY BIRTHDAY !CHEERS 19 YEARS OLD KA NA.”

“Happy birthday sis.”

Kabikabilang naririnig ako ang mga pagbati ng nga bisita sa birthday celebrant, I also say Happy birthday without mentioning her name or any endearment lol.

Kilala naman nya ako saka we are not that close. Classmate ko lang si Jessy which is kavibe ko din or kalaban ko sa pangbabara. Ayaw ko lang kasi talagang makipag-usap sa hindi ko kaibigan.

We ate of course, makapal nga lang talaga ang mukha ko kasi wala man lang akong dalang gift and even drinks buti nalang yung jowa ng pinsan ko may dala. Mas makapal mukha nya kung hindi siya magdadala, sampid lang naman sya. Hindi nga sya masyadong known sa family ng birthday celebrant.

Ang bitch ko talaga when it comes to people na you know yung mga di ko gusto kasi may something sa kanila na talagang ayoko talaga, kaya ayun lumalabas yung masamang ugali na meron ako really. Sarap magtaray.

Habang kumakain ako, pabebe naman yung pinsan ko. Tapos share pa sila ng plato ng jowa nya. What if kapag maghiwalay na sila tapos kapag naalala nila yung mga ganyang pinanggagawa nila tapos ginawa nila din sa mga bago nila? Ano yun “do you felt dejavu?” lang. Napailing nalang talaga ako.

“Dagdagan mo pa pagkain mo Dayang.” sabi ng jowa ng pinsan ko.

“Mamaya, may hiya kasi ako. Baka gusto mo pang dagdagan ng isang buong huta ng letchon yang pinggan mo at magpakabusot ka.” sabi ko.

May gana pa syang makisali sa pagtawag sakin ng nickname ko sa bahay. Hindi dahil sa legal sila pwede na niya akong tawagin sa nickname ko and that doesn’t mean belong na sya sa family namin. Cheater. Ako nga hindi masyadong close sa family ko tapos bidabidahan siya sa amin? Nakakairita talaga ang mga ganyang lalaking lumalandi sa mga pinsan ko na babae.

Ewan ko hindi ko nga magawang ngumiti sa kanya. Redflag sya sa mata ko.

Masisisi nyo ba ako kung puro nalang red flags ng tao napapansin ko? Ayoko sa redflag.

Pero kitang kita ang pagkadisgusto ko sa kanya, tiniis ko nalang na makipagplastikan nalang kasi kasali naman ako sa budget for foods pag ginagawa nila akong third wheel. Kahit sa paraan nalang na yun magsasuffer siya.

“Dianerra kain ka pa. Ano ba naman yang nasa pinggan mo ang ang konti konti nyan. Oh ito pa, huwag kang magrereklamo at kaibigan ko ang mama mo.” sabi nung nanay ng birthday celebrant tapos sya na naglagay ng kanin sakin. Lalagyan nya sana ng ulam ng..

“Ako na po sa ulam Tita, ako nalang po ang pipili yung hindi ko pa po natitikman kanina HAHAHAHAHH tikman ko nalang lahat.” sabi ko kaya’t tumawa naman ito.

“Yung mama mo ba? Pinapunta ko yun dito .” sabi ni Tita.

“Baka pupunta yun Tita, eh sa wala sa bahay yun kanina may meeting daw sila.” sagot ko naman habang hiniwa ko yung laman ng letchon.

Doon talaga sa ilalim kung saan may tahi yung kinuha ko na parte ng letchon. Basta sa parte sa parte na yun ang usto ko kasi malapit yun sa mga nilalagay na panlasa. Malalasap ko kasi yung timpla nya talaga pag yung sa parteng yun ako kukuha.

Lumabas naman galing kusina si Jessy tapos nakita ako kaya binati ako. Nag-usap din kami ng mga nakasanayan na namin gaya nang manlait sa ibang classmate namin. Ewan magkasundo kasi talaga kami when it comes to that.

Tapos nautusan pa kaming dalawa na buksan yung limang gin na The Bar tapos ilalagay sa pitsel na may ice. Kaya’t ginawa nalang namin. Gusto namin ang ganun. Nilagay naman namin doon sa isang maliit na mesa.

Nauuhaw pala yung barkada na girl ng birthday celebrant tapos sa kasamaang palad yung pitsel na may lamang gin ang nahagip ng mata nya. Akala nya tubig kaya’t nilagyan nya yung baso nya. Kami naman ni Jessy halos pabulong or tinatago lang namin yung tawa naman and inabangan pa namin yung reaction ng girl kung iinumin nya yun.

Pagkainom nya doon, biglang ngumiwi nalang sya.

“Sheyt akala ko tubig, ang ano sa lalamunan sheyt tubig.” saad neto kung kaya’t bumunghalit kami ng tawa ni Jessy.

Napailing nalang tuloy yung tatay ni Jessy dahil sa nangyare, tumawa din ang iba.

Nabilaukan pako habang tumatawa, akala ko nga nalunok ko ng buo yung isang piraso ng manok.

Pinalo palo naman ako ni Jessy, tanginang babae to di nya ba alam ang sakit ng palo nya.

“Isang palo mo pa, papaluin din kita ng doble.” saad ko.

Nauwi naman sa pagiging masaya yung gabing yun ng biglang sabi ni Jessy na nasa baba daw si Mama. Kung kaya ay bumaba din ako.

Pagkababa ko eto agad bumungad sakin.

“BAKIT HINDI KA NAGPAALAM SAKIN NA PUPUNTA KA PALA DITO? HINDI MO PA SINAMA ANG KAPATID MO.” bungad neto sakin.

Muntik nako lumubog sa pwesto ko kasi ang lakas ng boses nya buti nalang malakas yung tugtog sa loob.

“Mama naman, kaibigan mo naman yung nanay ng nagbirthday saka kilala mo naman si Jessy. Saka pakihinaan naman yung boses mo Ma. Nakakahiya.” sabi ko.

Nakakahiya naman kasi talaga kasi ang tanda ko na. 17 na ako pero ganun nalang makaasta si mama sakin na para bang eight years old palang ako or ano pa yan.

“Bakit kasi hindi mo isinama ang kapatid mo, siya lang mag-isa sa bahay. Saka hindi ka pa talaga nagpaalam sakin, ang kapal naman ng mukha mo ni ikaw nga hindi ka makakaimbita sa kanila sa tuwing kaarawan mo.” saad neto.

“Paano makakaimbinta ma? Eh hindi mo nga ako binibigyan ng handa ng mga ganyan.Saka wala tayong pera diba? Mahirap kasi ako, sobrang hirap.” sabi ko naman. Really nakakahiya na talaga. Bumaba na din si Jessy at tinapik balikat ko.

“Gumawa ka sana ng paraan ng magkapera ka at ng magkasilbi ka naman.” saad neto.

Masakit pero sanay naman ako sa mga ganyan. Natahimik ako at tiningnan ng masama yung kapatid ko sa likod ni Mama. Alam ko namang nagsasabi lang ng totoo ang kapatid ko kaya’d di ko din sya masisisi na pinaalam nya kay Mama kung saan ako.

“Ma, nagpaalam naman ako sayo noong isang araw diba? Nagkwentuhan pa nga tayo at sabi mo pa nga magdadala ka ng inumin. Saka sabi ni Tita inimbitahan ka naman niya ah.” sabi ko.

Natahimik naman ito tapos ng nakita kong papunta sa pwesto namin sa Tita.

“Oh andito ka na pala, tara doon sa loob. Kumain ka tapos mag-inuman tayo pagkatapos Mare.” sabi ni Tita.

“Wag mong pagalitan yang si Dian, invited naman yan saka nagpaalam naman daw sayo saka dito lang naman sa bahay eh wala namang mangyayareng masama diyan kasi matalino yan alam nya kung anong tama. Halika sa loob.” sabay hila nito kay mama. Pasimpleng kinindatan naman ako ni Tita.

Ngumiti naman si Mama at madivert nun yung attention nya na naipagsasalamat ko ng malaki. Sa tuwing ganyan siya mas gusto ko nalang na wala sakin yung attention nya. Nasanay na din akong hindi nakadepende kay Mama. Kasi kung ako lang mag-isa for sure kaya ko namang mabuhay kaso kung iisipin ko na may mga kapatid ako, yun na yung time na maiisip ko na need ko pa din pala talaga ng Mama.

“Iiyak ka ba?” tanong ni Jessy sakin na hindi ko alam na nasa tabi ko pa pala until now.

Nakatulala lang kasi ako.

“Ulol ka, bat ako iiyak? Gago HAHAHAHAHHA ” sabi ko.

“Akala ko iiyak ka eh, tatawanan talaga kita kung ganun.” Saad neto.

“Gaga mo. Tara na nga inuman nalang tayo. For sure ubos yung the bar kapag magpapaligsahan tayo.” Saad ko.

“May klase tayo bukas gaga.” saad nito.

“Oh eh ano naman? saka baliw ka pala eh. May pakialam ka pala sa klase akala ko wala kang pakialam?” patuyang tanong ko.

At nauwi na naman kami sa pambabara sa isa’t isa. I guess she really understand my situation but she choose to stay quiet saka we share the same vibes even though we are not friends kaya ipinagpasalamat ko na tahimik siya ukol sa nangyari kani-kanina lang. I feel better din sa simpleng gestures nya and words na nagpapatawa sakin.

Warning:
NOT FOR MINORS, READ AT YOUR OWN RISK. (If nabasa nyo to, that doesn’t mean you also need to drink, drink, and drink alcoholic beverages dahil lang sa sinulsulan ka ng barkada or kung sino man yan. You should drink responsibly and also responsible for your actions. Yes 17 years old si Dian but napasali na sya sa mga inom inom na yan, that doesn’t mean na basta minor bawal ang ganun. It is your choice naman, don’t depend your decision sa iba. And please don’t make such issues na tinotolerate ko yung inom inom na yan sa mga minors.  Sabi ko nga DRINK RESPONSIBLY.)

“LASING ka na Jessy? 3 shots palang naman yun ah.” tanong ko neto.

Bago palang kasi syang nakisaling uminom kasi naglaro pa ng ML.

“Oo mads, nahihilo ako. HAHAHA ” saad neto.

“Bakit mo kasi inimon yung The Bar tapos yung kinain mo naman para pang pulutan eh yung matamis na cake. Deserve mo yan HAHAHAH ang tanga mo sa part na cake ang ginawa mong pulutan” natatawang sabi ko neto.

Technique when it comes to magtagay, dapat yung pulutan ninyo ay hindi matamis. Mas madali lang malasing kung nag-iinom inom ka ng alcoholic pero matamis naman ginawa mong pulutan.

Ako naman, hindi ako lasing. I just felt the heat na dumadaloy papunta sa sikmura ko dahil sa ininom namin na The Bar. It is like a ladies drink since it is one of the fruit cocktails you know. Hindi naman yun totally nakakalasing ng sagad so I can say safe naman ako sa drink na yun . And also I have high percentage of alcohol tolerance. Tapos dinadaya pa ako ng iba Kasi palaging puno yung glass pag  nakalaan na sakin ang shot. Akala nila siguro sakin weak ha, well let’s see.

After minutes na tanging tagay lang ang ginawa namin ayun lasing na yung birthday celebrant at sobrang ingay na. Dinadaldal na nito yung jowa nyang respetado. Napailing nalang ito.

And yung jowa ng pinsan ko naman ayun lasing na din at nagiging malikot na ito kung makagalaw.

“Sa kwarto na ako mads, nahihilo na talaga ako. Matutulog na ako.” sabi ni Jessy kaya’t kinuha na sya nung babaeng di ko kilala pero sa paraan nang pagtitig nito kay Jessy ay mukhang may namamagitan sa dalawa.

Nalaman ko nalang na sumuka na pala si Jessy tapos doon pa sa kwarto nila. Natatawa nalang tuloy ako .

Tinuro naman ako ng ate ni Jessy which is the birthday celebrant.

“Oh bakit d-di ka fa lashing Diannn. Mash madami naman nalghay sha basho mo ah. NYAHAHAH wag kang maingay baby nuvah. NYAHAHAHAHA ” sabi neto.

Napailing iling nalang talaga ako the way kung paano sya magsalita. Ako naman pinagpawisan ako and inaantok but malinaw pa din yung diwa ko.

“Kahit dayain nyo pha shha tagay yang shii Dian matagal yan malashing, tipshiy nga lang yan nung birthday ni Kuya eh. Nashaabihan tuloy kami ni Kuya na kuhunng shino pa yung mash matanda yun pa yung weak.” sabi ng pinsan ko.

“Ashtig. Hihihi” sabi naman ng kabarkada nung celebrant. Napangiwi nalang ako sa kanila. Iba kasi sila malasing super yuckk .

Napalingon naman ako sa terasa, mag-inuman sila Mama doon. Which is okay lang naman sakin, alam naman nyan pano ikontrol sarili nya. Andun naman kapatid ko nakabantay.

Pumasok naman sa loob si Tita .

“Oh anyare sa mga yan?” Saad neto.

“Mga lasing na Tita. Yung iba pwede pa namang makauwi.” saad ko.

“Ikaw ba hindi ka lasing?” tanong neto.

“Not really naman Tita, saka pinagpawisan naman ako tapos nalabanan ko naman yung antok ko. Kaya naudlot yung pagiging lasing ko sana. HAHAHAH.” saad ko kaya’t tumawa ito ng mahina.

May mga umuwi, may mga doon naman matutulog sana kaso niremind ko na may klase pa bukas kaya hinatid nalang ng jowa nung ate ni Jessy yung mga lasing na talaga. Nalasing yung iba kasi pati Emperador ayun napagtripan na inumin. Okay naman kahit medyo hard yun since legal naman sila.

D ko lang talaga alam kung bakit lasing din yung iba eh same lang naman na the bar ininom namin. Mas madami pa nga nainom ko kasi nga dinaya yung sukat.

Nagsipag-uwian na halos lahat kaya’t umuwi na din kami kasama si Mama. Hindi naman nya ako nasermunan, aba binalutan ba naman sya ni Tita saka nag-enjoy naman sya doon. Bat pa nya ako sesermunan? Magpasalamat nalang kaya sya sakin noh.

Pagkauwi namin, tahimik naman na si Mama while chinarge ko phone ko. And milagro maaga siya natulog now siguro medyo lasing lang. Ako naman inopen ko cellphone ko kahit na nakacharge. Then open the WiFi. Soon if aabot na ng 2k yung perang iniipon ko, bibili na ako ng Globe at Home.

Nagreply lang ako ng mga important messages until di ko namamalayang nahulog nako sa kadiliman.

⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

Pasensya na sa typographical and grammatical errors. Tinatamad ako mag-edit as of now PowerPoint presentation ko nga na gagawin tinatamad na din ako. But I will reread this naman and checked if may mga super typographical errors na talaga s’ya. Under revision po ito. Thank you po. Anytime iiedit ko po ito.

I am trying my best talaga para mabigyan ng sense yung characters ko and I hope po na maunderstand n’yo po. Lalo na sa takbo ng utak na meron ang character ko sa edad na 17.

And also cheers to those roleplayers who handle thier account in a good way. Spread the act of maturity and not toxicity. This chapter si dedication to all of you.

Enjoy reading, enjoy puyat, enjoy studying, and enjoy mabuhay despite challenges people.

sheetsofmae

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top