Chapter 01

Dianneraaaa @diankissesmwa. 1h
  Why are you ranting ? Is it because I can slay the things you can’t? Girlll, you can do what you want without minding me not unless you want competition. Pardon me but my competitive side doesn’t want you.  Twitter for Android

@user24 retweeted your post
I knew it.she really has the audacity to rant? can I throw up?

@fiftybabe retweeted your post
a cup of issues everyone

I’ve seen many people who retweeted, commented, and like my post but I don’t care about them since there’s this someone who just got my nerve. The hell with her.

Tumayo ako’t lumabas ng comfort room without minding those people sa aking dinadaanan. They even have the confidence to whisper or I must say speak out loud ’bout my tweet. Why are they making it a big deal tho. It’s not even hate speech, racism what so ever.

As I enter the door and witnessed the depths of the corners inside this classroom, I’ve heard the whispers of the people and a mahinhin laugh coming from this nerd wannabe, ignorant, who keeps on bitching the hell out of her mind. I can’t help but to roll my eyes at umupo sa bakanteng upuan sa gilid.

As usual stares are stabbing on me like a cheap daggers. But who am I to make myself conscious about their gazes. And about my tweet? They don’t know who is the person that I am pertaining to. I’m throwing her the dirtiest garbage in case she pull out her pavictim card. Pwedeng matamaan ang lahat if they wanted to. Why? Supposedly the knife that I am holding is not for them but they thought that I can stab it to them without mercy. Of course I can, if the shoe fits. If it’s an offensive part of them then bonus nalang yun. Their thoughts is not mine for me to command. Ang pinatatamaan ko, ang babaitang nerd dito sa classroom. Nakakairitang pagmasdan.

Nagsuot na lang ng glasses, entitled na na matalino. Lol nasa malapit ng vagina n’ya inilagay ang phone n’ya tuwing quizzes. Tangina n’ya.

Talk about cheating tss.

“Sis, bar tayo mamaya?” anyaya ng kung sino man to.

“No.” I answered.

I usually say “No” to people whom I didn’t trust. Why? My trust issues is on its high level. Hindi ako basta bastang papayag nalang, mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon.

Everyone is capable to break our trust, and that trust can’t recover, heal, and totally bring back on its old state.Once it was broken, it even make some barriers.

“Sorry my dear, hindi ko bet magbar ngayon. Saka I can’t assure you na pwede ang next time. I need to be a good student for now.” explain ko.

Minor pa ata to pero nagbabar bar na. The audacity on its worst. But it’s their life, if they’re like that hindi naman ako ang magsusuffer sa possible consequences. I don’t want my youth to suffer for a possibility of teenage pregnancy.

“Akala ko susungitan moko ha. English ka pa naman makasabi if nagtataray ka.” patawang sabi nito.

Yes, that’s me. I maybe the mataray or the masungit type na babae, well I usually look like that if you’re the person who don’t really belong to some scenarios where I vibe with others. I’m not a pick me girl if someone wants to say that to me cause lol I hate boys.

“Oh no, hindi naman sa ganun.” sabay tawa ko.

I don’t know why but in school I always laugh. It's just, I really don’t focus on my problems. I act like I don’t have problems. I don’t want my problems be a hindrance or a frustrating case that can destroy my image in school since as an honor student, you’ll gonna have a downfall if you make your weaknesses obvious to them.

Too much facade, less judgement I guess. Reality hides wherein society makes it like nonsense even though they also the worst reality I can’t imagine.

We may look so rich with the culture they say, but we’re so poor in terms of spilling the facts and even outsiders think that we’re an ignorant and close minded about some issues that covered with the book full of lies. And that adapts everything. Merely a lie of truth.

⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

Grade 12 students, we all know the difference between qualitative research and quantitative research and by the way, always remember that the pronunciation of “tative” is “tey–tiv”. I always hear student pronounced it as “ta-tiv”. Aba grade 12 na kayo ha—” discuss ng teacher namin sa Practical Research 2.

Ako naman, I’m having chitchats with my seatmate. This kind of subject makes me want to sleep. Ninakaw ng subject na to ang ang oras na para sana sa tulog ko. That darn research paper.

Yung kabilang row, truth to be told is laging tumitingin samin na parang jinajudge nila kami. A typical high schooler behavior right? Well let’s see if being behave in a class we’ll make a better version of yourself huh.

“Kung may exam wag nyo takpan yung papel saka pahingi ng yellow pad.” pabulong na sabi ng katabi ko.

“HAHAHAHA manghihingi din sana ako ng yellow pad.” sabi ko din, not taking a glance to her since sa harap ako nakatingin.

Ng biglang tumingin sa akin si Ma’am kaya nagsmile din ako sa kanya even though nakawear ako ng mask lol what the fuck.

“Who can explain this statement?” tanong ni ma’am.

That’s why I look at her, but this people at the back want me to explain it. I’m sleepy with this subject can’t they feel it can’t they?

“Si Dian ma’am.”

“No.” reklamo ko since ako na lagi sumasagot kada discussion and this feels like nagmumukhang bida bida ako.

“Okay, stand up.”

So I have no choice. Napangiwi pa ako ng may naisip akong green sa sinabi niya. Holy shit.

“Just what the statement tells us that “Data gathering and analysis of results are done accurately, objectivity,and are unaffected by the researcher’s intuition and personal guesses .”  to make it clear, and for you to understand. Well for me,the datas he/she have and the results of every statement she/he have are in an objective manner. It’s pure facts , it doesn’t have some thoughts of the researcher, there’s no opinions on it and walang halong sariling ideya. Walang halong judgement. It’s not subjective. ” mahabang sagot ko.

“Correct.” sabi ng teacher ko na nauwi sa palakpakan ng lahat at well inalog alog ako ng katabi ko tapus sinabunutan pa ng nasa likod ko yung buhok ko kasi ang nice daw ng sagot ko. Nahihilo ako sa pinanggagawa nila.

These humans.

Nirevised ko lang yung statement, hindi yun literal na sagot.

Tuloy-tuloy lang discussions and pati sa mga next next subjects. Then lunch come. And as usual, I stand up then go to adviser’s table since it’s our instant dining table. Our adviser takes her lunch in the faculty so we don’t need to worry and besides she knows that we are eating on her table.

We share foods, I mean the ulam. But I’m the one na unang kumuha or sumandok since I'm I have hygiene issues about saliva. Then after that, talk about some random things and laugh like there’s no tomorrow.

It’s just so good laughing without minding the problems and negativies.

“Patsismis naman kami te dun sa tweet mo. You really are brave. Who was that anyway?” patanong na may halong compliment na sabi ng isang girl na kaklase ko.

Sa utak ko, umiikot mata ko. Why? She is such a plastic person, why did she have the guts to join us eating our lunch then make compliments on me? Or ask me casually? Like duhh we’re not even close.

And girl pet peeve kita.

I’m kind when you’re not that polluted and if you’re not the pollution I always hate.

“Well ganun naman talaga pag ano gusto mong sakalin ng katalinohan ang taong pet peeve mo.” patawang saad ko.

She stared on me ng palihim, and the way she stared was like it’s full of plasticity and insecurities. That’s why I stared at her doubled thrice as the way she looked at me.

“E-excuse me bili lang ako tubig.” paiwas neto.

“Okay, ingat ingat baka malunod.” pagpapamaalam ko doon. Kaya’t dali dali itong umalis. I even laugh hard for the reason that may dala dala pa syang mineral water sa kamay tapos bibili daw siya ng tubig? Nagtataka tuloy mga kasama namin. They even think na baka masaya lang talaga ako for today.

“Bat ka tumawa?” ask ng katabi ko.

“Hmm, a secret.”sabi ko.

We talked about some random things then laugh, I don’t know but it’s a habit of mine na tatawa lang sa classroom tapos daldal lang ng daldal cause merong freedom ang campus, na wala sa bahay. Why would I even laugh inside our house. Wala namang masayang nangyayari sa loob nun.

“Course na kukunin mo madam?” ask ng katabi ko ulit.

Ghad people, interviewer ba to? Kanina pa siya ha. Hindi ako artista. But as usual sinagot ko naman with all due respect. And I can’t stand myself to shut up, I need to it to maintain the image I need to face just to act firm, dominant, and brave. I don’t care kung maninira ang lahat, as long as I won’t stumble.

“Well it’s undecided. Want ko magtourism but knowing my height, it will never be suited talaga sa course na yun. You know naman——”daldal ko.

Nauwi sa ibang topic yung daldalan namin. And that’s one of my classroom routine.

⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯
Warning: Emotional things that can trigger you.Read at your own risk.

12:25 A.M

I’M busy scrolling down my feed while chilling with some songs on my Spotify podcasts. It’s countdown of Billboard top 20 hits.

In a sudden change of minutes unto the rounded clock that can be seen on the wall of my room, I suddenly think about how can I make myself totally happy, what really is happiness?

My hand started to shake, and I was like “Ano na naman to”. Mapapansin ko talaga kasi nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang phone ko. But if hindi ko naman hahawakan yung phone ko, di naman siya halata.

This creeps me out sometimes. It usually happened to me everytime I feel like it’s not crowded.

After na nangyari yung panginginig ng kamay ko, tinry kong hawakan ang mukha ko and shit why there are tears?

After knowing na may luha sa mukha ko, then that’s the time that I burst out with silence. I don’t know, masyadong masama ang pakiramdam ko na parang hinahalukay lahat ng sama ng loob, mga masakit na pakiramdam, at kalungkutan sa buong sistema ko.

But I really don’t know the reason why I felt something like this, why I shed some tears.

The sudden thought where i’m out of nowhere or if it’s not crowded, naging ganito ako usually in random times.

After a long day in the campus, I became this lonely in my room of this house.

Pinaypayan ko yung mukha  ko gamit ang kamay ko at pabulong na nagsasabing “Dianerra you need to calm down at times like this, heal yourself. Heal.” at nagbihis ng maluwag na damit kasi pakiramdam ko masasakal ako, hindi ko alam kung bakit. Pero parang masasakal talaga ako kapag nangyayare ito sakin.

Lots of emotions are mixed inside my system but sadness are at topmost level. My mind keeps on asking questions that I can’t understand and many thoughts are at hurry.

And the clear one was too confusing.

I always have this thoughts about extrovert and introvert. There are times na I think not talking to people will give me a calm place like I need to be introvert in some ways, and there are times na being in a crowded place will make me in a sane manner to hide the sadness. I need to observe people to be okay, and ignore the thoughts that keeps on talking inside my head telling me to “stop being alive so that you can be at peace, you can achieve happiness if you’re died.”. I need to avoid that thoughts cause it’s killing me.

Yes, I always tell them that I’m ambivert cause for me it a fact that can’t change. I always know the right adjustment of scenarios I face.

Extroversion siguro ang defense mechanism ko sa mental breakdown. Being an extrovert for me is good but it makes me feel pressured. Peer pressure is the reason why being extrovert is  a problematic case for me.

They say that an extrovert doesn’t keep problems on their own, well for me I disagree with that statement. I suffer for too much stress at our house, but I didn’t bring that sufferings to school just to damage those people around me. Instead we keep that in silence, only those daldalans, tsismis ang binibring up ko. But those emotional stress, that’s the secret I will never share.

And being not into crowded places is too much for me, I suddenly feel lonely. I suddenly feel the darkness I bring everytime. In every speech I let go in my mouth, I’ve always think multiple times. I speak with logics when I feel like no one can understand me because people’s mindset nowadays are like “Madaldal yan, sociable kaya’t scripted yang sumasadgirl(boy) kenemi nila. Naku.” and also ginagawa nila lahat na literal yung mga bagay na para sa atin ay logic.

Is it just me? I sometimes posted logic statement in able to keep or hide those sadness I can’t tell in direct. The mask I’m wearing is what they saw. But when I’m alone, emotional breakdowns and mental breakdown is what I’ve faced.

Seems like I’m always in the spotlight, yes but somehow I love darkness more.

I pray then inhale and exhale, and make my mind in darkness, without thoughts who runs on it. Only blankness are present. No happiness, no another emotions. Only void.

Then I continued scrolling down, then I stop and blink my eyes cause someone who retweeted my tweet caught my attention. I raise my one brow while reading his caption.

ToughF. @tough00. 2h
Pacopypaste ako po. dagdag collection sa clipboards 🍆

I suddenly became curious. Natawa ako sa talong na emoji kaya’t medyo gumaan pakiramdam ko.

I comment down nalang ng “sige lang but para saan yung eggplant sir?”

After ilang seconds lang is nagreply sya ng “@diankissesmwa uy hala nanotice moko ma’am. Talong for health ma’am pero hilaw mga 60 ang kilo.”

This man knows marketing in Twitter. I only know Facebook Marketplace tho. But he’s somewhat funny for me.

@tough00 are you a tindero sir? actually it’s not related to my post ho yung eggplant. You can sale your veges in another tweets po ha.

ToughF replied @diankissesmwa naghahanapbuhay lang naman po ako ma’am, do you want 🧅 nalang? It’s good for people who wants to cry pero walang luhang tumutulo.

How come na parang alam nito na nahihirapan ako ngayon. That I’m having a hard time.

I replied “thank you but money can’t buy my tears. onions can be a coping mechanism kaso i don’t want to be dependent just for the sake of my mental health.” 

I did not know that his reply gave me comfort and my trembling hands started to calm.

I don’t need everyones comfort kasi nagmumukha akong mahina.

Well another part of me is thankful because he makes me divert my attention towards another thoughts.

Then I opened my Facebook account, well I’m not that noisy on this platform. I only post some things they never understand. I didn’t do shared post cause it makes my timeline so disturbing. I even hide my reacts cause when people saw that I’ve got hundred reacts in post and thousands in pictures, they will think that I’ve got that boosted whatsoever.

Toxicity nga naman.

I checked my messages then it was like a disaster. Too many to reply. But only those important things are my priority.

After checking my socmed accounts. I make myself ready to sleep again. Kasi mahirap matulog kapag galing kang breakdown. Kung gusto mo mang matulog, iisipin ko na namang sana di na ako gigising para naman maging payapa na ako.

Then I now drowned into slumber.

⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯

HOY ano na ,gising na kayo at aba’y klase na. Papalamig na yung mainit na tubig. Ayan kakapuyat nyo yan kakacellphone. Blah blah blah——”

Naalimpungatan ako ng marinig ko yung ratrat na yun, as usual si Mama yun. Ano pa bang bago? Lagi naman siyang ganyan. Sa unang sermon okay lang, tanggap ko pero hindi na yan titigil kakasermon hanggat di kami makakaalis. Minsan insulto na yung mga salita na para sakin ay nakakasakit na sa utak. Sa totoo lang. Oo siya yung Mama pero sana walang insulto kaya nalang ng “palamunin, puro aral pero tamad sa bahay, kung gaano katalino sa paaralan ganun kabobo dito sa bahay.”

Kaya nakakawalang gana tumira sa bahay na puro ganyan maririnig mo. Ako na yung naaawa sa mga kapatid ko. Ako nga na panganay ay nakaramdam ng mga kung ano ano kada gabi, sila pa ba na alam kong kinikimkim din nila yun. Di na ako magtataka kung bakit introvert at sobrang shy ng kapatid ko, sa insulto palang na galing sa bahay na to, nakakababa na ng sarili.

Soon my sibling will be fine as long as nandito pa ako. Sila lang naman yung dahilan kung bakit gusto kong mabuhay.

Hindi ko din maiwasang hindi sagutin si Mama kaya nauuwi kami sa sagutan. Oo masamang anak na ako kung ganun, pero bakit ba. Wala na bang karapatang magbahagi ng side yung tao kasi nga “anak lang” . Akala ko kasi sa pamilya may sharing, pero ang seselfish at mapride na pala kadalasan ngayon.

Naiiintindihan ko si Mama pero sadyang hindi niya ako maiiintindihan kasi sobrang sarado na ng utak nya.

“Mama naman, may exam kami ngayon ma. Nakakagutom yun. Tapos wala pa akong ulam at snack.” sabi ko.

“Noon, wala din akong snack pero hindi ako nanghihingi. Ang kapal kapal ng pagmumukha ninyong lahat, nagpapakasarap ka ng pagkain na parang ang yaman yaman mo sa eskwelahan.” sermon nya.

“Iba kasi noon ma, noon sobrang mura at walang nangbubully. Eh ngayon sobrang dami.” sagot ko.

“Nangangatwiran ka pa, nagfefeeling mayaman ka lang sa paaralan kaya ka ganyan. Yang bag mo nga, 300 pesos yan ang mahal blah blah blah”

Sinabihan ko naman syang wag bibili kasi mahal, kaso binili nya kasi may mga taong nakatingin.

Hindi ko talaga kasi magets bakit lagi niya akong sinasabihan na nagpapafeeling mayaman ako sa school.

Senior high ako, 20 baon na ibinibigay nya sakin,minsan 5 at 10 pesos. Kasya ba yun eh ang mahal mahal ng paninda. Tumaas pa nga ang inflation rate ng Pilipinas. Tapos kung magdadala ako ng ng ulam, ano nalang? Pancit canton na sinabawan para madami tingnan?

Kaya nahihiya mga kapatid kong kumain sa room dahil sa ulam na ganun. Pasikretong kumukha ng pangpakain ng mga alagang hayop sa karatig nayon ang mga kapatid ko para lang may baon at hindi manghingi kay. Minsan bibigyan pa ako at kinikeep ko lang. Nilalagay ko sa savings account just in case.

Oo I’m not mayaman, mukha lang akong mayaman kasi marunong akong makihalubilo sa mga mayayaman and the way how I talk.

Sobrang layo ng yaman sa buhay ko, sirang sira na din lahat ng efforts ko sa buhay.

Pero hindi ko alam kung sadyang masokista ako kasi habang tumatagal immune na immune na ako sa mga masasakit na salitang tumatagos sa utak ko.

Umalis ako sa bahay, sinuot ko yung bucket hat ko. As usual, bucket hat can hide my tears. Everytime na gustong gusto ng lumabas ng luha ko, bucket hat yung karamay ko. Wala din akong masharean ng problems kasi I don’t really have friends kahit na sociable ako. I don’t trust anyone.

Pinigilan kong umiyak habang naglalakad ako. Naglalakad lang ako, walang pangpamasahe sa jeep eh. It’s not about ang arte arte ko kaya di ako sumasakay sa jeep. Kadalasan kasi na sabi ng iba, ang arte ko daw kaya ayaw ko sumakay pag inaaya ako ng mga classmates ko.

My ghad, wala lang akong pangpamasahe kasi tinitipid ko ang kakarampot na baon na bigay ng mama ko.

Pagkadating ko sa harapan ng gate for senior high department, tinanggal ko ang bucket hat ko, nilagay sa bag. And I fix my outfit which is oversized white t-shirt and black leggings with grayish shoes.

I wear a smile on my face. I didn’t mind my hair na magulo since basa pa. For sure aayusin naman ng mga fashionistang classmates yung hair ko.

I walked confidently then as usual there are people who greets me a good morning sakin and as I smile back without greeting them. Too much to speak, saka na pagkaabot sa room.

This is my coping mechanism people. I don’t want them to know me personally.

Pagkaabot sa room, pumasok ako sa exit kasi pakialam ko. Gusto ko lang dumaan doon at maiwasan lahat ng tao ngayong badtrip ako at pinaghahandaan ang pagsishift ko ng mood pagkapasok sa room. See, I easily shift my mood pag nasa school ako. I need to block every inch of memories na galing sa bahay  As much as I do, hinaharangan ko yun to make my school life memorable.

“HOY WE HAVE ASSIGNMENT BA? SABI NILA MAY EXAM DAW, SAANG SUBJECT MGA MADAM? GOOD MORNINGGGGG” pambungad ko na sabi.

“At dumating na ang bubulabog sa tahimik kong mundo.” naiiling na sabi ng nasa likod ko na si Lyn.

“I’m just asking lang naman at para alam ng tao na buhay pa ako despite of the source ng pollution na nakita ko na naman ngayon .” sabi ko sabay tawa saka umupo na. Well she hears me did she?

Kinuha ko yung phone ko sa bag saka yung katabi ko naman ayun gusto na naman akong daldalin.

“May ibibigay ako sayo sis.” sabi ni Arch, ang baklang katabi ko.

“Ano yun?” tanong ko.

Pinakita nya laman ng bag nya, junk foods.

“Para sayo yan, for sure pancit na naman gagawin mong snack.” sabi nito. She really likes giving me food kasi marunong daw akong magthank you and I can appreciate small things.

Kaya go, tatanggi pa ba ako. Kinuha ko sabay thank you sa kanya, at tumawa muntik ko pa syang masampal kaya umilag agad.

Magiging habit ko na na manampal nalang bigla and siya ang palagi kong nabibiktima kaya iilag nalang talaga siya bigla.

Napapailing nalang talaga si Aica na katabi ko din, she like girls.

I open my phone and click the gallery button for I don’t have signal so I can’t open my social media accounts.

After ilang minutes, pumasok yung adviser namin, then her comes my school routines again by means of being active in oral discussions cause I always believe that being academically active can make me known.Without my excellent academic performance, I am nothing.

“Bibili kayo ulam? Wala akong ulam eh, pwede pautang?” tanong ko.

“Share nalang tayo ng ulam mhie, madami akong ulam na dala. Bigyan kita mhie.” sabi naman ng isang karow ko. She has a voluptuous body and she’s Belle. She really is pretty.

My rowmates and I have a good relationship that’s why I can’t blame them if they want to share foods.

“Hala nakakahiya naman, pero dahil bawal tumanggi sa grasya ay kukuha talaga ako.” sabi ko. And tumawa din sya.

“Kayo? Ayaw nyokong bigyan? Or wala din kayong ulam? Kung wala, manghingi din kayo sa babaeng to, ubusin nyo na din.” sabi ko na nauwi sa tawanan nila.

The energy i’m giving was been reciprocated that’s why I’m quietly satisfied.

“Ang kapal naman ng pagmumukha mo beb.” Lyn this rich brat.

“Matagal na, makapal nga din ata itong kamay ko at gusto kang sampalin.” sabi ko din.

Instead of getting offended, tumawa yung mga karow ko na parang mga sabog. As usual.

“Kahit kailan talaga Dian eh noh, may maisasagot ka. Paseminar ako.” sabi ng nasa harap ko which is sya si Janna.

“Sige ba, pero may bayad sis, need ko maging practical kasi pera pera na ngayon.” agaran kong sabi.

“TAMA BEHAVIOR MHIE, SHAREAN MOKO SA BAYAD HAHAHAHAHHAHH.” Sigaw naman ng babaeng nasa gilid ng seatmate ko, the Cassy girl. She’s loud and I like her practicality.

“Hala ka, walang share share ngayon saka nakakarami ka na sa share. Look mo nga, ubos na yellow pad ni bakla dahil sayo tapos ako na naman nakita mo HAHAHAHAHH.” sabi ko.

“Sorry na, wag ka ng magselos okay.” biro nitong saad kaya’t game naman akong sabayan siya.

“Nagtatampo ako pero dahil nagsorry ka deserve mo ng I love you with kiss.” pabirong himutok ko din.

“Labyutu. Mwa.” sabi neto pabalik sakin.

“Yakkk, rated 18 spg SPG alert.” sabi naman ng antokin ko na classmate na si Maria na nasa row din namin.

“Ang sagwa ninyo tingnan, kadiri.”

“Aba at gising ka na pala ngayon? Pwede ka nang humimlay ulit mhie.” sabi ko.

Kaya’t tawang tawa na naman sila kahit di naman ako natatawa. Ano ba kasing nakakatawa doon?

Nauwi sa daldalan at asaran lahat lahat kasi baka bored lang dahil lumayas ang teacher nila dahil may meeting ata sa faculty.

Well, stares that comes sa another row is full of judgment. A typical high school behavior. Well why they are serious kasi, tapos parang kami pa yung problems nila? Bahala sila sa buhay nila. Pambata ugali, well ako din naman. Why would I deny it. I need to act like my age.

Umabot sa time na uwian na tapos sa kasamaang palad umulan naman. Nakakainis.

I don’t have a choice but to drop my notebooks on my armchair. Iiwan ko nalang ang nga gamit na to dito. My classmates did the same thing. But the problem is, how can we prevent our bags na mabasa?

Good thing the girl of silence on our class which is Farah brought her umbrella, maybe Jessy and her can share that pero sila nalang ang nagdadala sa mga bags namin. They’re close so it’s a must.

I mean they can share the umbrella cause they’re close. Sa magkaparehong kalye din naman kami nakatira so we don’t need to worry about our bags.

“Abuso na kayo sa may payong ha, bigat bigat kaya ng bag ninyo .” ani Jessy

“Wag kang reklamador, deserve mo yan te. Nakikishare ka lang din naman ng payong eh pagtiisan mo nalang muna ang mga magaganda naming bag.” sabi ni Cassie.

“No choice ako kundi dalhin nalang ang nga to. Ayaw ko ngang maligo sa ulan, baka sipunon ako no. Saka dian ang bigat bugat ng bag mo, may baril ba to?” sabi neto.

“Luhhh anong mabigat? FYI phone, charger, liptint, salamin, ballpen, at walang laman na baon lang laman ng bag ko ha. ”angal ko.

“Inisa isa mo pa talaga lahat.” Cassie

“Well,ako lang kasi to HAHAHAHAHHA.” tawa ko.

Masaya kaming naglalakad pauwi, ubos na mga pera nila tapos punuan pa sa mga jeep kaya naglalakad nalang din sila. Okay lang mabasa ng ulan, importante masaya daw.

And that’s me together with those people, they’re good sakin but who knows?  And also they have trust issues din. They told me about it kaya siguro we share the same vibes.

We don’t mind having friends, as long as you’re true then we’re okay, but we’re not friends.

⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯
Thank you for reading everyone.

Note that the POV of the female lead relates to how she acts as a senior high schooler. I have few reminders if you find this chapter cringe that leads you to think that this story was a pure nonsensical.

She may act immature on these first three chapters but that is really a reality to have behavioral and mental character development. Thank you for bearing this story as it reflects the emotional aspects of reality towards having a unaffectionate family, complicated social intelligence, and a progress of someone’s growth.

sheetsofmae

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top